You are on page 1of 24

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–
Ikalimang Linggo – Aralin 1:
Kalayaan
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo- Aralin 1: Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Imelda Hoffer A. Oyangoren at Ruth G. Villaflor


Editor: Mario Diaz, Karen Bargayo, Annabelle A. Deguilla
Tagasuri: Mylen G. Villegas
Tagaguhit:
Tagalapat: Edyza Fatima R. Rensulat
Tagapamahala: Ronald G. Gutay, Allan B. Matin-aw, Mary Jane J. Powao,

Aquilo A. Rentillosa, Cristina T. Remocaldo, Mylen G. Villegas,


Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division

Department of Education – Region VII Central Visayas


Office Address: Department of Education-Carcar City Division (Learning
Resources Management Section) ___________________
Telefax: (032)4878495________________________________________
E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com

2
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–
Ikalimang Linggo- Aralin 1:
Kalayaan

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kalayaan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

MgaTala para saGuro


Ito'ynaglalaman ng mgapaalala, panulong o
estratehiyangmagagamitsapaggabaysamag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa pag-unawa ng napakinggan/nabasang teksto
gamit ang naunang kaalaman o karanasan.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong


matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

4
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ngisang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang
mapagtibayang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin

5
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Tama! Malaya
mong gawin ang mga
bagay na ito. Subalit ang
tanong, ano ang maaring
“Naiinis ako!” Gusto kahinatnan sa iyong
kong sumigaw at gagawin? Pagkatapos
manuntok. “Walang gawin, may pananagutan
makapipigil sa akin ka bang haharapin?
dahil may kalayaan
akong gawin ito!”

Ano ang inaasahan mong maipapamalas?

Ikaw ay isang natatanging nilikha. Ikaw ay may isip,


damdamin at kilos-loob na malayang gumawa sa sariling
kagustuhan at kapasyahan (desisyon).

Hindi ka ”laruang may susi” na gumagalaw at


sumusunod ayon sa gusto at dikta ng humahawak sa iyo.
Malaya kang kumilos, mag-isip at magdesisyon para sa
iyong sarili. Paano mo gagamitin ang ipinagkaloob na
kalayaan para hubugin ang iyong pagkatao?

Isang mahalagang biyaya kasunod ng buhay na ipinagkaloob sa


tao ay biyaya ng kalayaan upang pamahalaan ang buhay na ito. Malaking
hamon sa iyo ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng kalayaan.

Sa susunod na bahagi ng modyul na ito, unawain mo ang tunay na


kahulugan ng kalayaan. Inaasahang maipapakita mo ang mga sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Nakilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon ng kawalan
ng kalayaan. (EsP7PT-11e-7.1)

7
Subukin

Paunang Pagtataya
A. Suriin ang mga sumusunod na kilos. Lagyan ng tsek (√) kung ito’y
nagpapakita ng kalayaan at ekis (×) kung may kawalan ng kalayaan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sumali sa patimpalak ng sayaw si Ann upang maipakita


niya ang kanyang talento.
___________ 2. Papasok na sana si Mario sa silid-aralan nang sabihin ng
kanyang kaibigan na maglaro ng online games sa
computer shop at ililibre siya nito. Naisip ni Mario na
pagkakataon na niya iyon para makapaglaro nang libre.

3. Nakapulot ng pitaka si Eron sa daan na may lamang pera


at ID. Natutuwa siya dahil makabibili na siya ng bagong
cellphone. Subalit nakita sa ID ang numero ng telepono
ng may-ari. Sa halip na itago niya ang pera, tinawagan
niya ang may-ari.

4. Nakita ni Maricel na kinuha ng kanyang matalik na


kaibigan ang pera sa bag ng kanyang guro. Subalit hindi
niya ito maipagtatapat sa kanyang guro, baka ibabagsak
ang kanyang kaibigan at hihinto ito sa pag-aaral. Kaya
minabuti niyang manahimik na lamang.

