You are on page 1of 3

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan

Kampus ng Lingayen
Lingayen, Pangasinan
_________________________________________________________________________________________________________
Bilang ng Kurso: Filipino 104
Pamagat ng Kurso: Estruktura ng Wikang Filipino
Paksa ng Talakayan: Mga Pagbabagong Morpoponemiko (5. Paglilipat Diin)
Kayarian ng mga Salita
Mga Tagaagtalakay: Sanchez, Piolo T.
Satumba, Tricia Mae B.
Singao, Jayacinth A.
Ulanday, Shaina A.
Vocal, Jinky Rose F.
Taon, Seksyon at Kurso: I-BSE Filipino
Guro: Gng. Shella Marie I. Diocares
_________________________________________________________________________________________________________

Mga Pababagong Morpoponemiko

5. Ang Paglilipat Diin


Nangyayari ang pagbabagong ito kapag naililipat ang diin ng morpema at ito
ay nilapian.
Halimbawa:
linis + an = linisan
kain + an = kainan

Sa halimbawa, ang diin sa salitang-ugat na linis na nasa unang pantig /li/ ay


nailipat sa pangalawang pantig /nis/ nang ito ay nilapian.

Kayarian ng mga Salita

Ang kaugnayan ng isang salita, parirala o sugnay ay makikilala sa kagamitang


pinaglagyan sa pagkakabuo ng isang pahayag tulad ng mga sumusunod: a) pagkapaksa, b)
pagkapamuno, c) pagkapinakadiwa, d) pagkakaganapan, e) pagkapanuring, f) pagkapang-
ugnay, g) pagkamalayang sangkap at h) pagkatagaganap,
Ang mga salita ay may iba’t ibang kayarian na maiuuri sa (1) payak, (2) maylapi, (3)
inuulit, at (4) tambalan.

1) Payak
Ang mga salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi,
hindi nauulit, at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa:
bayan lahi bansa
aklat ina tulog

2) Inuulit
Ang salita ay inuulit kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito
ay inuulit. May dalawang pagkalahatang uri ng pag-uulit (a) pag-uulit na ganap, at
(b) pag-uulit na di-ganap o parsyal.

a) Pag-uulit na ganap
Sa uring ito, ang inuulit ay ang buong salitang-ugat.
Halimbawa:
Salitang-ugat Pag-uulit
Sabi sabi-sabi
Araw araw-araw
Buhay buhay-buhay

b) Pag-uulit na di-ganap o parsyal


Tinatawag itong di-ganap o parsyal na pag-uulit kung ang inuulit ay
bahagi lamang ng salita.
Halimbawa:
Salitang-ugat Pag-uulit
Ikot iikot
Usok uusok
Sumakay sumakay-sakay

3) Maylapi
Maylapi ang salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.
Halimbawa:
Panlapi + salitang-ugat Salita
Um- alis umalis
-in-, -an tulong tinulungan
Mag-, -um sikap magsumikap

4) Tambalan
Tambalan ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang salita
lamang. Ito ay maaaring ganap o di-ganap. Ganap ang pagtatambal kung ang
dalawang salitang pinagsama ay nagkakaroon ng panibagong kahulugan at di-ganap
naman kung nananatili ang kahulugan.
Halimbawa:
Di-Ganap Ganap
Bahaghari ingat-yaman
Anakpawis urong-sulong
Nagmahabang-dulang pamatid-uhaw

Sanggunian:

You might also like