Professional Documents
Culture Documents
Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 7
Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 7
___________________1. Sino ang nagsabi ng mga salitang “ Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin.”?
___________________2. Sa mga uri ng Karunungan Bayan alin ang may paalala o babala na kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyano may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay?
___________________3.Sa mga uri ng Karunungang Bayan alin ang may pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan?
___________________4.Sa mga uri ng Karunungang Bayan alin ang may layunin na pukawin o pasiglahin ang kaisipan ng mga
tao?
___________________5.Anong karunungang bayan ang halimbawang ito: “Batang makulit palaging sumisitsit sa kamay
mapipitpit.”
___________________6.Anong karunungang bayan ang halimbawang ito: “God knows Hudas not pay.”
___________________7.Anong karunungang bayan ang halimbawang ito: “Maliit pa si Totoy marunong ng lumangoy.”
___________________8. Anong karunungang bayan ang halimbawang ito: “ May isnag bola sa mesa tinakpan ito ng sombrero.
Paano makukuha ang bola ng di man lang nagalaw ang sombrero?”
___________________9.Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakalihis. “Ang wika sa bansa at dapat pagyamanin sapagkat
ito ay kaluluwa ng ating lahi.”
___________________10. Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakalihis. “Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na
pagmamahal sa ating inang Bayan.”
___________________11. Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakalihis. “Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas
ng bagwis ng ibon sa himpapawid.”
___________________12. Ano ang maituturing na pinakamatandang karunungang bayan?
___________________13. Sa mga elemento ng Tula: Ano itong tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo
sa isang saknong?
___________________14. Sa mga elemento ng Tula: Ano ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita?
___________________15. Sa mga elemento ng Tula: Ano ang tumutukoy sa paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao
upang ilantad ang talinhaga sa tula?
___________________16. Anong uri ng panitikan na karaniwang tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa, relihoyon at paniniwala?
___________________17. Ang mga sikat na mito ay mitolohiyang Griyego at ang mga Diyos at Diyosa nila ang ang mga
sumusunod liban sa isa?
Aphrodite Athena Florante Zeus
___________________18. Ano ang uri ng panitikan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at bagay bagay na sadyang
kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa?
___________________19. Alin ang tinatawag ring palagayang sanaysay?
___________________20. Sino ang tinaguriang Utak ng Himagsikan?
___________________21. Ano ang mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kundisyon?
___________________22. Alin ang salita/pahayag na ginagamit sa paghihinuha sa pangungusap na “ Maaaring gumanda ang
buhay ng taong may pera. Ang pera ay makapagdadala sa iyo sa rurok ng tagumpay.”
___________________23.Alin ang salita/pahayag na ginagamit sa paghihinuha sa pangungusap “ Ang mga taong magaganda
ay tila nagiging mayabang sa buhay. Nagiging palalo sila at ginagamit ang kagandahan sa masamang paraan.”
___________________24. Alin ang salita/pahayag na ginagamit sa paghihinuha sa pangungusap. “Baka dumami ang kanyang
kaibigan dahil sa dami ng pera niya sa bangko. Ang pera ay kadalasang sukatan sa pagkakaibigan.”
___________________25. Anong uri ng panitikan ang may maikling salaysay hingil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang?
___________________26. Mga uri ng Maikling Kwento: Anong kwento ang nagbibigay aliw at nagpapasaya sa mga
mambabasa?
___________________27. Mga uri ng Maikling Kwento: Anong Kwento ang tumutukoy sa pagmamahalan ng dalawang tao?
___________________28. Mga uri ng Maikling Kwento: Anong Kwento ang binibigyang diin ang kapaligiran at pananamit ng
mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook?