You are on page 1of 20
KABANATA IV ANG PAGLALAKBAY NI JOSE RIZAL i Unang Paglalakbay — (Mula sa ika-l ng Mayo 1822 hanggang ika-5 ng Agosto, 1887) Upang hindi matuklasan ng mga maykapangyarihan ang xanyang pangingibang-bayan ay umuwi muna siya $4 Ca Jamba upang dumalo kunwari ga pistang-bayan. Dito ay hie hintayin niya ang balita hinggil sa pagdating ng bapor na sasakyan niya, Isang telegrama ang kanyang tinanggap buhat sa kanyang payaw na si Manuel T. Hidalgo na nagsasaad na ang bapor Salvadora ay dumating sa pantalan. Ika-5 ng umaga noong .Mayo 1, 1882 nang gisingin siya ni Paciano upang humanda sa paglalakbay patungo sa May- nila. Pinagkalooban siya ni Paciano ng 356 na piso. . Nagda- en siya sa kanyang kapatid na si Saturnina, upang hingin ang singsing na brilyante nito, nguni’t ito’y natagpuan niyang na- tutulog pa.: Matapos ang sampung oras na paglalakbay sinapit niya ang Maynila. Ibinigay ni Antonio Rivera kay Rizal ang kanyang pases (passport) sa daungan . Nang sumunod na araw, ika-2 ng Mayo, ay sinamahan siya ng kanyang kumpadreng Mateo Evangelista sa bapor Salvadora at ipinakilala siya kay Kapitan Donato Lecha, taga- Asturia, Mula sa bapor ay nagpunta siya kay Pedro Paterno ra naghigay sa kanya ng liham ng rekumendasyon sa kaibigan nitong Esquivel na taga-Espanya, Kinahapunan ng araw ding iyon ay dumalaw siya sa Ate~ neo, Dito ay binigyan siya ng sulat ng rekumendasyon para sa mga paring Hesuwita sa Barcelona, Kinagabihan ay dinalaw niya ang pamilya ng mga Valen- zuela at siya’y pinabaunan ng mga ito ng garapon ng bis- kuwit at isang kahon ng tsokolate bilang alaala. Kinaumagahan ika-8 ng Mayo ay nagsimba siya sa Santo Domingo. (Ito ang dating simbahan sa Intramuros ng mga ne Dominiko na nawasak nang huling digmaang pandaig- ig. Ang simbahang ito’y inilipat at ngayo’y nasa Lungsod 33 ng Quezon.) Nasabi niyang “marahil ay kahuli-hulihang mi. sa na ito na mapakikinggan ko sa aking bayan.” Inihatid siya ng kanyang Tiyo Antonio, Gella, Mateo sa ‘ pantalan na katatagpuan sa bapor Salvadora, Tinangka na sanang umalis ng kanyang mga _ kaibigan matapos na maihatid siya sa bapor nguni’t pinakiusapan niya ang mga ito na huwag muna siyang iwan. Ang mga ito ay nagpaunlak naman. Dumating ang oras ng kanilang paghihiwalay. “Niyakap ko silang makalawa at ninais ko sanang pigilin sa pamama- gitan ng aking mga yakap.” ~ 7 “Minamalas ko silang lumalayo at hindi ko maiwalay ang tingin sa kanila . . . ibig kong mapigil sila sa pamamagitan ng aking tingin. “Pinaliliguan ng luha ang mga mata ko, datapuwa't pinipi- gilan ng labis na kahihiyan.” Habang lumalayo ang bapor ay kinuha niya ang lapis at papel at buong lungkot niyang iginuhit ang unti-unting nan- lalabong larawan ng Maynila. May labintatlong lalaki, sampung babae at labing-apat na bata ang kasabay niya sa bapor. Halos lahat ay pumupula sa bayang Pilipinas na kanilang pinanggalingan. Matapos ang limang araw na paglalakbay ay sinapit ni Rizal ang Singgapur. Napansin at hinangaan niyaxang pag- titiwala ng mga mamamayan sa Singgapur sa kanilang pa- mahalaan. Siya.ay tumigil sa Otel ng Paz sa loob ng dala- wang araw. Sa mga araw ding ito ay dinalaw niya ang mga makasaysayang pook; ang hardin botaniko; ang mga templo at ang mga tanghalan ng sining. Ginugol din niya ang kan- yang panahon sa pagsulat ng talaarawan at mga liham. Buhat sa Singgapor Noong ika-2 ng Hunyo ay sumapit sila sa lungsod ng Suez at limang araw nilang tinawid ang Kanal Suez. Ang kanyang sinasakyan ay dumating sa Napoles noong ika-12 ng Hunyo at siya ay dumaong sa Marselles. Ang pook na ito ay umakit sa kanya. Isa sa mga mahahalagang pook na dinalaw niya rito ay ang “Chateau d'If”, pook na kinabi- langguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Konde ng Monte Cristo, na binasa niya noong siya'y nag-aaral pa sa Ateneo | 2 A RTD SLATE SILLS PET ILS tatlo; sa Tec na pagtigil niya sa: Marselles ay iya ang Barcelon: 5 tren Patungo sa Barcelona. Sinapit tumuloy sa Fonida nj 20" iR@-15. ng Hunyo, 1882.” Siya ay ta ng Espanya, San Pablo. Siya ay hindi na- ‘a, sapagka’ Matapos ang gumakay siya petsang ika-26 ng Marso ggo_ Si Rizal ay Pinagkalooban n, pino sa Barcelona sa Pp mga dati niyang kamag.. Dahil sa maunlad isang salu-salo ng mga Pili- laza de Catalufia. Ang ilan dito ay aaral sa Ateneo. fa at malayang kapaligiran sa: Barcelona sumulat si Rizal ng isang makabayang sanaysay na may pa- magat na Amor Patrio (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa) at ito’y ipinadala niya sq kanyang kaibigang si Basilio Teodoro na kasama sa patnugutan ng Diariong Tagalog, ang kauna-una- hang pahayagan sa Maynila na may pitak Tagalog. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay kauna-unahang si- nulat niya sa Espanya, Dito'y gumamit si Rizal ng sagisag na Laong-Laan. Ang nabanggit na sanaysay ay lumabas sa Diariong Tagalog noong ika-22 ng Agosto 1882 sa Kastila at sa Pilipino. Ang pagsasalin ga Pilipino ay ginawa ni Marcelo H. del Pilar, Ang nasabing sanaysay ay naging kapansin- pansin sa mga mambabasa dahil sa damdaming maka-Pilipino nito, Sapagka’t sinasabi sa sanaysay na walang bayan ang mga Pilipino, kundi ang Pilipinas. