You are on page 1of 11

1

Republic of the Philippines


TARLAC STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
Center of Development in Teacher Education
A.Y 2023-2024

MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 7

SANAYSAY
Bilang Bahagi ng mga Kakailanganin sa Asignaturang EDUC 301: Field Study 1 (Observation of
Teaching Learning of Actual School Environment) at EDUC 302: Field Study 2 (Participation and
Teaching Assistantship)

Inihanda ni:
Elyza D. Reyes
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino 4A
2nd Semester 2023-2024

Pinagtibay ni:

Mr. Harold Lee R. Sarmiento


Cooperating Teacher/Filipino leader

Ipinasa kay:
Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
Supervisor

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
2

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang kaibahan ng pormal at di-pormal na sanaysay.

b. Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa


sa mga anyo ng sanaysay.
c. Nakasusulat ng sariling sanaysay batay sa paksang ibibigay.

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Pamagat at May-akda: Sanaysay
b. Baitang: 7 Markahan: Ikatlong Markahan
c. Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain: Pag-unawa sa Binasa (PB)
d. MELCs F7PB-IIIf-g-17 Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga
pantulong na kaisipan
Integrasyong Panggramatika: F7WG-IIIf-g-15 Nasusuri ang mga pahayag na ginamit
sa paghihinuha ng pangyayari
Ang Sanaysay
https://www.scribd.com/document/324530776/Ang-Sanaysay
Mga Kagamitan: Pinagyamang Pluma 7, Powerpoint, Telebisyon, Laptop

III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Mga Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago ang lahat, inaanyahan ko ang lahat na tumayo at
yumuko upang damhin ang presensya ng ating panginoong
Diyos.

2. Pagbati
Isang maaliwas at masiglang araw sa inyong lahat.
Magandang umaga po Bb.
Reyes!

Ikinagagalak ko na ang lahat ay malusog at nasa maayos


na kalagayan.

Sa palagay ko ay handa na kayo sa araw na ito para sa

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
3

ating paksang tatalakayin.

3. Pagtatala ng mga lumiban at hindi lumiban

Bago natin simulan ang paksang ating tatalakayin ay


mayroon bang lumiban na kamag-aral niyo ngayong araw?

Sa pangkat ng mga babae may lumiban ba?


Sa mga lalaki naman mayroon ba?
Lider ng bawat hanay maari ko bang malaman kung sino
ang lumiban sa araw na ito.

B. Pagbabalik-aral

Bago natin talakayin ang ating paksain ngayong araw, tayo


ay magbabalik-tanaw muna sa paksang tinalakay natin noong
(Pagtaas ng mga kamay)
nakaraang pagkikita upang malaman natin kung natatandaan niyo
pa ba ito. Sino ang nakakaalam kung ano nga ba ang ating
paksang tinalakay noong nakaraang pagkikita?

Sige, ikaw Bb./Ginoo. Ano nga ba ang tinalakay natin noong


huling pagkikita?
Kuwentong-bayan po

Tama! Mahusay! Noong nakaraang pagkikita ay nakilala at


nalaman natin kung ano nga ba ang mga kuwentong-bayan at
kung saan nagmula ang mga ito.

Ano nga ba ang mga Kuwentong-Bayan?


Ang mga kuwentong-bayan ay
bahagi na ng panitikan ng
mga Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila.
Ito’y lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t-ibang
henerasyon sa paraang
pasalindila o pasalita. Nasa

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
4

anyong tuluyan ang mga


kuwentong bayan at
karaniwang naglalahad ng
kaugalian at tradisyon ng
lugar kung saan ito nagmula
at lumaganap.
Mahusay! Ang mga kuwentong-bayan ay pumapaksa sa mga
hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto,
o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad
ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena,
siyokoy, atbp.

C. Pagganyak
Ibahagi sa klase ang iyong opinyon tungkol sa katagang
“KAHIRAPAN AY HINDI HADLANG SA KINABUKASAN”.
(edukasyon)

Magtaas lamang ng mga kamay ang gustong magbahagi.

