You are on page 1of 8

PAARALAN SAINT ISIDORE DIOCESAN SCHOOL BAITANG/ANTAS III

GURO KLARISSE ANNE B. DELGADO ASIGNATURA FILIPINO


PETSA/ORAS MARKAHAN Ikalawa

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
Pangnilalaman karanasan at damdamin.
B. Pamantayang Naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at
Pagganap intonasyon.
C. Mga Kasanayan sa Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari, at lugar.
Pagkatuto

II. NILALAMAN
Paksa Pang-uri
III. KAGAMITANG Laptop
PANTURO
A. SANGGUNIAN
1.Mga pahina sa Gabay G3 Q2
ng Guro
2. Mga Pahina Sa
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina Sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan Mula Sa
Portal Ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Laptop, Powerpoint presentation, pictures, tarpapel
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
nakaraang aralin at/ o
pagsisimula sa bagong Magandang umaga mga bata. Kumusta kayong lahat? Magandang umaga rin po
aralin Gng. _______________.

Bago tayo magsimula, tumayo ang lahat para sa panalangin.


Opo, handa na kami.
Handa na ba kayong matuto?
Kung gayon, ihanda na ang inyong mga sarili para sa ating aralin ngayong
araw.

Tumawag ng mag-aaral at pahulaan ang bagay na ipapahawak sa kaniya


habang nakapiring. Ilalarawan ito ng mag-aaral.

1.
- mahaba

- malambot
2.

- makapal

3.

B. Paghahabi sa layunin A. Paghawan ng Balakid


ng aralin

1. Bahay-ampunan
Tirahan ng mga batang nangulila na sa kanilang mga magulang.

2. Karangyaan
Isang taong mayaman at sagana sa pera at ari-arian.
3. Auto
Sasakyan

B. Pagganyak na tanong
1. Sino ang tinulungan ni Agnes?
2. Bakit kaya malapit sa puso ni Agnes ang mga bata sa bahay-ampunan?
C. Pag-uugnay ng mga Guro: Ngayon ay magbabasa tayo ng maikling kuwento. Pero bago natin 1. Bigkasin nang malinaw
halimbawa sa layunin ng ipagpatuloy, ano ang mga pamantayan sa pagbabasa ng malakas? ang mga salita.
bagong aralin 2. Bumasa ng
katamtamang bilis.
3. Huminto ng bahagya
kung may kuwit.
4. Tumigil kung may
tuldok.
5. Unawain ang binabasa.

Pagbasa ng Kuwento

“Pagtulong sa Kapwa”

Anak mayaman si Agnes ngunit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa


karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at
magpakasarap sa buhay.
Maging ang kaniyang ama na si Don Diego, at ang ina niya na si
Seńora Fatima ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-
iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa
mga mahirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Agnes ang mga kaibigan niya na sina Bea
at Ana na pumunta sa malaking bahay-ampunan sa Calla-Nueva.
Namimigay sila ng magagandang laruan, masarap na pagkain at iba pang
mga regalo sa mga bata doon.
“Agnes, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” Tanong ni Bea,
isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita.
“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko
ay nakikita silang masaya,” paglalahad ni Agnes.”
“Sadyang mabait ka talaga Agnes.” Sambit naman ni Ana.”
Masayang -masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon.
Dinalhan sila nina Agnes ng mga damit, may kulay pula, berde, bughaw at
asul. Siyempre hindi mawawala ang masasarap na pagkain na kanilang
hinanda, may sandwich, spaghetti, hotdog, prinitong manok at salad. May
mga bago rin silang laruan na natanggap mula kay Agnes.
Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang
ikinuwento ni Agnes ang tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya
sa bahay-ampunan sa Calla-Nueva.
“Alam niyo, gusto ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang
buhay natin kumpara sa kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo na kasama
ang ating mga pamilya. Sila, doon na bumuo ng pamilya dahil marami sa
kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko ang iba sa kanila,
ramdam ko ang pangungulila nila sa kanilang mga magulang,”
pagpapaliwanag ni Agnes.
Umuwing may ngiti sa kanilang mga labi ang tatlong magkakaibigan
sapagkat natulungan at napasaya nila ang mga bata sa bahay-ampunan.

Pagsagot sa Pagganyak na tanong at sa iba pang katanungan.

1. Sino ang tinulungan ni Agnes?

2. Bakit kaya malapit sa puso ni Agnes ang mga bata sa bahay-ampunan?

- Mga bata sa bahay-


3. Sino ang kasama ni Agnes pagpunta niya sa bahay-ampunan? ampunan.
- Dahil alam ni Agnes ang
4. Ano-ano ang mga dala nina Agnes sa mga bata doon? kalungkutan na nadarama
ng mga bata doon kaya
nais niya itong mapasaya.
5. Kung ikaw si Agnes, gagawin mo rin ba ang pagtulong sa iyong kapwa
kagaya ng kaniyang ginaw? Ipaliwanag. - Bea at Ana

. - Pagkain, laruan, damit

- Opo, tutularan ko si
Agnes dahil tama ang
ginawa niyang pagtulong
sa kapwa.