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA” Naito ang isang magandang paksa; at dahil din sa kanyang kagandahan ay napakadalas nang talakayin. Ang pantas, makata, makasining, manggagawa, mangangalakal, o mandirig- mé, matanda o bata, hari o alipin — ang lahat ay nakapag-isip na tungkol sa kanya, at nakapaghandog ng pinakamahalagang bunga ang kanilang isip o kanilang Puso. Buhat sa taga- Europang mulat, malaya't mapagmalaki sa kanyang maluwal- hating kasaysyan, hanggang sa Negro sa Aprika, na hinango sa kanyang mga kagubatan at ipinagbili sa hamale na halaga: buhat sa matatandang bayang ang mga anino'y galtaligist pa sa kanilang mga mapapanglaw ng guho, libingan ng kant rere Pampanitikan sa Tuluyan ni Jose Rizal (Maynila: Pambanseng Ko isyon ng Tkasandaang Taon ni Jose Rizal, 1961) Pp. 21-28. 35 ’t nahirati siya sa malalaki at . HERSERERR AINA OEE a ban- hanggang sa mg ia't. pagdurusa, es Wahid, a my aluwalhatia’t PAgdUECY oe puno % ay ane al poyor lag nang ih smamahal na dila, maning- sang makabago’t 1 3 isang pina it, na_tinataw; yroong isang PP” malupit, ni ag nagkaroon at ant walang babag, a ning, dakila, | sa kanya’y umawit, libo- na Inang-Bayan. Libu-ibon 3 ie qunya ng pene: mga libong kudyapi ang nae ang pangarap, ang nagl ain sa © makatang lalong matataas eeiosta ne kaniteng* pinakuhiad kanyang harap 0 Sa ieee naging sigaw ng kapayapaan ningning na_katha. See atierl palibhasa'y siya ang laman ng pag-ibig at ng KalUwa Tad ng liwanag na nakukulong ng lahat ng pag-liisip, at i a'y tumatagos hanggang sa labas, . sa isang malinis na pibog: se na buhay: na parang mga sinag na ; ary pageululan ‘nathy At ito ba'y magiging Sof raanatih mag-ukol sa kanya ng panahon? At tayo bay aa ibang kasalanan kundi ang ng anumang bagay, tayong Wa ate anag? \Nagbibigay. ba ang pagkakahuli ng pagsilang sa 1 atang huwag kumilala ng dantaong _ikalabinsiyam me seek secant ane weayentans UE ee pe iin ang kanyang alaala, at bahagya init sng aekaeapukew ng kanyang alaala, at bahagya an ang pagkakapukaw ng ating kalooban, ay makakasumpong tayo sa kaibuturan ng ating kaluluwa ng kung di man isang masa- ganang kayamanan, ay abuloy na bagaman dahop ay _Puspos naman ng kasiglahan. Katulad ng mga matatandang Ebreong nangag-alay sa templo ng mga kauna-unahang bunga ng kanilang pag-ibig, tayong nangingibang lupain ay nag-uukol ng mga z kauna-unahang tinig sa ating Inang-Bayang nababalot ng“ mga panganorin at mga ulap ng umaga, lagi nang maganda at matulain, at sa tuwi-tuwina'y lalong sinasamba habang sa kanya'y nawawalay, at nalalayo, At ito'y hindi nararapat pagtakhan sa sa inang-baya’y isang damdaming tunay na katutubo; sapagka't naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng kamusmusan, isang masamang tulang awitin na ang kabataan lamang ang naka- kikilala at sa mga bakas nito'y sumisibol ang bulaklak ng kawalang-malay at ng kaligayahan; sapagka’t doo’y nahihim- bing ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap; sapagka’t sa kanyang i n at sa kanyang mga ka- Parangan, ‘sa « bawa't Punung-kahoy, sa bawa’t halaman, sa dahilang ang pag-ibig Sa_mahalimuyak na simoy ng hangi. Saya ng hininga niya bulong ng mga bukal, eee Tg: ngiti at ng kanyang awit sa © 0g mga_buntung-hinin, Siti niya sa bahaghari ng langit, “hangin sa gabi, Ang art; "8, 84 magulong halinghing né magitan ant! Rito'Yy sapagka't doo'y nakakikita ilalim ng tahimik ng b Ba mga mata ng inyong gunita, s# ubong ng Matandang tahanan, ng isang frst naeas irae aa angkang nag-aalaala at naghihintay sa inyo, nag-wukol sa inyo ng mea isipan at mga pagkabalisa nila; sa wakas, sapagka’t sa kanyang langit, sa kanyang araw, sa kanyang mga karagatan at sa kanyang mga kagubatan ay nakakatagpo kayo: ng tulain, ng paggiliw at ng pag-ibig, at hanggang sa libingan na ring pinaghihintayan sa inyo ng isang abang puntod upang kayo’y isauli sa sinapupunan ng lupa. Mayroon kayang isang kadi- yusang nagtatali ng ating mga puso sa lupa ng ating inang- bayan na nagpapaganda’t nagpaparilag sa | sa atin ng lahat ng bagay at malambing, lahat, naghahandog sa ilalim ng isang anyong matulain at nakararahuyo sa ating mga puso? Sapagka’t Sa papaano mang anyo humarap siya, maging nararamtan ng matingkad na pula, napuputungan ng mga bulaklak at laurel, makapangyarihan at mayaman; maging malungkot at nag-lisa, nababalot ng basahdn, at alipi Nagmamakaawa sa kanyang mga anak na alipin din; maging anaki'y diwata sa isang ha- lamang maalindog, naliligid ng mga bughaw na alon ng kare * gatan, nakahahalina at marikit, gaya ng pangarap ng napagla- Jalangang kabataan; maging natatakpan ng isang lambong ng yelo, nakaupong malungkot sa mga dulo ng daigdig, sa silong ng isang langit na walang araw at walang tala; maging anuman ang kanyang ngalan, ang kanyang gulang o ang kanyang kapa- Jaran, siya'y lagi na nating minamahal, gaya ng pagmamahal ng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutom at ng karalitaan, At bagay na kataka-taka! Habang siya'y lalong aba't kulang-palad, habang lalong nagdurusa nang dahil sa kanya, ay lalo. naman siyang sinasamba at hanggang sa nagtatamo ng Kaligayahan sa pagtitiis nang dahil sa kanya, Napansing ang mga haninirahan sa mga bundok at sa mga di-linang na kapa- rangan, at yaong mga isinilang sa lupang tigang o tnapanglaw, ay siyang nag-aangkin ng lalong buhay na alaala ng kanilang bansa, at walang nasusumpungan. sa: mga lungsod maliban sa malabis na pagkainip na siyang pumipilit sa kanilang magbalik sa kanilang tinubuang lupa. Ito kaya'y dahil sa ang pag-ibig sa inang baya'y siyang pinakawagas, pinakamagiting at pinakada- kila? Ang pagkilala kaya ng utang na loob, ang pagkalugod sa lahat ng nakapagpapagunita ng ating’ mga kauna-unahang araw, ang lupa kayang kinahihimlayan ng ating mga nuno, ang tem. Plong kinaroroonan ng sinasamba nating Diyos sa pamamagitan ng katapatan