You are on page 1of 21

Paaralan: MANGA INTEGRATED SCHOOL Baitang: GRADE 10

Guro: ROCHE MAE P. QUITORAS Asignatura: ARAL.PAN 10


Petsa at Oras: LINGGO 4 – ARAW 1 Markahan: IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay may pag- unawa sa mga epekto ng mga


A. Pamantayang
isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
Pangnilalaman
maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga
makabuluhan atmalikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang code Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
ng bawat kasanayan) 1. Nasusuri ang kaalaman sa diskriminasyon sa lalaki, babae at LGBT
2. Nakilala ang iba’t ibang kilalang personalidad na lalaki, babae at LGBT
3. Napapahalagahan ang gampanin sa diskriminasyon ng lalaki, babae at LGBT.

AP10IKL-IIId-6
II. NILALAMAN

A. Paksang Aralin Aralin 2 – Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Paksa: Iba’t Ibang Personalidad sa likod ng Diskriminasyon
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Kontemporaryong Isyu ( Manwal ng guro ) pahina 262-270
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313
Pangmag-aaral

3. Mga Pahina ng Teksbuk Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng LR

B. Iba pang Kagamitang Panturo https://www.youtube.com/watch?v=_jELOD5BJUc

Mga Inaasahang Sagot/ Gawain ng mga Mag-


IV. PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro
aaral
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
Nagtatanong ang guro tungkol sa nakaraang
at/o pagsisimula ng bagong
leksiyon. Ang ating nakarang leksiyon ay tungkol sa
aralin
Sino ang makapagbigay sa kahulugan ng diskriminasyon. Ang diskriminasyon ay ang
salitang diskri-minasyon? anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay
sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat
ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.

Ang guro ay magtatanong sa mag-aaral sa (mga posibilidad na sagot ng mag-aaral)


mga sumusunod na katanungan:
1. Sino- sino ang mga personalidad Ang mga personalidad na kinilala ko sa kanilang
na kinilala ninyo sa larangan? larangan ay sina Charo Santos, William
B. Paghahabi sa layunin ng Shakespeare,at Boy Abunda
aralin
2. Anu-ano ang mga nagawa nila Sila yong mga personalid na artista, manunulat
bilang isang personalidad? (writer) at host ng isang Tv show.

Tama!
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Batay sa naibahagi sa klase, ang kasarian Hindi, sapagkat ang "gender" ay isang katangian
ba ay batayan sa trabahong papasukan? na madaling makita (magamit) para maihiwalay
ang mga lalaki at babae.
Ayon sa pag-aaral , ang babae ay para sa mga
kabahayang trabaho; ang lalaki naman ay para sa
mabibigat na gawain.Kaya hindi limitado ang
potential nila sapagkat ang bawat tao ay kakaiba

87
ang katangian kakayahan at lakas, depende
lamang sa aspekto ng kanilang gawain.

Tumpak! Napakahusay!
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Upang higit ninyong maiintin-dihan ang mga
bagong kasanayan #1 paksang tatalakayin natin ngayon, may mga Opo.
lawaran akong ipapakita sa inyo. (gamit ang
power point presentation) Handa na ba kayo?

GERALDINE ROMAN (transgender) Kauna-


unahang transgender na miymebro ng
Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan
ng Bataan. Siya ang pangunahing
tagapagsulong ng Anti-Discrimation Bill sa
Kongreso.

ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista,


manunulat, stand-up comedian at host ng isa
sa pinakamatagumpay na talk- show sa
Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”.

ANDERSON COOPER (gay) Isang


mamamahayag at tinawag ng New York Time
na “The most prominent open gay on
American television.” Nakilala si Cooper sa
Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief
operations noong bagyong Yolanda noong
2013. Kilala siya bilang host at reporter ng
Cable News Network o CNN.

88
PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief
Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang
online fashion retailer na may sangay sa
Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the
Philippines, Hong Kong, at Taiwan.

MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair,


Presidente, at CEO ng Lockheed Martin
Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
armas pandigma at panseguridad, at iba
pang mga makabagong teknolohiya. Sa
mahigit 30 taon niyang pananatili sa
kompanya, naitalaga siya sa iba’t ibang
matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative
sa Amerika.

DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa


kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat,
at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag
ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo
ng mga miyembro ng LGBT.

Mahalaga ang kanilang gampanin sa


Gaano ka halaga ang kanilang gampanin sa diskriminasyon dahil sila ay naging inspirasyon sa
diskriminasyon ng lalaki, babae at LGBT? mga tao at ipinapakita nila na hindi hadlang ang
kasarian na maging matagumpay ang isang tao,
lalaki, babae at LGBT ka man.

Magaling!

(pangkatang gawain)
E. Pagtalakay ng bagong
Matapos ipakilala ang ilang LGBT na
konsepto at paglalahad ng
naging matagumpay sa kanilang napiling
bagong kasanayan #2
larangan, hataiin sa tatlong (3) pangkat ang
klase at bibigyan ng limang minuto upang
mag brainstorm, matapos ito ay pipili ng isa

89
na mag-uulat sa harap.
Para sa gawaing ito, gagamit ang bawat
pangkat ng meta cards na ididikit sa
modelong mapipili ng bawat pangkat. Isusulat
lamang ng mga miyembro ng bawat pangkat
ang mga trabahong sa tingin nila ay angkop
sa napili o naitalagang paksa.

