You are on page 1of 16

Estratehiyang 4A’s

Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10


(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
I. LAYUNIN
a. Pamantayang Ang mag-aaral ay may pag-unawa nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
Pangnilalaman nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantaypantayng tao bilang kasapi ng pamayanan.
b. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na
Pagganap may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
c. Mga Kasanayan ng Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,
Pagkatuto kalalakihan at LGBT (Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender) AP10IKL-IIIe-f-7
d. Tiyak na Layunin Pagkatapos ng 45 minuto sa klase, ang mga mag-aaral ay:
(objectives) 1. Nabibigyang kahulugan ang salitang diskriminasyon;
2. Natutukoy ang mga uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, kalalakihan,
at LGBTQIA+; at
3. Naipapahayag ang sariling saloobin sa pamamagitan ng pagbuo ng iba’t
ibang malikhaing gawain tulad ng pagsasadula, at tula patungkol sa
diskriminasyon.
II. PAKSANG-ARALIN Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan: Diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at
(subject matter) LGBTQIA+ o Iba’t Ibang Uri ng Kasarian
Pagtuon ng
Core Values: Makatao
Halaga (value focus)
III. KAGAMITANG PANTURO
a. Sanggunian
a.1. Mga Pahina sa
Araling Panlipunan: Most Essential Learning Competencies Matrix
Gabay ng Guro
a.2. Mga Pahina sa
Kagamitang Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Pangmag-aaral
a.3. Mga Pahina sa
Teksbuk
a.4. Karagdagang
https://www.eeoc.gov/fil/diskriminasyon-batay-sa-kasarian
Kagamitan mula sa https://www.eeoc.gov/data/charge-statistics-charges-filed-eeoc-fy-1997-through-fy-2021
Portal ng Learning https://www.scribd.com/document/499234488/ap10-q3-mod2-mgaisyusakasarianatlipunan
Resources
b. Iba Pang Kagamitang
Kagamitang biswal, Laptop, Television/Projector
Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
(procedures)
A. Panimulang Gawain

 Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin na


pangungunahan ng inyong kaklase. Sino ang
gustong magboluntaryo? *Isang mag-aaral ang
magboluntaryo sa pangunguna
ng panalangin.
Amen.

Bago umupo ang lahat siguraduhing malinis


ang tapat ng inyong paligid. *Susuriin ang paligid

 Pagbati Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga din po Bb.


Era.

Kumusta ang inyong araw? Mabuti naman po.

Mabuti!

 Pagtala ng Tagapagtala ng liban, sino ang absent sa araw


liban na ito? Wala po ma’am. Lahat ay nandito

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 1


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
Mabuti naman at lahat kayo ay nandito.

 Balik-aral Sino sa inyo ang nakakaalala sa ating tinalakay


noong nakaraang tagpo? Ang ating tinalakay noong
nakaraang tagpo ay tungkol sa
iba’t-ibang uri ng kasarian.
Tama!

Ano nga ulit ang tumutukoy sa taong hindi


sang-ayon na mapasailalim sa anumang uri ng
kasarian? Queer po

Magaling! Sa anong panahon nagkaroon ng


pagbabago sa gampanin ng kababaihan sa
lipunan gaya ng paglahok sa pagboto at
karapatang makapag-aral? Sa panahon po ng mga
Amerikano
Tumpak! Ano ang tawag sa mga taong walang
nararamdamang atraksyong sekswal sa
anumang kasarian? Asexual po

Mahusay! Talagang naalala nyo pa ang mga


tinalakay natin noong nakaraang tagpo.

 Pamantayan
sa klase Ngayon, ano kaya ang dapat na gawin ng
mabuting mag-aaral sa ikasampung baitang?
Pakibasa ang nakasulat ng sabay-sabay. 1. Umupo ng maayos para
hindi antukin
2. Makinig ng mabuti sa
guro at sa kaklase na
nagsasalita.
3. Maging alerto sa klase
4. Lumahok sa mga gawain
at talakayan sa klase.
5. Itaas ang kamay kung
gustong sumagot
6. Iwasang pagtawanan ang
sinumang nagkakamali sa
pagsagot

May idadagdag pa ba kayo sa ating *Maaring iba-iba ang kanilang


pamantayan? mga sagot

Ano ang gagawin sa mga pamantayang Susundin po.


nabasa?

