You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2 (Week 2)

Ang Mapanagutang Makataong Kilos


Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Mapanagutang Makataong Kilos

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyong ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fatima R. Tundag
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel No. (032) 410-4525
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2 (Week 2)

Ang Mapanagutang Makataong Kilos

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mapanagutang Makataong Kilos.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mapanagutang Makataong Kilos.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

4
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o


Isaisip talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


Isagawa kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na


ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!

Noong nakaraang markahan, napag-aralan mo na ang tao ay dapat magkakaroon


ng kaalaman ukol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Ngayon, mas
mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa pagkukusa sa makataong kilos.

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung papaano mo matutunton at makikilala


ang gamit at tunguhin ng iyong isipan at kilos-loob. Mahalagang malaman mo at matuklasan
ang perlas ng karunungang inihanda para sa iyo sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ng
modyul na ito.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang Mapanagutang Makataong Kilos

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nakikila ang katangian ng mapanagutang kilos (EsP10MK-IIb-5.3);
2. Nasusuri ang sariling kilos at nakapagmumungkahi ng paraan upang maging
mapanagutang sa pagkilos (EsP10MK-IIb-5.4) at;
3. Napagpapatibay ang sariling kilos na may pananagutan sa pamamagitan ng
pagsasakatuparan ng mga paraan upang maging mapanagutan sa makataong kilos
at pagsulat ng isang panata.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bwat pahayag sa ibaba at ibigay ang titik nang
may pinakatamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutang kilos?


A. pambubulas (bullying) C. pag-uulat sa harap ng klase
B. pakikipagtsismisan sa kapitbahay D. pag-inom ng tubig dahil sa uhaw

2. Ano ang tawag sa uri ng kilos na likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang
tao?
A. kilos ng tao C. mapanagutang kilos
B. makataong kilos D. kilos na sinadya at kusa

6
3. Ano ang tawag sa uri ng kilos na niloob, sinadya at may pagkukusa?
A. makatwirang kilos C. kilos ng tao
B. makataong kilos D. mapanagutang kilos

4. Ano ang naidudulot sa tao kung siya maging mapanagutan sa kanyang kilos?
A. Ito ay nagbibigay daan sa iba’t ibang oportunidad.
B. Ito ay nagdudulot ng katiwasayan sa iyong buhay.
C. Ito ay nagdudulot sa iyo na maisagawa ang ano man ang iyong naisin.
D. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang masamang kahihinatnan ng
piniling kilos.

5. Mahalagang malaman ang mga katangian ng mapanagutang makataong kilos


upang maiwasan ang masamang resutla ng kilos. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa mga katangiang ito?
A. Nagdudulot ng kabutihan sa iyo at sa kapwa.
B. Nagdudulot ito sa tao ng pag-aalinlangan at pagkalito
C. Nailalagay ka sa kasiguruhan na mabuti ang kahihinatnan ng kilos
D. Nagiging katanggap-tanggap ang iyong kilos at walang pagsisisihan

6. Alin ang pinakamabuting paraan upang ikaw maging mapanagutan sa iyong kilos?
A. Magtanong-tanong sa mga dapat o di-dapat gawin.
B. Sariwain ang mga nakalipas na pasya at gamiting muli ito
C. Suriin ang layunin ng isang kilos kung ito ba ay mabuti o masama
D. Kopyahin ang kilos ng iyong kaibigan lalo’t ito’y may magandang bunga.
7. Madalas matagal matulog si Shun dahil sa paglalaro ng online games. Kaya naman
sa klase ay lagi siyang natutulog. Ano ang maipapayo mo kay Shun upang maging
mapanagutan siya sa kanyang kilos?
A. Matulog ka ng maaga upang makapagpokus ka sa klase.
B. Huwag kang matutulog sa klase baka Makita ka at mapagalitan ka pa.
C. Iwasan na ang online games dahil nakakasama iyan sa pag-aaral mo
D. Okay lang yan! Hindi ka mapapansin ng guro natin, ako ang bahala sa iyo
8. Alin sa sumusunod ang mas makatutulong sa pagsagawa ng mapanagutang
makataong kilos?
A. Magbasa ng mga aklat.
B. Magtanong-tanong sa mga kakilala
C. Gumawa ng isang eksperimento upang hindi magkamali
D. Tandaan ang mga nagawang pagkakamali at huwag na muling ulitin pa
9. Ang taong may pananagutan sa kanyang kilos at pasya ay mayroon ding
katangiang tulad ng pagiging:
A. Masipag C. Matalino
B. Maaalahanin D. May takot sa Diyos
10. Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase. Ngunit dahil sa
takotna baka madamay ka ay naisip mong tumahimik na lang at nagsawalang
bahala. Ano ang nararapat mong gawin upang maipapamalas ang mapanagutang
makataong kilos?
A. Hindi ako makikisangkot
B. Ipagbigay alam agad ito sa aming guro
B. Kukunan ko na lang ng video at ipapakita sa iba
D. Susugod at pagsasabihan ang bully na isusumbong

