You are on page 1of 28

ANG PAMILIHAN

KONSEPTO AT MGA
ESTRUKTURA NITO
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN
Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng
buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar kung saan nakakamit
ng isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailangan at kagustuhan
sa pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa niyang ikonsumo
Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang
siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga
serbisyo at produkto upang ikonsumo ng
mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung
anong produkto at serbisyo ang gagawin
at kung gaano karami. Mayroong
dalawang pangunahing tauhan sa
pamilihan ang konsyumer at prodyuser
Ang konsyumer ang
bumibili ng mga
produktong gawa ng mga
prodyuser, samantalang
ang prodyuser naman ang
gumagawa ng mga
produktong kailangan ng
mga konsyumer sa
pamamagitan ng mga
salik ng produksiyon na
pagmamay-ari ng
konsyumer
“Markets are
usually a good way
to organize
economic activity”

Mayroong invisible
hand na siyang
gumagabay
dalawang aktor ng
pamilihan
PRESYO
Ito ang nagtatakda sa dami ng Ang siyang batayan ng prodyuser ng
handa at kayang bilhin na kanilang kahandaan at kakayahan
produkto at serbisyo ng nilang magbenta ng mga takdang dami
konsyumer ng mga produkto at serbisyo

Sa pagkakaroon ng
mataas na demand ng
SUPPLY
mga konsyumer, dahilan
ito sa pagtaas ng presyo,
at lalong magdagdag at DEMAND
tataasin ng mga
prodyuser ang kanilang
supply.
PAMILIHAN
LOKAL PANREHIYON

PAMBANSA PANDAIGDIGAN
MGA ESTRUKTURA NG
PAMILIHAN
Tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema
ng merkado kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ang
dami ng lawak ng kontrol ng market players
sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng
estruktura nito.
PAMILIHANG MAY GANAP
NA KOMPETISYON
Ito ang estruktura ng pamilihan na
kinikilala bilang modelo o ideal. Sa
ilalim ng ganitong sistema, walang
sinoman sa prodyuser at konsyumer ang
maaring makakontrol sa takbo ng
pamilihan partikular sa presyo. Hindi
kayang idikta nang isang prodyuser at
konsyumer ng mag-isa ang presyo.
Sa Panig ng mga prodyuser…
Hindi nila kayang kontrolin ang
presyo sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong
uri ng produkto at serbisyo sa
pamilihan. Ito ay
nangangahulugan ng balangkas
na lubhang napakaliit ng
prodyuser kumpara sa kabuuang
bilang ng mga prodyuser sa
pamilihan.
Sa panig ng mga konsyumer…
Wala sinoman sa kanila
ang may kakayahang
idikta ang presyo dahil
lubha rin silang
napakaliit kumpara sa
buong bilang ng maaring
bumili ng produkto o
serbisyo.
Ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay
mapipilitang magbenta at bumili ng
produkto at serbisyo na itinakdang presyo
ng ekwilibriyo ng pamilihan.
Ipinaliliwanag ang sitwasyon ito sa
konsepto ng price taker na kung saan ang
market players ay umaayon lamang
sakung ano ang takbo ng presyo sa
pamilihan at walang kapasidad na
magtakda ng sarili nilang presyo.
KATANGIAN NG PMCI
 Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
 Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
 Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
 Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
 Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