Opo!
Maasahan ko ba yan?

 Pagganyak Sa pagkakataong ito, pakitingnan ang ilalim ng


inyong mga upuan. *naghahanap ang mga studyante
ng mga papel sa ilalim ng
kanilang upuan.

Ano ang inyong nakita? Mga larawan po.

Pakidikit ang inyong nakitang larawan sa


pisara. *idinikit ng mga studyante ang

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 2


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
mga nakitang larawan sa pisara.

Ano ang masasabi ninyo sa unang larawan? Ang larawan po ay nagpapakita


ng diskriminasyon at
1 pangungutya.

Magaling! Sa pangalawang larawan, ano ang


inyong naoobserbahan?
Ang mga larawan ay nagpapakita
2
ng sikat na personalidad o artista,
si Nadine Lustre, Daniel Padilla,
Vice Ganda at Jake Zyrus.

Tama. Ano ang inyong napapansin sa grupo ng


mga personalidad sa larawan?
Sila po ay may iba’t-ibang
kasarian.

Mahusay! Sa tingin ninyo, ano kaya ang ating


talakayin sa araw na ito basis a dalawang
grupo ng larawan?
- LGBT po
- Pang-aapi po sa iba’t-ibang uri
ng kasarian
- Diskriminasyon po sa iba’t ibang
uri ng kasarian.
Magaling! Ang ating talakayin sa araw na ito ay
patungkol sa “Diskriminasyon sa kababaihan,
kalalakihan at LGBTQIA+”

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 3


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6

Bago natin simulan ang ating talakayan. Narito


ang layunin na dapat ninyong makuha sa araw
na ito, paki basa ng sabay-sabay.
Pagkatapos ng 45 minuto sa
klase, ang mga mag-aaral ay:
1. Nabibigyang kahulugan
ang salitang
diskriminasyon;
2. Natutukoy ang mga uri ng
diskriminasyon laban sa
kababaihan, kalalakihan,
at LGBTQIA+; at
3. Nakabubuo ng iba't ibang
malikhaing gawain tulad
ng pagsasadula, at tula
patungkol sa
Ngayon, hahatiin ko kayo sa dalawang diskriminasyon.
pangkat. Ito ang unang pangkat, at ito naman
ang pangalawang pangkat. Iyan ang magiging
grupo nyo sa buong talakayan natin ngayong
araw. Ang bawat grupo na nakakasagot sa
mga tanong, talakayan at gawain ay
magkakaroon ng puntos.

Meron din ako ditong behebyural na tsart na


kung saan ang grupong lumalahok at hindi
pasaway sa araw na ito ay magkakaroon ng
bitwin. Ang isang bitwin ay katumbas ng limang
puntos. Ang grupong may pinakamaraming
puntos ay mabibigyan ng premyo pagkatapos
ng ating talakayan.

Naintindihan ba?
Opo!
Magaling!

Paunang Pagtataya

Sa pagkakataong ito, kumuha ng isangkapat


na papel. Paki tupi ito ng pahaba, dito ninyo
isulat ang inyong sagot sa kanan. Ating
titingnan kung meron na ba kayong ideya sa

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 4


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
ating tatalakayin ngayong araw. Pakibasa ang
panuto ng sabay-sabay
Indicator 5. D Panuto: Piliin ang tamang sagot.
5.1.2 Design select organize Titik lamang ang isulat sa inyong
and use diagnostic, papel. Bibigyan lamang kayo ng
formative, and summative dalawang pung segundo kada
tanong upang sagutan ang
assessment strategies
katanungan.
consistent with curriculum 1. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay
requirements. na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag
- The teacher uses sa anumang pag-uuri, eksklusyon o
diagnostic and/or restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o
formative assessment nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
strategies that is pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan at kalayaan?
consistent with the
curriculum A. Paghihiwalay
requirements. B. Diskriminasyon
C. Pagbubukod
D. Pag-uuri uri -B

2. Naimbitahan mo si Kiko sa isang pormal na


okasyon, ngunit ikaw ay nabigla nang nakita
mo siyang nakasuot pambabae. Ano ang iyong
gagawin?

A. Hindi ko na siya kikilanin bilang kaibigan.


B. Magpapanggap na lang na hindi ko siya
kilala.
C. Tuloy ang okasyon, hindi ako magbabago
sa pagkakakilala ko sa aking kaibigan.
D. Pagsasabihan ko siya na magpalit ng
kasuotan upang hindi siya kahiya-hiya. -C

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng


diskriminasyon?