5. Pinakopya ni Lito ang kanyang kaklase dahil naawa siya


na walang sagot sa kanilang pasulit dahil laging
nakababad sa computer shop.

B. Piliin ang titik na may tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.


Isulat sa sagutang papel.

6. Ayon kay Esther Esteban (1990) ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa


pagsunod sa Likas na Batas-Moral. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya.
b. Nakatakda ang kalayaan sa batas-moral.
c. Ang kalayaan ay nakabatay sa pagsunod ng batas-moral.
d. Ang kalayaan ay nasa batas-moral.

8
7. Ano ang kakambal ng kalayaan?
a. pagnanais c. pasusumikap
b. pananagutan d. paghahangad

8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


a. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya iinom ng
alak.
b. Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masabi ang kanyang mga
hinanakit.
c. Hindi mapakali sa kanyang upuan si Matilde dahil nakokonsensya
siya sa kanyang ginawa.
d. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.

9. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang


a. konsensya c. kilos-loob
b. dignidad d. moralidad
10. Paano malalaman kung napanagutan ang paggamit ng kalayaan?
a. Nagagawa ang gusto at nais mo.
b. Natutugunan ang iyong pangangailangan.
c. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya.
d. Nagagawa mong salungatin ang batas-moral.

11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa batas-moral?


a. pakikihalubilo sa iba
b. pakikipagrelasyon sa may asawa
c. pakikipagkaibigan sa kapwa
d. pakikipag-usap sa mga kakilala

12.Ano ang mensahe ng tekstong nasa loob ng kahon?


a. Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.
b. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
c. Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa
iba.
d. Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng
mabuti para sa sarili at sa kapwa.

13. Ano ang ugaling ipinakita ng tao sa pahayag na “Nakakulong ka sa


pansarili mong interes"?
a. mahabagin c. matapang
b. magiliw d. makasarili

14. Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?


a. isip c. batas-moral
b. puso d. dignidad

9
15. Ano ang kasalungat ng kalayaan?
a. pagtakas c. pagkakulong
b. pag-aalpas d. pagkawala

Aralin
Kalayaan
1

Balikan

Sa unang modyul sa ikalawang markahan naipaliwanag sa iyo na ikaw ay


natatangi sa ibang nilikha dahil sa taglay mong isip at kilos-loob. May
kakayahan kang gumawa ng pagpapasya para sa sarili. Upang magamit ang
iyong kilos-loob sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao, ipinagkaloob din sa iyo
ang iyong kalayaan.

GAWAIN 1:
Panuto:

1. Sa pagkakataong ito, balikan mo ang iyong kaisipan at konsepto na


natatanim sa iyo tungkol sa kahulugan ng kalayaan.
2. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong sagot. Gamiting gabay
ang pormat sa ibaba.

Kalayaan
Kalayaan

10
Tuklasin

Ayon sa alamat ng mga Arabo, ang Genie ay may kakayahang


magbigay ng tatlong kahilingan sa sinumang
makapagpapalaya sa kanya mula sa pagpapakulong sa
lampara.

GAWAIN 2:
Halimbawa:
Ikaw ang nakapulot sa lampara at nagpalaya sa higanteng nakakulong sa
loob. Ano-ano ang tatlong kahilingan ang nais mong matupad? Bakit?

A. Isulat sa loob ng “Speech Balloon” ang iyong mga kahilingan at isulat


sa patlang kung bakit. Gayahin ang ilustrasyon sa sagutang papel.

Bakit?
________________________
________________________
________________________

Bakit?
________________________
________________________
________________________

Bakit?
________________________
________________________
________________________

11
B. Kung sakaling walang “magic” mula kay Genie, may pagkakataon na
matupad ang iyong kahilingan? Lagyan ng tsek (√) ang kahon.

Oo Hindi

Bakit? Bakit?
________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________

C. Sa pamamagitan ng “story frame” itala sa Hanay A ang mga gagawin


para matupad ang mga hiling mo. Sa Hanay B naman ang mga maaaring
sagabal o dahilan na hindi matupad ang nais mo.