(Iuulat ng lider ng grupo ang napagkasasunduang


sagot sa loob ng tatlong minuto.)

Pangkat A. LGBT
(mga posibilidad na sagot ng mga-aaral)

Pangkat A. LGBT
Pangkat B. Babae inhenyero, guro, doctor, nars, abogado,
artista,pulis, sundalo,

Pangkat B.
Pangkat C. Lalaki guro, inhenyero, doctor, nars, pulis,
sundalo,artista, modista, manunulat,

Pangkat C.
Boksingero, guro, doctor, nars, mekaniko,pulis,
sundalo , abogado, pari,artista,
Hayaan ang mga mga-aaral na ilahad at inhenyero,sastre,manu-nulat, piloto.
ipaliwanag sa klase sa kanilang malikhaing
pamama-raan gamit ang gabay na rubrics:

Krayterya:

1. Nilalaman 20
2. Pagkamalikhain 15

3. Kaugnayan sa paksa 15

4. Pamamahala sa oras 10

Kabuuan 60 Puntos
Pagkatapos ng oras na ibinigay ng guro,
hahayaan ang mga mga-aaral na ipaliwanag
ang bawat gawain na ibinigay sa kanila.

Batay sa inyong mga gawain:

May mga trabaho bang katulad din sa


trabahong naisulat ng ibang pangkat? Bakit
may mga pagkakatulad?May mga trabaho
bang wala sa ibang pangkat? Ipaliwanag.

(posibilidad na sagot ng mag-aaral)

Oo may mga trabahong katulad din sa ibang


May kilala ka bang miyembro ng LGBT na pangkat gaya ng abogado, doctor,nars, guro at
matagumpay sa larangang kanilang napili? inhenyero. Dahil sa mga trabahong ito ay walang
kasariang pinipili. At may trabaho namang wala sa
ibang pangkat gaya ng mekaniko, pari, piloto at
boksingero dahil ang ilang pangkat lamang ang
pwede magtrabaho nito.
Magaling! Oo, gaya ni TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple
Sino pa? Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
Apple products. Bago mapunta sa Apple
Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at
IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa
Tama! computers.
May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa Charice Pempengco isang pilipinang mang-aawit
larangang itinuturing para sa mga babae? na nakilala hindi lamang sa isang bansa maging
sa ibang panig ng mundo.
Mahusay! Sino pa?
Augustus Damian ay kilala sa larangan ng baley.

90
Isang klasikong sayaw mahigpit ang pagsasanay
sa pagbabaley.
May kilala ka bang babae na matagumpay sa
larangang itinuring na para sa mga lalaki? Paolo Roldan ay isang Pilipino sikat sa
International bilang isang modelo.
Meron pa ba?

Capt. Broke Castillo kauna-unahang pinay na


piloto.

Charo Santos Consio matagumpay na artista sa


pelikula at telebisyon. Nakilala siya sa longest-
running TV drama anthology Maalaala Mo Kaya
simula pa noong 1991. Siya ay naging president at
CEO ng ABS CBN Corporation noong 2008-2015.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Tahimik na nanonod ang mga mag-aaral sa video
paksang ating natatalakay ngayon panoorin presentation.
ang video na nagpapakita ng diskriminasyon
F. Paglinang sa kabihasaan
ng ating lipunan sa mga miyembro ng LGBT.
“ Eh Ano kung bakla ako”
https://www.youtube.com/watch?
v=_jELOD5BJUc

Sa panahon natin ngayon, talamak ang


usapan tungkol sa LGBT kung saan sila ay
nakakaranas ng diskrimi-nasyon.Ang
matinding depresi-yon dahil sa mga taong
nang huhusga, matinding kalungkutan dahil
sa pakiramdam na walang tumatanggap sa
kanila. Kaya upang makatulong tayo sa
G. Paglalapat ng aralin sa pang-
kanila, pakitaan natin sila ng respeto at
araw-araw na buhay
pagmamahal ng sa ganun mararamdaman
nila na may karamay sila.
Mga mag-aaral, irespeto ba ninyo ang mga
LGBT?

Opo. Dahil pareho lang tayong mga tao na


nilalang sa mundong ito na minamahal ng
panginoon.

Bilang isang mag-aaral, paano mo Bilang mag-aaral, maisasakatupran ko ang


maisasakatuparan ang diskriminasyon ng diskrimiasyon sa lalaki, babae, at LGBT sa
H. Paglalahat ng Aralin lalaki, babae at LGBT? pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa
kanilang kasarian , pagmamahal ,pagtulong at
hindi panghuhusga sa kanila.

I. Pagtataya ng Aralin
Maikling pagsusulit:
Kumuha ng 1/4 pirasong papel at sagutin ang
mga sumusunod
_________1. Siya ang CEO ng Apple Inc. na
gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
Apple products.
_________2. Isang propesor sa kilalang
pamantasan, kolumnista, manunulat, at
mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng
Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng
mga miyembro ng LGBT.
_________3.Siya ay kauna-unahang
transgender na miymebro ng Kongreso. Siya
ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya
ang pangunahing taga-pagsulong ng
AntiDiscrimation bill sa Kongreso

_________4. Siya Chief Executive Officer ng


ZALORA, isang kilalang online fashion
retailer na may sangay sa ingapore,
Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines,
Hong Kong, at Taiwan.
91
_________5. Chair, Presidente, at CEO ng
Lockheed Martin Corporation, na kilala sa
paggawa ng mga armas pandigma at
panseguridad, at iba pang mga makabagong
teknolohiya.