D. Pagtalakay ng bagong Basahin ang mga pariralang galing sa binasang teksto.


konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1
anak mayaman magandang laruan
mabuting loob masarap na pagkain
mahirap na tao sadyang mabait
malaking bahay-ampunan pula
berde bughaw
asul bagong laruan
tatlong magkakaibigan

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? - Mga salitang


naglalarawan.
Ang mayaman, mabuti, mahirap, malaki, berde, asul, maganda, masarap,
mabait, pula, bughaw, bago, at tatlo ay mga salitang naglalarawan o
tinatawag na Pang-uri.

Ano ang Pang-uri?


- Ito ay mga salitang nagsasabi o naglalarawan ng katangian, kulay, dami o
bilang, hugis, laki, amoy at lasa. Inilalarawan ng mga ito ang mga
pangngalan at mga salitang pamalit sa pangngalan.
Halimbawa:
Katangian- mabait
Kulay- itim
Dami o bilang- lima
Hugis- bilog
Laki- maliit
Amoy- mabango
Lasa- maasim

Bilugan ang mga salitang Pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Kumain si Ben ng matamis na mangga.


2. Nais ni Lito na magkaroon ng itim na sasakyan.
3. Maunawain ang aming guro na si Bb. Reyes
4. Bumili kami ng dalawang sapatos kahapon.
5. Maamo ang alagang aso ni Cindy.
Tumawag ng mga bata na sasagot. Hayaan silang i-click ang kanilang sagot
sa laptop para malaman kung tama o mali ang kanilang kasagutan.

Tukuyin kung PANG-URI sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot.

1. Masaya naming sinalubong ang Bagong Taon.


- Ang mga mag-aaral na
masaya Bagong tao matatawag ng guro ay
pupunta sa unahan at
2. Mabigat ang dala niyang bag. pipindutin ang kanilang
sagot gamit ang mouse.
bag mabigat

3. Ang aking ina ay masipag.


masipag ina

4. Mabilis na nagtago ang daga sa kaniyang lungga.


mabilis lungga

5. Malinis ang parke na aming napuntahan.


malinis parke
E. Pagtalakay ng bagong Pangkatang Gawain
konsepto at paglalahad Guro: Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain, ngunit bago Sa pagsasagawa ng
ng bagong kasanayan #2 iyan ano-ano ang mga dapat gawin kapag nagkakaroon ng pangkatang pangkatang gawain
Gawain? kailangang sundin ang
mga sumusunod:

 Makipagtulungan sa
mga miyembro.
 Maging
magalang sa opinion ng
iyong miyembro.
 Tapusin ang
nakaatang na gawain sa
tamang oras.
 Huwag maingay
 Huwag makipag-
away sa miyembro ng
iyong grupo.
 Huwag mag-
iiwan ng mga kalat
 Huwag
hahayaang isa lang ang
gumawa ng inyong
gawain
 Huwag
pakikialaman ang ibang
grupo.

Paglalahad ng Rubrics para sa Pangkatang Gawain

- Ang mga mag-aaral ay


magpapangkat pangkat at
gagawa ng nakaatang na
Magbibigay ang guro ng isang maikling kuwento. Ang bawat grupo ay gawain
bibigyan ng envelope na kung saan ay nandoon ang mga nakaatang na
gawain na kailangan nilang gawin. Mayroon lamang sampung minute para
gawin ang pangkatang gawain.
(Para sa Mabilis na Pangkat)
Pangkat 1: Pangkat Dilaw

Panuto: Gumawa ng pangungusap batay sa Pang-uri na nasa bawat bilang.

1. matalino -
2. mahaba -
3. mabangis -
4. malungkot -
5. malawak -

(Para sa Katamtamang Pangkat)


Pangkat 2: Pangkat Pula

Bilugan ang mga pag-uri sa pangungusap.


1. Napakaganda ng tanawin sa Tagaytay.
2. Binigyan ako ni lola ng matamis na mangga.
3. Gagamitin ko ang aking puting sapatos sa Linggo.
4. Marami akong alagang aso.
5. Binilhan ako ni nanay ng magandang manika.

(Para sa Mabagal na Pangkat)


Pangkat 3: Pangkat Bughaw
Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A sa salitang naglalarawan
nito sa Hanap B.

Mabilis na umalis ang kuneho.

Masaya kong ipinagdiwang ang


aking kaarawan kahapon.

Nakabili ako ng kulay asul na bag


kanina.

Naglalaro ang mga bata sa


malawak ang parke.

Si Joel ay mabait na kapatid kay


Mina.

