You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Administratibong Rehiyon ng Caraga


Dibisyon ng Butuan

Pangalan: _____________________________________ Petsa: ________________


Seksyon: _____________________________________ Lebel: _________________
(Unang Markahan, LINGGO 1, Unang Araw)
Asignatura at Taon : Filipino 7
GAWAING PAGKATUTO

Ang Pilosopo
(Kuwentong Bayan: Kuwentong Maranao)
Pamagat

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
(F7PN-Ia-b-1)

Layunin:
A. Nakakabasa ng may pag-unawa ang mga mag-aaral tungkol sa isang
halimbawa ng kuwentong - bayan
B. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari tungkol sa nabasang kuwentong
bayan
Panimula(Susing Konsepto):

Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan


na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Ito ay mga kathang isip na kuwento o
salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga tao o ng mga
mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang
maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa
kasalukuyang pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong pag-
uugali at mga aral na gustong ibigay ng kuwento.

Gawain
Panuto:
Basahin ang isa pang halimbawa ng kuwentong-bayan, “Ang Pilosopo”.
Unawaing mabuti ang binasa upang matugunan at maibigay ang angkop na kasa-
gutan sa naitakdang katanungan.

Ito ay isang kuwento ng isang bayan na ang mga naninirahan ay mga


taong takot sumuway sa batas na umiiral sa kanilang bayan.Ang kanilang pinuno
ay si Abed, araw-araw siyang namamasyal sa kabahayan ng kanyang mga
nasasakupan upang matiyak kung sino sa kanila ang nahihirapan upang kanyang
mabigyan ng pagkain.Napansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed ay
kaagad syang kumuha ng bato at inilagay sa kanyang kaldero ginawa niya ito
upang sya ay mabigyan ng pagkain. Isang araw sila ay naglakbay upang magsuri
ng lupa kasama ang kanyang mga tauhan ibinilin niya sa mga ito na magdala ng
bato na tama lamang sa kanila ngunit si Subekat ay nagdala lamang ng maliit na

1
-1-

bato na sinlaki ng kanyang daliri..Sila’y nagdasal at nang matapos na sila ay sinabi ni


Abed na buksan na ang kanilang mga baon.Nang mabuksan na nila ay naging tinapay
ang kanilang mga baon na bato. Dahil nagutom si Subekat dahil sa liit ng kanyang
dalang bato. Nagbilin ulit si Abed na magdala ng maliit na bato ngunit si Subekat ay
nagdala na naman ng pinakamalaking bato dahil akala niya ay magiging tinapay ito.
lupa. Nalungkot sya sa kanyang nakuha at sinabi sa kanya ni Abed na hindi sya
sumusunod sa mga patakaran.dahil sa hindi siya dumating sila sa pupuntahan nila.
Sinabi ni Abed na ihagis ang bato sa abot ng kanilang makakaya dahil ito ang lupang
mapupunta sa kanila dahil sa hindi na naman sumunod si Subekat ay singlaki lang ng
bilao ang kanyang nakuhang kanyang nakuhang lupa.Nalungkot siya sa kanyang
nakuha at sinabi sa kanya ni Abed na hindi sya sumusunod sa mga patakaran.dahil sa
hindi sya sumusunod sa alituntunin ay wala syang magandang kinabukasan.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at


Maranao Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.

1. Ibigay ang unang pangyayari:

2. Ikalawang Pangyayari:

3. Ikatlong Pangyayari :

4. Ikaapat na Pangyayari

5. Ikalimang Pangyayari

Sanggunian:
www.rexinteractive.com

-2-

Kagawaran ng Edukasyon
Administratibong Rehiyon ng Caraga
Dibisyon ng Butuan
Pangalan: ____________________________________ Lebel: ________________
Seksyon: _____________________________________ Petsa: ________________
(Unang Markahan, LINGGO 1, Ikalawang Araw)
Asignatura at Taon : Filipino 7

GAWAING PAGKATUTO

Ang Pilosopo
(Kuwentong Bayan: Kuwentong Maranao)
Pamagat
Kasanayang Pagkatuto at Koda:
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
(F7PN-Ia-b-1)

Layunin:
Nakikilala ang mga tauhan batay sa nagiging usapan nito sa kapwa tauhan

Panimula:(Susing Konsepto)
Bawat tauhan sa kwentong ating nababasa sa panitkan ay nagpapakita ng mga
kanais-nais at di-kanais na mga ugali o katangian. Ating kilalanin sila batay sa mga
usapang nakapaloob sa akdang binasa.

