Professional Documents
Culture Documents
FINAL - Filipino 7 - Wk1 7 - Black and White SY - 23 24
FINAL - Filipino 7 - Wk1 7 - Black and White SY - 23 24
Konsepto/Kaalaman:
KUWENTONG-BAYAN
Ang mga kuwentong-bayan o folklore ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng
katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na
doon lamang nakikita o nangyayari.
ANG PILOSOPO
Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunud-sunuran na
lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal
ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa
kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga
naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain. Nang marating
ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita niya ang kaldero na may
nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil
may inilaan sa kanya. Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling
pagdarasal).
Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan. May
nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para
magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na
sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi
ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-
alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi.
Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama
lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri. Nang
mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal.
Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na
nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng
hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato.
Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil
magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa
kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang
matatamo ng bawat isa.
Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang
lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang
kanyang makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed
ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran.
Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang
magandang kinabukasan.
Mga Gawain/Pagsasanay:
Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng hiwalay na kapirasong papel (short bondpaper) sa pagsagot ng
lahat ng mga gawain. Sundin sa mga susunod na linggo ng markahang ito ang
pangkalahatang panuto ayon sa pamamaraan ng pagsagot Siguraduhing
nakaisteypler ang inyong sagutang papel kung sobra sa isang pahina ang ginamit.
Sundin at isulat sa itaas na bahagi ng sagutang papel ang pormat sa ibaba.
Gawain 1A:
Panuto: Batay sa kuwentong iyong binasa sa itaas, sagutin ang sumusunod na
katanungan:
1. Sino si Subekat? Ano ang pinagkaiba niya sa ibang mga naninirahan doon?
3. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano ang kalagayan ng mga taong
naninirahan dito?
Gawain 1B:
Panuto: Batay sa mga piling pangyayari sa ibaba, ibigay ang kaugalian na mahihinuha.
Mga pangyayari at usapan sa Kaugalian
kuwento
Konsepto/Kaalaman:
Mga Gawain/Pagsasanay:
Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng hiwalay na kapirasong papel (short bondpaper) sa pagsagot ng
lahat ng mga gawain. Sundin sa mga susunod na linggo ng markahang ito ang
pangkalahatang panuto ayon sa pamamaraan ng pagsagot Siguraduhing
nakaisteypler ang inyong sagutang papel kung sobra sa isang pahina ang ginamit.
Sundin at isulat sa itaas na bahagi ng sagutang papel ang pormat sa ibaba.
Gawain 2A
Panuto: Iguhit ang smiley face sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay
nagsasaad ng pagpapatunay at sad face naman kung ito ay hindi nagpapatunay.
1. Ang tulong mula sa iba't ibang bansa sa Asya na umabot sa mahigit 14
bilyong piso ay nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng mga tao anuman ang kulay
ng balat at lahing pinanggalingan.
Gawain 2B
Panuto: Tunghayan ang balita tungkol sa Lawa ng Lanao. Alamin ang kalagayan ng
nasabing lawa. Bigyang-pansin ang mga kinaharap na problema nito. Pagkatapos mong
mabasa ang balita, sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong katanungan.
Roxanne Arevalo
ABS-CBN News, June 13, 2018
1. Ano ang kalagayan ng lugar kung saan nagmula ang binasang balita?
2. Magbigay ng dalawang detalye mula sa balita na makapagpapatunay sa iyong sagot
para sa unang bilang.
a.
b.
3. Anong ebidensiya mula sa binasang balita ang makapagpapatunay na naapektuhan
ang pamumuhay ng mga tao batay sa kalagayan ng kanyang paligid?
Gawain 2C
Panuto: Sumulat ng isa hanggang tatlong talatang nagpapatunay tungkol sa isang
karanasan ng isang frontliner ngayong panahon ng pandemya. Isaalang-alang ang
elemento at paraan ng pagsulat ng pahayag na nagpapatunay.
Konsepto/Kaalaman:
Dahil posibilidad ang inilalahad sa ekspresyong ito, ang inaasahang sagot sa isang hinuha
ay maaring positibo o negatibo depende sa kung maari nga bang magkatotoo ang isang bagay
na inihayag.
Halimbawa:
1. Nakangiting hawak ni Ana ang isang kahon ng mga regalo, marahil ay
kaarawan niya.
2. Nagtatalon sa galak ang mga magkakapit-bahay hawak-hawak ang mga raffle ticket
posibleng kayang lahat sila ay nanalo?
