You are on page 1of 67

Wikang

Pambansa,
Opisyal at
Panturo
Wikang
PAMBANS
A
Ama ng
Wikang
Pambansa
Pang. Manuel L. Quezon
Isang wikang
magiging daan ng
pagkakaisa at pag-
unlad bilang
simbolo ng
kaunlaran ng isang
Kinikilalang
pangkalahatang
midyum ng
komunikasyon sa
isang bansa.
Kadalasan, ito ang
wikang ginagamit sa
pang-araw-araw na
pamumuhay ng lahat
ng mamamayan ng
isang bansa.
PAGPILI SA
WIKANG
PAMBANSA
Konstitusyon ng
1935, Artikulo XIV,
Seksiyon 3
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa mga na umiiral
na katutubong wika. Hanggang hindi
nagtatadhana ng iba ang batas, ang
Ingles at Kastila ang patuloy ng
gagamiting mga wikang opisyal".
Surian ng Wikang
Pambansa
(SWP)
Nobyembre 13, 1936
ipinatupad ang Batas
Komonwelt Blg. 184
Pagtatatag ng Surian ng
Wikang Pambansa (SWP)
Nagkaroon ng
Representasyon ang bawat
katutubong wika
TAGAPANGULO:
Jaime C. de Veyra (Waray)
KALIHIM AT PINUNONG
TAGAPAGPAGANAP:
Cecilio Lopez (Tagalog)
MGA KAGAWAD
Santiago Fonacier (Ilokano)
Casimiro Perfecto (Bikolano)
Hadji Butu (Muslim)
Felix Salas-Rodriguez (Hiligaynon)
Filemon Sotto (Cebuano)
Pinalitan ni Isidro Abad
Lope K. Santos (Tagalog) kalaunan ay
pinalitan ni Enigo Ed Regalado
Layunin
ng SWP
Pag-aralan ang mga
pangunahing wikang sinasalita
ng hindi bababa sa kalahating
milyong Pilipino at magsagawa
ng komparatibong pag-aaral sa
bokubularyo ng mga ito.
Patibayin at paunlarin ang
isang pangkalahatang
wikang pambansa na batay
sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
Piliin ang katutubong
wikang higit na mayaman
sa panitikan, gamit sa
sentro ng kalakalan at ng
nakararaming Pilipino
Walong
Pangunahing
Wika sa Bansa
Tagalog
Cebuano
Iloko
Hiligaynon
Bikol
Samar-Leyte o Waray
Kapampangan
Pangasinense
Disyembre 30, 1937
Kautusang
tagapagpaganap Blg.
134
Pinili at ipirinoklama ni
Pangulong Quezon ang
Tagalog bilang batayan ng
bagong pambansang wika.
Bakit pinili ang
TAGALOG bilang
Wikang Pambansa?
Ang TAGALOG
ay malawak na ginagamit
sa mga pag-uusap ng
mga Pilipino at marami
din sa bansa ang
nakakaintindi ng wikang
ito.
Ang tradisyong
pampanitikan nito ang
pinakamayaman at ang
pinakamaunlad at
malawak.
Higit na mararaming
aklat ang nakasulat sa
Tagalog kaysa iba
pang mga katutubong
wikang Awstronesyo.
Kautusang
tagapagpaganap Blg.
236
Binigyang-pahintulot ang
paglilimbag sa:
“A Tagalog-English
Dictionary”
Kautusang
tagapagpaganap Blg.
236
Binigyang-pahintulot ang
paglilimbag sa:
“Ang Balarilang Wikang
Pambansa” ni Lope K. santos
(Ama ng Balarilang Tagalog)
Order Militar

Blg. 13
Hulyo 19, 1942

Opisyal na wika ng
Pilipinas ang:
Hapon at Tagalog
Proklama Blg. 12
(Marso 26, 1954)
LINGGO NG
WIKA
(Marso 29 hanggang Abril 24)

Pang. Ramon Magsaysay


Proklama Blg. 186
(Setyembre 23, 1955)
Ika-13 hanggang 19 ng
Agosto ng Linggo ng
Wika
Bilang paggalang sa
kaarawan ni Pang.
Quezon
Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7
(Agosto 13, 1959)
Nagsasaad na kapag
tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang
PILIPINO ang
gagamitin.
Saligang Batas ng
1973
Artikulo XIV,
Seksyon 3
Ang Batasang
Pambansa ay dapat
gumawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at
pormal na adapsyon ng
Wikang Pambansa na
tatawaging FILIPINO.
Artikulo 14,
Seksiyon 6 ng
Saligang Batas ng
1987
“Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay FILIPINO.
Samantalang nalilinang, ito
ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa
umiiral na mga wika sa
Pilipinas at iba pang wika.”
Kautusang
Tagapagpaganap Blg.
117
(Enero, 1987)
Linangan ng mga
Wika sa Pilipinas (LWP)
bilang pamalit sa SWP.
Pang. Corazon Aquino
Batas Republika Blg.
7104
(Agosto 14, 1991)
Itinatag ang
Komisyon sa Wikang
Filipino, ito ay
pamalit sa dating
SWP at LWP.
Proklamasyon Blg.
1041
(1997)
Pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang
Pambansa, Agosto 1-31.
Pang. Fidel Ramos
Opisyal na
Wika
Itinadhana ng batas
na maging wika sa
opisyal na talastasan
ng pamahalaan.
Ginagamit sa opisyal
na komunikasyon ng
estado sa kanyang
mga mamamayan at
ibang bansa sa
daigdig.
Bago maging opisyal ang
isang wika,  maraming pag-
aaral ang isinagawa upang
malaman kung ano ang
pinaka-karapat-dapat na
wika para sa bansa.
Tiniyak ng gobyerno na
tama ang pagpili ng wika
para sa buong kapuluan at
nabigyang-daan ito sa
pamamagitan ng
pagsasaalang-alang ng iba’t
ibang salik.
Ayon sa Saligang
Batas ng Biak na
Bato (1897)
Ang Tagalog ang
magiging opisyal na
Wika ng Pilipinas.
Batas Komonwelt
Blg. 570
(Hulyo 4, 1946)
Pinagtibay na ang:
“Wikang Pambansang
Pilipino” ay maging
WIKANG OPISYAL ng
Pilipinas
Artikulo 14,
Seksiyon 7 ng
Saligang Batas ng
1987
“Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at
pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana
ang batas, Ingles.”
Wikang
Panturo
Ang wikang panturo
ang opisyal na
wikang ginagamit sa
pormal na
edukasyon.
Ito ang wika ng
talakayang guro-mag-
aaral na may kinalaman
sa mabisang pagkatuto
dahil dito nakalulan ang
kaalamang matututuhan
sa klase.
Ito ang wika sa
pagsulat ng mga
aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-
aralan.
Kagawaran ng
Edukasyon –
Ordinansa Blg. 74
(Hulyo 14, 2009)
Isinainstitusyon ang
gamit ng Inang Wika
sa Elementary o
MTBMLE.
Mother Tongue-
Based Multilingual
Language Education
Mga Sanggunian

Aguilar, J. L., Aguilar, H. B., Canega, J. I., & Fallarcuna, E. G. (2016). Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Philippines: JENHER Publishing House.

Gonzalvo, R. P. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


(Batayang Aklat sa Filipino Senior High School). Manila: Mindshapers Co., Inc.

Mortera, M. O., & Sioson, I. D. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino: Batayang materyal sa pagkatuto ng Filipino sa Baytang II sa Programang K-12.
Mandaluyong: Books Atbp. Publishing Corp.

You might also like