7
Aralin
Ang Mapanagutang Makataong Kilos
2
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!

Noong naunang modyul, natutunan mo na nakagagawa ng mga angkop na kilos ang


tao upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi
dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao. Dahil sa dignidad ng tao ay naipapakita
ang paggalang sa bawat isa.

Sa modyul na ito ay matutulungan kang mapalawak pa ang iyong kalaman tungkol


sa makataong kilos. Layon ng modyul na ito na makapagsusuri ka sa sariling kilos, ito man
ay sinadya o niloob. Mahalagang malalaman at matuklasan mo na ang pagsagawa ng
makataong kilos ay dapatmay pananagutan sa kawastuhan o kamalian nito.

Handa ka na ba? Halika! Lakbayin at tahakin ang daan patungo sa pagiging makatao!

Balikan
Panuto: Bawat segundo ng buhay ng tao ay kumikilos. Ang kilos ang makapagbibigay
patunay kung siya ay may control at pananagutan sa kanyang sarili o wala. Ngayon,
sumulat ng limang kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, kusa at
sinadya.
Listahan ng limang (5) kilos naisinagawa ng taonang may
kaalaman, malaya, kusa at sinadya.

Tuklasin

Gawain sa Pagkatuto Blg.1: HANAPIN MO ‘KO


Panuto: Hanapin sa loob ng grid ang mga salitang nakatago sa puzzle. Ang mga salitang
ito ay makatutulong sa iyo upang matuklasan ang aralin. Bilugan ang salitang iyong nakita
at isulat ito sa nakalaang patlang ang iyong mga sagot.

8
E P H I M A L A Y A T O
K O Y L G U B D K P S W
I M A P A N A G U T A N
L B D E H I K L S E M U
O N O P S B T U A W Y A
S I N A D Y A Y A S B I

1. K_LO_ - ______________
2. M _ L_ Y _ - ______________
3. M _ P A _ _ G _ T_N - ______________
4. K_SA - ______________
5. S _N_ D _ A - ______________

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: E-TSEK O EKIS NA YAN!


Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon, masasabi mo bang naging
mapanagutang ang tauhan sa kanyang kilos? Sa bawat sitwasyon sa unang hanay, sabihin
kung ito’y mapanagutang kilos o hindi sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) kung
mapanagutang kilos at ekis ( ) kung hindi, sa ikalawang kolum. Isulat ang paliwanag o
katuwiranng iyong sagotsa ikatlong kolum.

SITWASYON MAPANAGUTAN PALIWANAG


GKILOS O HINDI /KATUWIRAN
1. Pagtulong sa isang Ale na makatawid sa kalye.
2. Paghikab ng malakas matapos ang masarap na
hapunan.
3. Pag-inat sa kalagitnaan ng pag-uulat ng guro.
4. Pagsauli ng hiniram na tools mula sa kaklase.
5. Tinanggihan ang alok ng kaibigan na mag- inuman
pagkatapos ng pasok.
6. Inilihim ang tunay na dahilan ng pag-uwi sa
bahay ng gabi na.
7. Napasigaw sa biglang pagtahol ng aso.
8. Pakikipagnobyo habang nag-aaral kahit mahigpit
na ipinagbabawal ito ng mga magulang.
9. Paghilik habang natutulog.

10. Pagsuot ng face mask habang namamalengke.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang ang masasabi mo sa iyong ibinigay na sagot?
2. Mula sa mga impormasyong iyong ibinahagi sa tsart, ano ang iyong natuklasan tungkol
sa katangian ng isang mapanagutang kilos?