ng walang malay na kamusmusan; ang tunog ng batingaw na nakaaaliw sa atin buhat sa pagkabata, ang mga malalawak na kaparangan, ang lawang bughaw, na may mga kaakit-akit na pasigan at pinamangkaan nating lulan ng matuling bangka; ang malinis kayang saluysoy na humahalik sa masayang dampang natatago sa pagitan ng mga bulaklak na parang pugad ng pag-ibig; o ang ganitong matamis na damdamin? Ang sigwa kaya, na kumakawala, humahagupit at naghahapay, sa pamamagitan ng kanyang kakila-kilabot na haginit, ng tanang nasasagasaan sa dinaraanan niya; ang lintik. kayang nakatakas sa kamay ng nakapangyayari at pumupuksa sa bawa't tamaan; ang agos kaya o talon ng tubig, mga bagay na walang tantan ng paggalaw at walang tugot ng Pagbabala? Ang lahat kayang ito ang sa ati’y nakaaakit, nakararahuyo’t nakahahalina? Marahil, ang mga kariktang ito o ang mga sarlwang gunita ang siyang nagpapatibay sa taling bumibigkis sa atin sa lupang sinilangan at nagbubunga ng matamis na katiwasayan Kapag tayo'y nasa-ating bayan, o kaya’'y ng matinding kapang- lawan kapag tayo’y nalalayo sa kanya, simula ng isang malupit na karamdamany tinatawag na “nostalgia” (matinding pag- aalaala sa sariling tahanan o bayan). O! kailanma’y huwag ninyong pasakitang-loob ang taga- ibang lupa, ang umaahon sa inyong mga dalampasigan; huwag ninyong gisingin sa kanya ang buhay na gunita ng kanyang bayan, ng mga ligaya sa kanyang tahanan, sapagka’t kung magkakagayon, sila'y mga sawimpalad ng gigisingin ninyo sa kanila ang karamdamang yaon, masugid na multong hindi hihi- wWalay sa kanila hanggang hindi masilayan ang tinubuang lupa, o hanggang sa tumugpa sa bingit ng hukay. Huwag -kayong magbuhos kailanman ng isang patak ng ka- paitan sa kanyang puso, palibhasa’y sa ganitong mga pagkakataon ay nag-iibayo ang mga dalamhati kung ihahambing sa mga. kaligayahan sa nawalang tahanan. Tayo nga’y ipinanganganak, lumalaki, tumatanda, at na- mamatay na nagsisimpan ng banal na damdaming ito. Ito kai- pala’y siyang lalong nananatili, kung mayroon mang kapana- tilihan sa puso ng tao, at tila hindi siya humihiwalay sa atin kahit na sa libingan na rin. Si Napoleon, nang nakikini-kinitan na niya ang madilim na_kailaliman ng libingan, ay nakagunita sa kanyang Pransiya, na labis niyang pinakamamahal, at sa pagkakatapo'y pinaghabilinan niya ng kanyang ‘mga labi, sa pananalig na sa sinapupunan ng kanyang inang-bayan ay maka- kasumpong ng lalong matamis na pagpapahingalay. Si Ovidio, na lalong kulang-palad, sa pagguguniguning kahit na ang mga abo niya’y, hindi na makababalik sa Roma, ay naghihingalo sa Ponto Euxino, at inaaliw ang sarili sa pag- aajaalang kung hindi man siya, ang mga tula man lamang niya’y makumamalas sa kapitolyo, Noong bata pa tayo'y nawili tayo sa mga laro; nang magbinata na’y nalimot na natin ang mga. yaon; nang mag- binata na’y humanap tayo ng ating pangarap; nang mabigo naman tayo'y tinangisan natin ito; at tayo'y humanap ng lalong tunay at lalong kapaki-pakinabang; nang tayo'y maging ama na’'y namatayan tayo ng mga anak at pinapawi ng panahon 38 SESE REEL TIO OT ang ating hapis, baybayin hatang Me Pn Pagpawi ng hangin sa dagat sa mga ‘ayo sa mga ito ang sasakyan. nalal Datapuwa't, sa ka ay hindi napaparam Diyos na ikinapagiging walang kamataya't walang hanggan. Sinasabing ang pa, pangyarihang tagapag! kung ganoon, bayan ay siya g-ibig kailanman ay siyang pinakamaka- bunsod ng mga gawang lalong magiting; sa lahat ng mga pag-ibig, ang pag-ibig sa inang- mv ng nakalikha ng mga gawang lalong dakila, lalong magiting at lalong walang halong pag-iimbot. Kung hindi'y bu- masa kayo ng mga ulat ng mga pangyayari taun-taon, ng mga alamat; pumasok kayo sa sinapupunan ng mga mag-anak; anong mga pagpapakasakit, pagbabata at mga luha ang ibinubuhos sa kabanal-banalang dambana ng inang-bayan! Buhat kay Bruto, na nagparusa sa kanyang mga anak na pinaratangan ng pag- ' tataksil hanggang kay Guzman, ang mabuti, na pumayag na patayin ang kanyang anak, huwag lamang siyang magkulang sa tungkulin; anong mga dula, mga sakuna, mga pagpapakasaldit ang hindi najsagawa alang-alang sa kagalingan ng hindi ma- palubay na kadiyusang iyong walang maipapalit sa mga anak nila, maliban sa_p: lamat at mga pagpapala! At gayunman, sa pamamagitan ng mga bahagi ng kanilang puso'y nagtatayo sila ng.mga maluwalhating bantayog sa inang-bayan; sa pama- magitan ng mga gawa ng kanilang mga kamay, sa pamama- gitan ng pawis ng kanilang mga noo ay dinilig at napamunga ang banal na punong-kahoy, at hindi sila naghintay ni nagkaroon ng anumang gantimpala! Misdan ninyo roon ang isang taong nagkukulong sa kanyang silid; sa kanya’y lumilipas ang lalong mahalagang araw, ang mga mata niya'y lumalabo, ang buhok niya’y nangangalbo at nalalagas na kasama ng mga pangarap niya; ang katawan niya'y nakukuba, Sinasaliksik niya sa loob ng maraming taon ang isang katotohanan, nalutas niya ang isang suliranin: ang ; pagkagutom at pagkauhaw, ang ginaw at alinsangan, ang mga f karamdama’t kasawian ay humarap na sunud-sunod sa kanya, sel Papanaog siya sa libingan, at sinamantala ang kanyang pag- hihingalo upang ihandog sa inang-bayan ang isang pumpon ng bulaklak para sa korona nito, isang katotohanan, bukal at simula ng libong pakinabang. Ibaling ninyo ang tingin sa ibang dako; isang taong dinarang ; ng araw ang nagbubungkal ng lupa upang paglagakan ng isang binhi; siya’y isang magbubukid. Siya’y umaabuloy din sa pa- mamagitan ng maliit bagama't makabuluhang paggawa, a kaluwalhatian ng kanyang bansa. ‘Ang