You are on page 1of 3

SCHOOL BANQUEROHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

TEACHER: JELENE B. DAEP LEARNING AREA ARALING PANLIPUNAN

DATE AND TIME NOVEMBER 7, 2019 YEAR AND SECTION 10-ATLAS


8:30-9:30
I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Nabibigay ang kahulugan ng Sex at Gender
B. Pamantayang Pagganap
 Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sex at Gender
C. Pamantayang Pagkatuto
 Nakakagawa ng mga malikhaing Gawain patungkol sa paggalang sa Karapatan ng mga
mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad

Most Essential Competency: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig

II. NILALAMAN:

Paksa: KASARIAN AT SEKSWALIDAD

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian

Batayan: Mga Kontemporaryong Isyu

Karagdagang Kagamitan: https://www.youtube.com/watch?v=x3EWaVVG7pw

IV-PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa naka raang aralin at /pagsisimula sa Magsisimula ang klase sa pamamagitan ng panalangin
bagong aralin at pag tsek ng attendans sa mga mag-aaral.

GAWAIN 1: SIMBOLO, BUOHIN MO, HULAAN MO!

Hahatiin ang klase sa tatlong grupo papabubuohin at


pahuhulaan ang ipinapahiwatig ng bawat simbolo.

Pamprosesong Tanong:
1. Madali niyo bang natukoy ang kahulugan ng unang
dalawang simbolo?

2.Pamilyar na saiyo ang ikatlong simbolo? Ano kaya


ang ibig sabihin nito?

B. Paghahabi sa layunin Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
 Nabibigay ang kahulugan ng
Sex at Gender
 Naihahambing ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
Sex at Gender
 Nakakagawa ng mga
malikhaing Gawain patungkol
sa paggalang sa Karapatan ng
mga mamamayan sa pagpili ng
kasarian at sekswalidad

GAWAIN 3 TIMBANGIN NATIN!


Magpapakita ng larawan ng Timbangan

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng dalawang simbolo na
nasa timbangan?
2. Sa inyong palagay, mayroon kayang hindi
napabilang sa representasyon na ipinapahihiwatig ng
larawang ito?
3. Ano sa palagay ninyo ang pangkalahatang mensahe
ng larawan.
4. Sa inyong palagay, bakit kaya wala sa larawang ito
ang isa pang simbolo na Nakita mo sa unang gawain?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin GAWAIN 4 HAMBINGIN MO!

Sa pamamagitan ng Venn Diagram kung saan


ihahambing sng pagkakatulad at pagkakaiba ng SEX at
GENDER.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo inihahambing ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng sex at gender?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang kahulugan ng
Sex at Gender?
3. Ano ang kahalagahan saiyo bilang isang mag-aaral?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad GAWAIN 5 VIDEO-SURI
ng bagong kasanayan Magpapakita ng Video clip pa tungkol sa kahulugan ng
LGBT.

https://www.youtube.com/watch?v=x3EWaVVG7pw

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang napanood niyong video?
2. Ano ang ibig sabihin ng oryentasyong sekswal
(Sekwal Orientation)? Ng pagkakakilanlang
pangkasarian( gender Identity)?
E. Paglinang sa Kabihasaan
GAWAIN 6 HULAAN MO

Ang guro ay magbibigay ng mga metacards na may


nakasulat na heterosexual, homosexual, lesbian, gay,
bisexual at transgender nakadikit sa pisara at
paunahang hulaan at idikit ang metacards na naayon
sa kahulugan nito.

1. __________________ ang tawag sa mga taong


nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang
kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay
babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
(Heterosexual)

2. __________________ ay nagkakaroon ng seksuwal


na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha (Homosexual)

3. __________________ ang mga babae na ang kilos


at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong
lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy) (Lesbian)

4. __________________ ang tawag sa mga lalaking


nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki;
may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na
parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na; bakla, beki, at bayot). (Gay)

5. __________________ ang mga taong


nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
(Bisexual)

F. Paglapat ng aralin sa pang-araw-araw na GAWAIN 7 BINGO CARD


buhay
Ang bawat isa ay bibigyan ng Bingo Card sa loob ng 5
minuto dapat maka hanap sila ng taong naayon sa
kasarian ng ibig ipahiwatig na nakasulat sa Bingo Card.
Ang una maka tapos ay sisigaw ng BINGO at bibigyan
ng premyo para sa gantimpalang pagkapanalo.

P.S Sisiguraduhin ng guro na tama ang mga nakapirma


sa Bingo Card.

G. Paglalahat ng Aralin Ano ang inyong mahalagang paksang natutunan sa


aralin?
H. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang Tama kung ang sinasabi ng pahayag
ay totoo at Mali naman kung hindi. (3 minuto)

1. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian kung lalaki o


babae ba ang isang tao. (Tama)
2. Ang sex at gender ay magkatulad lamang ng
kahulugan sapagkat kapag kung isasalin ang dalawang
salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho
ng salitang kasarian. (Mali)
3. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal
na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki. (Tama)
4. Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki. (Tama)
5. Mahalaga na naisusulong ang paggalang sa
karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian
at sekswalidad. (Tama)

Checked and Observed:

JENNY R. GALANG, HT-III


AP DEPARTMENT HEAD
Noted:

ELEANOR ARANIL-GARCIA
Secondary School Principal

You might also like