Professional Documents
Culture Documents
Demo 2
Demo 2
TUKLASINatLINANGIN
I. LAYUNIN
PANONOOD (PD) (F8PD-IVa-b-33)
Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye at
ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda.
II. PAKSA
Panitikan : Florante at Laura
a. Buod
b. Mahalagang Tauhan
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
1. Gawaing Rutinari
Panalangin at Pagbati
Pagtatala ng Liban
Pagtse-tsek ng takdang Aralin
Balik-aral
2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Florante at Laura
a. Buod
b. Mahalagang Tauhan
AKTIBITI
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : KASTILYO NG KATANUNGAN
Isulat sa kastilyo ang mga katanungang nais mabigyang kasagutan sa
pagsisimula ng talakayan.
Skip to document
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
o
University
Adamson University
Course
Physical Education 1 (PE111)
19 Documents
Academic year: 2013/2014
Comments
Pharmacy Boards
MT Prayer and Code of Ethics
Annex-C-Checklist-of-Requirements-and-Omnibus-Sworn-Statement
Waiver for Games 2 - ASSIGNMENT
notes for 12345
Related documents
Preview text
ARALIN 4.
TUKLASINatLINANGIN
I. LAYUNIN
II. PAKSA
2. Presentasyon ng Aralin
AKTIBITI
*Taglay pa ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga katangian sa akdang Florante at Laura?
4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : LIKE, COMMENT & SHARE
Magbababahagi ang mga mag-aaral ng mga nagustuhang pangyayari
sa kanyang paboritong teleserye o pelikula. Pagkatapos ay tatawag
naman ng kamag-aaral na magkukumento sa pangyayaring
nagustuhan ng kamag-aaral at hahanap din ng kapwa kamag-aaral na
magbabahagi naman ng kanyang naging damdamin kaugnay ng
naunang naibigay na pangyayari.
PANGYAYARISATELESERYE
Pag-uugnay ng unang gawain sa gagawing panonood.
Pagpapanood ng teleseryeng <Ang Probinsyano=.
Pagpapabasa ng buod ng <Florante at Laura=.
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang
taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng
kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng
kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na siLaura. Anak si Konde Adolfo ni
Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante.
Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom
na liyon ang biglang umatake kay Florantesubalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng
malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florantehanggang sa manumbalik
ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si
Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging
tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang
pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang
buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin
at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim
na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa
batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si
Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca – saAtenas, Gresya upang mag- aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor.
Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang
pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang
anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni
Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang
pagkainggit sa kaniya niAdolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng
Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin niAdolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng
paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persa(Persian) – ang katotohanan
na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran.
ALAM MO BA NA...
Sa simula ng awit na Florante at Laura ay ipinakita ang tagpuan bilang isang madilim at
mapanglaw na gubat. Sa paggalaw ng mga pangyayari at sa pagsasalaysay ni Florante ay
makikitang ang kabuoan ng awit ay naganap sa kaharian ng Albanya. Isa-isa ring inilahad ang
mga tauhang nagbigay-buhay sa awit at kung paano nahabi nang maayos ang mga pangyayari sa
tulong ng mga tauhang ito.
Pagsagot sa Pokus na Tanong 1. Taglay pa rin ng mga pangyayari sa Florante at Laura ang
mga nagaganap sa lipunan dahil ang awit ay isang mabisang paglalarawan sa mga totoong
nangyayari sa lipunang ating ginagalawan.
ABSTRAKSYON
APLIKASYON
Pangyayari sa
awit
lipunan
Taglay pa rin
Florante at Laura
Nagaganap sa
Mabisang paglalarawan
Totoong nangyayari
IV. KASUNDUAN
Florante - ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay
ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng
Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang
bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano.
Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay
isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay
nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.
Konde Adolfo - Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida
nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina
Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang
gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang
ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang
angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay
Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante
sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at
pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.
Aladin - Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang
buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si
Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng
awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling
na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si
Aladin, ang kanyang idolo.
Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.
Mungkahing Estratehiya FAST TALK / GAME SHOW Sa pamamagitan ng Fast Talk o Game
Show, ipahahayag ang sariling pananaw sa ilang tauhan sa binasa.
Prinsesa laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng
Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang
ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa
lamang.
Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag- aakala na nililo Laura sa
pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.
Flerida - Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa
pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin.
Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.
Pangkatang Gawain
12
34
ALAM MO BA NA...
ABSTRAKSYON
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. Ang mga katangiang mapagmahal, hindi pagsuko sa
laban ng buhay ni Florante ay taglay pa rin ng mga Pilipino sa kasalukuyan dahil nakikita sa
pagsisimulang umunlad ng ating bansa sa tulong ng mga katangian ito.
APLIKASYON
EBALWASYON
INDEX OF MASTERY
IV. KASUNDUAN
1. Ihambing ang iyong sarili sa alinmang tauhan sa Florante at Laura. Sa anong mga
katangian kayo nagkakatulad at nagkakaiba?
2. Ano ang mga kahilingan ni Francisco Balagtas sa mga mambabasa ng kanyang obra
maestra? Isa-isahin.
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. Ang mga katangiang mapagmahal, hindi pagsuko sa
laban ng buhay ni Florante ay taglay pa rin ng mga Pilipino sa kasalukuyan dahil nakikita sa
pagsisimulang umunlad ng ating bansa sa tulong ng mga katangian ito.
Ikaapat na Markahan | 25
Pokus na Tanong ng Aralin 4.2
Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa Florante at Laura?
Taglay pa rin ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga
katangian ng ilang tauhan sa akdang Florante at Laura?