A B

Matutupad Ko Mga Sagabal

12
Suriin

Malaking hamon ba sa iyo ang pag-unawa sa tunay na kahulugan


ng kalayaang ipinagkaloob sa tao? Sa susunod na bahagi ng modyul unawain
ang tunay na kahulugan ng kalayaang taglay mo.

Kalayaan

Ilan sa mga kabataan ay napaisip na ang pagkakaroon ng kalayaan


ay nangangahulugang magagawa nila ang lahat na gusto at nais mangyari sa
buhay. Maging mayaman, malusog, magkaroon ng masaya at masaganang
buhay at iba pa. Subalit, ayon kay Joseph de Torre, ang tao ay walang
kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Kung ganoon, ano
nga ba ang kalayaang tinutukoy ng tao?

Totoong pinagkaloob ang Kalayaan sa tao subalit mayroon itong


limitasyon. Maaaring gawin mo ang isang bagay ngunit hindi ka malaya sa
pagharap ng kahihinatnan ng iyong pinipiling desisyon.

Binigyang kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan


bilang “Katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos tungo
sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”.

Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang


kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay at kilos. Ang tao ang
nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anomang pwersa
sa labas ng tao ang maaring magtakda para sa kanya. Maari siyang
mahikayat, maganyak o maakit pero hindi maaaring pwersahin o pilitin.
Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahinatnan ng kanyang
piniling kilos.

Halimbawa:

Malaya ang isang mag-aaral na makisama sa mga kaibigang


maglakwatsa sa halip na pumasok sa paaralan. Subalit ang kalayaang ito ay
hindi nangangahulugang piliin niya ang kahinatnan ng pinipiling kilos. Hindi
maaring piliin niya na magkaroon ng mataas na grado. Kung ang naging
bunga ng iyong pakikipagbarkada at paglalakwatsa ay pagkabagsak mo sa
mga asignatura, hindi mo ito pwedeng takasan: You have to pay the price.
Pananagutan mo ang kahinatnan o consequences ng iyong ginawa, ibig
sabihin ang kalayaan ay hindi lubos, ito ay may limitasyon. Ang limitasyon
ay itinakda ng Likas na Batas-Moral.

13
Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa
batas na ito katulad ng kaugnayan ng dalampasigan ng baybay-dagat. Ang
dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at siyang nagbibigay hangganan
nito. Gayundin ang likas na Batas-Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit
ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Kung gayun ang
Batas-Moral ay isang alintuntunin na kailangang sundin na nagbibigay hugis
at direksyon sa Kalayaan.

Ayon kay Ester Esteban 1990 ang konsepto ng kalayaan ay


nangangahulugang gumagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat
upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang
pagkatao. Malaya ang tao na linangin at paunlarin ang sarili nito. Kailangang
isaisip na ang kalayaang natatamasa ay kakambal nito ang pananagutan.
Paano malaman kung naging mapanagutan ang paggamit mo ng kalayaan?

Narito ang mga palatandaan ayon kay Esteban (1990):

1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (Personal Good) at


kabutihang panlahat (Common Good) upang malampasan ang mga balakid
(hindrances) sa pag-unlad ng ating pagkatao.

2. Kung handa mong harapin ang anumang kahinatnan ng pagpapasyang


ginawa. Ang bawat kilos ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama.

3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi labag o salungat sa likas na Batas-Moral


nakasaad sa mga batas na ito ang mga dapat gawin at di dapat gawin ng tao.
Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob at ang
tao ay may kamalayan (awareness), kaya’t siya ay may kakayahang suriin at
piliin ang nararapat.