Gawain:
Panuto: Basahin muli ang kuwentong-bayan “Ang Pilosopo”. Kilalanin ang mga
katangian/ugali ng mga ito batay sa usapang inilalahad. Isulat ang inyong sagot
sa isang buong papel )

1. “Magdala kayo ng bato na tama lamang para sa inyo.” Sino sa mga tauhan ng
kwento ang nagbilin nito?
a. Abed b. Subekat c. mga sakop d. mga alipin
2. ”Ihagis ang bato sa abot ng inyong makakaya dahil ito ang lupang mapupunta sa
inyo.” Sabi ni Abed sa kanyang mga nasaskupan. Anong katangian ng pagiging
pinuo ang ipinapakita ni Abed sa pahayag na ito?
a. matapang b. mahusay c. magaling d. makapangyarihan
3. “Hindi ka sumusunod sa mga patakaran.dahil sa hindi ka sumusunod sa alituntunin
ay wala kang magandang kinabukasan,” sabi ni Abed kay Subekat. Mahihinuhang
si Subekat ay may katangiang:
a. matigas ang ulo b.may malambot na puso c.sinungaling
d. hindi maaasahan
4. Araw-araw si Abed ay namamasyal sa kabahayan ng kanyang mga nasasakupan
upang matiyak kung sino sa kanila ang nahihirapan upang kanyang mabigyan ng
pagkain. Masasabing bilang pinuno sa kanilang lugar si Abed ay may ganitong
katangian ng isang pinunong dapat pamarisan.
a. malupit b. mapagmalasakit c. maramot d. masipag
5. Nalungkot si Subekat sa kanyang nakuha. “ Hindi ka kasi sumusunod sa mga
patakaran.dahil sa hindi ka dumating sa usapang pupuntahan nating lugar,” Sabi ni
Abed sa kanya. Ang pahayag na ito ni Abed kay Subekat ay may tonong:
a. pagsisisi b. tuwa c. panunumbat d. pagbati

-3-

Kagawaran ng Edukasyon
Administratibong Rehiyon ng Caraga
Dibisyon ng Butuan
Pangalan: ____________________________________ Lebel: ________________
Seksyon: _____________________________________ Petsa: ________________
(Unang Markahan, LINGGO 1, Ikatlong Araw)
Asignatura at Taon : Filipino 7

GAWAING PAGKATUTO
Paghihinuha
Pamagat

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
( F7WG-la-b-1 )

Layunin:
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mahahalagang pangyayari at usapan ng mga
tauhan

Panimula(Susing Kosepto):
Mahihinuha mo ang mga positibong kaugaling Pilipino ay bahagi na ng ating kultura
na ipinamana ng ating mga ninuno noon pang unang panahon at patuloy na minana natin
sa kasalukuyan hanggang sa mga susunod pang henerasyon.Pananatilihin natin ang mga
ito lalo na’t isa ito sa mga dahilan kung bakit hinahangaan o angat tayo sa ibang bansa.
Masasalamin din natin sa kwento na ang kalagayang suliraning panlipunan ay
nangyayari din sa tunay na buhay at nararanasan ito ng ating mga ilang kababayang
patuloy sa kanilang pag-adhika sa buhay.
Ang pagbuo ng hinuha ay matalinong palagay sa mga inaakalang mangyayari,
nangyari na o nangyayari pa batay sa sitwasyon, kwento o nakalap na impormasyon.
Ang hinuha ay nakasalalay sa pagbuo ng malawak na kaalaman at pag-unawa ng
mambabasa sa binasa o pinakinggang kwento.