A. Pag-insulto at pagbigay ng nakakatawang


alyas o bansag.
B. Pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho.
C. Bawal na makipagkita sa mga kababaihan.
D. Kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa
kapansanan. -A

Malalaman natin kung tama ang inyong mga


sagot pagkatapos ng ating talakayan. Sa
ngayon, pakitago muna ang inyong mga papel.
*tinago muna ng mga studyante
ang kanilang isangkapat na
papel.
B. Paglinan ng gawain
 Paglalahad

1. Aktibiti

Gawain 1: I-uri Mo Ako

Ngayon, sa pagkakataong ito ay maglalaro


tayo. Nasaan ang unang Pangkat? Mag-ingay! *nag-ingay ang unang pangkat

Pangalawang pangkat? *nag-ingay ang pangalawang


pangkat.

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 5


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6

Pakibasa ang panuto ng sabay-sabay: Panuto: Sa loob ng tatlongpung


segundo, buuin ang talahanayan
sa pamamagitan ng pag-uri ng
mga diskriminasyon batay sa
kasarian.

Naintindihan ba ang panuto? Opo!

Sige simulan na!


DISKRIMINASYONG KINAKAHARAP NG *nagsimulang sumagot ang mga
BABAE, LALAKE AT LGBTQIA+ mag-aaral

BABAE LALAKE LGBTQIA+

Ating titingnan kung sino tma ang inyong mga


sagot.

*iniwasto ng guro ang sagot at pagkatapos ay


bibigyan ng puntos ang bawat pangkat

Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng


fireworks clap, alam nyo ba kung ano ang
fireworks clap?

*ipinakita ng guro ang fireworks clap.

Sa pagkakataong ito, ating balikan ang mga


2. Analisis larawang inyong nahanap. Ano ang masasabi
ninyo sa larawan?
Ito po ay nagpapakita ng
diskriminasyon sa babae, lalaki at
LGBT.
*bibigyan ng puntos ang pangkat na sumagot
Tama! Sino sa inyo ang makapagbibigay ng
sariling kahulugan kung ano ang
diskriminasyon? - Ang diskriminasyon po ay isang
masamang gawain tulad ng
pagmamaliit sa kapwa.
-Ang diskriminasyon po ay
nagpapakita ng pang-aapi sa
mga taong hindi pasok sa
standard o pamantayan ng
lipunan.

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 6


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
*bibigyan ng puntos ang pangkat na sumagot
Mahusay! Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa
anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon
batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan o kalayaan.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


halimbawa na nagpapakita ng diskriminasyon
dahil sa kasarian? - Ang halimbawa po na aking
maibibigay na nagpapakita ng
diskriminasyon dahil sa kasarian
ay hindi po pinapasali sa grupo o
mga gawain at aktibidad ang
isang tao dahil naiiba sya sa
lipunan katulad po ng LGBTQIA+
Magaling! Tama ang iyong sinabi.

Ngayon, anu-ano ang inyong masasabi o


mailalarawan kapag narinig niyo ang salitang
babae? - Mahina
- Mahinhin
- Tahimik
*bibigyan ng bituwin ang pangkat na sumagot

Ngayong 21st century iyan pa rin ba ang mga


Indicator 1. tipikal
1 na mailalarawan sa kasariang babae? Hindi na po.
1.5.2. Apply a range of
teaching strategies to develop Bakit kaya? Sa panahon po kasi ngayon,
critical and creative thinking hindi na nakabatay kung ano ang
and creative thinking, as well iyong kasarian na nagdididkta
as other higher order thinking kung ano ang kaya ng mo.
skills
- The questioning technique
of the teacher in this part
of the lesson shows critical
and creative thinking as
well as higher order
thinking skills of the Mahusay! Kilala nyo ba ang nasa larawan? Opo, sya po ay si Hidilyn Diaz
learners

Sino ba si Hidiyn Diaz? Siya po ang kauna-unahang


babae na nanalo ng gintong
medalya sa world Olympic games
sa kategoryang weightlifting.

Maiuri ba nating mahina si Hidilyn dahil sya ay


isang babae? Hindi po!

Tama!

