You are on page 1of 3

Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE

TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA


204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 7

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat/ di


karapat-dapat ng paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa pabula(F7PS-Ic-d-2)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Mindanao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong


panturismo.

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mahalagang kaisipan sa binasang pabula;
b. natutukoy ang mahahalagang kaisipan sa binasang pabula;
c. nailalahad ang kahalagahan sa buhay ng pagbabasa ng pabula.
d. Nakabubuo ng isang balangkas ng pabula.
II. PAKSA
A. Paksa: Ang Mataba at Payat na Usa
B. Sanggunian: Quipper Study Guide
C. Kagamitan: Quipper Study Guide, Powerpoint Presentation

III. PAMAMARAAN
A. Gawain
Ipatukoy ang pamagat ng mga pabulang isinasaad ng mga larawan sa
ibaba.

“ Ang Leon at ang Daga”

“ Si Langgam at Tipaklong”

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-
Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE
TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA
204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

“Ang Elepante at ang Langgam”

Itanong:
1. Paano nalaman ang mga naturang pabula?
2. Sino ang tauhan sa mga kuwento na nasa larawan?

B. Pagsusuri
Babasahin ng mag-aaral ang Yunit 1, Aralin 1 hanggang 4 sa kanilang Study
Guide at tatalakayin ng guro sa papamagitan ng gabay na tanong na may
kinalaman sa paksa.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang pabula?
2. Ano ang layunin ng pabula?
3. Sino ang mga tauhan sa pabulang binasa?
4. Ano o ano-ano ang aral na napulot sa napanood na kuwento?
5. Bakit mahalagang tukuyin pa ang mga aral at mahahalagang kaisipan
mula sa mga akdang pabulang ating nababasa, napakikinggan, o
napanonood?

C. Paghahalaw
Iibubuod ng guro ang Yunit 1 Aralin 1-4 batay sa mga sumusunod:
 Ang pabula ay maiikling babasahing bunga ng mayamang
imahinasyon ng tao. Gumagamit ito ng mga hayop upang bigyang-
buhay ang mga tauhan ng akda.
 Ang Griyegong si Aesop ang itinuturing sa buong mundo bilang “Ama
ng Pabula.”

D. Paglalapat
Paano ka makatutulong upang mapaunlad pa ang pagtangkilik ng mga bata
at matatanda sa mga akdang pampanitikang gaya ng pabula?

IV. PAGTATAYA
Sasagutin ng mga mag-aaral ang gawain sa Study Guide Yunit 2 Aralin 1-4.

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng isang pabula. Basahin at unawain ang nasaliksik. Pagkatapos,
magkaroon ng
paghihimay sa akda sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihingi ng balangkas sa
ibaba. Gawin ito sa isang malinis na bond paper. (Ilakip ang pabula na iyong
binasa)

I. Mga Tauhan
II. Suliranin

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-
Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE
TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA
204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

III. Mga Aral


IV. Buod

Inihanda ni: Bb. Joan P. Pascua

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-

You might also like