You are on page 1of 4

GRADE 1 to 12 School LIBAS NATIONAL HIGH SCHOOL Grade Level 10

Teacher NELSSEN CARL M. BALLESTEROS Learning Area APAN


DAILY Teaching Dates and Time March 11, 2024 (G10-EARTH 2:00 – 3:00) Quarter THIRD
LESSON LOG
LUNES
 Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng diskriminasyon.
 Natutukoy ang diskriminasyon sa kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+ at iba’t ibang isyu sa
diskriminasyon sa kasarian.
I. LAYUNIN  Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang makaiwas
sa seksuwal na panliligalig at pang-aabusong seksuwal.
 Napahahalagahan ang paggalang at respeto ng bawat
isa sa lahat ng kasarian upang maiwasan ang
diskriminasyon.
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng
mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at
lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Ang mga mag- aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing
hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay
– pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)  Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa
kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-
sexual, Transgender) (MELC2)
II. NILALAMAN
Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ
Aralin:
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral Modyul 2: pahina 5-7
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint, TV, laptop, concept map, marker
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin A Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati
- Pagtatala ng mga lumiban
Balik-aral
a. Ano ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation)?
b. Ano ang pitong uri ng heterosexual
c. Ano ang tatlong pangkulturang pangkat sa rehiyon ng
Sepik sa Papua New Guinea ang nakatagpo ng mag-
asawang antropologo na si Margaret Mead at Reo
Fortune?
d. Bakit nagbibihis-babae at nagbalat-kayo bilang babae
ang mga babaylang lalaki (asog) sa parte ng Visayas
noong ika-17 siglo??
e. Ano ang Female Genital Mutilation (FGM)?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin JUMBLED LETTERS: Bubuuin ng mga mag-aaral ang
salitang DISKRIMINASYON

Sa isang cartolina na may nakalagay na salitang


DISKRIMINASYON magsusulat ang mga mag-aaral ng mga
salita na sa tingin nila ay magbibigay ng kahulugan sa
salitang diskriminasyon.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang naisulat ng
bawat isa para mabigyang kahulugan ang salitang
diskriminasyon.
Ano ang diskriminasyon?
Sino-sino ang pwedeng makaranas nito?
Bilang mag-aaral, ano ang ibig sabihin ng diskriminasyon?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Malayang talakayan ukol sa paksa
bagong kasanayan #1
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pang-uuri,
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa
ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.

Diskriminasyon sa mga Kalalakihan


Ano ang house husband?

Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng
mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa
mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap
ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng
trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok
sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga
manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat
sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa
trabaho.

Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United
Nations Development Programme (UNDP) at ng United
States Agency for International Development (USAID)
na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines
Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may
kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga
halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at
hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki.

Diskriminasyon sa Kasarian (Gender Discrimination)

Tinatawag din na diskriminasyong seksuwal ay


tumutukoy sa anumang gawi na nagkakait ng mga
oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao o
grupo ng mga tao dahil sa kanilang gender o kasarian.

Karahasang Seksuwal (Sexual Violence)

Seksuwal na Panliligalig (Sexual Harassment)

• Anumang berbal o pisikal na gawi na nasa uring


seksuwal na hindi naman hinihingi ng isang tao.

• Kaugnay ito ng tinatawag natin sa Filipino na mga


“pambabastos”

Ang Sexual Harassment ay pwedeng mangyari sa:

Tahanan • Paghipo (touching)


• Mga komento na may
Lugar ng trabaho seksuwal na
pagpapahiwatig
Paaralan
• Bastos na mga komento
Pamayanan tungkol sa gender
identity.

Ang batang lalaki ay maaari ding mabiktima ng seksuwal


na panliligalig na kadalasan ay kapwa lalaki din ang
harasser.

CATCALLING – halimbawa ng public sexual harassment

ONLINE SPACE -

Pang-aabusong Seksuwal (Sexual Abuse)

Anumang uri ng seksuwal na gawaing ginagawa nang


labag sa kalooban ng biktima, kasama na ang panghihipo,
panggagahasa, pangmomolestiya sa bata, paninilip,
pagkuha ng litrato o video sa mga seksuwal na sitwasyon.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Tips Kung Paano Makaiwas sa Sexual Harassment at
bagong kasanayan #2 Sexual Abuse
Ugaliing maging alerto
Dapat maging alerto sa mga nagaganap sa paligid. Umiwas
sa mga lugar na delikado lalo na kung gabi at tiyaking
laging may kasama.

Iwasang makapagbigay ng maling impresyon


Huwag manamit ng napakaseksi. Iwasang magbigay ng
motibo (flirting) para hindi isipin ng mga tao na sadya kang
nang-aakit.

Magtakda ng limitasyon
Kung ikaw ay may kasintahan, mahalagang pag-usapan
ninyo kung ano ang mga limitasyon sa inyong relasyon.
Umiwas din sa mga alanganing sitwasyon para hindi ka
mapagsamantalahan.

Maging prangka
Huwag mangingiming sabihin, “Tumigil ka!” o “Alisin mo
iyang kamay mo!” Tandaan na lahat tayo ay may
karapatang igalang pati na ang ating paninindigan.

Maging responsible at maingat sa paggamit ng social


media.
Iwasang basta-basta magbigay ng personal na
impormasyon lalo na sa mga hindi kakilala. Huwag
magreply kapag nakatanggap ng mahalay na mensahe.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Bakit mahalagang malaman natin kung ang isang gawi ay
Assessment) isang uri ng sexual harassment o sexual abuse?

Sa iyong palagay, kanino pwedeng magsumbong kapag


nakaranas ng ganitong pangyayari dito sa paaralan?
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay Papangkatin ang klase sa apat. Sa pamamagitan ng
“human tableau” magbibigay ang bawat grupo ng kanilang
karagdagang mungkahi upang makaiwas sa sexual
harassment at sexual abuse. Bibigyan ang bawat grupo ng
walong minuto upang mag-isip at maghanda. Pagkatapos
ipapaliwanag nila ito sa harap ng klase sa loob ng 40
segundo hanggang isang minute.
H. Paglalahat at mga abstraksiyon tungkol sa aralin Paano mabawasan ang isyu ng diskriminasyon na umiiral
sa ating bansa na nagreresulta sa karahasan?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa
ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.

1. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon


batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
a. diskriminasyon
b. pang-aabuso
c. c. pagsasamantala
d. d. pananakit
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?
A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan
3. Ito ay anumang aksiyon na nagkakait ng mga
oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao (o isang
grupo) dahil sa kasarian.
A. Diskriminasyon sa relihiyon
B. Diskriminasyon sa kulay
C. Diskriminasyon sa kasarian
D. Diskriminasyon sa lahi
4. Anumang berbal o pisikal na gawi na nasa uring
seksuwal na hindi naman hinihingi ng isang tao.
a. Sexual harassment
b. Sexual abuse
c. Sexual discrimination
d. Sexual violence
5. Anumang uri ng seksuwal na gawaing ginagawa nang
labag sa kalooban ng biktima, kasama na ang panghihipo,
panggagahasa, pangmomolestiya sa bata, paninilip,
pagkuha ng litrato o video sa mga seksuwal na sitwasyon.
a. Sexual harassment
b. Sexual abuse
c. Sexual discrimination
d. Sexual violence
J. Karagdagan gawain para sa takdang-aralin at
remediation
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawin para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakauna sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa guro?

GAD INTEGRATION: Shared Parenting

PREPARED BY: CHECKED BY: NOTED:

RICHE M. JOSE MAUREEN D. PARAS, PhD LENY P. AGAMAO, EdD


Subject Teacher Head Teacher III Principal I

You might also like