3. Malakas ang ulan at pinauwi agad ang mga mag-aaral, sa palagay ko ay
nakansel na ang klase.
4. Umaga pa lamang ay sobrang tindi ng init ng araw marami ang nagpapalagay na tila
uulan sa hapon.
5. Nagbayanihan aming barangay, bawat isa ay may nakahandang iaambag para sa mga
nasalanta ng lindol malamang pagkain ang aking ibibigay.
Mga Gawain/Pagsasanay:
Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng hiwalay na kapirasong papel (short bondpaper) sa pagsagot ng
lahat ng mga gawain. Sundin sa mga susunod na linggo ng markahang ito ang
pangkalahatang panuto ayon sa pamamaraan ng pagsagot Siguraduhing
nakaisteypler ang inyong sagutang papel kung sobra sa isang pahina ang ginamit.
Sundin at isulat sa itaas na bahagi ng sagutang papel ang pormat sa ibaba.
Gawain 3A:
Panuto: Ipabasa ang akda sa isa sa mga miyembro ng pamilya at pakinggan ito nang mabuti.
Gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad, isulat sa patlang ang iyong
hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akda.
Gawain 3B
Panuto: Bigyan ng hinuha ang mga sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang mga salita/pahayag
sa paghihinuha ng mga pangyayari na nasa loob ng kahon.
1. Matigas ang ulo ng mga tao, hindi sila sumusunod sa physical distancing at tuloy-tuloy pa
rin ang pagliliwaliw ng mga may edad sa gitna ng “Community Quarantine”.
Hinuha:
2. Masaya si Ruben nang umalis ng bahay dahil pinayagan siya ng kanyang ina na sumama sa
isang pangkat ng mga magbibisekleta papunta sa kabilang bayan. Nagulat siyang nang
magising na nasa ospital na siya.
Hinuha:
3. Nabalitaan ni Aling Linda na ang kanyang kumareng Carmen ay nakatanggap ng SAP subalit
siya ay walang natanggap.
Hinuha:
4. Hindi tumitingin si Ana sa pagtawid sa daan, may hawak siyang cellphone at may ka chat.
Hinuha:
5. Nagising si Rudy na takot na takot at umiiyak, dali-dali siyang pumunta sa kusina upang
uminom ng tubig.
Hinuha:
6. Nagkakantahan at sayawan ang mga magkakaibigan at susuot nila ang kani-kanilang mga
toga.
Hinuha:
7. May dalang mga iihawing baboy at isda si Nanay, at naghanda rin ang kanyang mga anak
ng kasuotang panligo.
Hinuha:
8. Namili ng mga kagamitang pang-ekswela si Aling Roma , iniiayos ito sa harapan ng kanyang
bahay.
Hinuha:
9. Makulimlim ang panahon, at malakas ang hangin, agad nagligpit ng kagamitan ang mga
mangingisda.
Hinuha:
10. Palakpakan ng mga tao at hiyawang may galak ang maririnig sa kapaligiran, suot ng batang
manlalarong atleta ang isang gintong medalya.
Hinuha:
Gawain 3C
Konsepto/Kaalaman:
Alam mo ba na … ang pagbubuod ay ang siksik at pinamaikling bersyon ng test na
maaring nakasulat, pinanood o pinakinggan? Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang datos.
Mahalaga sa pagbubuod na isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang:
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna ang teksto.
2. Alamin ang paksa o tema.
3. Isaalang-alang ang pangunahing karakter, tunggalian at resolusyon ng tauhan.
4. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang buod.
5. Isulat ang buod na tiyak ang pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan.
Ang Mayabang na Palaka
May mag-anak na palaka na masayang naninirahan sa isang sulok ng bukid. Si Amang
Palaka ay isang mabuting ama. Ngunit ito ay may kayabangan. Palagi nitong
ipinagmamalaki ang kanyang sarili. “Ako ang pinakamalaki. Tignan mo ang katawan ko.”
Buong pagmamalaking sabi nito. “Oo nga! Ama. ang laki-laki mo!” Humahangang sabi ng
anak.
Minsan ay namasyal ang Batang Palaka.Nakakita siya ng kalabaw. Iyon ang unang
pagkakataon na nakakita siya ng kalabaw. Nalibang siya sa kakatingin dito kaya’t matagal
bago niya naisipang umuwi na.” Saan ka ba galing? Ang tagal-tagal mong nawala”, tanong
ni Palaka pagkakita kay Batang Palaka.” Namasyal ako. Ina, Marami akong nakita sa labas.