Kayo ay bibigyan ng pagkakataong


makipanayam sa ilang tao upang alamin ang
kanilang opinyon at saloobin sa mga
J. Karagdagang gawain para sa
karapatan ng mga LGBT. Matapos ang
takdang-aralin at remediation
panayam, ibahagi ang resulta sa inyong
pangkat. Ang mga ito ay binubuo ng mga
babae, lalaki, LGBT, lider ng relihiyon,
negosyante, at opisyal ng barangay.

V. MGA TALA Ipagpapatuloy ang talakayan sa susunod na tagpo.

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aral na


nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano na ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ang aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

92
Paaralan: MANGA INTEGRATED SCHOOL Baitang: GRADE 10
Guro: ROCHE MAE P. QUITORAS Asignatura: ARAL.PAN 10
Petsa at Oras: LINGGO 4 - ARAW 2 Markahan: IKATLONG MARKAHAN

II. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay may pag- unawa sa mga epekto ng mga


D. Pamantayang
isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
Pangnilalaman
maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga


E. Pamantayan sa Pagganap makabuluhan atmalikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


F. Mga Kasanayan sa
4. Natutukoy ang kahulugan ng diskriminasyon.
Pagkatuto (Isulat ang code
5. Maibabahagi ang iba’t ibang anyo ng diskriminasyon.
ng bawat kasanayan)
AP10IKL-IIId-6
II. NILALAMAN

B. Paksang Aralin Aralin 2 – Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Paksa: Diskriminasyon
IV. KAGAMITANG PANTURO
C. Sanggunian
5. Mga Pahina sa Gabay ng
Kontemporaryong Isyu ( Manwal ng guro ) pahina 262-270
Guro
6. Mga Pahina sa Kagamitang
Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313
Pangmag-aaral
Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313
7. Mga Pahina ng Teksbuk

8. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng LR

D. Iba pang Kagamitang Panturo https://www.youtube.com/watch?v=JbpYwnEZai0

Mga Inaasahang Sagot/ Gawain ng mga Mag-


IV. PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro
aaral

BALITAAN: Nagbibigay ng sagot ang mag-aaral batay sa


K. Balik-Aral sa nakaraang aralin Mga mag-aaral, ano kaya ang napapanahong kanilang napapanood na balita.
at/o pagsisimula ng bagong balita ngayon na may kinalaman sa
aralin diskriminasyon ?

L. Paghahabi sa layunin ng
aralin Bago tayo magsisimula sa ating klase
ngayon, hahatiin ko kayo ng dalawang
grupo.May larawan akong ipapakita sa inyo at
ibigay ninyo kung ano ang ibig ipapahiwatig
sa larawan na ito. Handa na ba kayo?

Opo.

(posibilidad na sagot ng mag-aaral)

(Unang grupo) ang larawan na ito ay dalawang


kamay na maputi at maitim ang kulay o lahi.

Magaling!

(Pangalawang grupo) ang lawaran na ito ay mga


kabataan na nakikinig sa isang pagpupulong
pulong at may isang tao na may kapansanan.

93
(Pangalawang grupo) ito ay larawan ng isang
bakla (gay) na may gender identity.

Magaling rin!

(Unang grupo) ito ay larawan ng isang relihiyon o


pananampalataya.

(Unang grupo) ito ay isang larawan sa pagtanggi


Tumpak!
ng aplikante base sa edad.

Magaling!

Napakahusay!

Ano ang ibig ipahihiwatig sa mga larawan na Ang larawan na aking nakikita ay nagpapahiwatig
M. Pag-uugnay ng mga inyong nakikita? ng diskriminasyon sa lahi, kapansanan, kasarian,
halimbawa sa bagong aralin relihiyon at edad.

Mahusay!
N. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Ngayon, ating tatalakayin ang kahulugan ng
bagong kasanayan #1 diskriminasyon.

Batay sa mga larawan na inyong nakikita, Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri,
paano mo mailalarawan ang salitang eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
diskriminasyon? naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.

(isang mag-aaral) Opo. Dahil may kapatid akong


hindi natanggap sa trabaho dahil sa malaking
Nararanasan ba ninyo ang pagkakaroon ng edad. Siya ay nag-aaplay ng isang banko.
diskriminasyon sa inyong tahanan o lipunan?
Ano ang iyong nararamdaman ? at bakit? (Isang mag-aaral) Opo. Naramdaman ko ang
diskriminasyon dahil ang aking kapatid ay may
kapansanan nag aaplay siya ng trabaho sa isang
call center at hindi siya natanggap.

94
(Isang mag-aaral)ako din po, nakaramdam ng
diskriminasyon sa relihiyon dahil may pinsan
akong nag aaplay ng trabaho sa pribadong
paaralan hindi natanggap dahil iba ang aming
relihiyon.