9
3. Sa iyong palagay, bakit mahalagang maipakita ang kapanagutan sa mga kilos na
ginagawa mo?
4. Paano kaya maipapakita ang pagiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang kilos?

May natuklasan ka batungkolsakatangian ng


isangmapanagutang kilos?

Ngayonnaman ay basahin at pag-aralan ang usapan ng


magkakaibigannakaraniwang ngnapag-uusapan ng mgakabataantulad mo. Suriin
kung naipapakitaba ang kilos na may kapanagutan.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: HALINA’T MAG-USAP TAYO!
Panuto: Tunghayan ang usapan ng mga magkakaibigan sa kantina. Mapupuna mo kaya
ang mga tama at maling kilos nila?
Nagmamadalingpumasoksakantina ng paaralansina Mila at Rosa.
Nagulatsiladahilmahabana ang pila. Hinanapnila ang kamag-aralnasi Laura.

Jam: Napakahabana ng pila.


Rose: Ayun si Aura. Malapit nasiya sa kahera.

Lumapit ang dalawa kay Aura.


Jam : Mabuti at malapit ka nasakahera.
Aura : Bakit ang tagal ninyongdumating. Maramina ang nakapila.
Rose: Dumaan pa kami sa Library at nanghiram ng aklat.
Jam : Nagugutom na ako. Pasingit naman sa pila.
Aura : O sige, huwag kang magpahalata.
Rose: Nakakahiya sa mga na kasunod sa pila. Sige doon nalamang ako sa likod.

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang iyong napansin sa mga kilos nina Jam, Aura, at Rose?
2. Sino sa mga magkakaibigan ang nagpakita ng mapanagutang kilos? Bakit?
3. Sino sa mga tauhan ang hindi nagpakita ng mapanagutang kilos? Bakit?
4. Paano mo masasabing naging mapanagutan ang kilos ng isang tao?

ANG MAPANAGUTANG MAKATAONG KILOS


Fatima R. Tundag

Ang tao ay humaharap sa iba’t ibang hamon sa bawat araw na kaniyang ginagawa.
Kaya naman, bilang tao na biniyayaan ng bukod-tanging kakayahan, ang isip at kilos-loob,
ay nararapat lamang na siya ay may mapanagutan makataong kilos. Mahalagang
maunawaan natin na may dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao at makataong
kilos.

10
Ang kilos ng tao (act of man) ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao
tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa
isang sugat, paghikab, at iba pa. Ang kilos na ito ay maituturing na walang aspekto ng
pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
Ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao nang gamit ang
katwiran, sinadya (deliberate) atniloob ng tao. Kilalanin nating ang maigi ang katangian ng
isang mapanagutang makataong kilos.

 Nakasalalay sa uri ng kilos na ginagawa at gagawin pa ng tao anumang uri ng tao


siya sa kasalukuyan at sa mga susunod pa na araw.
 Ang kilos ang nagbibigay patunay na ang isang tao ay may pananagutan sa kanyang
sarili.
 Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang
piniling kilos dahil isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsible at alam
niya ang kaniyang ginagawa at ginusto niyang gawin ang kilos na iyon.
 Ang tao ay may kapanagutan (accountability) sa kanyang kilos. Kaya naman, kung
mas mataas o mababang digri ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang
pananagutan.
 Maaaring mababawasan o mawawala ang kapanagutan ng isang kilos kung may
kulang sa proseso ng pagkilos.

Ang pagkilala sa mga katangian ng mapanagutang


makataong kilos ay nagbibigay daan upang maisagawa ang
kawastuhan ng kilos at maiwasan ang masamang kahihinatnan ng
ating piniling kilos.
Upang matulungan ka sa pagsagawa ng mapanagutang
makataong kilos, narito ang ilang mga paraan na tiyak na iyong
magagamit sa pagpapasya bilang isang mabuting kabataan.