May katulad din natin,” sagot ni Batang Palaka. “Anong katulad natin?” Tanong naman ni
Amang Palaka. Kapareho natin Ama. Apat din ang paa. Kaya lang…” ang mahinang tugon
ni Batang Palaka.
Ano kaya lang? Sige ituloy mo,” udyok ni Amang palaka. “Akala ko sabi n’yo, kayo ang
pinakamalaki,’’ ang may pagtatakang himig ng anak.’’ Bakit? Ako naman talaga ang
pinakamalaki sa lahat ng palaka rito sa atin, a!’’ Sagot ng ama.” May nakita ako, Ama. Mas
malaki sa iyo at may sungay pa!” Ang bulalas ni Batang Palaka. “Ano? Hindi maari iyon!”
Malakas na sigaw ng ama. “Totoo, Ama. Napakalaki niya,” mahinang sagot ni Batang
Palaka. Pinalaki ni Amang Palaka ang kanyang tiyan. “Ganito ba kalaki?” tanong ng ama sa
anak. “Malaki pa riyan, Ama” sagot ng anak. Pinuno ng hanggin ni Amang Palaka ang
kanyang tiyan. Ganito ba?” tanong muli ni Amang Palaka.” Hindi Ama, malaking-malaki pa
riyan’’
Kaya pinalaki pa nang pinalaki ng Amang palaka ang kanyang katawan, hanggang sa
pumutok ito.
Mga Gawain/Pagsasanay:
Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng hiwalay na kapirasong papel (short bondpaper) sa pagsagot ng
lahat ng mga gawain. Sundin sa mga susunod na linggo ng markahang ito ang
pangkalahatang panuto ayon sa pamamaraan ng pagsagot Siguraduhing
nakaisteypler ang inyong sagutang papel kung sobra sa isang pahina ang ginamit.
Sundin at isulat sa itaas na bahagi ng sagutang papel ang pormat sa ibaba.
Gawain 4A
Panuto: Mula sa tekstong nasa loob ng kahon sa ibaba, ayusin ang mga sumusunod na
pahayag ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
paglalagay bilang 1 hanggang 5 sa patlang.
Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay Malaki, mabilis at
malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.
Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagod.
Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang
naglalaro sa may punong Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno.
Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi
sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit
ang paa ni Daga. Umirit si Daga. Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si
Daga at bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw.
Nangakong hindi na siya uulit at sinabing baka siya’y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating
ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si
Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang
paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa
kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang
mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari. Walang
anu-ano ay dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya ang
tali sa hawla. Nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si
Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at
Daga.
Gawain 4A:
Panuto: Isalaysay at ibuod ang mga pangyayari sa nabasang pabula gamit ang storyboard.
Konsepto/Kaalaman:
Noong unang panahon, may mag-asawang datu at ba’i sa Agamaniyog na may isang
anak na babae na nagngangalang Solampid. Pinag-aral siya sa isang paaralan sa Antara a
Langit na matatagpuan sa pagitan ng langit at lupa. Ipinadala siya upang mag-aral ng Banal
na Qu’ran, hanggang sa lumaki siyang napakagandang dalaga. Naging guro niya si Somesen
sa Alongan.
Hindi nagtagal, nagkasakit ang datu ng Agamaniyog. Malubha ang sakit nito at
ipinaalam kay Solampid. Umuwi si Solampid at pinuntahan ang kanyang ama. “O ama, ano
ang nangyari sa’yo?” ang nag-aalalang tanong ng dalaga. Sumagot sa kanya ang ama,
“Mahal kong anak, malapit na yata akong mawala sa mundong ito. Gusto kong basahin mo
sa akin ang Qu’ran bago ako mamatay at huwag mong kalilimutang mag-abuloy sa mga
mahihirap o magbigay ng ‘sadaka’ sa aking pangalan.”
“Oo, ama, ikinagagalak ko pong gawin lahat ng kahilingan mo,” ang sagot ni
Solampid. Umupo siya sa tabi ng amang maysakit at sinimulan niya ang pag-awit ng bawat
bersikulo ng Qu’ran. Nang marinig ang kanyang boses, tumigil ang ihip ng hangin at ang
mga dahon ay tumigil sa paggalaw. Pati na rin ang mga ibon ay tumigil sa paglipad upang
makinig sa pag-awit ni Solampid. Pagkatapos na mabasa niya ang Qu’ran, namatay ang
kanyang ama. Tumangis nang malakas ang dalaga. “Nanalangin ang lahat sa kaisa-isa nating
Panginoon! O ama, bakit mo kami iniwan sa mundong ito?” Umiiyak si Solampid patungo sa
kanyang ina at niyakap ito. Umiiyak din ang lahat ng nasa bahay.