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 7


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
Isa sa mga diskriminasyong kinakaharap ng
mga kababaihan ay ang Labor Force
Participation Rate (LFPR) na nanatiling mas
mababa kaysa sa mga kalalakihan na
maaaring maiugnay sa paglaganap ng
diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng
trabaho partikular na ang diskriminasyon sa
pagpasok sa trabaho.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng


halimbawa na nagpapakita ng diskriminasyon
sa kababaihan dahil sa trabaho? May diskriminasyon pong
nagaganap lalo na’t ang isang
kompanya ay kinakailangan ng
amlalakas na empleyado tulad ng
construction company na kung
saan ay kokonte alang ang
makakapasok na babae kasi
hindi kaya ng mga babae ang
karamihan sa gawain.
Magaling. Tama ang iyong sinabi. Nahihirapan
ang mga kababaihan na makapasok sa mga
ganyang trabaho lalo na’t iyan ang nakarehistro
na sa utak ng lipunan kaya naman ay may mga
organisasyong naglalayon na mapanatili at
maisulong ang mga manggagawang
kababaihan

Isa din sa diskriminasyong kinakaharap ng


kababaihan ay ang agwat sa sahod at
limitadong kakayahang umangkop sa trabaho
ng kababaihan.

May mga kompanyang nagbibigay ng


mababang sahod sa mga babae at mas
mataas na sahod sa mga lalake sapagkat
limitado ang ibinibigay na gawain sa mga
babae kompara sa mga lalake. Isa ito sa
nagpapakita ng diskriminasyon sa kababaihan

Klas, alam nyo ba kung ano ang ating


ipinagdiriwang ngayong Marso? National Womens Month po

Tama! Ating ipinagdiriwang ang pandaigdigang


buwan ng kababaihan bilang pagkilala sa
pakikipaglaban ng mga karapatan ng
kababaihan.

Ngayon, dito naman tayo sa sexual


harassment, sino sa inyo ang makapagbibigay
ng halimbawa nito? Ang halimbawa po ng sexual
harassment ay ang cat calling,
pambabastos sa isang tao.
Tama! Ang sexual harassment ay isang hindi
gustong mga seksuwal na pag-uugali o kilos na
gumagamit ng pananakot, pamimilit, o
pagpuwersa sa isang tao.

Ngayon, anu-ano naman ang inyong masasabi

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 8


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
o mailalarawan kapag narinig niyo ang salitang
lalake? - Malakas
- Agresibo
- Matapang
*bibigyan ng puntos ang pangkat na sumagot

Magaling! Sa tingin nyo, nakakaranas ba ng


diskriminasyon ang mga lalake? Opo.

Tama! Alam nyo naman siguro na ang Pilipinas


ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang
pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit
may mga pagkakataon ding sila ay
nakararanas ng diskriminasyon.

Batay sa aking sinabi o ipinahiwatig sa inyo,


sino sa inyo ang makapagbibigay ng senaryo o
halimbawa na nagpapakita ng diskriminasyon
sa kalalakihan lalo na’t ang pilipinas ay isang
patriyarkal na bansa? *magbibigay ang mga mag-aaral
ng halimbawa patungkol sa
diskriminasyon sa kasarian
Magaling! Dahil nga ang Pilipinas ay isang
patriyarkal na bansa, nakarehistro na sa utak
ng ating lipunan na ang lalake ang
magtataguyod sa kanyang pamilya. Ang lalake
ang maghahanap ng trabaho at magbibigay sa
mga pinansyal na mga pangangailangan ng
kanyang pamilya kung kaya’t kapag ang babae
ang nagtatrabaho upang matustusan ang
pangangailangan ng kanilang pamilya at ang
lalake ang nag-aalaga sa kanilang mga anak
ay maituturing na lihis ang papel na
ginampanan ng asawang lalake.

Ano ang tawag kapag ang lalaki ang nag-


aalaga sa pamilya habang ang babae ang
naghahanap ng pera para sa pamilya? House husband po.

Magaling! Ginagawang paksang biro ang


pagtawag ng 'House husband' sa mga
kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga
gawaing pantahanan.

