You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

Ikatlong Markahan
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Luzon
B. PAMANTAYANG PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar
C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at
mga pantulong na kaisipan (F7PB-Ilf-g-17)

II. NILALAMAN: Nakapagbubuod ng tekstong binasa sa tulong ng pangunahin pantulong na kaisipan


(Ningning at Liwanag)

III. KAGAMITANG PANTURO: (Appropriate Teaching and Learning Resources Including ICT)
Sanggunian:
Mga pahina sa Teksbuk: 339-347; Pinagyamang Pluma 7.
Iba pang kagamitang Panturo: Multimedia Projector, Larawan, cartolina, Manila paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral o pagsisimula ng bagong aralin:
 Pagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin: (Developing critical and creative thinking "HOTS”)
#Ms. Q & A na Istratehiya
Magtatanong ang guro ng katanungan at dapat magsisimula ang sagot ng mag-aaral sa I
BELIEVE...at magtatapos sa AND I THANK YOU...
Tanong: Ano ang tunay na sukatan ng kasiyahan at tagumpay sa buhay?

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Learner-Centered Strategy That Promote Literacy And Numeracy Skills)
o Magkakaroon ng paghahawan ng balakid para hindi mahihirapan ang mga mag-aaral
magbasa ng akda kung makakasagupa ng mahihirap na salita.
1. palalo – mayabang
2. taimtim - matapat
3. kaliluhan - kataksilan
4. hinagpis - pagdurusa
5. mabighani – maakit

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Papanoorin ang mga mag-aaral ng isang vidyu tungkol sa “Ang Ningning at ang Liwanag”
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=nmK1sOCWozk
E. Paglinang sa Kabihasaan (Leads to Formative Assessment
(Developing Critical and Creative Thinking “HOTS”)

Tatalakayin ang nilalaman ng akda sa tulong ng mga gabay at katanungan na ibibigay ng


guro sa mga mag-aaral.

Gabay na mga tanong:

1. Ano ang pagpapakahulugan ng “ningning” at ng “liwanag” ayon sa sanaysay?


2. Bakit sinabi sa akda na ang ningning ay madaya? Isa-isahin ang pandarayang dal
anito.
3. Sa iyong palagay, bakit mas maraming tao ang nagpapahalaga sa ningning at kinang
ng kapangyarihan at kasikatan?
4. Ano-ano naman ang kabutihang dulot ng liwanag? Isa-isahin ito.
5. Alin sa dalawa ang nakikita mong mas mabuti? Bigyang paliwanag ang iyong sagot.
6. Sa iyong palagay, maaari bang maging liwanag ang mga ningning na mayroon sa
buhay ng isang tao? Bakit mo nasabi?
7. Bilang isang kabataan, paano mo magagawang liwanag ang mga bagay sa iyong
buhay sa kasalukuyan?

F. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay”


(Learner-centered strategy that promote literacy and numeracy skills)
 Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa tatlong pangkat at sasagutin o gagawin ang mga
gawain na nakalaan para sa kanila.
RUBRIK NG PAGSUSURI NG KANTA
Pamantayan sa Pagmamarka 5 4 3 2 1 KABUUAN

NILALAMAN
Napakaayos ang pagkalahad ng impormasyon at naging daan ito
sa napakalinaw na pagkakaunawa sa
ulat/pagsasadula/pagtatanghal
KASANAYAN
Makikita ang lubos na kasanayan sa pag-uulat/ pagsasadula/
bpagtatanghal maging paraan sa pagdadala ng sarili sa harapan
ng tagapakinig.
PAGKAMALIKHAIN
Makikita ang orihinalidad at pagkamalikhain sa pag-uulat/
pagsasadula/pagtatanghal
KOOPERASYON
Bawat isa ay kakikitaan ng kooperasyon sa ginawang pag-uulat/
pagsasadula/pagtatanghal na naging daan para sa isang
napakaorganisadong talakayan.
Pangkatin ang klase sa tatlo (3) ayon sa kanilang kakayahan
Pangkat 1: Treasure Web- Punan ang treasure web ng mga hakbang hinggil sa mga
bagay upang maging ganap na liwanag o tanglaw ito sa buhay ng bawat isa.
Pangkat 2: Talk Show- Ang pangkat ay magtatanghal ng talakayang panel na ang paksa
ay “Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi lamang sa
ningning na bunga ng kasikatan at kapangyarihan?”
Pangkat 3: Dugtungang Tula- Magdugtungan ng kaisipan sa patulang pamamaraan na
pumapaksa sa nilalaman ng aralin.
*Pag-uulat ng bawat pangkat at pagsasagawa ng feedbacking sa kanilang awtput.
Note: The group activities developed highlighting differentiation in content, product, process learning environment or
others according to learners’ gender, needs, strengths, interests and experiences.
Accomplishing differentiated intra-disciplinary and interdisciplinary activities, allow learners to freely exhibit their skills
by choosing the task that could enhance their creativity and apply the previous learning.
G. Pagtataya ng Aralin

CYCLICAL THINKING MAP

Panuto: Sa pamamagitan ng CYCLICAL THINKING MAP, ibuod ang akdang “Ang Ningning at
Liwanag”

PANGUNAHING PAKSA
Kaibahan ng Ningning at Liwanag
1.
2.
3.

PAG-UUGNAY SA KARANASAN PANTULONG NA KAISIPAN


Sariling Karanasan Kaugnay ng: “ANG NINGNING Mga Nagagawa ng Ningning
Ningning: 1.
AT ANG
2.
Liwanag:
LIWANAG”
3.

PANTULONG NA KAISIPAN
Kahalagahan ng Paghanap sa Liwanag
1.
2.
3.

H. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation


Gumaea ng islogan na nagpapahayag o pumapaksa sa nilalaman ng tinalakay. Ilagay ito sa short
bond paper.

Inihanda ni: Nabatid ni: Pinagtibay ni:

PRINCESS MAE C. TENORIO MA. FLORDELIZ A. DELA CRUZ MARIA THERESA D. APOSIN
Teacher I Master Teacher II Principal IV

You might also like