Inihanda ang datu para sa kanyang libing. Pagkatapos ng pagdarasal, inilibing ang
datu sa Agamaniyog. Sumunod naman ang pang-araw-araw na dasal at pagkatapos, bumalik
na si Solampid sa Antara a Langit.
Pagkatapos ng ikasandaang araw mula nang mamatay ang ama ni Solampid,
bumalik na siya para sa isang kaugaling sinusunod ng kanyang ama. Tinulungan ni Solampid
ang kanyang ina sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita. Nang mga oras na iyon,
nanonood sa kanya ang kanyang guro na si Somesen sa Alongan at inihulog niya ang isang
sulat na may larawan niya para kay Solampid. Sinadya niyang ihulog ang mga ito sa harap
ni Solampid. Kinuha ng ba’ing Agamaniyog ang sulat na may larawan. Pumasok kaagad ito
sa kanyang silid at itinago ang sulat. Bago niya itinago, tiningnan muna niya ang larawan ni
Somesen sa Alongan at humanga siya sa kagandahang lalaki nito.
Abala naman si Solampid sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita at
pagkatapos ay pinakain niya ang lahat ng mga naroroon.
Para sa alaala ng kanyang ama ang paghahandang ito. Pagkatapos ng lahat, pumunta
na si Solampid sa “lamin”, ang tore ng prinsesa upang matulog. Nanaginip siya na may isang
matandang lalaki na pumunta sa kanya at nagsabing, “Solampid, hindi mo ba alam na si
Somesen ay naghulog ng sulat at larawan para sa iyo ngunit kinuha ng inyong ina at doon
itinago sa kanyang kahon? Gumising ka at buksan mo ang kahon at kunin mo ang sulat.”
Gumising si Solampid at sinunod ang sinabi ng matanda.
At natagpuan niya doon ang sulat at larawan. Binasa niya ang sulat. Para sa ina ni
Solampid ang sulat at nagsasabing umiibig si Somesen sa Alongan kay Solampid at gusto rin
niyang pakasalan ito.
Sinunog ni Solampid ang sulat. Kinuha niya ang larawan at dali-dali siyang umalis ng
bahay. Nang dumating ang kanyang ina, kaagad namalayan niyang bukas ang kanyang kahon.
Nalaman niyang wala na ang larawan at sulat. Alam din niya na walang ibang magbubukas
ng kahon maliban sa kanyang anak. Pumunta siya sa “lamin” ngunit wala na si Solampid.
Bumaba siya at nakita niya itong papalayo na sa “torongan”. Galit na galit ang ina ni Solampid.
Kumuha ito ng kutsilyo at nagbalak na patayin si Solampid.
Muntik na niyang maabutan ito ngunit tumalon ito sa ilog. Lumangoy siya hanggang
sa makarating sa kabilang dako ng ilog. Lumakad siya nang lumakad hanggang sa makarating
siya sa isang bahay na may dalawang matanda. Bingi ang isang matanda at bulag naman ang
isa. Pumasok kaagad si Solampid sa bahay at nagtago. Dali-dali niyang isinara ang pinto.
Maya-maya, dumating ang kanyang ina, hinanap si Solampid doon ngunit nabigo siya. Hindi
niya nakita si Solampid kaya bumalik siya sa kanilang bahay.
Mga Gawain/Pagsasanay:
Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng hiwalay na kapirasong papel (short bondpaper) sa pagsagot ng
lahat ng mga gawain. Sundin sa mga susunod na linggo ng markahang ito ang
pangkalahatang panuto ayon sa pamamaraan ng pagsagot Siguraduhing nakaisteypler
ang inyong sagutang papel kung sobra sa isang pahina ang ginamit. Sundin at isulat sa
itaas na bahagi ng sagutang papel ang pormat sa ibaba.
Gawain 5A:
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangyayari sa akda. Lagyan ng tsek ang kolum A
kung ito’y makatotohanan at kolum B naman kung di-makatotohanan.
A B
Pangyayari sa akda Makatotoha Di-
-nan makatoto-
hanan
1. Ipinadala siya upang mag-aral ng Banal na Qu’ran hanggang sa
lumaki siyang napakagandang dalaga. Naging guro niya si Somesen
sa Alongan.