Gawain:
Panuto: Mula sa mga salita o pahayag na nakasulat sa loob nga kahon, ibigay ang
kaugalian sa itaas ng fishbone at sa ibabang bahagi ang kalagayang
panlipunan.

naghihirap Taong sunud-sunuran


Mamigay ng pagkain Maghugas bago magdasal
Pagsunod sa utos Pagtitis sa sa trabaho

-4-

Kaugalian
Panlipunan

Sanggunian:

www.rexinteractive.com

-5-

Kagawaran ng Edukasyon
Administratibong Rehiyon ng Caraga
Dibisyon ng Butuan

Pangalan: ____________________________________ Lebel: ________________


Seksyon: _____________________________________ Petsa: ________________
(Unang Markahan, LINGGO 1, Ikaapat na Araw)
Asignatura at Taon : Filipino 7

GAWAING PAGKATUTO
Mga Pahayag na Nagbibigay Patunay
Pamagat
Kasanayang Pagkatuto at Koda:
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
( F7WG-la-b-1 )

Layunin:
Nakabibigay ng mga pangungusap gamit ang mga pahayag na nagbibigay ng
patunay.

Panimula(Susing Kosepto):
May mga pahayag na ginagamit sa pangungusap sa pagpapatunay ng katotohanan
ng isang bagay.Nakatutulong ang mga pahayagg na ito upang tayo ay makapagpatunay
at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o
ebedensiyang lalo pang makapagpaptunay sa katotohanan ng inilalalahad.
Naririto ang ilang pahayag na giangamit sa pagbibigay ng patunay:
May dokumentaryong ebedensiya, Kapani-paniwala, Taglay ang matibay na kongklusyon ,
Nagpapahiwatig, Nagpapakita, Nagpapatunay/Katunayan/Patunay at Pinatutunayan ng
mga detalye.

Gawain
Panuto:
Basahin ang isang sipi ng balita at pagkatapos ay sagutin/pag-usapan natin nilalaman nito.

Lahat ng Daan Ngayon ay Patungong Davao

MANILA, Philippines, Mayo 17, 2016- Sa isang iglap, ang Davao ay biglang
nagging bagong kapangyarihan pagkatapos ng malawakang pagkapanalo ni Pangulong
Rodrigo Duterte na umabot sa mahigit 16 na milyong boto. At dahil hindi nagtungo si
Duterte sa Manila, ang mga VIP o mahahalagang taong ito ang nagsadya sa kanya sa
Davao.
Inaasahan na rin ni Sen. Aquino Pimentel III ng PDP-Laban ang paglipat ng mga
poliitko mula sa iba’t ibang Partido sa kanilang Partido dahil sa pagkapanalo ni Duterte.
Lubhang naging abala ang pangulo sa dami ng taong nais makipag-usap sa kanya.
Isang malaking silid sa Matina Enclave Residences ang nagsilbing lugar kung
saan niya tinanggap ang napakaraming bisita para sa sunud-sunod na pulong na umabot
ng halos 20 oras. Nagsimula ito sa ikaapat ng hapon, Mayo 16 hanggang ika-11 ng
umaga kinabukasan.
Sa ngayon, ikinatuutwa ng mga kaalyado ni Duterte na ang pansin ng lahat ay nasa
Davao at sa Mindanao sa positibong paraan naman. Sa nakalipas na panahon kasi ay
karaniwang naiuugnay at nakikilalaang Mindanao sa mga negatibong balitang tulad ng
kidnapping ng mga armadong grupo at iba pang karahasang sumisira sa magandang
imahe ng lugar.
Inaasahang simula na ito ng mabuting pagbabago para sa lugar na tinatawag na “
The Land of Promise’ o “ Lupang Pangako”.

1.Ayon sa balita,bakit nasa sentro ng mga balita ang Mindanao partikular ang Davao?
-6-

_____________________________________________________________________

2.Anong ebedensiya mula sa binasa ang makapagsasabing malakas at popular na


pangulo si Rodrigo Duterte?