Mga Paraan Upang Maisagawa ang Mapanagutang Makataong Kilos

 Siguraduhing ikaw ay may malinaw na kaalaman sa situwasyong iyong


kinalalagyan at may buong pagsang-ayon sa iyong kalooban.
 Mainam na ikaw ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng kilos at
nakikita ang mga maaaring kahihinatnan ng iyong pipiliin kilos.
 Mahalagang matukoy mo ang layunin ng isang makataong kilos dahil dito
mapapatunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang kilos at matutukoy
mo kung ito ay mabuti o masama.
 Suriin ang magiging resulta o kahihinatnan ng iyong pipiliing kilos at
maaaring komunsulta muna sa iyong mga magulang at mga
pinagkakatiwalaan o piling kaibigan.
 Sa panahon ng pag-aalinlangan at pagdududa, konsultahin at makinig sa
dikta ng iyong konsensiya dahil mahalagang buo ang iyong loob sa
pagsagawa ng kilos.

11
Kaya, mula sa usapan ng mga magkakaibigang sina Jam, Rose, at Aura ay
mahalagang matukoy ang tama at maling kilos upang mapagpapatibay ang
pagsasabuhay ng mapanagutang makataong kilos.

Ngayon, itanong mo ito sa iyong sarili:

Paano ko maisasakatuparan ang pagsasabuhay ng isang mapanagutang


makataong kilos bilang isang kabataan patungo sa aking kapuwa lalo na sa
aking pamilya at mahal sa buhay?

Tara na! Atingisabuhay ang katotohanantungosapagmamahal at


sapaglilingkodsaatingkapuwa.

Pagyamanin

Gawain sa Pagkatuto Blg.4: ANG MASASABI KO LANG


Panuto: Tulungan mo ang iyong kaibigan sa kanyang iniindang suliranin. Sulatan mo siya
sa iyong payoat ibahagi ang iyong saloobin kung paano maging mapanagutan sa kanyang
pasya.

Mahal kong kaibigan,

Nagtapat ang kaibigan ko sa akin na siya ang kumuha ng dalawang libong pisong
hinahanap ng isa naming kaklase. Kailangan ng kaibigan kong pera ngayon upang
pagtakpan ang nagastos niyang pambayad sa matrikula. Kilala ang kanyang mga magulang
sa pagiging malupit atmabi-gat ang kamay. Itong isa kong kaklase naman ay may
kayamananat ang dalawang libong piso ay ipambibili lamang niya ng sapatos na halata
namang marami naman siya nito.

Ang pinag-aalala ko ngayon ay nakarating na sa aming guro ang balita tungkol sa


nawawalang pera. Naguguluhan ako kung aamininko basa guro naming ang ginawang
pagkuha ng pera ng aking kaibigano pagtatak-pan ko ba siya tulad ng hinihingi niya sa akin?

Ano kaya ang pinakamainam kong gawin sa iyong palagay? Sana ay matulungan
mo akong mabigyang linaw ang aking suliranin.

Nagmamahal,
Bien

12
Mahal kong Bien,

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Nagmamahal,

Ang iyong kaibigan

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga naging payo?
2. Masasabi mo bang tama ang iyong mga payo sa iyong kaibigan upang maging
mapanagutan siya sa kanyang pasya? Bakit?
3. Mula sa ibinigay mong sagot, paano mo mapapatunayan na tama ang paggamit mo sa
kakayahan ng iyong isip at kilos-loob?
4. Paano mo mapagpapatibay ang iyong sariling kilos araw-araw na may pananagutan?

Isaisip
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: MABUO MO SA LIMANG PUNTO
Panuto: Punan mo ang bawat bilog ng mga paraan upang maging mapanagutan sa
pagkilos.

__________________
__________________
__________________
__________________

____________ d_____________
____________ _____________
____________ ____________
_____________
____________ Mga Paraanupang Ako’y _____________
____________ maging Mapanagutan sa ____________
_____________
aking Kilos
____________

____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________

____________
13
Tandaan!

Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang


bunga ng kanyang piniling kilos dahil isinasagawa ito ng tao sa panahon
na siya ay responsible at alam niya ang kaniyang ginagawa at ginusto
niyang gawin ang kilos na iyon.

Pagnilayan at Isapuso ang Batayang Konsepto


para sa Pag-unlad mo Bilang Tao

1. Maituturing ko na ba ang sarili ko bilang isang kabataan na may pananagutan


sa ginagawa?
2. May kakayahan na baa ko na gumawa ng mapanagutang pasya?
3. Handa na ba akong kumilos kaakibat ang mapanagutang kahihinatnan ng ano
man ang pasya ko?