Ayon ito sa aklat na Ekonomiks 2nd Edition (2009) kay Paul Krugman at Robin
Wells
PAMILIHANG MAY HINDI
GANAP NA KOMPETISYON
May hindi ganap na kompetisyon ang estruktura
kung wala ang anumang kondisyon o
katangian na matatagpuan sa pamilihang may
ganap na kompetisyon. Sa pangkalahatang
paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na
bumubuo sa ganitong estruktura ay may
kapangyarihang maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan.
MONOPOLYO
Uri ng pamilihan na iisa lamang ang
prodyuser na gumagawa ng produkto
at nagbibigay-serbisyo kung kaya’t
walang pamalit o kahalili. Ang mga
halimbawa ng mga prodyuser ng nasa
ganitong uri ay ang mga….
MGA KATANGIAN NG
MONOPOLYO
 Iisa ang nagtitinda - ang presyo at dami ng
supply ay idinidikta, batay sa profit max
rule o pagnanais ng prodyuser na
makakuha ng malaking kita
 Produkto na walang kapalit – ang mga
produkto ay walang kauri
 Kakayahang hadlangan ang kalaban –
dahil sa mga patent, copyright at
trademark gamit ang Intellectual Property
Rights
Copyright ay isang uri ng intellectual
property right na tumutukoy sa
karapatang pagmamay-ari ng isang
tao na maaring kabilang ang akdang
pampanitikan o akdang pansining.
Kabilang din dito ang mga gawa gaya
ng aklat, musika, paintings iskultura,
pelikula, computer programs,
databases, advertisements, maps at
technical drawings
Patent ay ang pumoprotekta sa mga
imbentor at kanilang mga imbensyon. Ito ay
ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang
imbentor upang mabagwalan ang iba na
gawin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang
imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa
publiko ng mga detalye ng kaniyang
imbensyon.
Trademark paglalagay ng mga simbolo o
marka sa mga produkto o serbisyo na siyang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanya.
NATURAL MONOPOLY
Ito ang mga kompanyang binibigyang-
karapatan na magkaloob ng serbisyo
sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa
kaya nilang gawin ang mga produkto
at serbisyo sa mas mababang gastos
kaysa sa kumuha pa ng mas maraming
kompanya.
MONOPSONYO
Mayroon lamang ang iisang konsyumer
ngunit maraming prodyuser ng
produkto at serbisyo. May
kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan. Isang halimbawa ng
pamilihan na ito ay ang ating
pamahalaan.
OLIGOPOLYO
Isang uri ng estruktura ng pamilihan na
may maliit na bilang o iilan lamang
na prodyuser ang nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na
produkto at serbisyo. May kakayahan
ang prodyuser na
maimpluwensiyahan o madiktahan
ang presyo na umiiral sa
pamilihan.Ilan sa mga halimbawa ay..
Sa ganitong sistema…
Maaring gawin ang hoarding o pagtatago
ng produkto upang magkulang ang
supply at tatas ang pangkalahatang
presyo
Maaring pagkakaroon ng pagkontrol o
sabwatan ang mga negosyante na
tinatawag na collusion
Ang konsepto ng kartel ay
nangangahulugang pagkakaroon ng
alliances of enterprises
Hindi pinahihintulutan ang
pagkakaroon ng kartel sa ating bansa
upang mabigyan ng proteksiyon at
isulong ang kapakanan ng mga
konsyumer ayon sa itinatakda ng
Consumer Act of the Philippines
o Republic Act 9374 na isinabatas
noong Abril 23, 2011
May pananaw si Adam Smith sa kartel
“People of the same trade
seldom meet together, even for
merriment and diversion, but
the conversation ends in a
conspiracy against the public,
or in some contrivance to raise
prices. It is impossible indeed
to prevent such meetings, by
any law which either could be
executed, or would be
consistent with liberty and
justice”
Ang Organization of Petroleum of
Exporting Countries (OPEC) ay isang
halimbawa ng pandaigdigang kartel
sapagkat sila ang nagtatakda ng
supply at presyo ng produktong
petrolyo sa buong daigdig. Naitatag
noong Sep. 10-14, 1960.
MONOPOLISTIC COMPETITION
Sa ganitong uri ng estruktura ng pamilihan,
maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng mga produkto subalit
marami rin ang mga konsyumer. May
kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga
prodyuser na magtakda ng kanilang mga
produkto.
LAYUNIN NG MGA PRODYUSER
Dahil sa product differentiation, ang
katangian ng mga produkto na ipinagbibili
ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig. Magkapareho sila sa uri ng
produkto gaya ng shampoo, sabon at
toothpaste ngunit nagkaiba sa packaging,
labeling, presentasyon at maging sa lasa o
flavor.
Ang advertisement o pag-aanunsiyo ay isang
mabisang pamamaraan na ginagamit nga
mga prodyuser upang maipakilala ang
kanilang mga produkto at serbisyo. Ang
mga halimbawa ng mga produkto at
serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang
may monopolistikong competition…

You might also like