__________________________________________________________________
3.Simula na nga kaya ito ng mabuting pagbabago para sa lugar na tinatawag na “The
Land of Promise” o “Lupang Pangako”? Anu-anong mga bagay ang magbibigay-
patunay rito?

_____________________________________________________________________
Gawain 1
Panuto: Bumuo ng sampung makabuluhang pangungusap na nagbibigay patunay gamit
ang mga panandang inilalahad.Ang mga panandang salita ay maaaring gamitin
sa unahan, gitna o hulihan ng iyong pangungusap.

1.Pinatunayan

_________________________________________________________________________________
2.Katunayan

_________________________________________________________________________________
3.Kapani-paniwala

_________________________________________________________________________________
4. Nagpapakita

_________________________________________________________________________________
5.Patunay

_________________________________________________________________________________
6.Nagpapahiwatig

_________________________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto:
Gumawa ng limang pangungusap gamit ang mga pahayag na nagbibigay ng
patunay na maaring ihambing sa napapanahong pangyayari.

1. __________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
-Pinagyamang Pluma 7, pp. 19-20, 21-22

-7-

Kagawaran ng Edukasyon
Administratibong Rehiyon ng Caraga
Dibisyon ng Butuan

Pangalan: ____________________________________ Lebel: ________________


Seksyon: _____________________________________ Petsa: ________________
(Unang Markahan, LINGGO 1, Ikalimang Araw)
Asignatura at Taon : Filipino 7

GAWAING PAGKATUTO
Ang Pagsulat ng isang Balita
Pamagat

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
(F7WG-Ia-b-1)

Layunin:
Nakasusulat ng napapanahong balita gamit ang mga pahayag na nagbibigay ng
patunay.:

Panimula(Susing Kosepto):
Marami na tayong naririnig, nababasa o napapanood na mga balita mula sa mga
pahayagan, radyo at telebisyon ng mga pangyayaring kanais-nais at di-kanais-nais na
nagaganap sa ating paligid sa pang-araw-araw ng ating pamumuhay.Malaking tulong ang
naibibigay sa atin ng balita sa dahilang layunin nitong nabibigyan tayo ng wastong mga
impormasyon sa mga naganap sa loob at labas ng ating bansa.
Ang balita ay ulat na maaaring pasulat o pasalita tungkol sa mga pangyayaring
naganap, nagaganap o magaganap sa paligid. Sa pagbabasa ng balita, isinaalang-alang
ng ng mga mambabasa ang mga detalye ng mga pangyayari at ang kanilang kawilihan.
Kinakailangang ito ay makatotohanan at walang kinikilingan.
May paraan sa pagbuo ng balita. Sinisimulan ito sa pagsagot sa tanong na Ano,
Sino, Kailan, Bakit at Paano. Ang mga sagot dito ang siyang mga pamatnubay na
pangungusap.
Ang nagbigay ng detalyeng paliwanag ng mga datos ay ang katawan ng balita na
sagot sa mga tanong.
Ang panghuling bahagi ng pangungusap ay tumutugon sa detalye ng balita.

Pagwakas /Gawain:
Panuto;
Magmasid at magtanung-tanong sa mga nakakatatanda kung ano ang
napapanahong balita na maaaring magbibigay ng mga sumusunod. Gumamit ng mga
salita o pahayag na magbibigay-patunay sa panig na pinaniniwalaan. Sundin din ang mga
pamantayan sa pagsusulat ng isang balita.

A. Kapani-paniwala C Taglay ang matibay na Konklusyon


B. Nagpapahiwatig D.Nagpapatunay E. Nagbibigay ng detalye )

-8-

__________________________________
Pamagat ng Balita

______________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagtataya:

Nilalaman ng balita – 10 puntos

Mga pahayag na nagbibigay patunay – 5 puntos

Istrukutra ng talata -- 3 puntos

Gamit ng wika - 2 puntos


___________
Kabuuan 20 puntos

Sanggunian:

*Pinagyamang Pluma 7, p. 24
*Gantimpala (Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 7, pp. 13)

-9-

You might also like