You are on page 1of 1

Noli Me Tangere (Buod)

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang nag-aral nang ilang taon sa Europa. Siya ay
mula sa isang prominenteng angkan sa San Diego.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, hinandugan siya ng isang piging ni Kapitan Tiyago.


Kasamang inimbitahan sa salu-salo ang mga prayle na sina Padre Salvi at Padre
Damaso.

Matapos ang piging, dinalaw ng binata ang kanyang kasintahang si Maria Clara, na


anak-anakan ni Kapitan Tiago. Sinariwa nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham na ipinadala nila sa isa’t-isa noong si
Ibarra’y nasa Europa pa.

Habang papauwi sa kanyang tahanan, nagkuwentuhan sina Ibarra at ang matalik na


kaibigan ng kanilang pamilya na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi ng tinyente ang
malagim na sinapit ng kanyang amang si Don Rafael sa kamay ni Padre Damaso.

May plano si Ibarra na magpatayo ng paaralan sa San Diego. Ngunit siya’y


napagbintangang nag-organisa ng rebelyon laban sa simbahan at laban sa Espanya.

Tinugis siya ng guwardya sibil, ngunit nailigtas ni Elias, isang rebelde na tumutuligsa sa
mga pang-aapi ng mga dayuhan.

Tinangka nilang tumakas palabas ng lawa ng Bay, ngunit naabutan sila ng mga
gwardya sibil.

Upang iligaw ang mga tumutugis, tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril siya
hanggang sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa.

Nagtapos ang kwento sa eksena kung saan humimlay si Elias at sinabing hindi na niya
masisilayan pa ang bukang liwayway.

You might also like