You are on page 1of 1

OFW: Bayani ng bayan

Ano ang OFW? ang OFW o Overseas Filipino Workers ay mga manggagawang
pamumuhay. ang kuwento ng isang OFW ay kuwento ng nakikipagsapalaran sa labas ng
bansa ang buhay abroad ay walang katiyakan, hindi mo alam kung magtatagumpay ka o
mabibigo ang mahalaga ay mabuhay ka.

Paano ba maging bayani? dahil Tinatawag na “bayani” ang mga pangkaraniwang tao na

gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin niya, o ng isang

bagay na napakahirap gawin, o bagay na magdudulot ng malaking sakripisyo at hirap.bukod

doon Karaniwan na nating tinatawag na “bayani” ang mga kababayan nating OFW na

nagtitiyaga sa ibang bansa matulungan lamang ang kanilang mga pamilya.Para sa maraming

mga Pilipino, maging ang mga mukha na ating nakikita sa ating mga pera ay sa mga taong

maaari ring ituring na mga bayani. Paninidigan ba ang batayan ng pagiging isang bayani?

Kung kayang magpamalas ng katatagan ng tao para pamunuan ang isang marupok na lupon,

bayani na ba siyang maituturing?

OFW ka maaring iyan ang iyong paniniwala na bayani ka ng bansang pilipinas dahil sa

perang ibinabahagi mo sa kaban ng bayan. Bilang OFW.. Paano ka nga ba naging bayani ng

pilipinas?Dahil ba sa perang ibinahagi mo sa kaban ng bayan bilang manggagawa dito sa

ibang bansa?Paano? Dahil ba kundi dahil sa perang nakukuha sa atin kaya tumitibay ang

ekonomiya ng bansang pilipinas? Maaring isasagot mo "OO".

Pero.. ni minsan hindi sumagi sa isip mo na kaya ka nagpunta dito sa abroad ay dahil sa

gobyerno.

Tapos.. Ipagsisigawan mo.. OFW ka bayani ka ng bansang pilipinas.

You might also like