You are on page 1of 2

SINGAO, JAYACINTH A.

II- BSED FILIPINO


FIL 104 – ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

LEARNING ACTIVITIES MULA SA STUDY GUIDE 2

A. Magsagawa ng maikling saliksik tungkol sa sumusunod na Batas Pangwika. Pumili


ng dalawang batas na sa palagay mo ay may pinakamahalagang naiambag sa pag-
unlad ng wikang pambansa. Humandang ipaliwanag sa klase ang mga naiambag sa
pag-unlad ng wika ng dalawang napiling batas.

1. Memorandum Pangministri Blg. 523, s. 1986 (Abril 17)


2. Memorandum Pangkagawaran Blg. 196, s. 1988 (Agosto 23)
3. Batas Tagpagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)
4. Memorandum Pangkagawaran Blg. 115, s. 1991 (Hulyo 5)
5. Resolusyon Blg. 1-93 (Enero 6, 1993)
6. Resolusyon Blg. 3-94 (Oktubre 19, 1994)
7. Memorandum Pangkagawaran Blg. 46, s. 1996 (Abril 11)
8. CHED Memorandum Order No. 20, s. 1993
9. CHED Memorandum Order No. 59, s. 1996
10. CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013

CHED Memorandum Order No. 59, s. 1996


• Mandatoring pagtuturo sa kolehiyo ng Filipino at Panitikan na may siyam na unit
sa antas tersyarya.
• Sagot: Lalong lumawaak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa antas tersyarya
patungkol sa Filipino hindi lang bilang wikang pambansa, lingua franca, at
wikang opisyal kundi bilang wika ng pananaliksik, at nililinang nito ang makrong
kasanayan sa pagbasa at pagsulat na maging mapanuri at maging malikhain.

Atas Tagpagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)


 Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensiya/
instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang kailangan
para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon,
komunikasyon at korespondensya.
 Sagot : Masasabi kong napakalaki ng naiambag ng Atas Tagpagpaganap Blg.
335 sa pag-unlad ng wikang pambansa. Mula pa lamang sa pagsalin ng mga
pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, at mga karatula ng lahat ng
opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon ay talagang nabigyang
halaga ang paggamit ng atin wika. Dahil sa batas na ito, nabigyang daan din ang
pagpapalaganap sa paggamit ng wikang Filipino tulad ng pagsasanay ukol sa
pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina sa kasanayan sa paggamit ng
Filipino sa mga komunikasyon at korespondensya.opisyal. napakalaking tulong
din nito upang magkaroong ng kakayahan ang mga simpleng mamamayan na
makialam sa mga nangyayari sa ahensiya

B. Gumawa ng timeline ayon sa petsa at bilang ng alpabeto upang mabuod ang


ebolusyon ng ating Pambansang Wika.

BILANG NG BILANG NG HIRAM


TAON
TITIK NA TITIK
Baybayin Ika 14 na siglo 17 na titik C,F, J o G, LL, Ñ, Q,
hanggang sa SHA, SH, V, X, Z
pananakop ng
mga kastila
Alpabetong Romano 29 na titik
Abakadang Pilipino 1940 20 na titik
C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z,
Pinagyamang Alpabeto 1976 31 na tiitk
CH, LL, RR
Alpabetong Pilipino 1987 28 na titik C, F, J, N, Q, V, X, Z.

C. Kung bibigyan ka ng pagkakataong umakda ng dalawang Batas Pangwika, ano-ano


ito? Ano sa palagay mo ang magiging ambag sa wika ng batas na iyong iaakda?

Batas 1:
Mandatoring paggamit ng Baybayin sa mga teksto sa mga karatula ng kalye, mga
gusali tulad ng paliparan, mall, paaralan, poste, at sa bawat logo ng mga negosyo,
pampubliko man o pribado na may kaakibat na kahulugan sa Wikang Filipino.

Ambag sa wika:
Higit na lalaya at lulusog ang ating pananaw sa ating sarili kapag ibinukas natin ang
ating sarili sa iba’t ibang perspektiba ng oryentasyong pangkultura at kapag higit nating
pinagbuhusan ng tiyaga ang pagtitig sa natitira’t pira-pirasong gunita ng ating katutubo’t
sinaunang sarili. Ang Baybayin ang isang dakilang halimbawa sa nakapagsasariling
katangian ng wika at kulturang Filipino. Bilang pantulong sa wikang Filipino, ay lalong
yayaman ang ating kultura at wikang ating ginagamit.

Batas 2:
Pagtuturo ng baybayin (pagsulat at pagbasa) sa lahat ng antas bilang asignatura at
bilang larangan.

Ambag sa wika:
Sa pamamagitan ng pagyakap at pagtanggap ng buo sa baybayin ay lalong yayabong,
uunlad at yayaman (tradisyunal man o modernong baybayin). Maaaring magamit ng
bawat Pilipino sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Sinasabing ang baybayin ay
magiging estetikang pagbabago na kailangan ituro bago pa man maging pambansang
sistema ng pagsusulat. Kailangan nating turuan ang bawat Pilipino patungkol sa wika at
pagsulat. Hindi pa huli ang lahat para magkaroon tayo ng sariling sistema ng
pagsusulat. Masasabi ko ring hindi lahat ng Pilipino ay gamay sa paggamit nito.

You might also like