You are on page 1of 3

ORDANEL, NEIL

PANADO, TRISHA
PEREZ, YSHELLE
PURIFICACION, SHANE
RAMIREZ, JAENNA
MMA 201

Alamat ng Sampaguita

Narrator:
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na
Liwayway ang pangalan.Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating
hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit
napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.

Lalakad si Liwayway sa gitna.

Narrator:
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina
Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng
baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway.

Lalakad sa gitna si Tanggol at ang kasama niya na inaalalayan siya papunta


sa pwesto ni Liwayway na kasama ang tatay niya.

Tatay ni Liwayway: Anong nangyari?

Kasama ni Tanggol: Inatake ho siya ng baboy-ramo.

Tatay ni Liwayway: Ganun ba? Halikayo at aking gagamutin. Anak,


Liwayway kunin mo ang mga panggamot.

Liwayway: Masusunod po.

Narrator:
Pagkatapos gamutin ang mga sugat ni Tanggol ay pinagpahinga muna siya
sa bahay nila Liwayway. Agad na nilapitan ni Liwayway si Tanggol ng makita
niyang gising na ito.

Liwayway: Kumusta ang pakiramdam mo?

Tanggol: Mabuti naman kaysa kanina.


Narrator:
Sa pag-uusap nilang iyon ang naging daan ng pagkakalapit nila. Umibig sina
Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.

Sweet moments ni Liwayway saka Tanggol eme basta sweet sila ganon pero
dito di pa maayos lagay ni Tanggol.

Narrator:
Nang tuluyang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga
magulang niya para hingiin ang kanilang basbas.

Magmano sa tatay ni Liwayway.

Tanggol: Nais ko ho sanang pormal na hingin ang kamay ng inyong anak.

Tatay ni Liwayway: Walang problema sa akin iyan dahil nakita ko naman ang
iyong kabutihan.

Narrator:
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay puno ng pangarap si Liwayway nang
ihatid ng tanaw si Tanggol. Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway
na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula
nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.

Liwayway: Tanggol nasan ka na ba? Anong bang nangyayari sayo?


(Pabulong na sabi niya at hindi siya mapakali)

Narrator:
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita
na hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.

Liwayway: Nangako ka sakin Tanggol pero anong ginawa mo?!

Parang wala sa sarili si Liwayway laging tulala, matamlay at walang gana


kumain.

Narrator:
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni
Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa
karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.

Liwayway: “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”

Narrator:
Ang mga salitang iyon ang tanging naiwan ni Liwayway kay Tanggol. Ilang
araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang
mga magulang.

Tanggol: Pasensya na kung hindi ako nakabalik agad nagkaroon ng sakit ang
aking ina. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala ka na. (Nasa
puntod nakaluhod)

Narrator:
Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang
puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang
mabantayan ang puntod ng kasintahan.

Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway.


May tumubong halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga
luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango.
Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway
bago namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.

You might also like