Ok,salamat sa inyong mga opinyon!

Pangkatang Gawain: ROLE PLAY ( Unang Pangkat)

Ngayon ay tutungo na tayo sa inyong (Magtatanghal ng isang maikling dula na


pangkatang gawain. Ngunit bago ang lahat ay
nagpapakita ng halimbawa ng diskriminasyon sa
ipapaliwanag ko muna sa inyo ang mga
pamantayan kung sa paanong paraan ko edad.
mamarkahan ang presentasyon ng bawat
grupo. Ang bawat pangkat ay bubunot ng
kanilang paksang ipapakita at bibigyan sila ng
lima hanggang walong minuto upang ito ay POSTER MAKING( Ikalawang Pangkat)
kanilang paghandaan.
(Sa pamamagitan ng pagguhit ay ipapakita nila na

may diskriminasyon sa trabaho

TULA-RAP ( Ikatlong Pangkat)

(Bubuo ng isang tula na naglalaman ng tatlo

hanggang limang saknong, kung saan pagkatapos

O. Pagtalakay ng bagong ng tula ay gagawan rin ito ng rap na bersyon. Ito


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 ay patungkol sa ugnayan ng diskriminasyon sa

LGBT.

Hayaan ang mga mga-aaral na ilahad at LIKHAWIT ( Ikaapat na Pangkat)


ipaliwanag sa klase sa kanilang malikhaing
pamamaraan gamit ang gabay na rubrics: (Lalapatan ang musika ng paggalaw ng katawan

Krayterya: sa pamamagitan ng pagsayaw. Ito ay patungkol sa

ugnayan ng anyo ng diskriminasyon.


5. Nilalaman 20
6. Pagkamalikhain 15

7. Kaugnayan sa paksa 15

8. Pamamahala sa oras 10

Kabuuan 60 Puntos
P. Paglinang sa kabihasaan
Tayong mga Pilipino, hindi natin maiiwasang
magkaroon ng diskriminasyon ukol sa
kasarian dahil tayo ay namulat pa sa
sinaunang pananaw na ang lalaki ay para sa
babae at ang babae ay para lamang sa lalaki.
Naging konserbatibo tayong mga pilipino sa
kadahilanan na tayo ay nasakop ng ibat ibang
dayuhan. Sa aking palagay marapat lamang
na ating lawakan ang pag-unawa sa mga
lesbian, gay, bisexual at transgender
sapagkat pare pareho tayong nilikha ng
panginoon.Wala tayong karapatan na umusig
sa kanila kahit sa paningin ng iba ay masama
sila ,kailangan pa din natin silang irespeto,
mamahalin at tanggapin kung ano ang
kanilang katayuan sa buhay, at bilang kapwa
at intindihan bilang kapatid dahil sa huli ang

95
diyos lang ang may karapatang humusga ng
bawat isa saatin.

Naiintindihan ba ninyo, ang ibig kung


ipahiwatig?

Para sa malawak na pag-iisip sa paksang


tinatalakay ngayon, panoorin ninyo ang video
na ito. Opo. Dapat hindi tayo manghusga sa kapwa
https://www.youtube.com/watch? natin,dapat nating isapuso ang kalagahan ng
v=JbpYwnEZai0 bawat isa, anuman ang kasarian nila.

Tayo nagayon ay magkakaroon ng isang Ipapahayag ang opinion ng bawat isa sa pangkat.
debate:
Ang aking katanungan: anu-ano ang mabuti o
Q. Paglalapat ng aralin sa pang-
di- mabuting epekto ng diskrimasyon ?
araw-araw na buhay

Salamat sa inyong opinyon!

Bilang isang mag-aaral,paano mo Para sa akin, maisusulong ko ang pagtanggap at


maisusulong ang pagtanggap at paggalang paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
R. Paglalahat ng Aralin sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod maitaguyod ang tao bilang kasapi ng pamayanan
ang tao bilang kasapi ng pamayanan? sa pamamagitan ng pagsulong ng batas na may
pagkakapantay pantay na karaparatan.

Maikling pagsusulit:
Kumuha ng 1/2 pirasong papel at sagutin ang
sumusunod:

1. Kung ikaw ay itinalaga bilang isang


S. Pagtataya ng Aralin opisyales ng gobyerno ano ang inyong
gagawin upang ma solusyonan ang
diskriminasyon ?

2. Ano ang kabuuang natutunan nino sa


paksang ating tinatalakay ngayon?

Sa pahina 303 ng inyong aklat, Kasunod ang


T. Karagdagang gawain para sa isang istadistika tungkol sa karahasan sa
takdang-aralin at remediation kababaihan. Basahin mo itong mabuti at
sagutin ang gawain na kasunod nito. Isulat sa
loob ng bulaklak ang iyong sagot.