inang-baya'y nasa-panganib! Sumusulpot sa lupa, na farang malikmata, ang mga mandirigma't mga pangunahin, 39 Iniiwan ng ama ang mga anak, ng mga anak -ang ama, at lahat: sila'y dumadaluhong upang magtanggol sa ina ng lahat. ikibaka sa tahanan at ini- Nagpapaalam sila sa tahimile na pak | lilingid sa ilalim ng talukap ng mata ang msa juhang. pina- dadaloy ng kalambutan ng ood. Sila'y nagsivae at lahat ay aina ng maraming anak na mapupula’t namatay. Marahil, siya'y ; tpuP kulay sagang katulad ng msa kerubin, marahil a’y isang ang nakangiti; anak man o mangi- sa binatang may mga pag-as i ngibig ay hindi nakasasalabid! Ipinagtatanggol niya ang kanya'y nagbigay ng buhay, natupad niya ang kanyang tungkulin. Si Codro man 0 si Leonidas, kahit na sino siya, ang inang-baya'y matututong umalaala sa kanya. i Ipinara ng ilan ang kanilang kabataan, ang kanilang kaligayahan;' ang iba’y naghandog sa kanya ng kaningningan ng kanilang kadalubhasaan; ang mga ito'y nagbubo ng kanilang dugo; ang Jahat ay namatay at nagpamana sa kanilang inang- bayan ng isang malaking kayamanan; ng kalayaan at) ng kaluwalhatian. At. siya, tinatangisan niya at buong pagmamalal sa mga ipanganganak pa at magiging anak ng m; maging halimbawa. ano ang nagawa niya para sa kanila? Sila'y king iniharap sa daigdig, ga ito upang Datapuwa't ay! Kung sa kababalaghan ng inyong ngalan o Inang-bayan! Ay nagniningning ang mga_kabaitang lalong makabayani, kung sa iyong ngala'y naisasagawa ang mga pagpapakasakit na higit sa kakayahan ng tao. Sa kabilang dako nama'y gaanong pang-aapi....! Buhat kay Hesukristong puspos ng pag-ibig, na pumanaog sa lupa sa ikagagaling ng sangkatauhan, at namatay alang-alang sa kanya sa ngalan ng mga batas ng kanyang bayan, hangygang sa mga lalong di-kilala na sinawi ng mga makabagong pag- hihimagsik ilan, ay! ang hindi nagtiis at namatay sa inyong ngalang kinamkam ng iba! Ilang mga sinawi ng pagtatanim, ng pag-iimbot o ng kamangmangan, ang hindi namatay, na nagpapala sa iyo, at nagnanais para sa iyo ng lahat ng uri ng kapalagan! i Maganda at dakila ang inang-bayan, kapag ang anak niya, sa sigaw ng pakikipaglaban, ay gumayak sa pagtatanggol sa matandang lupa ng kanilang mga ninuno; mabangis at mapag- malaki, kapag, buhat sa mataas niyang luklukan ay nakikita ang dayuha ng tumatakas sa sindak sa harap ng hukbong hindi magapi ng kanyang mga anak. Datapuwa’t kapag ang kanyang mga anak, na nagkakahati-hati sa magkakalaban; pangkatin ay nagpapatayan; kapag ang poot at ang pagtat i sa ee ay nagwawasak ng mga_ parang, ea“ bayan Ge mga lungsod, sa -gayon, i ; eae a iankang ibalabab ne Mati ltabee are nn kahihiyan ang dahil sa mga anak niyang namatay. peed ace 40 a Maging anuman ng, - nating mahalin aise eee ang alspayan natin, ay nararapat pie Siva at walang ibang baga tal kundi ang kagalingan niya, sq wie. Bagny ne dapat naisin tye. sa tadhana 'Y gagawa tayo, alinsuni ns sangkatauhang iti auhang itinakda ng Di ‘ili il kundi 4 pagkakasundo't Kkda ng Diyos, na dili iba nilikha_niy kapayapaang pandaigdig ng mga Kayons nawalan ng mithiin ng inyong kaluluwa; kayong Siuait_ng inyong puso'y nakita ninyong naglahong sa any inyong mga Pangarap, at katulad ng mga punong- uhoy sa tag-ulan, ay nasumpungan ninyo ang inyong. sariling walang bulaklak at walang dahon, at gayong nananabik na magmahal ‘ayong makitang karapat-dapat sa inyo, yan mahaliny ninyo siya. wala nariyan ang inang- Kayong nawalan ng isang ama, ng isang ina, ng isang tid, ng isang asawa, ng isang anak, ng isang kasintahan, sa AS, Na siyang pinagbatayan ng inyong pangarap, at sa inyong nakakatagpo kayo ng isang malalim at kasindak- sindak na kawalan, nariyan ang inang-hayan; mahalin. ninyo re -gaya ng nararapat Mehalin ninyo siya, oo ny kay wa . nguni’t hindi gaya ng pagma- maha kanya ong nal ng panahon, sa paggawa ng mga malulupit, na Kkabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay na kabait alat ng inang kelikasan; hindi sa pagpaparangalan ng pananampalatayang bulag, ng pagwawasak at ng pagkama- malupit. hindi nga. Lalong kaaya-ayang bukang-liwayway ng kristiyanismo, sagisag ng mga araw na maligaya at matahimik. Katifangan nating manunton sa matigas nguni't payapa’t_ ma- bungang Jandas ng agham na humahantong sa pag-ynlad, at buhat doo'y sa pagkakaisang nilunggati’t hiningi ni Hesukristo sa gabi ng kanyang pagpapakasakit. y LAONG-LAAN BARCELONA, Hunyo, 1882 r Binati si Rizal sa kanyang sinulat at hinilingan pang su- mulat ni Francisco Calvo~ang patnugot ng Diariong Tagalog. Kaya’t bilang tugon sa kahilingan ay ipinadala niya ang arti- kulong may pamagat na Los Viajes (Ang mga Paglalakbay). Ipinadala niya rin ang artikulong may pamagat na Revista de Madrid (Pagbabalik-Pananaw sa Madrid), nguni’t ito’y ibina- lik sa kanya sapagka’t natigil na sa paglalathala ang Diariong Tagalog. . Pinalipas niya ang tatlong buwan bago siya tumulak pa- tungong Madrid na matapos na marinig ang masamang bal tang ang salot na kolera ay kumakalat sa Maynila at karatig\ pook nito. Ibinalita rin sa kanya ni Jose Cecilio (Chengoy) AL 4 > i ; Rivera. nang ito’y umuwi sa Maynit, pihates bakes Sanya nabatid na sae bane as: si Rizal, “Masasabi ito ng iyong kapatid na si Maria, eae a't umiyay si Leonor sa harapan niya”, ang wees ng. sulat: ni Chengoy, Noong ika-3 ng Nobyembre, si Rizal eh nagpatala Sa Universidad Central de Madrid (Pamantasang entral nE Ma. drid) sa dalawang kurso, Medisina at Eilosopiya at Panitikan Nag-aral din siva ng pagpinta at eskultura sa Academia de San Fernando