You are on page 1of 3

Batas ng Supply

Ang batas ng supply ay isang pangunahing prinsipyo ng pang-ekonomiyang teorya na nagsasaad na


pinapanatili ang iba pang mga kadahilanan na patuloy, isang pagtaas ng resulta ng presyo sa isang
pagtaas sa dami na ibinibigay. Mayroong isang direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at dami ng
tumutugon sa parehong direksyon ng mga pagbabago sa presyo.

Batas ng Demand
Ang batas ng demand ay bahagi ng micro economics na nagasasabi na ang pagtaas ng presyo ng
produkto ay dahilan upang bumaba ang demand dito, at ang pagbaba ng presyo nito ay magdudulot sa
pagtaas ng demand para sa produkto.

Supply Schedule
Ang supply schedule ay isang talahayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang ipagbili
ng prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Supply Curve
Ang supply curve ay isang grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng presyo at dami ng
produktong handing ipagbili ng prodyuser. Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal (x) at
vertical (y) axes. Ang presyo ay sa Y axis at and Qs ay sa X axis.

Supply Function
Ito ay ang mathematical equation na naglalarawan sa ugnayaan ng Presyo (P)- ang independent variable,
at ang Quantity Supplied (Qs)- ang dependent variable.

Demand Schedule
Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kalakal na kaya at gustong bilhin ng
mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at
quantity demanded ng isang kalakal.

Demand Curve
Ang demand curve ay ang graph na batay sa demand schedule. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve. Kung tutuntunin
ang mga puntong ito ay makabubuo ng isang kurbang pababa (downward sloping curve). Ang kurbang
ito ay nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang
bilhin ng mamimili.
Demand Function
Ang demand function ay isang matematikong pagpapakita o paglalahad sa ugnayan ng presyo at quantity
demanded sa pamamagitan ng fomula (Qd). Qd = a – bP na kung saan ang “QD” ay ang dami ng demand,
ang” a “ay dami ng demand kung ang presyo ay zero at ang (-b) ay slope ng demand function
samantalang ang P ay presyo.

Supply
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga produsyer
sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.

Price Elasticity of Demand


Elastic
Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng
quantity demand kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Sa maliit na pagbabago ng presyo ang mga
mamimili ay sensitibo sa pagbili.

Inelastic
Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagtugon ng
quantity demand kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Sa malaking pagbabago ng presyo ang
mga mamimili ay hindi nagiging sensitibo sa pagbili.

Unit o Unitary Elastic


Ang pagbabago ng dami ng demand at presyo ay magkaparehas at magkatumbas lamang.

Perfectly Elastic
Maaaring magbago ang dami ng demand kahit na walang pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay
may pagtugon pa rin.

Perfectly Inelastic
Nangangahulugan itong ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo. Ang
produktong ito ay lubhang napakahalaga na kahit anong presyo ay bibilhin mo pa rin.
Elastisidad ng Demand
Ito ay ang bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand ayon sa pagbabago ng presyo.

Elastisidad
Ito ay isang paraan upang masukat ang pagtugon ng mga mamimili sa pagbabago ng presyo.

Substitution Effect
Ipinapahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit
na mas mura. Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may
mataas na presyo dahil naghahanap sila ng mas mura.

Income effect
Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa
ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayanan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto.

EKONOMIKS
Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral na tumatalakay o sumusuri may kinalaman sa pagkonsumo,
pamamahagi, at paglikha ng mga yaman at kalakal. Nagsisilbi itong tema na nagpapaliwanag may
kinalaman sa mga pangangailangan ng mga tao upang masapatan ang kagustuhan at kasiyahan.
Tinatalakay nito ang mga paraan kung paano mamuhay ang mga tao.

You might also like