You are on page 1of 1

Noli Me Tangere ( Buod )

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang

magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong

pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong

ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang

nag-aral nang ilang taon sa Europa. Siya

ay mula sa isang prominenteng angkan

sa San Diego.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas,

hinandugan siya ng isang piging ni

Kapitan Tiyago. Kasamang inimbitahan

sa salu-salo ang mga prayle na sina

Padre Salvi at Padre Damaso.

Matapos ang piging, dinalaw ng binata

ang kanyang kasintahang si Maria Clara,

na anak-anakan ni Kapitan Tiago.

Sinariwa nilang dalawa ang kanilang

pagmamahalan sa pamamagitan ng Habang papauwi sa kanyang tahanan,

pagbabasa ng mga liham na ipinadala nagkuwentuhan sina Ibarra at ang

nila sa isa’t-isa noong si Ibarra’y nasa matalik na kaibigan ng kanilang pamilya

Europa pa. na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi ng

tinyente ang malagim na sinapit ng

kanyang amang si Don Rafael sa kamay

ni Padre Damaso.

May plano si Ibarra na magpatayo ng

paaralan sa San Diego. Ngunit siya’y

napagbintangang nag-organisa ng

rebelyon laban sa simbahan at laban sa

Espanya.
Tinugis siya ng guwardya sibil, ngunit

nailigtas ni Elias, isang rebelde na

tumutuligsa sa mga pang-aapi ng mga

dayuhan.

Tinangka nilang tumakas palabas ng

lawa ng Bay, ngunit naabutan sila ng

Upang iligaw ang mga tumutugis,


mga gwardya sibil.

tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril

siya hanggang sa mapuno ng kulay pula

ang tubig sa lawa.

Nagtapos ang kwento sa eksena kung

saan humimlay si Elias at sinabing hindi na

niya masisilayan pa ang bukang

liwayway.

SOURCE : https://www.tagaloglang.com/noli-me-tangere-buod/

You might also like