at isa sa kanyang mga naging guro ay si g. Haez, isang dalubhasa sa pagpinta ng tanawin. Upang mapa. natili ang lakas ng kanyang katawan ay nagpatala siya sa Bulwagan ng Sandata ni Sanz Y Carbonell. Tumanggap va ng liham kay Leonor na may kasamang larawan nito, Sa likod ng larawan ay nakasulat “Sa aking hindi malilimot at Minamahal na mangingibig ay inihahandog dahil kanyang pagmamahal ang larawang ito — Leonor”. Ang Jarawang iyon ay inil, ni Rizal sa kanyang “Locket”. Siya ay malabis na nagtipid sa sala lagay pi at sa panahon, Nakatagpo niya ang kanyang mea hababayan sa Madrid at'sila ay nagtatag ng samahang Circulo Mispano-Filipino, na binubuo ng mga Kastila at Pilipino. Naglabas. sila ng isang magasin. ang Revista del Circulo-Hispano-Filipino, Minsan isang linggo ay nagpupulong ang mga kasapi sa iba’t ibang pook hanggang sa sila ay magpulong kina Don Pablo Ortega y Rey, na naging Alkalde ng Maynila sa pana- hon nina Heneral Carlos dela Torre. Nakilala niya ang mga anak nitong sina Pilar at Consuelo. Si Rizal ay umibig sa Magandang si Consuelo. At noong Agosto 22, 1883 ay sumulat siya ng tulang A La Seforita C0. y R. (Kay Binibining C.0. at R.). Ito ay iniukol niya kay Consuelo Ortega Y Rey, gayong ang R. (Rey) ay apelyido ng ina ng ama ng dalaga. F Ito ay dapat maging P, (Perez) na si- yang apelyido ng ina pj Bb. Consuelo Ortega, KAY BINIBINING Ano’t ang na minsan sz Upang ipamuk ang kawalang. Cc. O. at RB” hihingi’'y tuta dusa’y ha lam turing ng walang lirip, baliw na inawit? ang kayang tikis at _kahapong pait? “Mga Tula... Op. ite p. 136, Ano’t nunuynuyin ang sawing alala, ngayong nag-aantay ng pusong suminta tawagin ang gabi sa Pag-uumaga, nang di nalalamang may ibang araw pa? _ Ibig baga ninyong malaman ang dahil nitong pagkahibang sa mga hilahil? Ibig baga ninyong sanhi ay alamin, kung bakit ayokong pagsinta'y awitin? Limutin na ninyo. Pagka’t ang dahilang Nagbibigay-lungkot ay baka tawanan; bangkay ko ang dala sa luksang libingan sa aki’y nalibing ang iba pang bangkay. Hindi mangyayari. Baliw na_hangari Panaginip lamang ng kaluluwang haling; inumin ang nektar ng buhay na hain, bayaang ang apdo'y payapang tumining. Nararamdaman kong ang anino'y muling sa kaluluwa ko'y ibig bumaluti; buko o higit man, bulaklak ay hindi, ang kulang sa kanya'y ilaw ang ngumiti. | Kawawang tula ko, sila ay bayaan, sila'y pinalaki ng kapighatian, buhay nila'y talos kung kanino utang, \ sa inyo, marahil, ay isasalaysay. Nguni't tinimpi ni Rizal ang kanyang pag-ibig kay, Con- suelo sapagka’t pinahalagahan niya ang pagkakaibigan nila ni Eduardo de Lete na batid niyang may pag-ibig kay Consuelo kaya’t naglakbay siya sa Paris upang malimutan ang dalaga. Neguni’t nakadama ng pagkabigo si Rizal. Ang mga ka- sapi ng samahan ay naging pabaya at walang ganang maghba- yad ng butaw (dues). Kaya’t sa kapabayaan ng mga kasapi ang Circulo ay namatay. Bilang tugon sa kahilingan ng kanyang ina ay sinulat niya ang tulang Me Piden Versos (Pinatutula Ako) at dito ay ibinuhos niya ang kanyang kalungkutan at pinadaloy ang luha sa kanyang nagdaramdam na puso, PINATUTULA AKO* Hinihiling nilang ang lira’y kalbitin na laon nang sira’t napipi sa lagi di ko na makunan ni isang taginting, at ang aking “musa'y” walang salamisim! * Ibid, Pp. 134-135. Malamig umanas, nahihibang mandin, kung pinagdurusa ng isip kong angkin, kung tumawa'y parang nagsisinungaling, na gaya rin naman ng kanyang hinaing, sapagka't sa lungkot niring pagkabinbin, kaluluwa’'y wala nang tuwa ni damdamin. May isang panahon, at ito ay tapat! ngun/t ang panahong yaon ay lumipas; makata kung ako'y tawagin ng habag, o ng kaibigan; ang tanging nalagak. sa. panahong yaong lumipas at sukat, ay ang karaniwang malabi sa galak: mahiwagang himig na siyang naggawad sa mga pandinig nangag-iingat ng mga taginting ng gayong lumipas ng mga tugtuging sa orkestra buhat. Ako'y isang punong katutubo lamang na biglang binunot sa lupang Silangan, doo'y may pabango ang hinihingahan, ang buhay man doo'y isang panagimpan: Bayan ng pagsintang di malilimutan! Pati sa pag-awit ako'y tinuruan niyong mga ibon sa paghuhunihan, sa talon ng tubig ay ang ugong naman, gayundin, ang angil ng sangkaragatan sa kanyang malawak na dalampasigan. Samantalang noong ako'y isang bata, ay nangitian ko ang maagang tala, dini sa dibdib ko'y kumukulo yatang bulkang nag-aapoy sa sariling diwa; pagka’t ang nais ko ay maging makata, nang upang masabi sa sariling tula, sa buntong-hiningang hindi maapula, sa hanging mabilis na itinutudla: “Tkaw ay. lumipad, sa langit at lupa'y ikalat ang kanyang pangalang dakila!” Nilisan ko na nga!...Ang ircg kong Bayan, Punong walang dahon, natuyo sa ilang! Di na inuulit yaong alingawngaw ng mga awit ko nang nagdaang araw... Ang aking binagtas ang sangkaragatan, sa nasang magpalit niring kapalaran; datapwa’t ang aking imbing kabaliwa'y di nakapapansing ang maiatagpuan ay di ang hanap ko, ang aking kasabay sa paglalayag ko'y yaong Kamatayan. 44 o Ang lahat ng aking magandang hinagap, pag-ibig at sigla, adhikaing tapat, doon ko iniwa't aking inilagak sa lilim ng langit niyang mabulaklak, huwag ninyong hingan ang pusong nawasak ng mga kantahingsukol sa_pagliyag, sapagka’t sa gitna ng ganitong lawak na ang aking muni'y hindi mapanatag, nararamdaman kong diwa’y nagwawakas at ang aking isip, patay nang maluwat! 