Ngayon, dumako naman tayo sa


Diskriminasyong kinakaharap ng mga
LGBTQIA+, ano nga ulit ang kahulugan ng
LGBTQIA+? Lesbian, Gay, Transgender,
Queer, Intersex, Asexual, at iba
pa.
Mahusay! Anu-ano kaya ang mga
diskriminasyong kanilang kinakaharap, sige
nga? Nakakranas po ng
diskriminasyon ang mga
LGBTQIA+ sa trabaho. Mahirap
po maghanap ng trabaho ang
mga LGBT sapagkat may ibang
ahensya at institusyong hindi pa
rin tanggap ang kanilang lahi.
- May mga tao din pong mababa
ang tingin sa kanila.
Pinagtatawanan at hinuhusgahan

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 9


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
po sila dahil iba ang kanilang
kasarian.
- May iba naman na sobra ang
galit sa kanila kaya po sila
pinapatay.

Magaling! Ayon sa pag-aaral na inilabas ng


United Nations Development Programme
(UNDP) at ng United States Agency for
International Development (USAID) na may
titulong Being LGBT in Asia: The Philippines
Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may
kakaunting oportunidad sa trabaho, bakit kaya? May iba pa po kasing kompanya
na hindi sila tanggap.

Tama! lalo na’t meron pa ring issue patungkol


sa ethics lalo’t lalo na sa kanilang kasuotan.

Paano naman sa serbisyong medical, paano


Indicator 1. sila nakaranas ng diskriminasyon? -Magkakaroon talaga ng
1.1.2 Apply knowledge of diskriminasyon sa LGBTQIA+
content within and across sapagkat hindi pa gaano ka
curriculum teaching areas. advance ang ating medical
- Subject Areas: equipment patungkol po sa mga
 MAPEH— specifically in surgery na gaganapin sa kanila
health. upang makuha ang kasariang
 AralPan kanilang ninanais.
-Meron din pong ahensya sa
medical na kung saan ay
nakalimatado lang ang kanilang
pinagsisilbihan sa babae at lalaki
kung kaya’t nagiging bias po sila.

Tumpak! Paano naman sa edukasyon at


pabahay? Meron pa din pong mga
eskwelahan na ayaw
tumatanggap o nakalimitado ang
mga tuntunin at regulasyon sa
babae at lalaki lamang kung
kaya’t isa din itong halimbawa ng
diskriminasyon.
Mahusay! Iilan sa mga halimbawa niyan ay ang
mga mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na
para lamang sa babae o lalaki.

Salamat sa inyong mga sagot.

Ngayong alam nyo na ang mga


diskriminasyong kinakaharap ng babae, lalaki
at LGBTQIA+, ano kaya ang magiging epekto
nito sa taong nakakaranas ng diskriminasyon
dahil sa kanayang kasarian? -Ang biktima po ay maaaring
makaranas po ng depresyon
-suicidal thoughts
-anxiety
Tama! At dahil diyan posible din na
maaapektuhan ang kanilang kalusugan, tataas
ang kanilang trust issues sa lipunan , at
tuluyang mawala ang pagpapahalaga sa sarili.

Gawain 2

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 10


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
Ngayon ay sasagutan natin ang gawain
patungkol sa naitalang diskriminasyong ng
Indicator 2. isang organisasyong naglalayong maging
1.4.2 Use a range of teaching pantay-pantay ang bawat tao.
strategies that enhance Pakibasa ang panuto ng sabay-sabay.
learner achievement in Panuto: Suriing mabuti ang datos
literacy and numeracy skills. sa ibaba. Sagutan ang mga
pamprosesong katanungan sa
paraang sanaysay. Maari kayong
- The teacher uses literacy skills gumamit ng inyong cellphone o
(creating knowledge through internet upang madepensahan
writing as well as developing ang inyong sagot basi sa mga
media & technology) & pinagkakatiwalaang sources o
numeracy skills (the ability to pinagmumulan ng mga datos.
reason with mathematical Isulat ang reference kung saang
concepts like interpreting the website kinuha ang sagot.
data, charts, and diagrams— in Bibigyan ko lamang kayo ng
this case bar graph, to process walong (8) minuto upang sagutan
information and to make ang mga tanong.
decisions based on logical
thinking and reasoning). Ngayon naman, ay basahin ang pamprosesong
katanungan na inyong magiging gabay sa
pagsagot. Pamprosesong tanong:

1. Ano ang inyong napapansin sa


datos na ipinapakita?

2. Ano kaya ang rason kung bakit


ganyan ang resulta ng datos sa
paglipas ng panahon basi sa
inyong pananaliksik?

