You are on page 1of 3

TUNGO SA PAG-UNAWA

Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod at angkupan ng mahuhusay na mga pangungusap :
1) malumanay na isipan 4) ibayo
2) matiwasay 5) balakid
3) gulod 6) kinakapos

Balik-diwa
1) Isa-isahin ang mga balakid sa pagtuturo ayon sa guro? Alin sa mga simulain ni Rizal tungkol sa edukasyon ang
hanggang sa ngayon ay makatotohanan pa rin? Bakit?
2) Paghambingin ang paraan ng pagtuturo noon sa paraan ng pagtuturo ngayon. Alin sa mga ito ang dapat nang
baguhin? Pangatwiran.
3) Bakit mahalaga na mapanatili ang paggalang ng mga mag-aaral sa isang guro? Bakit hindi naging matagumpay
ang guro sa kanyang tinangkang pagbabago sa pagtuturo?
4) May katwiran bang makialam ang mga kura sa paraan ng pagtuturo? Bakit?

Paglalapat
1. Kung ikaw ang pamimiliin, alin ang higit mong naiibigan, ang paraan ng pag-aaral noon o ngayon? Bakit?
2. Sa palagay mo, anong mga suliranin ang nakasasagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral ngayon at noon? Ano ang
iyong maimumungkahi upang mapabuti ang pagtuturo sa ating mga paaralan?
3. Anong mga karapatan ng mga mag-aaral ang dapat isaalang-alang ng guro sa kanyang pagtuturo? Ang katapatan
ng guro?
PAGSUBOK SA NATUTUHAN
Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ang guro at si Ibarra ay nag-uusap sa _________________ .

a. salas ng Bahay c. tabi ng lawa


b. tabing bakod d. lilim ng punong kahoy

2. Isinalaysay ng guro kay Ibarra ang kanyang mga ___________ sa pagtuturo.

a. suliranin c. kaligayahan
b. karanasan d. kalungkutan

3. Sinabi ng guro na ang kanyang paaralan ay nasa __________________ .

a. lilim ng punong kahoy c. silong ng kumbento


b. maliit na silid d. tabi ng kuwartel

4. Ang pangunahing suliranin ng guro ay ang pagkakaroon ng ____________________ .

a. bahay paaralan c. mga kagamitan sa pagtuturo


b. sapat na sahod d. mga batang mag-aaral
5. Nagalit ang kura sa guro dahil hinintuan niya ang paggamit ng _________ .

a. Aklat c. relihiyon
b. Lapis at papel d. pamalo

6. Ang pangunahing itinuturo ng guro sa kanyang mga mag-aaral ay _________ .

a. Pagbasa c. mga dasal


b. Pagsulat d. pag-awit

7. Ang taong nagbigay ng malaking tulong sa guro ay si __________________ .

a. Padre Damaso c. Kapitan Tiyago


b. Don Rafael d. Pilosopo Tasyo

8. Ang pareng nagpatawag sa guro at nanghiya sa kanya sa harap ng kanyang mga mag-aaral ay si _____________.

a. Padre Salvi c. Padre Martin


b. Padre Sibyla d. Padre Damaso

9. Kapag ang isang guro ay hiniya o napahiya sa harap ng kanyang mga mag-aaral ang mga bata ay nawawalan ng
____________ sa kanya.

a. Paniniwala c. pagkahiya
b. Paggalang d. pagkatakot

10. Ang guro upang igalang ng mga bata ay kailangang magkaroon ng __________.

a. Kayamanan c. karunungan
b. Karangalan d. mataas na pinag-aralan

11. Hindi kayang labanin ng guro ang kura dahil sa _____________________________ .

a. Wala itong kinatatakutan


b. Tinutulungan ito ng pamahalaan
c. Tinutulungan ito ng korporasyon
d. Iginagalang ng buong bayan

12. Ayon sa guro, ang anumang kagandahang-loob at gawaing Mabuti ay

a. Pinagtatawanan ng lahat
b. Pinupuri ng lahat
c. Hindi nagtatagal
d. Ginagawang halimbawa

13. Sinabi ng guro kay Ibarra na alam niyan= ang nangyari sa bangkay ni Don Rafael sapagkat siya’y
__________________________________.

a. Pinagtapatan ni Tinyente Guevarra


b. Sinabi sa kanya ni Padre Damaso
c. Kassama siya sa paglilibing
d. Kasama siya sa mga nagtapon sa lawa
14. Ang pamamalo ng guro sa halip na makatulong sa mag-aaral ay lalong nakapag-padagdag ng ___________-

a. Takot c. awa
b. Suliranin d. hiya

15. Lahat ng mga aklat na ginagamit ng mga mag-aaral ay nasusulat sa ______________.

a. Tagalog c. kastila
b. Latin d. ingles

You might also like