You are on page 1of 6

Aralin 3

Rehistro o Barayti ng Wika

Pangalan : _______________________________
Seksiyon : _______________________________

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Grade 11
Ang Rehistro ng Wika
 Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sagumagamit
 Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng heograpiya, edukasyon,okupasyon, uring
panlipunan, edad, kasarian, o kaligirang etniko.
 Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwalat grupo,
maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan atiba pa
 Bawat pagsalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyangsarili sa ibang
tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan
 Tinatawag na rehistro ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o
teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina. Isa
pang halimbawa ng rehistro ay ang salitang kapital na may kahulugang puhunan sa
larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang punong lungsod o kabisera sa
larangan ng heograpiya.
 Bawat propesyon ay may rehistro o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
rehistro ng wika ng mga guro sa abogado. Iba rin ang inhinyeryo, computer
programmer, doktor, at iba pa. Hindi lamang ginagamit ang rehistro sa isang partikular
o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng
mga rehistro ng pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't ibang
larangan o disiplina. Ang rehistro ay itinuturing na isang barayti ng wika.

BARAYTI NG WIKA
Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba’t ibang barayti. Batay
nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng
pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang negatibo. Maaari itong tingnan bilang
isang positibo, isang penomenong pangwika o magandang pangyayari sa wika.
1. Dayalek - Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. Maaaring
gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang
punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng
salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang
nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Ang halimbawa ng dayalek ay ang
pagsasalita ng Tagalog ng mga taga-Batangas na naglalagay ng “e” sa dulo gaya ng
“ala e.”
2. Idyolek- Ito ang sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng
pagsasalita ang bawat isa. Napatunayan nito na hindi homogeneous ang wika sapagkat
may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao. Ilan sa mga
personalidad na gumagamit ng idyolek ay sina Marc Logan, Noli De Catro, Mike
Enriquez at Kris Aquino.

3. Sosyolek- Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o


dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansin ang mga tao
na nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan,
paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Madali nating malalaman ang
pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng kabataan sa matatanda, ang mga nakapag-aral
sa hindi nakapag-aral at babae sa lalaki. Maihahanay sa sosyolek na barayti ng wika
ang gay lingo, conyospeak, jejemon, jargon.

4. Etnolek- Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga
salitang nagiging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.
Halimbawa ay ang salitang vakkul na ibig sabihin ay pantakip sa ulo at ang salitang
palangga na nangangahulugang mahal o minamahal.

5. Etnolek- ang tawag sa mga salitang ating binabanggit at ginagamit sa


pakikipagtalastasan sa bahay. Ang halimbawa nito ay kapag inuutusan ka ng iyong
ama o ina sa mga gawaing bahay.

Gamit ng Wika sa Lipunan Ayon kay M.A.K Halliday


 Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali,
ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang
isang yunit.
 Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng
lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.

1. Interaksyonal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at


pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
Halimbawa: Pakikipagpalitan ng mensahe sa kaibigan na nasa malayong lugar
gamit ang pagpapalitan ng liham o hindi kaya ay sa telepono.

2. Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga


pangangailangan, pakikipag-usap o pag-uutos
Halimbawa: Paggawa ng liham-pangangalakal
3. Regulatori - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o
asal ng ibang tao.
Halimbawa: Paglalagay ng karatula sa lugar na pagmamay-ari gaya ng “No
Tresspassing”.

4. Personal - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin


o opinyon.
Halimbawa: Pagsulat ng talaarawan tungkol sa naranasan mo sa panahon ng
pandemya.

5. Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon


sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Pagpapahayag ng nararamdaman sa taong sinisinta sa
pamamagitan ng pagsulat ng tula at pagbigkas nito.

6. Heuristik - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng


impormasyon.
Halimbawa: Pumunta ka sa isang kumperensiya ngunit hindi mo alam ang
tamang daan patungo kaya ikaw ay nagtanong ng tamang direksyon.

7. Representatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pag-uulat ng mga pangyayari


at pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay, pagpapahayag ng hinuha o
pahiwatig sa simbolismo ng isang bagay o paligid.
Halimbawa: mga anunsiyo, pagbibigay ng mensahe, patalastas

Si Jackobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng


wika.
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
- Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.
Halimbawa: Naks, ha! Ang galing-galing!

2. Pagbabahagi ng impormasyon (Informative)


- Paglalahad ng impormasyon.
Halimbawa: Enhance community quarantine ang ibig sabihin ng ECQ.

3. Panghihikayat (Conative)
- Panghihimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap
Halimbawa: Bumili ka ng sabon!

4. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)


- Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa: Saan ka nanggaling?

5. Pagbanggit ng saloobin, ideya at opinyon (Expressive)


- Paglalahad ng nararamdaman mula pinag-uusapan.
Halimbawa: Gusto kong malaman mo na masama ang loob ko dahil
nagsinungaling ka sa akin.

6. Paggamit bilang Sanggunian (Referential)


- Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon Halimbawa: Dyaryo,
magasin at iba pang mga babasahin.

7. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)


- Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang
kodigo o batas.
Halimbawa: Pagpapahayag ng sariling saloobin sa isang partikular na bagay.

8. Patalinghaga (Poetic)
- Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Halimbawa: Tula tungkol sa pag-ibig at buhay.

9. Pagbibigay ng panibagong tawag (Labelling)


- Ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang
tao o bagay.
Halimbawa: Popstar Royalty ang tawag kay Sarah Geronimo.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
- Ang kakayahang komunikatibo ay isang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang ng
paggamit ng wika. Masasabing may kakayahang komunikatibo ang isang tao kung
taglay taglay niya ang apat na sangkap gaya ng sumusunod:
1. kakayahang linggwistiko/ istruktural/ gramatikal-kakayahang umunawa at makabuo
ng mga estruktura sa wika ayon sa mga tuntunin ng gramatika
2. kakayahang sosyolingwistika-pag- unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan,
saan, bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo
3. kakayahang pragmatik: pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi,
ikinikilos ng taong kausap
4. kakayahang diskorsal: pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/ sitwasyon
ayon sa konteksto.

Ayon kay Fantini (Pagkalinawan, 2004), may mga salik-panlipunan na dapat isaalang-
alang isaalang-alang sa paggamit ng wika tulad ng ugnayan ng nag-uusap, paksa, lugar at
iba pa. Nilagom ito ni Dell Hymes sa akronim na SPEAKING.

SETTING - ang lugar kung saan nag-usap


PARTICIPANTS - kung sino ang kausap o kinakausap. Dapat ding magbago
bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino
ang taong nasa ating harapan o di kaya'y sinusulatan.
ENDS - ang layunin sa pakikipag-usap.
ACT SEQUENCE - Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.
KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal na paraan sa pakikipag-
usap.
INSTRUMENTALITIES - ang lengguwahe o instrumentong ginamit upang
Makipagkomunikasyon
NORMS - ang paksang pinag-uusapan.
GENRE - kung nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, naglalarawan,
nagpapaliwanag o naglalahad

You might also like