RUBBRIK SA PAGMAMARA
NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI GAANONG KAILANGAN PA NG
10 9 MAHUSAY PAGSASANAY ISKOR
8 7
Nilalaman Wasto, angkop,
Wasto, angkop at
organisado at Medyo magulo ang
organisado ang bawat Wasto ang talata
komprehensibo ang bawat talata
talata
bawat talata
Konklusyon Naisuma ang Naisuma ang sanaysay Katamtamang saisuma Kulang sa pag-uunlad
sanaysay ayon sa ayon sa tiyak na ang sanaysay ayon sa ang pagkakasuma ng
pangkabuuang kaisipan/mensahe ng kaisipan/mensahe ng buong sanaysay
kaisipan/mensahe pamprosesong tanong pamprosesong tanong
Paglalahad/presen Napakahusay ang Mahusay ang paglahad Maayos ang paglahad Hindi maayos at magulo
tasyon paglahad ng sanaysay ng sanaysay sa ng sanaysay sa ang paglalahad sa
sa pamamagitan ng pamamagitan ng kanilang presentasyon presentasyon
pagpapakita ng pagpapakita ng
kaalaman at kaalaman sa
karunungan sa presentasyon
presentasyon
KABUUANG PUNTOS (30)

Tapos na ang oras, pakidikit ang inyong mga


sagot sa pisara. *ginawa ang sabi ng guro

Para malaman natin kung sino ang mauunang


magpresenta, meron ako ditong piso,

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 11


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
maglalaro tayo ng hagis-barya, mamimili kayo
kung ulo o buntot kung sino ang makikita sa
palad ko ay ang unang magpepresenta ng
kanilang sagot.

Naintindihan ba? Opo!

Kinatawan ng unang pangkat, ano ang napili


mo? *namili ang unang pangkat

Pangalawang pangkat? *namili ang pangalawang


pangkat

*nakadependi ang unang magrepresenta sa


resulta ng hagis-barya

*nagpresenta ang dalawang grupo.

*nakadependi ang nanalo sa may pinaka


maraming naitala.

Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng frog cla,


alam nyo ba kung paano gagawin ang frog *binigyan ang kanilang sarili ng
clap? tatlong palakpak.

*ipinakita ang frog clap. *ginawa ang frog clap

C. Pangwakas na
Gawain

3. Abstraksyon Sa kabuuan, ang diskriminasyon ay, pakibasa


ng sabay-sabay. Ang diskriminasyon ay tumutukoy
sa anumang pag-uuri,
eksklusyon, o restriksyon batay
sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng
lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan o kalayaan.

Nakakaranas ng diskriminasyon ang


kababaihan sa pamamagitan ng?  labor force participation rate;
 sa lugar kung saan sila
nagtatrabaho;
 sexual harassment;
 agwat ng sahod sa
kalalakihan; at
 limitado ang pagtingin ng
lipunan sa kakayahan nila sa
trabaho

Ang mga lalaki din ay nakaranas ng


diskriminasyon particular sa pagiging?  house husband

At ang LGBTQIA+ na kung saan nakaranas


ding ng diskriminasyon sa pamamagitan ng?  kaunting opurtunidad sa
trabaho;
 bias sa serbisyong medical,

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 12


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
pabahay, at maging sa
Magaling! Ngayon, meron bang mga edukasyon.
katanungan tungkol sa ating diskusyon sa araw
na ito?
Wala na po ma’am.