1882 Si Rizal ay mahilig sa paghasa ng mga aklat. Ayon kay Wenceslao Retana ay nakabili si Rizal ng mga aklat sa tinda- han ng mga aklat ni G. Antonio Reses. Ang mga aklat na ito ay ang mga sumusunod: Obras Completas de Voltaire 9 to- mos; Obras Completas de Claudio Bernard 16 tomos; Ilustra- cién Iberica 1 tomo; Vida de los Animales 1 tomo; Obras de Boileau 2 tomos; Felipe If 1 stomo; Cristomatia Arabiga 1 tomo; Gramatica Hebrea 1 tomo; Histologia Normal 1 tomo; Atlas Historico de Lesage 1 tomo; Obras de Horacio 3 tomos; Entermedades de las vias Trin s 1 tomo; Pi y Margal 1 tomo; Victor Hugo 1 tomo; Ca . de Lebrujire 2 tomos; Geogra- pia Universal 4 tomos; Thucidides 1 tomo; Novelas Varias; Historia de los Presidentes de los os Unidos; America Pintoresea; El Mundo ‘o; Poesia Antigua; Es Austria; Pedro el Grande; -Restoracién y Revolucién; Grecia .y Roma; Luis XLIV y su Corte; Anglo-Sajones; Europa Occidental; Re- volucion de Inglatera; Imperio Bizantino; Emperio Romano; Obras de Claudio Bernard; gramatica Alemania; Biblica; Los Cuatro Reynos de la Naturaliza; at Obras de Horacia, Dumas, at iba pa. Sa mga katipunan ng aklat ni Rizal ay kabilang din ang Plorante ‘at Laura ni Francisco Balagtas na dala-dala niya sa kanyang paglalakbay sa ibang bansa. Ang aklat na Uncle Tom’s Cabin ni: Beecher Stowe at ang The Wandering Jew ni Eugene Sue ay nagtanim sa kanyang damdamin ng pagkaawa sa mga tatihan nito dahil sa kani- lang kaapihan. At noong ika-17 ng Hunyo, 1883 ay pinalipas ni Rizal ang kaniyang maikling bakas; Pu Ayon sa kanyang liham ay 36 na oras na nilakbay ng kanyang sinasakyang tren ang Madrid patungo sa Pari: Ipinalalagay ng mga manana stere AB Tiksik nasa paglalakbay na ito sumanib si Rizal a Mason, Ang kanyang sagisag sa Mason ay Dimasalang. Mayroon, dalawang dahilan ang kaniyang pagsanib sa Mason, una ahi} Sa masamang pari sa Pilipinas na tinatabingan ng abito an, Pagmamalabis at kasamaan; Ikalawa: nangangailangan St Ri. zal ng mga kasamahan sa pakikipaglaban sa mga masasamany Pari sa Pilipinas, Sa panahong ito ay nadama ng mga taga-Calamba ang kahirapan ng kabuhayan. Matapos ng may anim na buwang Paglaganap ng salot na kolera sa bansa ay sinundan naman ng malakas na bagyo na puminsala sa mga pananim sa mga lalawigang Laguna, Morong (Rizal), at Batangas, Sa mga pangyayaring iyon ay madalas na hindi nakapag. Papadala si Paciano ng sustento kay Rizal. Ipinagbili ni pa. Ciano ang kabayo ni Rizal sa halagang dalawang daang piso (P200.00), at ipinadala sa kanya ang halaga sa Madrid. Ang kabayong iyon ayon kay Mariano Herbosa ay pinakamataba Sa mga kabayo sa buong Calamba. Noong ika-21 ng Hunyo, 1884 ay natamo niya ang. lisen- siya sa panggagamot buhat sa Pamantasang Sentral ng Madrid, Noong ika-25 ng Hunyo, 1884 ay nagwagi si Rizal sa paligsahan at nagtamo ng pinakamataas na gantimpala sa wi- kang Griyego, nguni’t Sa araw na iyon ay gutom na gutom siya sapagka’t wala siyang 'sukat makain at nj walang ku- walta, : At nang ika-9 ng gabi, si Rizal ay kumain din sa piging na inihandog sa karangalan ng mga pintor na sina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo sa pagwawagi nila sa pintura sa Pam- bansang Eksposisyon ‘sa pintura gq Madrid. Ang pintura ni Luna na 'Spolarium’” ay nagwagi ng unang gantimpala (me- dalyang ginto) vat ni Hidalgo na “Kristiyanong Birhen na Ibi- nilad sa Madla”, na nagwagi ng ikalawang gantimpala (me- dalyang pilak). Tinanggap agad ni Rizal ang anyayang ma- ging pangunahing” tagapagsalita gq Rasabing salu-salo (mata- pos na tumanggi si Paternong magtalumpati) sapagka’t iyon ang pagkakataon niyang makakain ng hapunan Ang mga dumalo 8a Salu-salo sq Restawran ee sina “Labra, Correa, Nin, Tudo, Moret Aguillera, Mellado Manuel de Azcarraga, mga Paterno (Pedro, a ro at An tonio) Morayta at iba pang tanyag ‘ng * a aximo ie mahayag at artista, a Kastilang mama 46 Sa talumpati_ ni Rizal ay sinabi niyang ang panahon ng mga sama sa Pilipinas ay lumilipas na at ang lahing Pilipino na nahimbing Sa gabi ng kasaysayan ay nagising dahil sa mga kanluraning humihiling ng liwanag, buhay at kalinangan. Sinabi rin niyang ipinahahayag nina Luna at Hidalgo ang kaluluwa ne ating lipunan, ugali at kabuhayang pampulitika sapagka’t kung ang’ panulat ay hindi nagtatagumpay, ang pinsel at brotsa ay hindi lamang magbibigay kagandahan sa paningin kundi_ malinaw na mang-aakit upang bakahin ang mababang pagtingin, maling pananampalataya at kawalan ng katarungan. Inataki rin niya ang mga Kastila na hindi naniniwalang ang katalinuhan ay pandaigdig. Pinapurihan niya sina Luna at Hidalgo, ang Espanya, ang Pilipinas at ang mga magulang na ang mga anak ay nasa Europa, Matapos ang salu-salong iyon ay nakita ni Rizal na marami ng Pilipino ang nahihilig sa_pulitika ng kanyang bayan . at sumusulat ng ukol dito sa mga pahayagan. Dahil dito ay sinimulang ihanda ni Rizal ang unang kabanata ng Noli Me Tangere. Noong 1885 ay nakapaglathala si Pedro Paterno ng katipu- nan ng mga tulang may pamagat na Sampaguita at natapos niya ang nobelang Ninay. Ang nasazing nobela ayon sa ka- hilingan ni Paterno ay nilagyan, ng kaayusan sa anyo at istilo ni Rizal. Noong Hunyo 19, 1885 ay natapos siya ng pag-aaral sa Medisina at Pilosopiya at panitikan sa Pamantasang Sentral ng Madrid. Naipasa niyang lahat ang mga asignatura sa Medisina nguni’t hindi siya nagharap ng tesis at hindi niya nabayaran ang halagang kinakailangan sa pagtatapos kaya’t hindi siya pinagkalooban ng diploma sa pagka doktor. