You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I ng Pangasinan
Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

MAIKLING LEKTURA AT MGA

PAHINANG PANGGAWAIN SA
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kuwarter 2, Linggo 2

Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri at naisasaalang -alang ang mga lingguwistiko at kultural na

pagkakaiba -iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.
(F11PD – IIb – 88)
Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan
ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. (F11PS – IIb – 89)

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan ng kakayahang pangkomunikatibo at kakayahang

lingguwistiko.
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paglinang ng kakayahang lingguwistiko sa
ikahuhusay ng kakayahang pangkomunikatibo sa paggamit ng wika sa iba’t
ibang sitwasyon.
3. Nagagamit ang kakayahang lingguwistiko sa pagtukoy ng mga kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.

Inihanda ni:

LAARNI G. PERALTA, MED

DALUBGURO II, HUMSS I-B
ARALIN
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Alam mo ba?

 Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyang lingguwista

at anthropologist na maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan.
Katunayan, hindi maaaring tumbasan ng iisang salita ang malawak na sakop ng
kanyang kakayahang pang – akademiko. Mula sa kanyang mga pag – aaral ay
ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistika. Hinimok ni Dr.
Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag – aralan ang lahat ng uri ng diskursong
nangyayari sa buhay.
 Siya ay isinilang sa Portland, Oregon, United States noong Hunyo 7, 1927. Nagtapos
siya ng Bachelor’s Degree in Literature and Anthropology sa Reed
College noong 1950 at ng Ph.D in Linguistics noong 1955.

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang
ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng
wikang ginagamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992).
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes(2002), na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila’y
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang
kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Ang kakayahang pangkomunkatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng
lipunan at kultura—Ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at
mga tuntunin nito (Shuy 2009).

KOMPONENT NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, isang bahagi lamang ng kakayahang
pangkomunikatibo ang kakayahang lingguwistiko o kakayahang gramatikal. Sa mga naunang
framework o modelo ng mga lingguwistang sina Canale at Swain (1980-1981) may tatlong
komponent silang iminungkahi. Ang mga ito’y ang kaalaman at kakayahang gramatikal,
sosyolingguwistiko, at istratedyik. Sa sumunod na bersiyon ng nasabing modelo, si Canale
(1983, 1984) ang ikaapat na component, ang kakayahang diskorsal.

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang lingguwistiko o gramatikal ay pag-unawa
at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya.
Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag –iiba ng mga lingguwista at
mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang
komunikatibo na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal(Hymes 1972).
Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky(1965), ang kakayahang lingguwistiko
ay isang ideyal na sistema ng ‘di-malay o likas’ na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na
nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. Pumapaloob dito ang
kaalaman ng tao na pag-ugnayin ang tunog o mga tunog at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad
ng lingguwistikong pagtatanghal(linguistic performance) o ang aplikasyon ng sistema ng
kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINO

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng
balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon ang
ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila. Tinukoy nina
Santiago(1977) at Tiangco (2003) ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong
gramatika na napapangkat sa sumusunod:
 A. MGA SALITANG PANGNILALAMAN:
1. Mga Nominal
a.) Pangngalan-nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari atbp.
b.)Panghalip-pamalit o panghalili sa pangngalan
2. Pandiwa-nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita
3. Mga panuring
a.)Pang-uri-nagsasaad-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b.)Pang-abay-nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang-
abay.
 B. MGA SALITANG PANGKAYARIAN:
1. Mga Pang-ugnay
a.) Pangatnig- ng-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa at, pati, ni,
subalit, ngunit)
b.)Pang-angkop-katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan(halimbawa
na, -ng)
2. Mga Pananda
a.)Pantukoy-salitang nangunguna sa pangngalan o panghalip(halimbawa si,ang, ang
mga)
b.)Pangawing o Pangawil- salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri
(halimbawa ay)