4. Aplikasyon Gawain 3
Sa pagkakataong ito ay may gagawin ulit
Indicator 3. tayong aktibidad. Pakibasa ang panuto ng
1.5.2. Apply a range of sabay-sabay. Sa parehong grupo gagawa kayo
teaching strategies to ng malikhaing gawain katulad ng
develop critical and creative pagsasadula o tula na
thinking and creative nagpapakita ng layon upang
thinking, as well as other matapos ang diskriminasyon.
Maaring gumamit ng Mother
higher order thinking skills
Tongue at English sa
- Students think creatively
pagpresenta. Bibigyan ko lamang
on how to accomplish kayo ng limang (5) minuto upang
the activity; and mag-isip at mag-insayo.
Indicator 2.
1.1.2 Apply knowledge of Narito ang pamantayan kung papaano ko kayo
content within and across bibigyan ng marka.
curriculum teaching areas.
- Subject Areas:
 Mother Tongue &
English
RUBRIK SA PAGMAMARKA
DI GAANONG KAILANGAN PA NG
NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAHUSAY PAGSASANAY ISKOR
10 9 8 7
Wasto, angkop, at
Wasto at angkop Medyo magulo ang Kulang ang
komprehensibo
NILALAMAN ang presentasyon presentasyon ng mensaheng naipakita
ang presentasyon
ng gawain. gawain. sa gawain
ng gawain
Napakaganda at Maganda at
Maganda ngunit di
napakalinaw ng malinaw ang Kulang at dimalinaw
PAGKAMALIKHAIN gaanong malinaw
pagpapakita ng pagpapakita ng ang presentasyon
ang presentasyon
presentasyon presentasyon
Natapos ang Natapos ang
Natapos ang presentasyon na presentasyon na Hindi natapos ang
TAKDANG ORAS presentasyon sa may 1-2 minutong may 2-3 minutong presentasyon
itinakdang oras pagitan sa pagitan sa takdang
takdang oras oras
Naipamalas ng
Naipamalas ng
halos lahat ng Naipamalas ang Hindi nagkakaisa ang
buong miyembro
miyembro ang pagkakaisa ng iilang iilang miyembro sa
KOOPERASYON ang pagkakaisa sa
pagkakaisa sa miyembro sa paggawa ng gawain
paggawa ng
paggawa ng paggawa ng gawain
gawain
gawain
KABUUAN NG ISKOR (40)

Tapos na ang oras.

E presenta na ang inyong nalikhang gawain. *nagpresenta ang mga mag-


aaral.
Bigyan natin ng frog clap ang unang
nagpresenta. *ginawa ang frog clap

Sa ikalawang magtatanghal? *nagtanghal ang ikalawang


pangkat
Salamat sa inyong presentasyon

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 13


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6

5. Pagpapahalaga

Indicator 1. Klas,
1 ano nga ulit ang ating DepEd core
1.1.2 Apply knowledge of values? Maka-Diyos, Maka-tao,
content within and across Makakalikasan, at Makabansa
Magaling. Isa sa apat sa ating core values ay
curriculum teaching areas.
ang makatao, ngayong nalaman na ninyo ang
- Subject areas: magiging epekto ng diskriminasyon sa babae,
 Aral Pan lalaki at LGBT, mauuri ba nating makatao ang
(diskriminasyon); at mga taong humuhusga, nang-aapi, at nang-
 ESP (makatao, at aabuso sa kanila? Hindi po.
paggalang sa buhay)
Bakit? Kasi hindi po nila tinuturing na
tao ang mga babae, lalaki, at
LGBT na ginagawan nila ng
diskriminasyon.

Tama! Bilang isang mamamayang Pilipinong


mag-aaral, paano kayo makakatulong sa mga
taong nakakaranas ng diskriminasyon?
- Sa pamamagitan ng pagturing
sa kanila ng kaibigan.
- Hindi agad huhusgahan.
- Sa pamamagitan ng
pagtanggap kung sino talaga sila.
- Pag respeto at pagkilala sa
Mahusay! Salamat sa inyong mga sagot. bawat tao na ating kaharap

V. Ebalwasyon
Indicator 5. Sa
5 pagkakataong ito, kuhanin nyo yung
1.1.2 Design select organize isangkapat na inyong tinabi kanina. Paki basa
and use diagnostic formative ang panuto ng sabay-sabay. Panuto: Basahing mabuti ang
bawat tanong at piliin ang tamang
and summative assessment
sagot. Titik lamang ang isulat sa
strategies consistent with inyong papel. Bibigyan lamang
curriculum requirements. kayo ng dalawang pung segundo
kada tanong upang sagutan ang
- The teacher uses katanungan.
summative assessment
strategies that is Ngayon, diyan nyo naman isulat ang inyong
consistent with the sagot sa kanang bahagi ng papel. Wag tingnan
curriculum ang inyong sagot kanina. Bibigyan ko lamang
requirements. kayo ng dalawang pung segundo kada tanong
upang sagutan ang katanungan, pagkatapos
ay ipasa na ang inyong mga papel.
Naintindihan ba? Opo!
*nagsimulang magsagot ang mga
mag-aaral

I - Pagsusulit

1. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay


na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag
sa anumang pag-uuri, eksklusyon o
restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan at kalayaan?