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: HANDA KA NA BA?
Tunay ngang isang hamon ang maging mapanagutantayo sa atingg mga ginagawa araw-
araw. Bilang tao, hindi natin hangad ang masamang kahihinatnan ng ating piniling kilos,
kaya naman nararapat na maingat sa pagpapasya.

Panuto: Ilagay ang iyong sarili kung sakaling mahaharap ka sa kaparehong sitwasyon. Ano
ang dapat mong gawin upang maging mapanagutan ang iyong pipiliing kilos?

Alam mo bang narinig ko


pinag-uusapan nila si Dehlia.
Nilalagnatdaw, ubo ng ubo
at
0 nanghihina pa. Ayan, lagi
kasing naglalaktwatsa sa
kapitbahay kahit naka
lockdown na. Nakakahiya
siya, hindi ba?

14
2

Nanghiram ng pera ang kaibigan


kong si Beto. Alam ko may utang
din siya sa mga kaklase natin.
0
Paano kaya niya babayaran iyon,
eh wa la naman siyang baon,
saan kaya siya kukuha ng pera?
Papahiramin ko ba siya?

Gusto ko magkaroon ng bagong


cellphone. Yung upgraded para
sa pag-update ko online sa aking
mga kaklase at pag-aaral. Ngunit
0ilang buwan ng walang sahod si itay
dahil sa pandemia. Hindi naman
siguro masamang humingi at
magpabili ako ng bagong cellphone
sa kanya dahil mahalaga naman
ito sa aking pag-aaral.

PAMPROSESONG MGA TANONG:

1. Ano ang mga napapansin mo sa iyong mga sagot?


2. Masasabi mo bang naisabuhay mo ang isang mapanagutang makataong kilos?
3. Sa palagay mo, mapapanagutan mo kaya anuman ang magiging kahihinatnan
ng iyong piniling pasya? Patunayan ang iyong sagot.
4. Paano ba dapat paghandaan ang mga situwasyon tulad ng nasa itaas na may
pananagutan sa kilos at kahihinatnan nito?
5. Bilang isang mag-aaral sa Junior High School, paano mo kayamauudyok at
mahihikayat ang kapwa mo mag-aaral namaisakatuparan ang mga paraan upang
maging mapanagutan sa makataong kilos?

15
Tayahin
A. Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama at M naman kung hindi.
1. Ang kilos ang nagbibigay patunay na ang isang tao ay may pananagutan sa sarili.
2. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang
piniling kilos.
3. Ang tao ay may kapanagutan (accountability) sa kanyang kilos kung may mataas
lamang na antas ang pagkukusa o mataas ang pagkagusto sa isinagawang kilos.
4. Nababawasan o nawawala ang kapanagutan ng isang kilos kung ito ay isinagawa
na may pag-aalinlangan.
5. Nakasalalay sa uri ng kilos na ginagawa at gagawin pa ng tao anumang uri ng tao
siya sa kasalukuyan at sa mga susunod pa na araw.

B. Mapanagutang KIlos o Hindi Mapanagutang Kilos


Panuto: Tukuyin ang bawat sitwasyon kung ang tauhan ay nagpapakita ng mapanagutang
kilos o hindi. Isulat ang MPK kung ito ay mapanagutang kilos at HMPK kung ito naman ay
hindi.
6. Gutom na gutom na si Grego, kaya nang Makita niyang nakapahaba na ng pila sa
kantina ay agad siyang sumingit sa linya.
7. Gustong bilhin ni David ang polong Nakita niya sa mall ngunit hindi niya ito ginawa
dahil kailangan pa niyang bilhin ang gagamiting materials para sa group project niya.
8. Itinuloy ni Sheba ang pagkuha ng kursong Electrical Engineering kahit pa mababa
ang marka niya sa Mathematics.
9. Agad na sinugod ni Margo si Nica at kinausap nang sabihin ng kaklase niyang si
Julia na sinisiraan siya nito.
10. Gustong-gusto ni Agustin na Manalo sa paligsahan sap ag-awit sa kanilang baryo.
Araw-araw ay nag-eensayo siya at wala siyang sinayang na oras sa pagsasanay
upang masigurong maipapanalo niya ang paglisahan.

Karagdagang Gawain

Binabati Kita! Nakakabilib ang iyong pagiging matiyaga sa pagtatapos ng


modyul na ito. Sana’y paghandaan mo ang susunod na aralin tungo sa landas ng
iyong pagiging mabuting tao!
Bago ka lumipat sa susunod na aralin mabuti na ibahagi sa amin ang iyong
natutunan sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong pangako.

