You are on page 1of 5

Alamin Handa ka na ba?

Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan sa panitikan sa


Panahon ng Katutubo. Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong
mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan natin sa pamamagitan ng gawain
na susukat sa lawak ng iyong kaalaman. GAWAIN 1.1.1.a: Tugon sa Pagkatuto Basahin mo ang mga
pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA.
Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-
ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS
BUMASA.

V.Panimulang Pagtataya A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: “Karunungang-bayan…


Salamin ng Pagka-Pilipino”. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang-
papel. (10 puntos) RUBRIK PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1) Kaisahan Tiyak ang
pagtalakay sa paksa Hindi masyadong tiyak ang pagtalakay sa paksa Hindi natalakay nang wasto ang
paksa Kaugnayan Angkop ang paguugnay-ugnay ng mga pangungusap Di masyadong angkop ang
paguugnay-ugnay sa mga pangungusap Walang paguugnay-ugnay sa mga pangungusap Kalinawan May
pokus/ tuon sa ideyang nais ipabatid Di masyadong nakapokus sa ideyang nais ipabatid Walang
pokus/tuon sa ideyang nais ipabatid B. Bumuo ng sariling wakas ng akda ng “Ang Alamat ng Kasoy”.
Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos) Sa bahaging ito,
matataya ng guro ang antas ng kaalaman ng magaaral sa mga araling nakapaloob sa kabuuan ng Aralin
1.1 : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Para sa pagwawasto ng Gawain A, pagbatayan ng guro ang
rubrik na nakalaan para sa pagsulat ng talata. Sa Gawain B, pagbatayan ang pamantayan. Sa Gawain C
naman, bigyan ng puntos sa pagwawasto ang sumusunod : kalinawan ng salaysay , maayos ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari at kawastuhan ng paggamit ng mga pang-abay ( panlunan,
pamanahon at pamaraan) 29 PAMANTAYAN: Kaangkupan - Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga
pangyayari Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari Mensahe -
Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng mambabasa Ang Alamat ng Kasoy Noong unang
panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na
madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang
kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay
nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy
ang lungkot na lungkot. "Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at
tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan." Naulinigan ng makapangyarihang Ada ang himutok
ng Buto. "Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?" "Ayoko pong nakakulong sa madilim
na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may
handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang
katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa
pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito." 30 Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada.
Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan
ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan
ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang
na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang
Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat.
Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. C.Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng
Bicol na Handiong.Isaalang-alang sa pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at
pamaraan. Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel. (10 puntos) HANDIONG Epiko ng Bicol
(Salin sa Tagalog ni J. Arrogante) VIII Ang Kabikolan ay isang lupain Patagang mayaman sa mga baybayin
Sa buong daigdig pinakamarikit Sagana sa butil, aming nakakamit. IX Si Baltog ang lalaking kauna-
unahang Naninirahan sa dakilang patagan Nagmulang Botavara, Lahing di- nakikita. 31 X Nang ito‟y
kaniyang masukol, Sa sibat ito‟y nasapol At sa brasong Herkules sa lakas Ang panga ng hayop ay
nangagkapilas. XI Bawat panga‟y sukat Sa habang sandipa Dalawang katlo ang mga pangil Nang
tanganan ng kaniyang sibat. XII At siya‟y umuwi sa kanilang lupain Ang dalawang panga‟y kaniyang
binitin Sa puno ng isang talisay Sa Tondo, malapit sa bahay. Ang ginawa mong pagsagot sa panimulang
pagtataya ay makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa mga
araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 1.1 - Panitikan sa Panahon
ng Katutubo. 32 VI.Yugto ng Pagkatuto Alamin Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong
kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng Katutubo. Batid ko na may ideya ka na sa araling ito.
Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin.
Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman. GAWAIN 1.1.1.a:
Tugon sa Pagkatuto Basahin mo ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos
sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw
ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo
sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA. Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong : 
maiugnay ang dating kaalaman ng mag-aaral ( prior knowledge )  matukoy ang mga konseptong malabo
at inaakalang tama batay sa tugon ng mga mag-aaral.  matulungan ang mga mag-aaral na matukoy ang
mahahalagang pag-unawa sa tulong ng mahahalagang tanong 33 ANTICIPATION- REACTION GUIDE Bago
Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang damdamin,
saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di
sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Kailanman, Hindi maaaring magkaugnay ang
panitikan at kasaysayan Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Hindi
mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon
Di sumasang-ayon Bago pa man dumating ang mga Español ay may alpabeto nang ginagamit ang ating
mga ninuno. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang epiko, alamat at
mga karunungang - bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Español.
Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Nakalahad sa loob ng Anticipation-ReactionGuide ang mahahalagang
konsepto ng mga sumusunod na paksa:  Karunungang bayan  Alamat  Epiko Sa bahaging ito, tatayain
ng guro ang kaalaman ng mag-aaral sa mga paksang saklaw ng aralin 1.1. Makatutulong sa pag-aaral ng
mag-aaral kung mayroong kopya na maibibigay ang guro nang sa gayon sa proseso ng pag-aaral ay
nakikita ng mag-aaral ang kaniyang naging tugon, kung ito’y tama o mali. Karagdagang Impormasyon
Ang ginamit na AnticipationReaction Guide ay kilala bilang Map of Conceptual Change .Ilan sa mga
graphics na maaaring gamitin bilang Map of Conceptual Change :  IRF Worksheet  Generalization Table
 KWHL Sheet  In the box… Out of the box… 34 Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Napatunayan ng
mga Español na ang ating mga ninuno ay hindi mahiligin sa tula, awit, kuwento, bugtong at palaisipan.
Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi
sumasalamin sa panahon kung kailan isinulat ito. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Matapos mong
masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling
iyong pag-aaralan ? GAWAIN 1.1.1 b : Likas- Katutubo Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati
mong kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-
ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas
Bago Dumating ang Kastila. Gawin sa sagutang papel. Ang gawaing ito ay makatutulong sa guro na
mataya ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa mga unang taong nanirahan sa Pilipinas na may malaking
impluwensiya sa panitikang Pilipino. Ang guro ay maaaring gumamit ng sarili niyang estratehiya upang
maisakatuparan ang Gawain 1.1.1.b Karagdagang impormasyon Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga
naunang nanirahan sa Pilipinas: 1. Negrito 4. Intsik 2. Indones 5. Bumbay 3. Malay 6. Arabe at Persiyano
Pagkatapos sagutin ng mag-aaral ang ARG, ang guro ay magtatanong kung alin sa mga konsepto ang
kaniyang sinasang-ayunan. Kailangang makapagbigay ng paliwanag ang mag-aaral sa bawat naging tugon
niya. Sa paglalahad ng konsepto, hindi kinakailangang tama ang lahat ng ito. Ang guro ay maaaring
pumili ng konsepto sa aralin na sadyang ilalahad nang may kamalian upang tiyak na mataya ang antas ng
kaalaman ng mag-aaral. 35 Nakatutuwang isipin na nagawa mong sagutin ang gawain. Ngayon, iyo
namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang inambag na nagging tulay upang masilayan
natin ang tradisyon, paniniwala at kaugalian ng lahi na ating pinagmulan. Gawain 1.1.1.c : I-Q nek
Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na lumaganap
noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang
aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Negrito Espanyol
Indones i Malay Arabe Amerikano Mga Kagamitan: larawan, flashcard ( nakasulat ang pangalan ng ating
mga ninuno) Sanggunian Aklat: Panitikang Kayumanggi pp. 1-4 Kailangang maipakita ng guro ang
presentasyong ito. Ang guro ay kailangang maghanda ng mga larawan upang maganyak ang mag-aaral
