You are on page 1of 1

Alamat ng Sampaguita

Napaka-gandang dalaga nitong si Liwayway. Hindi na kataka-taka kung marami siyang


naging manliligaw.

Nang minsang may isang binata na ang pangalan ay Tanggol na inatake ng baboy-ramo,
dinala ito sa ama ng dalagang si Liwayway upang mabigyan ng pangunang lunas.

Sa maikling panahon ay nagkaibigan sina Liwayway at Tanggol. Nang magaling na ang


binata ay nagpaalam itong uuwi muna sa kanila upang sunduin ang kanyang mga
magulang at pormal na hingiin ang kamay ng dalaga.

Lumapas ang maraming araw ngunit hindi pa rin bumabalik si Tanggol. Isang dating
manliligaw ni Liwayway ang siniraan si Tanggol at sinabing hindi na raw ito babalik
dahil may asawa na ito.

Napuno ng sama ng loob, lungkot at pangungulila si Liwayway na siyang naging


dahilan ng pagkakasakit nito. Ilang linggo lamang ang lumipas ay namatay ang
dalaga.

Bago namatay si Liwayway ay naiusal nito ang mga katagang, �Isinusumpa kita! Sumpa
kita��

Makaraan ang ilang araw makalipas ilibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama
ang kanyang mga magulang. Hindi pala agad ito nakabalik dahil nagkasakit ang
kanyang ina. Labis ang paghihinagpis ng binata sa pagkawala ng kanyang
pinakamamahal.

Hindi na muling bumalik sa kanyang bayan si Tanggol. Sa halip ay araw-araw itong


pumupunta sa puntod ni Liwayway upang bisitahin. Nadilig ng kanyang luha ang puntod
ng dalaga.

Isang araw ay napansin nitong may tumutubong maliit na halaman sa puntod ni


Liwayway. Namulaklak ang halaman at ito ay ubod ng bango. Tinawag ang halamang
�sumpa kita�, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Sa
kalunan, ang �sumpa kita� ay naging �sampaguita�.

You might also like