Sa panahon ngayon,
kagalingan sa diskarte ang
kailangan kaakibat nito ang
pagiging masipag at matiyaga
hindi lang sa pag-aaral para
makapagtapos, ngunit sa
marami ring mga bagay.
Minsan, hindi natin alam tayo
mismo ang gumagawa ng
paraan para magkaroon ng
hadlang sa pagkamit ng mga
ito kaya’t kailangan natin
itatak sa ating mga isipan na
ang kahirapan ay hindi
hadlang para sa ating
kinabukasan.

Mahusay! Maraming Salamat sa pagbabahagi ng inyong mga


opinyon.

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
5

D. Paglalahad ng Bagong Aralin

Ano ang Sanaysay?


Ang sanaysay ay isang uri ng
panitikang nasusulat sa
anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa sa
mga kaisipan at mga bagay-
bagay na sadyang
kapupulutan ng aral at aliw ng
mga mambabasa. Sa uring ito
ng panitikan maibibilang ang
mga sulating pampahayagang
gaya ng artikulo, natatanging
pitak o lathalain, at tudling;
ang mga akdang pandalub-
aral gaya ng tesis,
disertasyon, at diskurso;
gayundin ang mga panunuring
pampanitikan at mga akdang
pampananaliksik.

Ano ang dalawang anyo ng sanaysay?

Dalawang Anyo ng Sanaysay


1. Pormal o Maanyong
Sanaysay – ay nagtataglay ng
makatotohanang
impormasyon, piling mga
salita, at pahayag na maingat
na tinalakay kaya’t
masasabing mabisa. Ito ay
may balangkas na
nakatutulong sa lohikal na
paglalahad ng kaisipan, Ang
ganitong uri ng sanaysay ay
karaniwang umaakay sa mga
mambabasang mag-isip nang
malalim at paglakbayin ang
guniguni.

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
6

2. Pamilyar o Di Pormal –
tinatawag ding palagayang
sanaysay ay mapang-aliw,
mapagbiro, at nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga karaniwan,
pang-araw-araw, at personal
na paksa. Bininigyang-diin
nito ang karanasan at mga
isyung bukod sa kababakasan
ng personalidad ng may-akda
ay maaaring naranasan din ng
mga mambabasa. Ang
pananalita ay parang usapan
lamang ng magkakabigan
kaya magaan, madaling
maintindihan, at palagay na
palagay ang loob ng may-
akda.

E. Paglalapat

Kung tunay niyong naintindihan ang ating paksang


tinalakay. Ano ang pagkakaiba ng Pormal at Di Pormal na
Sanaysay?

Ang sanaysay na pormal ay


ang uri ng sanaysay na
nagbibigay ng impormasyon,
nagpapaliwanag ng kaisipan,
nagsasaad ng pananaliksik o
naglalahad ng isyu. Ang
sanaysay na pormal ay
tinatawag ding maanyo.

Sa kabilang banda, ang


sanaysay na di-pormal naman
ay tinatawag ding Sulating
Impormal. Ang mga nakasulat

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
7

sa isang sanaysay na di-


pormal ay base sa sariling
karanasan o opinyon ng may-
akda. Ang layunin ng may-
akda sa pagsulat ng sanaysay
na di-pormal ay manudyo,
magpatawa o mangganyak.

Mahusay! Tama ang inyong mga kasagutan!

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng isang anyo ng


sanaysay na pormal.
Isang halimbawa ng sanaysay
na pormal ay ang “Tamang
Pangangalaga ng Kabayo” ni
Bernadette Biko
Tungkol saan ito at paano mo nasabing ito ay isang
pormal na sanaysay?
Sa pamagat pa lang ng akda
ay malalaman na kaagad
natin kung saan tungkol ang
sanaysay at ito ay tungkol sa
pangangalaga sa kabayo.
Nasabi ko na ito ay isang
pormal na sanaysay dahil
hindi ito karaniwan o opinyon
lamang ng may akda at hindi
nito layunin na manudyo o
magpatawa lamang. Ang mga
nakasulat o nabanggit sa
akda ay pawang katotohanan
lamang.