16
Panuto: Gumawa ng isang pangako sa iyong sarili ukol sa pagsagawa ng isang
mapanagutan sa kilos sa lahat ng pagkakataon.

Ang AkingPangako

Mulangayonkokontrolin ko ang akingsarilimulasa:

____________________________ .

____________________________ .

____________________________ .

Sana ay gabayannawaako ng Diyosnamatupad ang mgaito.

Susi sa Pagwawasto

17
Sanggunian
Mga Aklat:
Agapay, R. (2001). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for students and educators. Mandaluyong
City, Philippines: National Book Store.
Articulo, A. & Florendo G. (2003).Values and Work Ethics. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.
Babor, E. (1999). Ethics: The Philosophical Discipline of Action. Manila, Philippines: Rex Book store.
Blackburn, S. (2005).Oxford Dictionary of Philosophy. Oxford: Oxford University Press.
Carino, M. et al. (2008).A Pocketful of Virtues. Rizal: Glad Tidings Publishing, Inc.
Glenn, P. J. (1930). Ethics: A Class Manual in Moral Philosophy. London: B. Herder Book Co.
Law, S. (2007). Eyewitness Companions Philosophy. London: A Penguin Company. Montemayor, F.
(1994).Ethics: The Philosophy of Life. Mandaluyong City, Philippines: Rex Book Store.
Punsalan, T. et al. (2007).Kaganapan sa Maylalang IV. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Reyes, R. (1989). Rev. Ed (2009). Ground and Norm of Morality: Ethics for College Students. Quezon City:
ADMU Press.
Sambajon Jr., M (2011). Ethics for Educators: A College Textbook for Teacher Education and Educators in
All Areas of Discipline. C & E Publishing, Inc. Dyornal
Kaisipan (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya o ISIP) Vol. 1 No. 1 ISSN-
2350-6601 pp. 18-27

Mula sa Internet
Babor, E. R. Ethics Updated Edition The Philosophical Discipline of Action. Retrieved 13 February 2014
from http://books.google.com.ph/oks?
id=qzETCc5fhkkC&pg=PA170&lpg=PA170&dq=modifiers+of+human
+acts&source=bl&ots=Ayk6WY9Frw&sig=PChgiQHUUrdD35QdZpwD4m3PB dI&hl=en&sa
=X&ei=fCj7Up7jJ-SdiAewyYDIAg&ved=0CGEQ6AEwCA#v=onepa ge&q=
modifiers%20of%20human%20acts&f=false
Fernandez, KM. Modifiers of Human Acts. Retrieved 09 February 2014 from http://
www.slideshare.net/KlmnMoisesFernandez/modifiers-of-human-acts
Glenn. P. J. A Tour of the Summa. Retrieved 09 February 2014 from http://www. catholictheology.info/summa-
theologica/summa-part2A.php?q=438
Gilby OP, T. St. Thomas Aquinas Summa Theologiae Retrieved 13 February 2014 from
http://books.google.com.ph/books?id=aHO__VcXhfYC&pg=PA5&lp
g=PA5&dq=voluntariness+of+human+acts&source=bl&ots=ad8kfvAHb
0&sig=i1U24oQbFifVmBEkld-
dVjcyvU4&hl=en&sa=X&ei=MRb7UuTwAe0iQfshoGQCQ&ved=0CEgQ6AEwBjgK#v=onepage&q=v
oluntariness%20of %20human%20acts&f=false
Panuncialman, R. Modifiers of Human Acts. Retrieved 13 February 2014 from http:// researchpaper-
juniors.blogspot.com/2012/06/modifiers-of-human-acts.html
Paulin OP, T. The Human Acts Report in Moral Theology. Retrieved 13 February 2014 from
http://prezi.com/5f6znb9qokst/the-human-acts/ Mary Brizuela, Patricia Arnedo, Goeffrey Guevara,
Earl Valdez, Suzanne Rivera, Elsie Celeste, Rolando Balona Jr., Benedick Yumul, Glenda Rito, and
Sheryll Gayola. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang. Kagawaran ng
Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc.
Project EASE (Philippines). Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Department of Education, Bureau of
Secondary Education. 2010

18

You might also like