2. Hindi nagtagal, nagkasakit ang datu ng Agamaniyog. Malubha
ang sakit nito at ipinaalam kay Solampid. Umuwi si Solampid at
pinuntahan ang kanyang ama.
3. Umupo siya sa tabi ng amang maysakit at sinimulan niya ang
pag-awit ng bawat bersikulo ng Qu’ran.
4. Tinulungan ni Solampid ang kanyang ina sa paghahanda ng
pagkain para sa mga bisita.
5. Sinunog ni Solampid ang sulat. Kinuha niya ang larawan at dali-
dali siyang umalis ng bahay.
6. Galit na galit ang ina ni Solampid. Kumuha ito ng kutsilyo at
nagbalak na patayin si Solampid.
7. Lumakad siya nang lumakad hanggang sa makarating siya sa
isang bahay na may dalawang matanda. Bingi ang isang matanda
at bulag naman ang isa. Pumasok kaagad si Solampid sa bahay at
nagtago.
8. Maya-maya, dumating ang kanyang ina, hinanap si Solampid
doon ngunit nabigo siya. Hindi niya nakita si Solampid kaya bumalik
siya sa kanilang bahay.
9. Nagtago si Solampid sa silid ngunit nakita rin siya. Nakinig ang
magkakapatid sa kanyang kuwento at napagkasunduan nilang
ituring siya na kanilang sariling kapatid.
10. Dahil sa natuklasan din nilang may maganda itong boses,
pinakiusapan ang kanila gurong si Rajah Indarapatra na tanggapin
si Solampid na isa sa kanilang mga mag-aaral.
Gawain 5B
Panuto: Pumili ng isang (1) pangyayari sa akda at iugnay ito batay sa mga pangyayari sa iyong
sariling buhay.
Halimbawa:
Pangyayari sa akda:
Nagtago si Solampid sa silid ngunit nakita rin siya. Nakinig ang magkakapatid sa kanyang
kuwento at napagkasunduan nilang ituring siya na kanilang sariling kapatid.
Pangyayari sa akda:
Konsepto/Kaalaman:
PANGATNIG NA PANANHI
Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga. Ang
pangatnig na pananhi ay tumutugon sa tanong na ‘bakit’ o upang maipakilala ang mga
kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa:
sapagkat kaya palibhasa bunga ng
dahil epekto ng kasi sanhi ng
SANHI- dahilan (cause)
BUNGA- epekto/resulta (effect)
Tingan ang tsart sa ibaba bilang mga halimbawa:
Sanhi (Cause) Pang-ugnay Bunga (Effect)
kanyang katapangan walang mangahas na makipagdigma sa
dahil sa Bumbaran
laki ng kanyang
pagdaramdam dahil sa siya ay nangibang-bayan
nabalitaan niyang
namatay si Bantugan sapagkat lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran
matinding gutom at
kalungkutan dulot ng namatay si Bantugan
pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na
matinding inggit epekto ng si Haring Madali
IBA PANG PANGUNGUSAP:
1. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas makipagdigma sa Bumbaran.
2. Siya ay nangibang-bayan dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam.
3. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay si
Bantugan.
4. Namatay si Bantugan dulot ng matinding gutom at kalungkutan.
5. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring Madali epekto ng matinding
inggit.
Iba pang halimbawa:
1. Malaki ang pagtataka ni Prinsesa Datimbang kasi hindi niya kilala ang bangkay sa harap ng
kanilang kaharian.
2. Sanhi ng kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa
mabihag ng kanyang mga kaaway.
3. Palibhasa nakapagpahinga si Bantugan kaya nakaipon siya ng sapat na lakas upang matalo
ang mga5B:
Gawain kaaway.
Gawain 5C:
SANHI AT BUNGA
Panuto: Punan ang mga patlang ng mga pahayag upang maipaliwanag ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari sa binasang “Kuwento ni Solampid”.
F7WG-If-g-4. 2.Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa).
Konsepto/Kaalaman:
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na
kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin lamang.
• tuluyan (pangungusap at talata)
• makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa
• paggagad ng realidad
• isang pangyayaring kakaunti ang mga tauhan na laging may pangunahing tauhan
• mababasa sa isang upuan lamang
Bahagi ng Banghay
1. PANIMULANG PANGYAYARI/SIMULA - paglalahad o paglalarawan sa tauhan,
tagpuan o maaaring mailahad agad ang suliranin.
2. SULIRANIN - ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at
nagbibigay ng interes sa istorya.
3. PAPATAAS NA AKSYON - dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang
mga nagiging reaksyon o hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin.