W. MGA TALA Ipagpapatuloy ang talakayan sa susunod na tagpo.

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aral na


nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

96
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano na
ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ang aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

97
Paaralan: MANGA INTEGRATED SCHOOL Baitang: GRADE 10
Guro: ROCHE MAE P. QUITORAS Asignatura: ARAL.PAN 10
Petsa at Oras: LINGGO 4 – ARAW 3 Markahan: IKATLONG MARKAHAN

III. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay may pag- unawa sa mga epekto ng mga


G. Pamantayang
isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
Pangnilalaman
maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga


H. Pamantayan sa Pagganap makabuluhan at malikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang kwento ng isang babaeng Pakistan.
I. Mga Kasanayan sa
2. Nabibigyan ng pagkakaiba at pagkakatulad ang edukasyon sa Pilipinas at Pakistan
Pagkatuto (Isulat ang code
3. Naipagtatanggol ang karapatan ng kababaihan sa Pakistan
ng bawat kasanayan)
AP10IKL-IIId-6

II. NILALAMAN

Aralin 2 – Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


C. Paksang Aralin
Paksa: Paghahambing sa Edukasyon ng Pakistan sa Pilipinas

V. KAGAMITANG PANTURO
E. Sanggunian
9. Mga Pahina sa Gabay ng
Kontemporaryong Isyu ( Manwal ng guro ) pahina 262-270
Guro

10. Mga Pahina sa Kagamitang


Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313
Pangmag-aaral

11. Mga Pahina ng Teksbuk Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313

12. Karagdagang Kagamitan


mula sa Portal ng LR

TV,COMPUTER, VISUAL AIDS


F. Iba pang Kagamitang Panturo

Mga Inaasahang Sagot/ Gawain ng mga Mag-


IV. PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro
aaral

U. Balik-Aral sa nakaraang aralin Pagkakaroon ng BALITAAN sa klase tungkol Ang mag-aaral nagbibigay ng balita sa klase
at/o pagsisimula ng bagong sa napapanahong isyu. tungkol sa napapanahong isyu.
aralin

V. Paghahabi sa layunin ng
aralin Pagpapakita ng larawan

Ang guro ay magtatanong sa mag-aaral sa


mga sumusunod na katanungan:

Bago natin simulan ang ating paksang


tatalakayin ngayon,may itatanong ako sa
inyo.
Ang masasabi ko sa mensahe ng isang babae ay
pakikipaglaban para sa edukasyon!

98
Ano ang masasabi ninyo sa mensahe sa
isang babae?

Tama! Wala po. Kasi ang edukasyon ay mahalaga sa


bawat tao at ito lamang ang tanging paraan na
May magandang kinabukasan ba ang isang makatulong para sa magandang kinabukasan.
bata na hindi man lang nakapag-aral? Bakit?

Napakahusay! (Isang mag-aaral) Nais ko pong mag-aaral para


magkaroon ng magandang kinabukasan.
Eh kayo, bakit kayo nag-aaral? Mahalaga ba
ang edukasyon? Ano ang ipinaglaban mo
dito? (isang mag-aaral) nag-aaral po ako para
marunong sumulat, bumasa at magbilang at sa
Magaling! ganun magkaroon ng magandang trabaho kapag
may matapos na kurso.

(Isang mag-aaral) Kagustuhan ko po ang mag-aral


para makatulong po ako sa aking magulang.

Mahusay! (Isang mag-aaral) Nag-aaral po ako dahil gusto ko


po na ipaglaban ang aking karapatan na
makapag-aral.

Tumpak! ang lahat na mga sagot ninyo!

Mga mag-aaral, gusto ba kayong makinig ng


isang kwento tungkol sa batang babae na
ipaglaban ang adbokasiya para sa karapatan Opo. Gusto!
ng mga batang babae sa edukasyon sa
W. Pag-uugnay ng mga Pakistan?
halimbawa sa bagong aralin
(Tumawag ang guro ng mag-aaral para
basahin ang kwento)

Ok! Makinig kayong mabuti.


Opo.
X. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng KWENTO
bagong kasanayan #1
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng (Tahimik na nakinig ang mag-aaral)
bus patungong paaralan, nang siya ay barilin
sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong
ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang
paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng
mga batang babae sa edukasyon sa
Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga
Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala.
Bumuhos ang tulong pinansyal upang
agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa
kanyang ulo. Sino nga ba si Malala?
Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997
sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi
ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taong
2007 nang masakop ng mga Taliban ang
Swat Valley sa Pakistan at mula noon
ipinatupad nila ang mga patakarang
nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim.
Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng
mga dormitoryo at paaralan para sa mga
babae, nasa mahigit 100 paaralan ang
kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na
muli pang makabalik ang mga babae sa pag-
aaral. Sa mga taong ito, isang batang babae
pa lamang si Malala na nangangarap na
makapag-aral. Nagsimula ang mga

99
pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga
adbokasiya noong 2009. Lumawak ang
impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang
pagsusulat at mga panayam sa mga
pahayagan at telebisyon. Dahil dito,
nakatanggap ng mga banta sa kanilang
buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito
naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang
paglaban para sa edukasyon ng mga babae
sa Pakistan. Ang pagbaril kay Malala ang
nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan
ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Matapos niyang maoperahan, iba’t ibang mga
pagkilala at pangaral ang kanyang natanggap
ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa
niya babae hindi lamang sa Pakistan, maging
sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya
noong 2013 ang Malala Fund, isang
organisasyong naglalayon na magkapagbigay
ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa
loob ng 12 taon. Naglaan din ang
pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo
para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad
din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama
ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong
2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan
sa Lebanon para sa mga batang babae na
biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa
kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni
Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng
mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa
mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng
mga organisasyong sibil at non-government
organizations o NGOs gaya ng United
Nations at iba pa.