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 14


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
A. Paghihiwalay
B. Diskriminasyon
C. Pagbubukod
D. Pag-uuri uri -B

2. Naimbitahan mo si Kiko sa isang pormal na


okasyon, ngunit ikaw ay nabigla nang nakita
mo siyang nakasuot pambabae. Ano ang iyong
gagawin?

A. Hindi ko na siya kikilanin bilang kaibigan.


B. Magpapanggap na lang na hindi ko siya
kilala.
C. Tuloy ang okasyon, hindi ako magbabago
sa pagkakakilala ko sa aking kaibigan.
D. Pagsasabihan ko siya na magpalit ng
kasuotan upang hindi siya kahiya-hiya. -C

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng


diskriminasyon?

A. Pag-insulto at pagbigay ng nakakatawang


alyas o bansag.
B. Pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho.
C. Bawal na makipagkita sa mga kababaihan.
D. Kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa
kapansanan. -A

Ngayon, ikumpara ang inyong mga sagot sa


sagot nyo kanina sa unang pagtataya. Sino
ang nakakuha ng perpektong marka! *tataas ng kamay ang nakakuha
ng perpektong marka.

Magaling! Bigyang natin sila ng frog clap! ginawa ang frog clap

II – Pagsusulit
Paki basa ang panuto ng sabay-sabay Panuto: Sa loob ng dalawang
minuto. Magbigay ng tig-isang
halimbawa ng diskriminasyong
na nagyayari sa kasalukuyan sa
DISKRIMINASYON mga kababaihan, kalalakihan, at
Sanhi Bunga LGBTQIA+. Ibigay ang mga
sanhi at bunga ng ganitong
Lalaki pangyayari. Isulat sa kalahating
papel.
Babae
LGBTQIA+

Tapos na ang oras, ipasa na ang inyong mga


papel. *Ipinasa ng mga mag-aaral ang
kanilang papel

Para sa inyong takdang aralin, pakibasa ng


VI. Takdang Aralin sabay-sabay. Panuto: Magsagawa ng
indibidwal na pananaliksik
tungkol sa diskriminasyon na
nararanasan ng mga kalalakihan,
kababaihan at LGBT Maaaring
magmasid sa inyong komunidad,

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 15


Estratehiyang 4A’s
Detalyadong Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
(Ikatlong Markahan)
Q3-W6
tahanan paaralan, at sa mga
pinapasukang trabaho. Maglatag
ng paraan kung paano ito
masosolusyonan. Gumamit ng
hiwalay na papel para sa iyong
kasagutan.

Narito ang rubric sa pagmamarka.

RUBRIK SA PAGMAMARA
NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI GAANONG KAILANGAN PA NG
20 18 MAHUSAY PAGSASANAY ISKOR
15 13
Nilalaman Wasto, angkop,
Wasto, angkop at
organisado at Medyo magulo ang
organisado ang bawat Wasto ang talata
komprehensibo ang bawat talata
talata
bawat talata
Konklusyon/ Napakahusay, Mahusay at magagawa Katamtaman at tugma Hindi malinaw at hindi
Solusyon kakaiba, at magagawa sa totoong buhay ang ang naisip na solusyon tugma ang solusyong
sa totoong buhay ang solusyong naisip naisip
solusyong naisip
KABUUANG PUNTOS (40)

Ipapasa ninyo yan sa susunod nating tagpo.

 Pamamaalam Dito lang magtatapos ang ating talakayan sa


Indicator 4. araw na ito. Paalam sa inyong lahat.
4.1.2 Plan manage and Paalam na po at salamat Bb. Era.
implement developmentally Nawa’y pagpalain ka ng Diyos.
sequenced teaching and
learning process to meet
curriculum requirements and
varied teaching context
- The overall process and how
the topic unfolds as well as the
activities shows developmental
sequenced teaching and learning
process to meet curriculum
requirements and varied
teaching context.

Pakitang-turo ni:

ERA MAE S. BARRIOS


Aplikanteng Guro sa Araling Panlipunan – JHS

Inobserbahan ni:

JERMALYN L. MAESTRADO
Teacher III sa SINHS

Diskiminasyon | Estratehiyang 4A’s | Araling Panlipunan 10 Pahina | 16

You might also like