You are on page 1of 6

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

FINAL EXAMINATION
Fil 101 – Ang Filipino sa Kurikulum ng Edukasyon

Pangalan: BRIOSO ROGER P.


Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot.
A 1. Isang uri ng pinalatuntunang kagamitan sa pag-aaral na sapat sa kanyang sarili at
binuo sa sistematikong paraan batay sa isang tiyak na takdang gawain sa pagkatuto.
a. modyul b. banghay-aralin c. SLK d. paksang-aralin
C 2. Isang kagamitan sa panariling pag-aaral ng mga aralin.
a. banghay-aralin b. SLK c. modyul d. KSP
C 3. Isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na
sunud-sunod na isasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin at ipagkatatamo ng mga
inaasahang bunga.
a.SLK b. KSP c. banghay ng pagtuturo d. modyul
C 4. Ang mga bagong guro at ang gurong mag-aaral at mga datihan nang guro ngunit
naatasang magpakitang turo ay gumagamit ng _____.
a. SLK b. modyul c. masusing banghay-aralin d. KSP
C 5. Sa ganitong anyo ng banghay-aralin ay nakatala pati tiyak na tanong ng guro at ang
wastong dapat isagot ng mag-aaral.
a. mala-masusi b. maikli c. masusi d. matibay
C 6. Ang banghay-araling ito ay talagang maikli lamang.
a. masusi b. mala-masusi c. maikli d. mainam
C 7. Ito ang pinakakatawan ng modyul.
a. layunin b. lagom pananaw c. mga gawain sa pagkatuto d. pamagat
A 8. Ito ay mabisang pantulong ng guro sa pagtuturo lalo na sa pagkuha ng impromasyon,
sa pagtuklas ng karunungan, sa pagtiyak sa isang katotohanan, sa pagsusuri, sa
pagtatalakayan at maging sa pagtatalo.
a. Modyul b. SLK c. Pagsusulit d. Tanong
C 9. Alin sa mga sumusunod ang tutugon sa isang mabuting tanong?
a. Mabusisi b. Madali c. Malinaw d. Maligoy
B 10. Ito ay isang uri ng aytem sa pagsusulit na pinagpapasyahan ng mag-aaral kung ang
aytem ay wasto o di-wasto.
a. Error recognition b. Tama o mali c. Multiple choice d. Completion
B 11. Ito ang pagsusulit na ipinatutukoy ang bahaging mali.
a. Cloze b. Error recognition c. Completion d. Pagsusulit C
C 12. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng stem at opsyon.
a.Cloze b. Pagsusulit C c. Multiple choice d. Tama o mali
B 13. Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na pina mimili ang mag-aaral sa wastong
sagot ay ipinabibigay ang wastong sagot.
a. Multiple choice b. Completion c. Pagsusulit C d. Error recognition
A 14. Sumusukat ng pangkalahatang kasanayan sa wika, gayundin sa kaalamang
lingwistika at kaalaman sa kaugnayan ng salitang kinaltas at sa buong teskto.
a.Cloze b. Error recognition c. Tama o mali d. Pagsusulit C
A 15. Nilalagyan ng puwang ang bawat ikatlo o ikaapat na salita o bawat regular na bilang
ng salita.
a. Completion b. Cloze c. Pagsusulit C d. Multiple Choice
C 16. Iniiwang buo ang unang pangungusap sa teksto sa pagsusulit na ito subalit sa tuwing
ikalawang salita ay kinakaltas ang ilang titik.
a. Tama o mali b. Pagsusulit C c. Error recognition d. Multiple choice
A 17. Ito ay isang uri ng pinalatuntunang kagamitan sa pag-aaral na sapat sa kanyang sarili
at binuo sa sistematikong paraan batay sa isang tiyak na takdang gawain sa pagkatuto.
a. Modyul b. SLK c. Banghay-Aralin d. KSP
A 18. Ginagamit ng guro bilang patnubay at minsan ginagamit ding banghay-aralin sa
pagtuturo ng isang tiyak na aralin.
a. teksbuk b. manwal c. workbook d. pamphlets
A 19. Ginagamit ito kadalasan ng mga nagtuturo sa tersyari lebel upang maging patnubay sa
mga tatalakaying aralin sa buong semester.
a. banghay-aralin b. silabus c. modyul d, KSP
A 20. Ginagamit sa aralin upang maipakita ang tunay na kulay, hugis, laki at haba ng isang
bagay.
a. ilustrasyon b. larawan c. slides d. filmstrips
C 21. Ginagamit upang muling mapakinggan ang isang lektyur, talumpati, debate at ilan
pang aralin.
a. radio b. projector c. teyp rekorder d. telebisyon
B 22. Mapapanood ang ilang palabas na kapupulutan ng kaalaman gayag ng Matinik, Sine
Eskwela at iba pa.
a. radio b. videoteyps c. telebisyon d. sine
B 23. Madalas na ginagamit sa pagpapakita ng mga kasanayan sa pagtuturo, proseso at
paghahatid ng impormasyon.
a. demonstrasyon b. modyul c. SLK/KSP d. caravan
C 24. Sa pagsulat ng layunin sa banghay-aralin,tiyakin na ito ay nakahahayag sa
pangkagawiang kilos. Alin sa mga sumusunod ang panukatan ng layunin ng banghay-aralin?
a. tiyak b. namamasdan c. nakakamtan d. nasusukat
C 25. Ang sagot sa mga tanong na ito ay nasa tekstong binasa.
a. pahinuha b. pag-unawang literal c. nagpapahalaga d. personal na reaksyon