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong

palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa
ortograpiya(1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay
na pasalita at pasulat:
A.PASALITANG PABAYBAY
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-ingles ng
mga titik, maliban sa (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos
na pagkakasunud-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal,
akronim, simbolong pang-agham atbp.
B. PASULAT NA PAGBAYBAY
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit ng
walong dagdag na titik (c, f, j, -enye-, q, v, x, z) para sa:
1. Pagpapanatili ng kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong
wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun(Ibanag) bugtong
kazzing(Itawes) kambing
2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na salitang
lumaganap na sa bybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntunang ito
Halimbawa:
selfie
digital detox
3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyentipiko at
teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa;
Jason Nueva Vizcaya zeitgeist
Cauliflower quorum flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa (1) pagpapalit ng D
tungo sa R; (2) paggamit ng “ng” at “nang”; at (3) wastong gamit ng gitling na kadalasang
ipinagkakamali sa pagsulat:
1. din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay
nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y(malaya rin, mababaw raw). Nanatili
ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita(aalis din, malalim
daw).Gayundin nanatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa –ra, -ri, -
raw, o –ray (maari din, araw-araw daw)
2. May limang tiyak na paggamit ng NANG:
a.) bilang kasingkahulugan ng noong (“Nang dumating ang mga Amerikano.........”)
b.)bilang kasingkahulugan ng upang o para (“Ikinulong ni Ana ang aso NANG hindi
na ito makakagat pa.”)
c.)katumbas ng pinagsamang na at ng(“Malapit NANG makauwi ang kaniyang tatay
mula Dubai.”)
d.)pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano(“Iniabot NANG
palihim ni Carl ang liham kay Lyn” “Tumaas NANG sobra ang presyo ng langis.”)
e.)bilang pang-angkop na inuulit na salita(“Pabilis NANG pabilis ang ikot ng elisi ng
eroplano.”)
3. Wastong gamit ng gitling (-):
a.)sa inuulit na salita, ganap man o hindi(araw-araw)
b.)sa isang pantig na tunog o onomatopeya(tik-tak)
c.)paghihiwalay ng katinig at patinig(pag-aaral)
d.)paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pntangi(maka-Pilipino)
e.)paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay(pa-
encode)
f.)pantig na may kakaibang bigat sa pagbibigkas, partikular sa sinaunang Tagalog sa
iba pang wika sa Pilipinas(mus-ing)
g.) sa bagong tambalang salita(lipat-bahay)
h.)sa paghihiwalay ng numero sa oras at petang may –ika ( ika-12 ng tanghali, ika-1 ng
Disyembre) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- (alas-
dos ng hapon)
i.)kasunod ng “de” (de-lata)
j.)kasunod ng “di” (di-kalakihan)
i.)sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong
dalaga pa( Genoveva Edroza-Matute)
Silid- aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kakayahang Pangkomunikatibo
ng mga Pilipino
Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Gayunpaman, kung
ang magiging tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro ang kayarian o gramatika ng
wika tulad ng mga bahagi ng pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at iba pang
teknikal na aspekto ng wika; at kung ang mga pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala,
pagbilog, pagsalungguhit, sa mga bahagi ng estruktura ng wika, maaaring hindi maaabot ng
mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng kakayahang pangkumunikatibo. Nasusukat kasi
ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika,
kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop na pagkakataon lalo
na sa mga awtentikong sitwasyon hindi sila sinanay. Nararapat na maiangat mula sa pagkilala
sa pagkilala lang sa gramatika ay mapalawig pa, maiugnay at magamit sa mga aktuwal na
situwasyon sa totoong mundo o sa tunay na buhay pasalita man o pasulat. Mula rito’y
matatanim sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng paglinang ng kakayahang
pangkomunikatibo para sa darating na pagsusulit kung hindi man ay para sa pangangailangan
sa pakikipagtalastasan maging sa mga panahon na wala na sila sa loob ng silid-aralan.

Pangalan:______________________________________ Petsa: ______________

Antas/ Seksiyon _________________________________ Iskor: _____________

Pamagat ng Gawain: Sagutin Mo

Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Panuto/Direksiyon: Nailalahad ang angkop na kasagutan sa mga sumusunod na tanong
sa bawat bilang.

1. Ano ang kakayahang pangkomunikatibo?

_____________________________________________________________________

2. Ano ang kakayahang lingguwistiko?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sino si Dell Hymes at tukuyin ang kaniyang layunin sa pagpapakilala ng kakayahang
pangkomunikatibo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Maituturing mo bang ikaw ay may kakayahang lingguwistiko? Paano mo ito
mapapatunayan at magbigay ng mga konkretong batayan kagaya ng mga tiyak na
situwasyong pangwika na iyong kinakaharap sa araw-araw?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Bakit mahalaga ang paghubog at paglinang sa kakayahang lingguwistiko ng isang
mag-aaral?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pangalan:________________________________________ Petsa: ______________

Antas/ Seksiyon __________________________________ Iskor: _____________

Pamagat ng Gawain: Isagawa Mo

Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Panuto/Direksiyon: Suriin ang mga nasalungguhitan na salita sa loob ng teksto at
tukuyin ang bahagi ng pananalita na kinabibilangan nito. Isulat sa talahanayan sa
ibaba ang tamang kasagutan.

“BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN”

(isa itong uri ng komedya na patungkol sa dalawang pasaway na mag-asawa)

Mga Tauhan:
Yoh – asawa ng bungangera na si Anna.
Anna – ang bungangerang misis.
Hao – si ginoong albularyo mula sa kabundukan ng Tralala.
Ren – mayamang ginoo.
Horo-horo – kapitbahay nina Yoh at Anna.
Tamao – isa pang kapitbahay.
Manta – isang extra.
_____
Sa isang maliit na barangay na hindi ko alam kung saan, mayroong naninirahan na mag-asawa.
Yun nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating lahat iyon) at si Anna
ay bungangera (alam din natin yon). Isang araw.

Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy!

Yoh: .
Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA
NG KAHOY!

Yoh: (nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay alis)
* sa labas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh.*

Horo-horo: Aba! Kumpareng Yoh! Kamusta ka na?

Yoh: Eto ganun pa rin.

Horo-horo: Ba! Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin dyan kay
Anna! Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na ‘yon. (napakamot sa ulo)

Yoh: eheheh. ganon lang talaga yon.

Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na sa pang-
uunder nya sa iyo?

Yoh: Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko.

Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis)

* Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya naabutan
si Anna na nanonood ng Dolphin Bay.*

https://yramenna77.wordpress.com/2012/11/27/dulang-komedya-bakit-babae-ang-
naghuhugas-ng-pinggan/

SALITANG NASALUNGGUHITAN BAHAGI NG PANANALITA

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

Sagutin ang sumusunod na katanungan hango sa tekstong binasa:

1. Ano ang masasalamin panlipunang-kultural sa tekstong binasa?
_______________________________________________________________________

2. Ano ang katangian o kaugalian ang ipinamalas ng mga tauhan sa teksto?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Naging epektibo ba ang paggamit ng wika upang mabisang mailahad ang mga naging
katangian ng mga tauhan sa binasang teksto?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sanggunian:

Taylan, Dolores R. et.al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex Book Store, INC. 2016

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino. 927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, INC.
2017

https://yramenna77.wordpress.com/2012/11/27/dulang-komedya-bakit-babae-ang-
naghuhugas-ng-pinggan/

You might also like