Mahusay! Tama!

Ano naman kaya ang halimbawa o mayroon bang


nakakaalam ng isa pang anyo ng sanaysay na di pormal? Ang nalalaman ko na
halimbawa ng isang anyo ng
Inihanda: Reyes, Elyza D.
In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
8

sanaysay na di pormal ay
“Ang Hay sa Bawat Ngiti ni
Ma’am” ni Freegie C. Ejares.
Masasabi ko na ito ay isang
uri ng Di pormal na sanaysay
dahil inilarawan ng may akda
ang kanyang karanasan kung
kaya’t ito ay naging malayang
sanaysay. Hindi rin ito
tumalakay sa seryosong
paksa may layunin ito na
manudyo at mangganyak.

Mahusay! Magaling! Tama ang inyong mga kasagutan. Sa


pagbabahagi ninyo ng inyong mga kaalaman ay natutuwa
ako dahil tunay nga na may naintindihan kayo sa ating
paksang tinalakay ngayong araw.

F. Paglalahat

Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang sanaysay o ang


mga anyo ng sanaysay?
Mahalaga ang pagsusulat at
pagbabasa ng sanaysay
sapagkat natututo ang
mambabasa mula sa inilahad
na kaalaman at kaisipang
taglay ng isang manunulat.
paggamit ng salita at sa lawak
ng kaalaman sa paksa. ang
maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga pangungusap
ay ating matutunan.

Tama, Mahusay! Mahalagang malaman natin kung ano


ang sanaysay, dahil maaari tayong makapagbigay ng ating
opinyon sa tamang paraan na hindi tayo nakapananakit ng
damdamin ng iba, dahil ang sanaysay ay may mga paraan
na kung saan ay nakapagbibigay ng ating kaalaman sa

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
9

panunulat, hindi lang sa panunulat kung 'di pati na rin sa


paraan ng ating pananalita. Mahalaga ito sa mga mag-
aaral at magagamit ito sa mga talumpatian dahil
nakapagbibigay ng opinyon sa pormal na paraan at maaari
itong magamit sa ating paglaki, maaaring maging isang
journalist sa isang dyaryo, na kung saan ay mailalagay sa
pahina ng Editoryal.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Fact kung ang
pahayag ay tama o naangkop tungkol sa salitang
sanaysay, at Bluff naman kung ito ay maling pahayag o
hindi naangkop tungkolsa sanaysay. (10 puntos)
_____1. Ang sanaysay ay binubuo ng mga taludturan.
_____2. Malaya at tradisyunal ang dalawang uri ng
sanaysay.
_____3. Ang sanaysay ay hango sa katagang sanay sa
pagsasalaysay.
_____4. Naglalahad ito ng mga kuru-kuro at palagay ng
isang tao hinggil sa isang makabuluhang paksa.
_____5. Ang pormal na sanaysay ay isinulat sa paraang
maingat, maayos, at mabisang paglalahad.
_____6. Inilalahad sa paraang pakikipag-usap lamang ang
‘di pormal na sanaysay.
_____7. May tauhan na nagsisikilos upang magsalaysay
ng kwento ang sanaysay.
_____8. Nararapat na kawili-wili ang paksang-diwa ng
sanaysay.
_____9. Ito ay isang genre ng panitikan na nasusulat sa
anyong tuluyan.
_____10. Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng
sanaysay.

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
10

V. PAGTATAKDA

Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa 'di mo malilimutang karanasan sa iyong dating


paaralan. Ito ay may kaakibat na 100 puntos.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD
11

Inihanda: Reyes, Elyza D.


In partial requirement for the subject EDUC 301 & 302
Binalangkas ni Prof. Jeanette Mendoza-Baquing, PhD

You might also like