Test I. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa kakayahan at katangian ng isang guro.


Isulat sa bawat patlang ang titik na tumutugon sa tuntunin.

A – kung ito ay Kasanayan sa Pagtuturo


B - kung ito ay Pangangasiwa sa Silid-Aralan
C – kung ito ay Relasyong Guro-Mag-aaral

A 1. Efektivong pumipili, naghahanda at gumagamit ng mga kagamitang panturo sa


pagtatamo ng mga tunguhin sa pagtuturo.
A 2. May ganap na kabatiran sa nilalaman ng kursong itinuturo.
A 3. Tinatalakay ang mga aralin sa malinaw at lohikal na paraan.
A 4. Gumagamit ng iba`t ibang teknik at istratehiya sa masigla at kawili-wling pagtuturo.
A 5. Laging may patutunguhang gawain tungo sa pagtuturong malikhain at innovative.
B 6. Sinisikap na magkaroon ng kaya-ayang kaligiran sa silid-aralan.
B 7. Buo ang loob, mabilis umisip ng paraan na dapat gawin nang sa gayo`y walang
napapahamak sa loob ng silid-aralan.
C 8. May pantay-pantay na pagtingin sa mga mag-aaral. Sinisikap na maging patas sa lahat
mag-aaral. Iniiwasan ang pagkakaroon ng mga paboritong mag-aaral sa klase.
C 9. Tagapagturo, modelo o huwaran, patnubay, manedyer, lider at higit sa lahat, magulang
ng mga mag-aaral.
A 10. Hindi diktador ang guro na idinidikta sa mag-aaral ang dapat gawin, dapat alamin,
dapat basahin at sulatin at iba pa.
A 11. May kasanayan sa pagbuo at paghahanda ng angkop na pagsusulit na efektivong
susukat sa kasanayan, lakas at kahinaan ng mag-aaral.
C 12. Mabuting kumilatis, magaling magpahalaga sa kakayahan, kasanayan at kabatiran ng
bawat mag-aaral na kanyang tinuturuan.
C 13. Hindi maramot sa pagbibigay ng kaukulang papuri sa mga mag-aaral.
A 14. Ang isang mabuting guro ay sagana sa psychic earnings.
C 15. Nagbibigay ng constructive criticisms na nakatutulong sa mga mag-aaral na lalong
magsumikap.
B 16. Epektibong lider at tagapamuno sa mahahalagang ga wain sa loob at labas ng
paaralan at maging sa pamayanan.
C 17. Ang mga guro ay mga surrogate parents.
A 18. Mahusay sa paggamit ng wikang panturo at may kasanayan sa pakikipagtalastasan.
C 19. May masayang disposisyon o may diwa ng paluwag-tawa sa loob ng silid-aralan.
A 20. Dumadalo sa mga seminar para sa mga bagong kalakaran ng pagtuturo.
Test III. Basahin ang teksto. Pagkatapos ay bumuo ng tiglilimang pagsusulit na:

a. Tama o Mali
b. Error Recognition
c. Multiple Choice

SERMON NI FATHER…

May isang batang araw-araw na nanghihingi ng kaning-baboy sa isang malaking bahay.


Ibinibigay naman ng kasambahay ang kaning-baboy. Pero nang makita ng mayamang may-ari
ang bata, sinita niya ito at ang sabi pa...”baka kakutsaba ka lang ng mga magnanakaw, ha?” “
Hindi po, marami po kasi kaming baboy” giit ng bata. Lihim na sinundan ng mayaman ang bata
at nakita niyang ito ay nakatira sa isang abandonadong lote. Napakaliit ng bahay. Kasya
lamang siguro ang isang baboy. Nilapitan niya ang bata at sinita. “Wala ka palang baboy, bakit
nangunguha ka ng pagkaing-baboy? sinungaling kang bata ka”. Lumuhod ang bata habang
umiiyak. “Pasensya na po, sir nagsinungaling po ako.” “Ano ba ang ginagawa mo sa kaning-
baboy?” galit na tanong ng mayaman. “Yung mga panis na kanin, hinuhugasan ko po at
sinasangag, `yung mga panis na ulam, hinuhugasan ko rin po at muli kong pinapakuluan
upang may pagkain kami ng nanay kong may sakit.” sambit ng bata. Naiyak sa awa ang
mayaman, niyakap niya ang bata. Pinagamot niya ang nanay at pinag-aral ang bata hanggang
makatapos ng kolehiyo... at ang sabi pa ni father…ang batang iyon ay AKO!