sa gawain. Sikapin ng guro na maipaliwanag ng mag-aaral ang naging sagot sa gawaing ito. Huwag
hayaan ng guro na iwan ang gawain ng hindi siya nakapagbibigay nang wastong impormasyon .
Makatutulong sa magaaral kung magbibigay ang guro ng mga karagdagang impormasyon. Tunghayan ng
guro ang nakatalang karagdagang impormasyon na nasa loob ng kahon para sa gawaing ito. 36 nobela
maikling kuwento Karagatan pasyon awiting bayan Alamat moro-moro Kurido Haiku Tanaga Mito epiko
dula Timpalak Palanca Komiks Magasin salawikain dulang panradyo blog duplo Palaisipan kasabihan
sawikain bugtong Tulang dula pelikula Dulang Pantelebisyon sarsuela Matapos kong mataya ang dati
mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na
lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Karagdagang impormasyon Ang mga halimbawa ng karunungang
bayan na lumaganap sa Panahon ng Katutbo:  Awiting byan  Alamat  Mito  Epiko  Salawikain 
Kasabihan  Sawikain Karagdagang Impormasyon Ang mga karunungang-bayan na lumaganap sa
Panahon ng Katutubo ay ang sumusunod:  Awiting-bayan  Alamat  Mito  Epiko  Salawikain 
Kasabihan  Sawikain  Bugtong atbp. Matapos mataya ng guro ang kaalaman ng mag-aaral sa mga
unang taong nanirahan sa Pilipinas, sa Gawain 1.1.1.c ay tatayain naman ng guro ang kaalaman ng mag-
aaral sa naging impluwensiya ng ating mga ninuno sa panitikan. Kailangang maipakita ng guro sa mag-
aaral ang graphic organizer na ito. Tiyakin ng guro na tama ang mga sagot ng mag-aaral. Makatutulong
sa guro ang karagdagang impormasyon na nakatala sa kahon sa bahaging ito. 37 Tama! Payak ang
pamumuhay noon ng mga sinaunang Pilipino. Sa kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya
at payapa. Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga karunungang-bayan. Sa
bahaging ito , nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon
ng Español ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating
mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay
may malaking impluwensiya sa mga Ang guro ay magbibigay ng ilang pangyayari o sitwasyon noong
unang panahon kung paano nakatulong ang mga karunungang bayan sa ating mga ninuno bilang
panimula sa pagtalakay ng paksa. ( Maaari ding magpanood ang guro sa bahaging ito kung may
makukuhang panoorin hinggil sa buhay ng mga sinaunang Pilipino) Mga Kagamitan: Larawan, dvd
player , laptop 38 Pilipino sa iba‟t ibang panahon. Sa Aking Mga Kabatà (Jose Rizal) Kapagka ang baya'y
sadyáng umiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng
ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, At ang
isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán. Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na
nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel, Sapagka't ang Poong
maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may
alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una.
Ang tulang “Sa Aking mga Kabata” ni Dr. Jose Rizal ay gagamitin ng guro bilang lunsaran para sa
presentasyon ng paksang tatalakayin. Ang tula ay dapat nakasulat sa manila paper . Kailangang
nakapaskil ito sa pisara upang pagbatayan ng mag-aaral para sa susunod na gawain. Sikapin din na
maipabasa ito nang malakas sa mag-aaral. Para sa karagdagang impormasyon na ibabahagi ng guro sa
magaaral tungkol sa tula, tunghayan ng guro ang kahon na nakatala ang karagdagang impormasyon.
Karagadagang Impormasyon Ang Sa Aking Mga Kabata ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog
tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito ni
Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869 sa gulang na
walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal. Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na
nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito. Pinaghihinalaan ang mga
makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-akda. Kagamitan: kopya ng
tula sanggunian: http://tl.wikipedia.org/wiki/Sa_ Aking_Mga_Kabata 39 GAWAIN 1.1.1.d : Paglinang ng
Talasalitaan Ibigay mo ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng
mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. . Palawakin pa natin ang iyong kaalaman hinggil
sa paksa. Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa tulong
ng mga angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito. 3.naggawad kahulugan: ___________
___________ __ 1.kabagay kahulugan: ______________ _ 2.maalam kahulugan: _____________
_______ 4.sigwa kahulugan: ____________

You might also like