Halimbawa:

Gusto mong manood ng mga palabas sa “Youtube”


sa cellphone mo. Ang iyong nabuksang link ay may
nakasulat na babala na “For Adults Only”. Ang iyong kilos-
loob ay malayang pumili. Maaaring nanaisin mong manood
at balewalain ang babala. Maari ring hindi mo panoorin at
maghanap ka ng ibang link na may maganda at
makabuluhang palabas. Walang maaaring magtanggol ng
panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait,
makukuha o maalis sa kanya.

Ang Kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispiritwal na aspeto ng


ating pagkatao. Bigay ito sa Diyos upang malaya mong hubugin ang iyong
pagkao. Mahalaga na magkaroon ka ng matibay na relasyon sa ating Panginoong
Diyos. Upang maingat sa paggamit ng Kalayaan.

14
Pagyamanin

Nawa’y maging malinaw sa iyo ang tamang paraan ng paggamit sa


kalayaang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo. Bilang pagsukat sa nalaman mong
konsepto gawin mo ang nasa ibaba.

GAWAIN 3:
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Ilagay sa Hanay A kung
ito ay nagpapakita ng kalayaan at sa Hanay B kung walang Kalayaan.
Isulat lamang ang titik na katumbas nito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Pagkawalang
Kalayaan

A. pag –eensayo sa nakahiligang B. nakipaglalaro sa aso


isports

15
C. paninigarilyo D. pag-aalaga sa
nakababatang kapatid

E. pamilyang namamasyal F. pagtatrabaho sa


murang edad

G. nag-aaral sa leksyon H. pangbubully sa mga


kapwa bata

Ang buhay ay isang biyaya na ibinigay ng Diyos sa tao. Kasamang


ipinagkaloob sa tao ang biyaya ng kalayaan upang maalagaan ng tao ang
buhay tungo sa mabuting landas. Isang malaking hamon ng tao na
pangalagaan ang kalayaang tinatamasa.

16
Isaisip

Hangad kong maging matalino at maingat ka sa paggamit ng


kalayaan sa pagtahak mo sa landas na iyong patutunguhan.

Panuto A: Batay sa Gawain 3, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit mo nasabi na may kalayaan ang mga larawang itinala sa Hanay A?

2. Bakit mo nasabi na walang kalayaan ang itinala sa Hanay B?

Panuto B: Sumulat ng maikling repleksyon o pagninilay sa inyong dyornal


notbuk tungkol sa naunawaan mong kahulugan sa kalayaan sa
pamamagitan ng pagkompleto sa talata.

Para sa akin ang kalayaan ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Pagsasabuhay

"Kung hangin ang itatanim bagyo rin ang aanihin". Ito ay ilan lang
sa mga kasabihang nagpapaalala sa iyo na kapag ginagamit sa maling paraan
ang kalayaan, maaring magkaroon ito ng masamang kahihinatnan.

Sa bahaging ito, ilapat mo ang mga natutunan na konsepto tungkol sa


kalayaan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Gawain 5

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang
maaaring epekto o kahinatnan nito. Ang unang sitwasyon ay gabay mo bilang
halimbawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

17
Sitwasyon Maaring Epektong Kahihinatnan

1. Kapag lagi akong lumiban sa klase. - Wala akong natutunan sa klase.


- Babagsak ako sa aking mga
asignatura.

2. Kapag masunurin ako sa aking


mga magulang.

3. Kapag maaga akong makipag-


nobyo o nobya.

4. Kapag nambubully ako ng aking


kaklase.

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na pahayag sa


sagutang papel

1. Ang kakambal ng kalayaan ay


a. pagnanais c. pagsusumikap
b. pananagutan d. paghahangad

2. Ano ang ibig sabihin ni Esther Esteban (1990) na ang kalayaan ng tao
ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral?
a. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya.
b. Nakatakda ang kalayaan sa Batas-Moral.
c. Ang kalayaan ay nakabatay sa pagsunod ng Batas-Moral.
d. Ang kalayaan ay nasa Batas-Moral.