a. TAMA o MALI:
____1. Ang bata ay mayaman
____2. Pinag-aral ng mayaman ang bata
____3. Pinagamot ng mayaman ang ina ng bata
____4. Hindi nakapagtapos ang bata
____5. Ang bata at ang mayaman ang kumakain sa kinukuhang kaning-baboy sa
malaking bahay

b. ERROR RECOGNITION
1. Pinahirapan niya ang nanay at pinag-aral ang batahanggang sa makatapos sa kolehiyo
Tamang sagot:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. May isang batang nanghihingi ng kaning baboy isang beses sa isang lingo.
Tamang sagot:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Lihim na sinundan ng mayaman ang bata at nakita niyang ito ay nakatira sa isang
bundok.
Tamang sagot:
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. “Opo marami po kasi kaming baboy” giit ng bata.


Tamang sagot
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ang batang iyon ay anak ng mayaman.
Tamang sagot:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
C. MULTIPLE CHOICE:

1. Ano ang hinihingi ng bata?


a. Pera b. damit c. kaning-baboy d. inumin
2. Ano ang lihim ng bata?
a. Mayaman siya
b. nakapatay siya
c. nakapulot ng pera
d. sila ang kumakain ng kaning baboy na kanyang hinihingi
3. Sino ang pinagamot ng mayaman?
a. Bata b. baboy c. tanod d. nanay nung bata
4. Sino ang pinag-aral ng mayaman?
a. Nanay b. bata c. baboy d. kasamabahay
5. Sino ang bata?
a. Mayaman b. bata c. nanay d. baboy
Prepared by:

MYLENE ESCOBAR-BARZUELA, MA Fil.


Instructor

Noted:

ELIZABETH C. FETALVERO, MA Eng.


Chairperson, CAS
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
FINAL EXAMINATION
Fil 102 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Pangalan: BRIOSO ROGER P

Test I. Kumpletuhin ang talaan upang makabuo ng isang timeline hinggil sa kasaysayan
ng wikang pambansa.

Kasaysayan ng Wika Mga Kautusang Pangwika

1935 Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 sa saligang-batas


ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa, ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubung wika.

Itinagubilin ng pangulong Manuel Luis M. Quezon sa kanyang


1936 mensahe sa asemblea nasyonal ang paglikha ng isang surian ng
wikang pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibas sa isang wikang panlahat na batay sa isang wikang
umiiral. Pinagtibay ng Batasang-pambansa ang batas komonwelt
Blg. 184 na lumilikha sa isang surian ng wikang pambansa, at
itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Inilabas ang Kautusang tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito
1940 ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog- English Vocabulary at ng isang
aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at
2. Pagtuturo ng wikang pambansa simula hunyo 19,1940 sa
mga paaralang publiko at pribado sa buong kapuluan
Nilagdaan ng pangulong Ramon Magsaysay ang proklama ng blg.
1954 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng lingo ng wikang pambansa
simula marso 29 hanggang abril 4 taon taon, sang-ayon sa tagubilin
ng surian ng wikang pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng
pagdidiriwang ang araw ni balagtas.
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at kultura Juan L Manuel ang
1978 kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino
sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasang Antas/ kolehiyo.
Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban
sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha ng labindalawang
yunit.
Pinagtibay ang bagong konstitusyon ng Pilipinas. Sa artikulo XIV,
1987 Seksyon 6-7 nasasaa ang mga sumusunod:
Seksyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
sialig umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Pinalabas ng kalihim Lourdesw R Quisumbing ng departamento ng
edukasyon, kultura at palakasan ang kautusan Blg. 52 na naguustos
sa paggamitn ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa
mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang
edukasyong bilingwal.
Pinalabas ng commission on Higher education ang CHED
1996 memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam nay yunit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at
Nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1,
Filipino 2, at Filipino 3
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang proklama
1997 Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay
magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubulin sa ibat-ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang
Ipinalabas ng KWF ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at
2001 Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang mapabalis ang
estandardasyon at inteletwalisasyon ng Wikang Filipino.
Tuluyan nang isinantabi ang 2001 revisyong alfabetp at 1987
2009 alpabeto sa pamamagitan ng pagpapalabas ng KWF ng Gabay sa
ortograpiyang Filipino, bagamat ano mang tuntunin sa 1987 at 2001
na hindi binago sa 2009 gabay ay mananatiling ipapatupad.

Prepared by:

MYLENE ESCOBAR-BARZUELA, MA Fil.


Instructor

Noted:

ELIZABETH C. FETALVERO, MA Eng.


Chairperson, CAS

You might also like