You are on page 1of 2

Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE

TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA


204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 7

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.(F7PN-Ia-b-
1)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Mindanao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong


panturismo.
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan, kasaysayan at mga uri ng kuwentong bayan;


b. nasusuri ang mga kaugalian at tradisyon na sinasalamin sa kuwentong-bayan
na binasa at tinalakay.
c. naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaral ng kuwentong
bayan sa ating lipunan at Panitikang Pilpino.

II. PAKSA
A. Paksa: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat: karunungang-bayan
B. Sanggunian: Quipper study guide F7 U1 L1 , karunungang-bayan
A. Kagamitan: powerpoint presentation, quipper study guide

A. PAMAMARAAN
A. Gawain
Ipapakita ang sikat na larawan ng kuwentong “Si Pagong at Si Matsing”

Natatandaan niyo ba ang nilalaman ng kuwentong nsa larawan?


Batay sa kuwento, magtalaga ng iyong sariling pakahulugan sa saitang TUSO
gamit ang word association.

TUSO

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-
Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE
TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA
204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

B. Pagsusuri
Babasahin ng mag-aaral ang Yunit 1, Aralin 1 hanggang 4 sa kanilang Study
Guide at tatalakayin ng guro sa papamagitan ng gabay na tanong na may
kinalaman sa paksa.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang kuwentong-bayan?

2. Ano ang mga uri ng kuwentong bayan?

3. Sino ag pangunahing tauhan sa kuwento?

Paghahalaw

Ibubuod ng guro ang Yunit 1 Aralin 1-4 sa pamamagitan ng mga sumusunod:.

 Ang kuwentong-bayan ay kadalasang tungkol sa isang tauhan na


kumakatawan sa isang uri ng mamamayan tulad ng pilyong lalaki,
makapangyarihang babae, o matandang hari. Hindi ito tungkol sa
kasaysayan o pinagmulan ng lugar, panahon, at pangalan. Ito ay
salaysay na baha-bahagi na karaniwan ay nagbibigay-aliw at aral sa
buhay.

C. Paglalapat
Bilang isang kabataan, paano mo mapahahalagahan at maisasabuhay ang
mga kaugalian o tradisyon na ipinapakita sa mga kuwentong-bayan na iyong
nababasa o natatalakay?

B. PAGTATAYA
Sasagutan ng mag-aaral ang mga Gawain sa kanilang study guide.
C. TAKDANG-ARALIN
Panoorin ang akdang “Alamat ng Bulkang Mayon.” Unawain ang kuwento at
sagutan ang mga katanungan ukol dito.
1. Anong uri ng kuwentong-bayan ang binasa?
2. Anong kaugalian at kalagayang panlipunan ang ipinakikita sa kuwento?
3. Anong tradisyon ang masasalamin sa binasang kuwento?

Inihanda ni: Bb. Joan P. Pascua

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-

You might also like