TANONG:
Sino si Malala Yousafzai?Ano ang kanyang Si Malala ay Yousafzai ay isang batang babae na
ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa ipinaglaban ang adbokasiya para sa karapatan ng
kanyan ng mga Taliban? mga batang babae sa edukasyon sa
Pakistan.Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo
1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi
ng Pakistan, malapit sa Afghanistan.

Sila ay isang grupo ng mga Muslim na


Sino ang mga Taliban? naglalayong palakasin ang kontrol ng Islam sa
mga bansa kabilang na ang Pakistan.
Y. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang
mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo.
Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa
pag-atake kay Malala?
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa
mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng
Paano nakaapekto kay Malala ang mga babae sa Pakistan.
pagtatangka sa kaniyang buhay?

Batay sa isang kwento ni Malala, Ikaw, bilang Bilang mamamayan, ang mga aral na nakukuha
mamamayan, ano ang aral na maari mong ko sa kwento ni Malala ay ang kanyang
makuha sa buhay ni Malala? katapangan. Simula pa nung siya’y bata pa
lamang, hindi na maitatanggi ang pagkabuo ng
kanyang loob at hindi paghinto sa paglaban ng
Z. Paglinang sa kabihasaan mga karapatan ng mga kababaihan lalo na
pagdating sa pagkapantay-pantay ng edukasyon.
Siya ay naging inspirasyon sa mga kababaihan na
ipaglaban ang karapatan na makapag-aral. At
sana, ang kwento ni Malala Yousafzai ay naging
gabay sa mga kabataan na ipagpatuloy ang pag-
aaral para sa karapatan ng bawat isa sa atin.

100
Para sa inyong Gawain:

Ang klase ay hinahati sa dalawang grupo at


gawin ang ipagawa ng guro. Binibigyan ng
limang minuto upang sagutin ang
Paghahambing sa Edukasyon ng Pakistan at
Pilipinas.Pagkatapos, pumili ang bawat grupo
ng lider na siyang magpapaliwanag sa klase.
( Ang guro ay mamarkahan ang Gawain ng
mag-aaral sa gabay na Krayterya.)

Krayterya:
Pamantayan Puntos

1.Nilalaman 20

2.Organisasyon 20

AA. Paglalapat ng aralin sa pang-


3.Pamamahala sa oras 10
araw-araw na buhay
Kabuuan 50 Puntos

Batay sa kwento ng buhay at pakikipaglaban (posibilidad na sagot ng mag-aaral)


ni Malala Yousafzai sa mga Taliban sa
Pakistan, paghambingin ang kalagayan Ang pinakamalaking pagkakaiba ng edukasyon ng
edukasyon ng mga batang babae sa Pilipinas Pilipinas at Pakistan ay ang sistema ng edukasyon
at Pakistan. at ang karapatang pang-edukasyon batay sa
kasarian.
Sa Pilipinas, K-12 ang sinusunod na pamantayan
ng sistema ng edukasyon. Samantalang sa
Pakistan naman ay nahahati sa anim ang antas ng
edukasyon. Ito ay preschool, primary, middle,
high, intermediate, at university level.
Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay may pantay
na karapatan sa edukasyon habang ang mga
babae sa Pakistan ay may suliraning maging
malaya sa pagkamit ng edukasyon.

Si Malala Youzafzai ay isang babaeng na


ipinaglalaban ang mga karapatan ng mga
kababaihan lalong- lalo na ang pagkakaroon
ng pagkakapantay pantay na pagtatamo ng
edukasyon.
Ngayon, pagkatapos ninyong narinig ang
kwento ni Malala, ano ang inyong naging
repleksiyon tungkol dito? (posibilidad na sagot ng mag-aaral)
Para sa akin, ang repleksiyon ko ay ang
katapangan ni Malala. Siya ay naging inspirasyon
BB. Paglalahat ng Aralin sa mga batang babae para ipaglaban ang
edukasyon. Ma swerte pa rin tayo sa Pilipinas
dahil ang mga kabataan ay maging malaya na
makapa-aral at maraming oportunidad na
binibigay ng pamahalaan para lamang makapag-
aral ang mga kabataan katulad EFA (Education for
All ) ng walang bayad sa matrikulasyon, marami
pang scholarships. Dapat, tayong mg-aaral ay
pagbutihin natin an gating pag-aaral ng sa ganun,
tayo naman ang tutulong sa ating bansa sa
pamamagitan ng pagbayad natin ng buwis kung
may trabaho naman tayo.

Maikling pagsusulit:
Kumuha ng 1/4 pirasong papel at sagutin ang
mga sumusunod
Essay: 20 puntos
CC.Pagtataya ng Aralin 1.Ano ang pagkakatulad ng sistema ng
edukasyon ng Pilipinas At Pakistan?
Ipaliwanag
2. Alin sa dalawang bansa ang may higit na
pagkakataon sa pag-aaral na ibinibigay sa
mga kababaihan?Ipaliwanag

101
Magsaliksik ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa mga sumusunod sa Pakistan:
 Lokasyon;
 Kasaysayan;
 Pamahalaan;
DD.Karagdagang gawain para sa
 Relihiyon at Kultura;
takdang-aralin at remediation
 Ekonomiya; at
 Istruktura, paniniwala, at mga gawain ng
Taliban Sa pamamagitan ng pagkilala sa
bansang Pakistan, mabibigyan ng mas
mainam at malalim na pag-unawa ang
kwento ni Malala.

