Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 10
Pangalan:_________________________________Iskor: ________
Year and Section: ________________________ Araw: 1-2
Unang Markahan
Modyul 3: Ang Mapanagutang Paggamit Ng Kalayaan
3.1 Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
3.2.Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan
3.3 .Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod
3.4.Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod.
I.Mga Tiyak na Layunin sa Araw :
1. Nakapagbibigay-kahulugan sa tunay na Kalayaan.
2. Nakapagtutukoy sa mga pasya at kilos na nagpapakita ng tunay na kahulugan ng Kalayaan
3. Nakapagbubuo at nakapagpapaliwanag ng Batayang Konsepto
4. Nakapagsusuri ng mga naging pasiya at kilos nitrong mga nagdaang panahon na maaaring naging hadlang sa iyong
paggamit ng tunay na kalayaan.
II. Mga Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa Mag-aaral pp. 65-81
III. GAWAIN
Mahalaga: Kopyahin at sagutin ang mga gawain sa
buong papel.
Paunang Pagtataya: Panuto: Para sa bahaging ito, basahin at sagutin mula pahina 66-68 ng Modyul.
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1. Panuto :
1. Sa pagkakataong ito, balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na natanim sa iyo tungkol sa kahulugan ng kalayaan.
2. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga sagot. Gamiting gabay ang pormat sa pahina 68,gawain 1 ng
Modyul.
3. Matapos ang gawain ay sagutin ang sumusunod na tanong sa pahina 70, gawain 3 ng modyul.