3. Nakasalalay ang kalayaan ng tao sa kanyang


a. puso c. kilos-loob
b. isip d. moralidad

18
4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya makainom
ng alak.
b. Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masasabi ang kanyang
mga hinanakit.
c. Hindi mapakali sa kanyang upuan si Matilde dahil nakokonsensya
siya sa kanyang ginagawa.
d. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa Batas-Moral?


a. pakikihalubilo sa iba
b. pakikipagrelasyon sa may asawa
c. pakikipagkaibigan sa kapwa
d. pakikipag-usap sa mga kakilala

6. Paano mo malalaman kung napanagutan mo ang paggamit ng


kalayaan?
a. Nagagawa ang gusto at nais mo.
b. Natutugunan ang iyong pangangailangan.
c. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya.
d. Nagagawa mong salungatin ang Batas-Moral.

7. Ang nagbibigay direksyon ng kalayaan ay


a. isip c. Batas-Moral
b. puso d. Dignidad

8. Alin sa mga salita sa ibaba ang kasalungat ng kalayaan?


a. pagtakas c. pagkakulong
b. pag-aalpas d. pagkawala

9. “Nakakulong ka sa pansarili mong interes”. Anong ugali ang ipinakita


ng tao sa pahayag na ito?
a. mahabagin c. matapang
b. magiliw d. makasarili

10. Ano ang mensahe sa tekstong ito?

Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang


kakayahang magmamalasakit sa iba at nakakulong
lamang siya sa pansariling interes

a. Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.


b. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
c. Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa
iba.
d. Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng
mabuti para sa sarili at sa kapwa.

19
11. Ang batayan sa pagkilos ng tama at mali ay likas na
a. kakayahan c. Batas-Moral
b. katalinuhan d. desisyon

12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng kalayaan?


a. paggamit ng kakayahan at talento
b. pag-aaral ng leksyon
c. paghahanapbuhay sa murang edad
d. pakikipaglaro sa alagang aso

13. Anong sitwasyon sa ibaba ang hindi nagpapakita ng kalayaan?


a. pagtitimpi sa galit
b. pag-eensayo sa nakahiligang laro
c. pag-aalaga sa nakababatang kapatid
d. pangangamba sa epekto ng CoViD-19
14.“Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang pangungusap
ay
a. Tama, dahil likas sa tao ang kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t
inaasahan ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon
sa paghusga ng tao.
d. Mali, dahil ang magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan
kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.

15.Ang Kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating aspetong______________.


a. pisikal c. emosyonal
b. ispiritwal d. Pinansyal

20
Karagdagang Gawain

Binabati kita sa matagumpay mong paglalakbay sa modyul 5. Narito


ang karagdagang gawain na lalong makatutulong sa iyong pag-uunawa
tungkol sa konsepto ng kalayaan.

Gawain 6
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, isulat sa bilog ang mga
salitang may kaugnayan sa kalayaan. Piliin sa loob ng kahon ang mga salita.
Gawin sa sagutang papel ang ilustrasyong nasa ibaba.

kilos-loob kapaligiran kakayahan

pananagutan kasabihan katarungan

limitasyon kahinatnan kamalayan

Kilos-loob
Halimbawa

KALAYAAN

21
Susi sa Pagwawasto

22
Sanggunian

Aklat

Department of Education Grade 7 Learner’s Material

Online

Hinango noong May 17 2020


https://4.bp.blogspot.com/-
dT73nnq9cUM/WlcWzM5EFII/AAFc/mqlkURHBIJ4W5v7PEOjNgqZdVad
u49RIQCLcBGAs/s1600/Capture.PNG

http://education976.rssing.com/chan-
15192272/all_p1.hhttp://richeanne.blogspot.com/2015/03/10-uri-ng-
kaibigan-na-makikilala-mo-sa.html?m=1

Mga Larawan:
• canva.com
• https://bit.ly/382Lu3F

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Carcar City Division (Learning Resources


Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu


Philippines 6019

Tel No. (032) 487-8495

Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com


24

You might also like