X. MGA TALA Ipagpapatuloy ang talakayan sa susunod na tagpo.

VIII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aral na


nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano na
ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ang aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Paaralan: MANGA INTEGRATED SCHOOL Baitang: GRADE 10


102
Guro: ROCHE MAE P. QUITORAS Asignatura: ARAL.PAN 10
Petsa at Oras: LINGGO 4 – ARAW 4 Markahan: IKATLONG MARKAHAN

IV. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay may pag- unawa sa mga epekto ng mga


J. Pamantayang
isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
Pangnilalaman
maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga


K. Pamantayan sa Pagganap makabuluhan atmalikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang epekto ng diskriminasyon
L. Mga Kasanayan sa 2. Nasusuri ang epekto ng diskriminasyon
Pagkatuto (Isulat ang code 3. Napahalagahan ang kontribusyon ng babae, lalaki at LGBT
ng bawat kasanayan)

AP10IKL-IIId-6
II. NILALAMAN

D. Paksang Aralin Aralin 2 – Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Paksa: Epekto ng Diskriminasyon
VI. KAGAMITANG PANTURO
G. Sanggunian
13. Mga Pahina sa Gabay ng
Kontemporaryong Isyu ( Manwal ng guro ) pahina 262-270
Guro
14. Mga Pahina sa Kagamitang
Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313
Pangmag-aaral
Kontemporaryong Isyu( Batayang Aklay) pahina 303-313
15. Mga Pahina ng Teksbuk

16. Karagdagang Kagamitan


mula sa Portal ng LR

H. Iba pang Kagamitang Panturo TV,COMPUTER, VISUAL AIDS

Mga Inaasahang Sagot/ Gawain ng mga Mag-


IV. PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro
aaral

EE. Balik-Aral sa nakaraang aralin Pagkakaroon ng BALITAAN sa klase tungkol Ang mag-aaral nagbibigay ng balita sa klase
at/o pagsisimula ng bagong sa napapanahong isyu. tungkol sa napapanahong isyu.
aralin

FF. Paghahabi sa layunin ng


aralin Ang guro ay magtatanong sa mag-aaral sa
mga sumusunod na katanungan:

Bago natin simulan ang ating paksang


tatalakayin ngayon,may itatanong ako sa
inyo.

Naranasan ba ninyo na binubully kayo ng (posibilidad na sagot ng mag-aaral)


iyong kaibigan? kamag-anak?
(isang mag-aaral) Opo. Naranasan ko po na
binubully ako noong bata pa ako dahil bakla daw
ako.
Ano ang nararamdaman mo?
Nalungkot po.
Bakit ka nalungkot?
Dahil pinagtawanan nila ako.
Alam ba nila na ikaw ay isang bakla?
Opo.
Ngayon, na ikaw ay isang bakla ano ang
gusto mong iparating sa taong nang bully sa
iyo? Dapat irespeto ninyo kung anuman man ang
naging kasarian ng isang tao. Para naman
makatulong kayo, moral, spiritual, physical, at
psychological na aspeto sa kanilang buhay.
Salamat! Sa opinyon mo!
103
Kung ang isang tao ay nakararanas ng Maaaring nalulungkot, nawawalan ng pag-
GG. Pag-uugnay ng mga
depresyon sa kaniyang sarili. Ano-ano ang asa,hindi interesado sa pang araw- araw na buhay
halimbawa sa bagong aralin
magiging epekto nito? at maaring ikamatay.

Ngayon, ating tatalakayin ang tungkol sa


epekto ng diskriminasyon. Handa na ba
kayo? Opo.

Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay


tungkol sa Epekto ng Diskriminasyon.

May apat (4) na epekto ng diskriminasyon ito


ay;

1. Pisikal
2. Emosyonal
3. Panlipunan
4. Intelektuwal

Ano ang ibig sabihin ng pisikal na


diskriminasyon?
(posibilidad na sa sagot ng mag-aaral)
Ang pisikal na diskriminasyon ay isang pang
aabuso ng isang tao na nasasaktan sa pisikal na
anyo nito.Halimbawa; pambubugbog, paninipa,
panununtok, pananampal, panggugulpi at pag-
HH.Pagtalakay ng bagong untog.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Tama! Magaling!

Ano naman ang ibig sabihin ng emosyonal na Ang emosyonal diskriminasyon ay isang uri din ng
diskriminasyon? pang aabuso gaya ng pinapahiya, labis na pag-
iinsulto, madalas na pangmumura, pagbabanta at
mapang abusong pananalita.

Magaling! Sapagkat sa isang lipunan may mga tao na hindi


makuntento sa nakikita nila. at marahil may mga
Bakit naging isang epekto ang panlipunan sa tao din na naiinggit kaya’t nagagawa nila ito.
diskriminasyon?

