You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN
GRADE 7

SY 2016-2017

PANGALAN:_____________________________Seksyon:____________________ Iskor:___________

I. Bilugan ang tamang sagot.

1. Saan nanggaling o nagsimula ang kaharian ng Pagan?


a. Thailand b. Cambodia c. Burma
2. Kung ikaw ay kasapi ng mga Indo- Aryan, ano ang pangunahing gawain o hanap-buhay
ninyo?
a. Pangingisda b. pagmimina c. pagtatanim
3. Anong bansa ang tumalo sa Ayutthaya?
a. Burma b. Thailand c. China
4. Sang ayon ka ba sa sistemang Caste?
a. Hindi, dahil may diskriminasyon sa lipunan ang sistemang ito.
b. Hindi, dahil babagsak ang ekonomiya ng bansa dahil dito.
c. Hindi, dahil tayo ay may utang sa pamahalaan.
5. Ito ang kahariang nakaranas ng direktang pamumuno ng China.
a. Kaharian ng Vietnam b. Kaharian ng Cambodia c. Kaharian ng Angkor
6. Ilang taon tumagal ang panahong Vedic?
a. 600 b. 700 c. 1000
7. Kung ikaw ay isang hari, gusto mo bang makipaglaban sa ibang bansa para masakop ito?
a. Oo, para lumaki ang aking kaharian.
b. Hindi, para walang gulo.
c. Hindi, dahil lahat tayo ay may karapatan na mamuhay ng mapayapa.
8. Siya ang pumalit sa posisyon ni Chandragupta Maurya at pinangunahan ang
kampanyang military ng Imperyong Maurya.
a. Akbar b. Asoka c. Chandragupta II
9. Sa kaharian ng Pagan, ano ang kanilang relihiyon?
a. Theravada Buddhism b. Hinayana Buddhism c. Buddhism
10. Imperyo na kilala bilang dalampasigan ng ginto.
a. Imperyong Srivijaya b. Imperyong Angkor c. Imperyong Maurya

II. Isulat sa patlang ang hinihinging tamang sagot.


_____________1. Pangalan ng unang panitikan ng Indo-Aryan.
_____________2. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay “Karunungan”.
_____________3. Hinahati nito ang lipunan ng Indo-Aryan sa apat na pangkat.
_____________4. Ito ang pinakamahalagang vedas ng Indo-Aryan.
_____________5. Ibig sabihin ay “Awit ng Karunungan”.
_____________6. Siya ang hari ng Macedonia.
_____________7. Siya ang apo ni Maurya.
_____________8. Ito ang wika ng Indo-Aryan sa loob ng isang libong taon.
_____________9. Tawag sa pinakamababang pangkat sa lipunan ng Indo-Aryan.
_____________10. Pangkat ng lipunan sa Indo-Aryan na kinabibilangan ng mga sundalo o
mandirigma.
III. Piliin sa kahaon ang tamang sagot.

Bodhisasatta Budismo Kanishka Babur Kanishka


Chandragupta Maurya Mahayana Buddhism Akbar Funan Asoka
Chandragupta II Hinayana Buddhism Aryabhata Vietnamese
Jayavarman II

_____________1. Siya ang unang hari ng Imperyong Maurya.


_____________2. Relihiyon ng Imperyong Maurya.
_____________3. Pinakamakapangyarihang hari ng Kushan.
_____________4. Budismo na naniniwala na may mababang uri ng diyos.
_____________5. Tawag sa mababang uri ng diyos.
_____________6. Isang matematiko at astronomo na nakadiskobre sa kahalagahan ng pi.
_____________7. Isang Turk na tinawag na Mogul ng mga India.
_____________8. Apo ni Babur na hindi marunong bumasa.
_____________9. Sila ang tumalo sa kahariang Champa.
_____________10. Pinakamalakas ng pinuno ng Khmer.

IV. Enumerasyon
1-4. Apat na pangkat ng Sistemang Caste
5-6. Dalawang uri ng Budismo ng mga Kushan.
7-9. Kaharian na nagmula sa Vietnam.
10-12. Mga bansang sinalakay ng mga Indo-Aryan.

V. SANAYSAY. (5 PUNOTS)
1. Ano ang kahihinatnan ng mga bansa sa Asya kapag nag laban-laban ang mga tao nito?
2. Bakit kailangan ang pagkakaisa ng mga tao sa isang bansa?

You might also like