You are on page 1of 2

Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE

TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA


204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 7

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay(F7EP-Ia-


b-1)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Mindanao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong


panturismo.

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga pahayag na nagbibigay patunay;
b. naibabahagi ang kahalagahan ng mga pahayag na nagbibigay patunay; at
c. nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa paglalahad argumento
o pakikipagtalastasan.
II. PAKSA
A. Paksa: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
B. Sanggunian: quipper study guide, F7 U1 L3, Mga Pahayag na nagbibigay
patunay
C. Kagamitan: powerpoint presentation, quipper study guide

III. PAMAMARAAN
A. Gawain
Basahing mabuti ang mga pahayag. Salungguhitan ang bahagi ng
pangungusap na nagpapahayag ng patunay.
1. Tunay na mayaman ang panitikang Pilipino, sapagkat nariyan ang mga
tinipong koleksyon ni Damiana Eugenio.
2. Hindi makapaniwala ang datu, ngunit nang ipinakita ni Pilandok ang
kayamanang sinasabing nakuha niya sa nasabing kaharian ay naniwala na rin
siya.
3. Batay sa mga pagsusuring pampanitikan, ang mga kuwentong-bayan ay
sadyang mabisang hanguan ng magagandang aral sa buhay.
4. Isa si Dean Fansler sa mga dayuhang nagkainteres sa panitikang Pilipino,
katunayan ay inilathala niya noong 1921 ang Filipino Popular Tales.
5. Sadyang tuso si Pilandok, katunayan ay makailang ulit na niyang naisahan
ang datu.

Itanong;
1. Ano ang ipinapahayag ng mga bahagi ng pangungusap na iyong
sinalungguhitan?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang mga patunay na ito sa
pagpapahayag?

B. Pagsusuri

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-
Archdiocese of Tuguegarao SAN VICENTE INSTITUTE
TUGUEGARAO ARCHDIOCESAN OF SOLANA
204 Bonifacio St., Centro Southwest, Solana
SCHOOL SYSTEM (078) 824-8389/ 824-8366
Email: Svi_mentors@yahoo.com

Babasahin ng mga mag-aaral ang kanilang study guide at tatalakayin ng guro


sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay?
2. Bakit mahalaga ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay?
3. Sa papaanong paraan nakatutulong ang mga pahayag na nagbibigay
patunay sa paglalahad ng mga argumento ukol sa isang isyu?

C. Paghahalaw
Ibubuod ng guro ang pangunahing kaisipan ng paksa sa pamamagitan ng
sumusunod:
 Ang mga pahayag na nagbibigay patunay ay nagpapahiwatig,
nagpapakita, nagpapatunay, nagtataglay ng matibay na kongklusyon,
kapani-paniwala, may dokumentaryong ebidensiya, at pinatutunayan
ng mga detalye. Ito ay mahalaga sa pagbuo ng mga pahayag sapagkat
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patunay ay mas nagiging
malinaw ang pahayag at nagiging dahilan upang maunawaan nang
lubusan ng tagapakinig o mambabasa ang isang mensahe o
babasahin. Gayundin, ang mga pagbibigay ng patunay sa
pagpapahayag sa isang argumento ay malaking tulong upang mas
maging kapani-paniwala at katanggap-tanggap ang panig na iyong
binibigyang-diin, lalo na kung ito ay naglalahad ng mga
sumusuportang ebidensiya o datos.

D. Paglalapat
Sa iyong palagay, bakit higit na nagiging matibay ang anumang
pinaninindigan kung may sapat kang patunay?

IV. PAGTATAYA
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga Gawain sa kanilang study guide.

V. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang kuwentong “ Ang Mataba at Payat na Usa” at sagutin ng ilang
tanong.
1. Sino ang mga tauhan?
2. Ano ang suliranin na kinaharap ng pangunahing tauhan?

Prepared by:
JOAN P. PASCUA
Guro sa Filipino

Checked by:
VIRGILIO T. PASCUA
Asst. Principal

Approved by:
ELEANOR T. CANAPI
School Principal

Enter with gladness… Learn and Share God’s Goodness


-VERITAS-

You might also like