Ito rin ay diskriminasyon gaya ng; kakulangan ng


Tumpak! motibasyon upang mag-aaral o
magtrabaho;kakulangan sa mga kansanayan at
Ano ibig sabihin ng intelektuwal na kaalaman; malingpagpa-pasya;pagbuo ng maling
diskriminasyon? paniniwala; at makitid na pananaw.

Napakahusay!

Pangkatang Gawain:
Unang pangkat (ROLE PLAY)
Nagyon, nalaman na ninyo ang tungkol sa
epekto ng diskriminasyon.Dadako naman (Magtatanghal ng isang maikling dula na
tayo para sa inyong pangkatang Gawain. At
nagpapakita ng halimbawa ng kontribusyon ng
ating aalamin ang mga naging kontribusyon
II. Pagtalakay ng bagong ng babae, lalaki at LGBT sa ating lipunan. LGBT sa ating lipunan.
konsepto at paglalahad ng Ngunit bago ang lahat ay ipapaliwanag ko
bagong kasanayan #2 muna sa inyo ang mga pamantayan kung sa
paanong paraan ko mamarkahan ang
presentasyon ng bawat grupo. Ang bawat Ikalawang Pangkat (LIKHAWIT)
pangkat ay bubunot ng kanilang paksang
ipapakita at bibigyan sila ng lima hanggang
walong minuto upang ito (Lalapatan ang musika ng paggalaw ng katawan
paghandaan.Pagkatapos,
bawat grupo ay pumili kayo ng isang lider ng sa pamamagitan ng pagsayaw. Ito ay patungkol sa

104
siyang mag-uulat dito sa harapan para sa
inyong napagkasunduang sagot. ugnayan o kontribusyon ng lalaki sa ating lipunan.
krayterya:

Ikatlong Pangkat (TULA-RAP)

(Bubuo ng isang tula na naglalaman ng tatlo

hanggang limang saknong, kung saan pagkatapos

ng tula ay gagawan rin ito ng rap na bersyon. Ito

ay patungkol sa ugnayan o kontribusyon ng babae


Hayaan ang mga mga-aaral na ilahad at
ipaliwanag sa klase sa kanilang malikhaing sa ating lipunan.
pamamaraan gamit ang gabay na rubrics:

Pamantayan Puntos

9. Nilalaman 20
10. Pagkamalikhain 15

11. Kaugnayan sa paksa 15

12. Pamamahala sa oras 10

Kabuuan 60 Puntos

Tayo nagayon ay magkakaroon ng isang


debate:
Ipapahayag ang opinion ng bawat isa sa pangkat.
JJ. Paglinang sa kabihasaan
Ano ang mga naging kontribusyon ng lalaki,
babae at LGBT sa lipunan? Ano ang mga
naging kontribusyon ng bawat isa sa lipunan?

Salamat sa inyong opinyon!

Batay sa mga pag-aaral ang kontribusyon ng


babae sa lipunan ay ang mga;
patuloy na pag-aalaga sa mga
kabataan;paggabay sa paglaki ng mga
batang Pilipino;unti-unti nang mas nakikilala
ang mga kakayanan ng mga
kababaihan;paggampan ng mga gawain na
tradisyonal na ginagawa ng mga kalalakihan.
Ang kontribusyon naman ng kalalakihan sa
lipunan ay katulad rin ng mga naiambag ng
mga kababaihan sa lipunan, ang mga
kalalakihan ay may gampanin rin na mag-
KK. Paglalapat ng aralin sa pang-
alaga ng kabataan, partikular na ang kanilang
araw-araw na buhay
mga anak at maging gabay sa mga ito.
Samantala, ang naging kontribusyon ng
LGBT sa lipunan ay halos wala namang
pinagkaiba ang mga nagagawa nila dahil na
rin sa angking kasipagan at talento ng mga
ito. Bawat isat isa sa atin ay iisa lamang an
gating hangarin ang magkaroon ng
pagkakapantay pantay na karapatan.

Opo. Tama po.


LL. Paglalahat ng Aralin
Kayo bilang mag-aaral, ano ang mga naging (posibilidad na sagot ng mag-aaral)
kontribusyon ninyo bawat isa sa lipunan?
Para sa akin, ang naging kontribusyon ko sa
lipunan ay ang ipagpatuloy ko ang aking pag-
aaral, upang kung may trabaho na ako
makakatulong na ako sa aking pamilya at tutulong
ako sa pamahalaan upang buhay pilipino ay

105
mapabuti.

Maikling pagsusulit:
Kumuha ng 1/4 pirasong papel at sagutin ang
mga sumusunod
MM. Pagtataya ng Aralin
Essay: 20 puntos
Ibigay ang 4 na epekto ng diskriminasyon at
ipaliwanag ang bawat isa.

Basahin ang pahina 272-280 para sa


NN.Karagdagang gawain para sa susunod na talakayan.
takdang-aralin at remediation

Y. MGA TALA Natapos ang talakayan o paksa sa loob ng apat na araw.

IX. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aral na


nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano na
ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ang aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Ipinasa ni: Pinagtibay ni:

ROCHE MAE P. QUITORAS RAUL P. ABELLA

106
T-I ESP-I

107

You might also like