You are on page 1of 2

HUDHUD NI ALIGUYON

Si Aliguyon ay anak nina Amtulao at Dumulao ng tribo ng Hannanga. Bata pa lamang siya ay magaling na
siyang makipaglaban katulad ng kanyang ama na si Amtulao. Alam na din niyang magdasal sa manok na
tandang at ang kanyang dinadasal ay sana’y hindi sila matalo kung sakaling magkakaroon ng labanan. Isang
araw ay pangatlong tinawag ni Aliguyon ang kanyang mga kasamahan para maglaro ng trumpo, mag-alay ng
dasal sa manok na tandang na kung saan ay humingi siya ng palatandaan na kung may mamatay mang isang
mandirigma ay itaas nito ang kanyang tuka, at ang pangatlo ay ang pagtigil nila sa batuhang bakuran upang
malaman kung maganda ang kinalabasan ng kanyang pag-aalay. Nang tumilaok ang manok ay ginising niya ang
kanyang mga kasamahan upang magluto ng kanilang makakain. Si Aliguyon naman ay hinanap ang ibong idao
upang konsultahin hinggil sa paraang kanilang dapat gawin. Nang natagpuan niya ito ay lalong tumatag ang
kanyang katiyakan sa pakikipaglaban.
Kinabukasan ay sinimulan na niyang lakbayin ang daan patungong Daligdigan upang hamunin si
Pumbakhayon na anak nina Pangaiwan at Dangunay na dating kalaban din ng kanyang amang si Amtulao.
Nang magkita ang dalawa ay nagpakilala si Aliguyon at sinabi ang pakay. Tinanggap ni Pumbakhayon ang
hamon. Tulad ng ginagawa ni Aliguyon ay nagdasal at nag-alay din ang lalaki sa manok para sa proteksyon at
katiyakang mananalo. Nang dumating ang pangkat ni Pumbakhayon ay nagulat ang pangkat ni Aliguyon kaya
iniwan nila itong mag-isa at nagdahilan na maglilinis sila ng kanilang kalasag at sibat. Bago sila maglaban ay
nakiusap ang lalaki kay Aliguyon na doon sila sa ilog dahil malapit nang mahinog ang mga palay at baka masira
sa kanilang paglalaban pero nagmatigas si Aliguyon. Nag-umpisa silang naglaban ngunit walang natatalo dahil
pareho silang magaling kaya mula bukang liwayway hanggang katanghalian ay hindi pa natatapos ang labanan.
Nag-alala naman si Dagunay na ina ni Pumbakhayon. Kasama niya si Bugan na kapatid ni Pumbakhayon ay
sumugod siya sa labanan at nakita ang kagalingan ng dalawa. Inawat niya ang mga ito para pakainin si
Pumbakhayon. Umuwi si Pumbakhayon gayundin si Aliguyon.
Nagharap muli ang dalawa sa ilog ng Hannanga bago sumikat ang araw sa kadahilanang ayaw ni Aliguyon
na masira rin ang kanilang palayan. Naisip na ito ni Pumbakhayon kaya nang makita niya ang mga tagapag-ani
ay kumuha siya ng mga kahoy, pinagtutulisan ang mga ito saka pinagsisibat ang mga tagapag-ani. May mga
nakatakas at may ibang natamaan. Tulad sa nangyari sa Daligdigan ay walang nagwagi. Dito din ay sumunod si
Dumulao kasama si Aginaya na kapatid ni Aliguyon sa kung saan sila naglalaban. Nagtanong si Pumbakhayon
kung sino ang mga iyon at sinagot naman ni Aliguyon. Tinawag din ni Dumulao ang anak para kumain muna.
Umabot ng isa at kalahating taon ang labanan nila sa Hannanga kaya umuwi muna si Pumbakhayon sa
Daligdigan. Pumayag si Aliguyon at binantaan si Pumbakhayon na susunod siya para ipagpatuloy ang
paglalaban. Sa kanilang pangatlo at huling paglalaban ay sa Daligdigan ulit nangyari. Dito na nakisali si
Daulayan, anak nina Dinuganan at Magappid na pinuno ng tribong Mumbalawan, na ipinagkasundong
mapapangasawa din ni Bugan. Dahil sa gustong makapagyabang sa katribo ng mapapangasawa ay nakialam
siya sa gulo kaya ito ay napahiya nang natamaan siya ng sibat ni Aliguyon sa binti. Nang pupugutan na sana
siya ng ulo ay nagmakaawa ito at tinanggal pa ang mahahalagang kwintas kapalit ng kanyang buhay. Sa
nagyaring laban ay nasambit ni Pumbakhayon na si Aliguyon ang karapat-dapat kay Bugan.
Nang mamatay si Daulayan ay tumigil ang dalawa sa walang katapusang paglalaban. Si Aliguyon naman ay
inutusan ang kanyang kasama upang sabihin kay Pumbakhayon na hingin na niya ang kamay ni Bugan upang
ito’y kanyang mapangasawa. Tinanggap naman ni Pumbakhayon at sabay pa silang kumain ng almusal. Sa
araw ding iyan ay kinausap ni Aliguyon si Pumbakhayon na dadalhin niya si Bugan sa Hannanga. Tanda ng
pagpayag ni Pumbakhayon ay binigyan niya ng agong at kumot si Aliguyon.
Nang makarating sila sa Hannanga ay ipinakilala ni Aliguyon si Bugan at natuwa naman ang kanyang
ina.Sumunod na pumunta din si Pumbakhayon sa Hannanga sa bahay ng mag-asawa. Nag-alay naman si
Pumbakhayon para hingin ang kanilang ikakaunlad. Sa huli ay umuwi sina Pumbakhayon at Aginaya ay sa
Daligdigan upang ipagdiwang nag kanilang kasal.

You might also like