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Madrid ay napag- pasiyahan niyang pumunta sa Paris at Alemanya upang ma- dagdagan ang kanyang kaalaman sa panggagamot sa mga sakit sa mata. : . Noong Hulyo ng taong 1885, si.Dr, Rizal na patungo sa Paris buhat sa Madrid ay nagdaan sa Barcelona; buhat sa nimpilan ng tren ay nagtuloy siya sa tirahan ni Maximo vice i daang Vergara Blg. 4. Si Viola na kabilang sa mayayamang angkang taga-San Miguel, Bulakan at nag-aaral ng medisina, ay kakilala ni Rizal sa pangalan lamang. 47 Tumigil si Rizal sa bahay ni Viola nang higit sa isang Linggo at sa panahong ito ay naging kaibigan niya si G. Eusebio Corominas, patnugot ng arawang pahayagang “La Publicidad” na pag-aari ni Don Miguel Morayta. Iginuhit ni Rizal sa krayola si G. Morayta at nag-iwan din siya ng bu- rador ng isang lathalain. tungkol sa suliranin ng Carolinas na paksa ng usapan ng panahong iyon. Napansin ni Viola ang ugali ni Rizal na pagtulog noon ng maaga, pagsisindi ng isang kandilang inilalagay sa ibabaw ng hapag na panggabi, pagbubukas ng isang aklat at pagka- tapos ng mga anim o sampung saglit, ay pinapatay ang ilaw at bumabati ng magandang gabi. Ito ay ginagawa niya gabi- gabi. Nang usisain ni Viola kung siya’y nagdarasal ng tri- sahiyo o panalangin ay tinugon ni Rizal na siya’y nagsasaulo bago matulog ng limang salitang-ugat ng wikang Aleman. At iyon ay pararamihin niya sa loob ng 365 araw. Dinalaw niya ang mga bantayog, mga bahay-kalakal, kai- bigan at mga pook-libangan. Kabilang sa mga ito ang mga bahay na tinitirahan ng mga kalapating mabababa ang lipad. Ayon kay Viola ang mga kaugalian, karangyaan o karalitaan at iba pang kinagawian sa pagkasanay sa bisyo ay hindi naki- lela ni Rizal sa Madrid, subali’t ninais ni Rizal na malaman ang lahat-lahat, sapagka’t bilang manunulat ay kinakailangan niyang bakahin ang bisyo sa iba’t ibang anyo ng pagkalisya sa kalikasan at kasamaan sa kalusugan. Bago lumisan si Rizal patungo sa Paris ay binigyan siya ng isang salu-salo ng mga Pilipino sa Barcelona, Ang ta- nging ulam.ay pansit na niluto ng Pilipinong si Pedro Arce- nas. Ang mga nagsidalo ay sina Felix Roxas (alkalde ng Maynila), Pedro Arcenas, Candido Reyes (dating kawal), Ra- fael Ampuero, ilang taga-Kuba at Maximo Viola, Noong Oktubre, 1885, si Rizal ay nanirahan nang may apat na buwan sa Paris. Siya ay naging katulong at mag- aaral sa klinika ni Dr. Louis de Wicker, isang Pranses na da- Jubhasang manggagamot sa mga sakit sa mata. Sa mga oras na wala siyang ginagawa sa klinika ay di- nadalaw niya sina Luna at Hidalgo. Sa estudyo ni Luna ay pinalilipas nila ang mga oras sa pagkukuwentuhan ukol sa Pi- lipinas, at mga suliranin niya sa pagpipinta. Siya ay naging modelo sa mga pintura nito; sa “Ang Kamatayan ni Cleopa- tra” si Rizal ang tumayo bilang paring taga-Ehipto at sa 48 rr Ho SS eT ay siya ang naging Sikatuna at si Dr. Trinidad F a ato non kage naging Legaspi. Si Luna ay tanyag yang 2 ngil pa lamang niya ng 1000 duros buhat sa Senado ng Espanya sa Madrid dahil sa kanyang pinturang “Ang Paglalaban sa Lepanto” na itinanghal-sa bulwagan ng Senado. Siya ay dumalaw rin sa tahanan ng mga Tavera. Sa album ni ‘Paz Pardo de Tavera na napangasawa ni Juan Luna ay iginuhit ni Rizal “Ang Matsing at ang Pagong”. Ang mga dalagang taga-Europa ay may album hindi upang lagyan ng larawan kundi upang guhitan ng kanilang mga kaibigan. ea Sa bahay din ng mga Tavera ay nagtitipun-tipon ang mga Pilipino at doon nagtutugtugan at nag-aawitan ng mga kun- diman at iba pang awiting Pilipino. Noong Pebrero 1, 1886 ay nilisan niya ang Paris sapag- ka't marunong na siyang sumulat at ma ita ng inses at higit na-mura at matipid ang pamumuhay sa Alemanya, Siya ay dumating sa Heidelberg noong ika-3 ng hapon, noong Pe- brero 3, 1886. Siya ay tumigil sa Karlstrasse 16, na pinamamahalaan ni Nebel, isang babaing Aleman. Ang Heidelberg ay isa sa mga kaakit-akit na pook sa Europa, buong kagandahang nasa magkasangang ilog Neckar at ng ilog Rhine. Ang lungsod na ito'y tinatawag na lungsod ng mga mag- aaral, dahil sa kanyang Pamantasan na itinuring na pinaka- matanda na itinayo ng Elector na si Ruperto I hoong 1386. Ito ay Iungsod din ng industriya dahil sa kanyang pagawaan “ng serbesa, mga kasangkapang panistis, mga ‘salamin sa mata, limbagan, atb. Dumalo siya sa mga ilang panayam na ginanap sa Pa- mantasan ng Heidelberg, upang higit na madagdagan ang kan- yang karunungan. Ang mga mag-aaral sa pamantasan ay isinapi siya sa samahan ng mga manlalaro ng ahedres (chess). ‘Mga ilang araw pa ay lumipat siya ng tirahan. Ito ay sa tahanan ni Pastor Karl Ullmer, Si Ullmer ay isang minis- tro ng Lutheran.Sila ay madalas na magkapalitarg-kuro tungkol sa relihiyon, kaya't nasabi niya na higit na mabuti ang Kato- liko kaysa~Protestante. * Si Rizal ay nagtrabaho sa klinixa ni Dr, Javier Galezonshy. isang dalubhasa sa mga sakit sa mata na taga-Poland, 49 Siya’y nag-aral din kay Dr. Otto Becker, tanyag na Ale- man sa mga karamdaman sa mata, Noong ika-11 ng Marso, 1886, samantalang siya’y nasa Donnerstaz, Alemanya ay sinulatan niya ang kanyang may labing-anim na taong kapatid na si Trinidad. Sinabi niya na ang mga babaing Aleman, sa gulang na 16 ay tulad na sa “gulang na 20 0 24 na taon. Sila ay mga seryoso, Dalaaral, at matiyaga. Hindi sila lubhang nag-aabala sa. kanilang pa- nanamit at alahas. Nasusuklay nila ang kanilang buhok nang kaakit-akit, Sila ay mga pambahay at nag-aaral magluto at nagpapakita ‘ng pagpapahalaga sa musika at debuho. oe Tkinalungkot niyva na ang mga babaing Pilipina ay higit na nag-aabala sa kasuutan kaysa sa karunungan. Hinangaan din niya ang mga Pilipina sa kanilang katapatan, panlasa at pag- tanggap sa