4. KASUKDULAN - pinakamataas na bahagi ng kuwento. Masasabing dito sa bahaging
ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento. May mga kuwentong ang
kasukdulan ang nagiging wakas ng kuwento.
5. PABABANG AKSYON - dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan, sa mga
kumbensyunal o tradisyonal na kuwento, madalas maglagay ng ganito ang mga
manunulat. Dito binibigyang kasagutan ang suliraning inilahad sa kuwento. Maaaring
masagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na nasa isip ng mga mambabasa.
6. WAKAS - maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang
ideya o tinatawag na open-ended.
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwentong “Si Usman, Ang Alipin” na nasa loob ng kahon.
Mga Gawain/Pagsasanay:
Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng hiwalay na kapirasong papel (short bondpaper) sa pagsagot ng
lahat ng mga gawain. Sundin sa mga susunod na linggo ng markahang ito ang
pangkalahatang panuto ayon sa pamamaraan ng pagsagot Siguraduhing nakaisteypler
ang inyong sagutang papel kung sobra sa isang pahina ang ginamit. Sundin at isulat sa
itaas na bahagi ng sagutang papel ang pormat sa ibaba.
Gawain 6A:
Panuto: Suriin ang binasang maikling kwentong “Si Usman, Ang Alipin”. gamit ang mga sumusunod
na elemento ng maikling kwento.
1. Sino-sino ang
mga tauhan?
2. Saan naganap
ang kuwento?
3. Anong uri ng
tunggalian ang
namamayani sa
kwento?
4. Tukuyin ang
kasukdulan ng
kwento.
5. Paano
nagwakas ang
kwento?
Gawain 6B:
Panuto: Itala ang mga pang-ugnay na mababasa sa maikling kwentong “Si Usman, Ang Alipin” at
gamitin ito sa pangungusap.
Pang-ugnay Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.
Konsepto/Kaalaman:
Konsepto/Kaalaman:
Gawain 7A:
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa
napakinggan/nabasang mga pahayag (brochure).
1.
2.
3.
4.
Bahagdan
Mga Pamantayan Marka
(%)
Nagamit nang wasto at angkop ang pormal na Wikang Filipino sa 30%
pagsasagawa ng iyong proyektong panturismo.
Nasuri ang ginamit o pinagkunan ng datos o impormasyon sa 25%
pananaliksik kung angkop o mapagkakatiwalaan ang pinagkunan
mo ng mga impormasyon. Naglagay ng pagkilala o citation sa
mga pinagkunan ng datos.
Naipaliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng 15%
proyektong panturismo tulad halimbawa ng mg acronym na
ginamit mo.
Nakabuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo. 15%
Naging malikhain at may orihinalidad sa isinagawang proyekto. 15%
1. www.rexinteractive.com
2. Makabagong Balarilang Filipino, Alfonso O. Santiago at Norma G. Tangco, Rex
Bookstore
3. Arevalo, R. (2018). Lawa ng Lanao. ABS-CBN News
1. Peῆa, E. L., Wong, J. T., Sendon, V. A., Ramos, E. R., Villafuerte, P. V. (2016). Kanlungan, Ikalawang
Edisyon. ELP Campus Journalism Printing, Manila, Philippines.
2. Basia- Julian, A. G., Lontoc, N.S., Esguerra-Jose, C., Dayag, A.M., (2018). Pinagyamang Pluma 7, Wika
at Panitikan sa Mataas na Paaralan, Ikalawang Edisyon. Phoenix Publishing House, Inc., 927 Quezon
Avenue, Quezon City, Manila, Philippines.
Ikalimang Linggo
1. www.rexinteractive.com
2. Alma Dayag, Aile Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose. Pinayamang
Pluma (Teachers Wraparound Edition), K to 12 Ikalawang Edisyon (2018). Phoenix
Publishing House, Inc. Quezon Avenue, Quezon City.
3. Alma Dayag, Aile Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose. Pinayamang
Pluma (K to 12) (2014). Phoenix Publishing House, Inc. Quezon Avenue, Quezon City.
4. Servillano T. Marquez Jr., PhD (2017). Pintig ng Lahing Pilipino, Ikalawang Edisyon.
Sibs Publishing House Inc. Quezon Avenue, Quezon City.
Ikaaanim na Linggo
1. Pinagyamang Pluma 7: Ikalawang Edisyon. Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan, Ailene G.
Baisa-Julian, et al.
2. Si Usman, Ang Alipin: Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni Datu
Abdul Sampilna isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983)
Ikapitong Linggo
Page 31