panauhin lalo na ang mga taga lalawigan na hindi pa nagkakaroon ng pagbabalatkayo. Inaasahan din niya na ang mga Pilipina ay igagalang n¢ mga kalalakihan kung sila’y magpapakita ng pag-unlad sa karunungan at sa_kaisipang- sibiko. Ipinaalala niya kay Trinidad “Neayong ikaw ay ha- ta ay magsumikap kang magbasa, maghbasa at magluto. TTu- wag mong pahintulutan ang iyone sarili na maigupo ne ka- tamaran sanagka’t ite’y nangangailangan ng buong buhay vpane maiwaksi. _ Sa kanyang paglalakbay sa Alemanya ay nakita niya ang kagandahan ng Alemanya sa panahon ng tagsibol. Namalas niya ang mga bulaklak na bago pa. lamang bumubuka at ang hangin ay naghahatid ng kahali-halinang samyo. Kaya’t na- kadama siya ng pangungulila sa kanyang mga mahal sa_bu- hay. At noong Abril 22, 1836 ay sinulat niya ang tulang A las Flores de Heidelberg. (Sa mga Bulaklak ng Ileidelberg). SA MGA BULAKLAK NG HEIDELBERG” Hayo kayo sa Bayan ko, bulaklak ng ibang lupa, na tanim ng naglalakbay sa lupaing mapayapa, at sa litim niyong langit na sa bughaw ay sagana’t nagtatago rin ng tahat ng pag-ibig ko at haka, hayo kayo at sabihing akong dito ay banyaga pananalig ay kimkim pa sa Bayan kong minumutyn. Hayo kayo at sabihin, na pagbubukang-liwayway, na una-unang nagbukas ng talulot ninyang mahal sa tabi ng ilog Neckar na labis sa kalamigan, ay nakita ninyo akong tahimik na nagninilay sa piling ng inyong punong sa tagsibol nabubuhay. Pp 138139. ° 50 ‘i eee tuloy na paghihip ng amihang at awit ng pina abango ng inyo ring kagandahan, ako naman ay inyo oe 208 82 inyo ay pang-alay, na awit ko sa yo ring pabulong na kinaringgan Pag-ibig sa sariling wika naman, Fe eee ang haring Araw, ang tugatog ng bundukin igsthul ay matyagang giniginto sa paningin, at ang kanyang malahingang liwanag ay nagniningning, pinasisigla ang nayon, ang gubat at ang kaingin ako nama'y nagpupugay sa araw na bagong dating, sa ngalan ng araw roong sa Bayan ko'y maningning din. Tulat din naman ninyong kayo ay aking pinupol sa. tabi ng mga landas ng kastilyong naparool, sa pasigan niyong Neckar o sa gubat na naroon, at isulit pa rin ninyo yaong aking ibinulong sa inyo nang buong ingat, nang sa lumang mga dahon ng aklat ko, kayo'y aking magiliv na kinukuyom. Dalhin ninyo, dalhin ninyo, mayuming mga bulaklak pag-ibig sa pag-ibig kong sa inyo ay nagtatapat; kapayapaan sa Bayan at sa lupaing mabulas, pananalig sa lalaki’t sa babai'y pagkawagas, Kalusugan sa lahat nang sa tahana'y nalalagak, na tinipo't pinagyaman ng magulang, sa pagliyag. Kung kayo ay dumating na sa aming dalampasigan, ang halik ko nasa inyo'y doon naman ninyo iwan sa mga pakpak ng hangin, na kanilang kasuyuan, upang siya ang humalik sa lahat kong minamahal. Datapuwa't ay! lahat kayo'y sabay-sabay na darating, at ang inyong mga kulay ay taglay pa’t inyong kimkim, nguni't kapag nalayo na sa lupain ninyong giliw na pinagkakautangan ng buhay na inyong angkin lahat ninyong kabanguha’y pilit na mawawala rin; pagka’t iya'y kaluluwang langit ay di lilisanin na ang ilaw ay nakita noong siya ay isupling at hindi na malilimot ang akibat na luningning. Nabalifaan ni Rizal ang tungkol kay Propesor Ferdinand Blumentritt ng Prague, Czechcslovakia na isang dalubwika. Siya ay nag-aaral ng wikang Pilipino at nagpalathala ukol sa wikang ito. Si Rizal ay nagpadala ng liham noong ika-31 - ng Hulyo, 1886, at inilakip niya ang isang aklat na may pa- magat na “Aritmetica,” na nalathala sa Wikang Kastila at Tagalog. Ito’y sinulat ‘ni Rufino Baltazar Hernandez na ni- limbag ng Limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas noong 1868. bl Fea Noong Agosto 8, 1886 ay nilisan niya ang Heidelberg ma- tapos na dumalo sa limang-daang taong pagkakatatag ng Pa- mantasan ng Heidelberg. Siya ay dumalo sa panayam ukol sa kasaysayan at sikolo- hiya sa Pamantasan ng Leipzig. Dito ay naging kaibigan ni- ya si Propesor Friedrich Ratzel. Sa kanya natutuhan ni Ri- zal ang ilang pamamaraan sa pagsasaliksik na pangkasaysayan. Sa panshong ito ay isinalin ni Rizal sa Tagalog ang du- jang William Tell: ni Frederick Von Schiller buhat sa orihi- nal na nasusulat sa Aleman. Ginawa niya ang pagsasalin upang malaman ng mga Pilipino at ng kanyang mga pamangkin ang kasaysayan ng kampiyon ng kalayaan ng Suwisa. Noong Oktubre 29, 1886 ay pumunta siya sa Dresden at dito ay nakatagpo niya si Dr. Adolph B, Meyer, Patnugot ng museo sa “Anthropology” at “Ethnology”: Si Dr, Meyer ay nagpalagay kay Rizal upang maging kasapi sa Lipunan ng An- tropolohiya (palatauhan) Etnolohika (dalubwika) sa Berlin. Dito ay nakilala niya sina Dr. Teodor Jagor na may akda ng Travels in the Philippines na binasa ni Rizal noong siya’y isang mag-aaral sa Ateneo, nakilala rin niya sina Dr, Rudolf Virchow, Dr. Hans Virchose, Dr. Joest. Siya ay naging ka- tulong sa klinika ni Dr. R, Schulzer, tanyag na Alemang mang- gagamot sa mata, Bilang pagkilala sa katalinuhan ni Dr. J. Rizal, siya ay I inanyayahan ni Dr. Virchow na magbigay ng panayam sa | Lipunan ng mga Dalubwika. Ang panayam na ito ay ginawa t niya noong Abril, 1887. Ito’y ginawa niya sa wikang Ale- man at may pamagat na Tagalische Verskunst. (Ang Sining ng Panulaang Tagalog.) Ang mga dahilan ni Rizal sa kanyang pagtigil sa Berlin ay upang palawakin ang kanyang kaalaman sa paggagamot sa mga karamdaman sa mata; upang mapalawak ang pinag-aralan Sa agham at wika sa pakikisalamuha sa siyentipiko at iskolar na mga Aleman at upang makita ang pamumuhay ng mga tao at tapusin ang kaniyang Noli Me Tangere. } |

You might also like