F. Paglinang sa Tukuyin ang mga pang-uri sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
Kabihasaan
(Tungo sa Formative _______1. Pagkagising sa umaga, nakasanayan na ni Lorna ang mag-
Test) ehersisyo. Ginagamit niya ang paborito niyang puting sapatos.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
Sa tingin mo, mahalaga ba ang pag-eehersisyo araw-araw? Bakit?

- Opo, Sapagkat
_______2. Binigyan ako ng mabait kong ninong ng tatlong daan noong nagpapalakas ito ng ating
kaarawan ko. katawan.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Kung ikaw ay may sampung piso at binili mo ito ng kendi na - Mayroon nalang akong
nagkakahalaga ng limang piso, ilan nalang lahat ang natira natirang limang piso.
mong pera? Paano mo nakuha ang iyong sagot? Binawas ko ang sampung
piso sa limang piso upang
makuha ko ang sagot.

______3. Masipag magturo ang aming guro sa Filipino na si Bb. Gomez.


Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Sino ang community helper na tinutukoy sa pangungusap?

______4. Si Aleng Nita ay pupunta ng palengke upang bumili ng masarap


na prutas at gulay. - guro
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Saan kabilang ang gulay at prutas sa tatlong pangkat ng
pagkain?

______5. Masayang naglalaro ng tagu-taguan sa parke ang magkakaibigan - Glow foods


na sina Carlo, Jonas at Mario. May lumapit na isang malaking bata na
naghahanap ng away. Tinulak si Carlo ng lalaki. Dahil ayaw niya ng away,
umiwas na lamang si Carlo at umalis kasama ng kaniyang mga kaibigan.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Ano ang ipinapakita sa sitwasyon? Mabuti ba ang ginawa ng
malaking bata kay Carlo? Bakit/Bakit hindi?

- Ang sitwasyon ay
nagpapakita ng pag
“bully” kay Carlo ng
malaking lalaki. Hindi ito
magandang gawain.

G. Paglalapat ng aralin sa Maglaro Tayo!


pang-araw-araw na
buhay Guro: Mayroon akong sampung larawan. Bawat grupo ay ididikit ang
larawan sa Hanay A na naglalalawan dito sa Hanay B. Ang unang - Gagawin ng mga mag-
makatapos at tama ang gawa ang siyang mananalo. aaral ang gawain.
.

Hanay A Hanay B

tahimik na simbahan mabait na bata


malawak na parke maamong aso
masipag mag-turo masayang pasko
mapagmahal na pamilya mahabang buhok
pulang damit magandang babae
- Masaya po kami sa
ginawang gawain.
Guro: Ano ang inyong naramdaman habang naglalaro?

Basahin ang teksto:

Araw ng Sabado. Masayang naglilinis ang magkakapatid na


sina Jojo, Leah at Emily. Si Jojo ay abala sa pag-aayos ng kanilang sirang
bakod. Si Leah naman ay nagwawalis ng sahig, habang si Emily ay
nagdidilig ng halaman nang biglang dumating ang kanilang ina galing sa
palengke.
Leah: Inay, nandito na po pala kayo.
Aleng Josie: Huwag muna kayong lalapit sa akin mga anak, maghuhugas
muna ako ng aking maduming kamay at magpapalit ng damit. Mabuti na
ang nag-iingat upang hindi tayo dapuan ng Covid 19.
Jojo: Sige po inay, kukunin ko na po muna ang inyong mga dala.
Emily: Inay, may pasalubong ka po ba sa amin?
Aleng Josie: Aba siyempre naman anak, bumili ako ng masasarap na mga
prutas at gulay para maging malusog ang ating katawan. Binilhan ko rin
kayo ng fask mask, kulay pula kay Jojo, asul kay Leah at dilaw sa iyo. May
binili rin akong malaking hand sanitizer upang hindi agad maubos.
Emily: Maraming Salamat po inay.
Aleng Josie: Walang anuman anak, o siya ipagpatuloy niyo na muna ang
inyong mga ginagawa at ako ay magluluto muna ng ating tanghalian.

Sagutin:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Saan naganap ang kuwento? - Sasagutin ng mga mag-
3. Kailan pumunta ng palengke si Aleng Josie? aaral ang mga katanungan.
4. Bakit kailangang kumain ng mga prutas at gulay?
5. Ano ang ginawa ni Aleng Josie upang makaiwas sa Covid19?
6. Ano-ano pa ang mga health protocols na inyong naiisip sa panahon ng
pandemya na hindi nabanggit sa teksto?

Isulat ang mga Pang-uri na nasa kuwento.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang Pang-uri? - Ito ay mga salitang


Magbigay ng halimbawa at gamitin ito sa pangungusap. nagsasabi o naglalarawan
ng katangian, kulay, dami
o bilang, hugis, laki, amoy
at lasa. Inilalarawan ng
mga ito ang mga
pangngalan at mga
salitang pamalit sa
pangngalan.
Halimbawa: maganda,
mahaba
1. Maganda ang nabili
niyang sapatos.
2. Mahaba ang buhok ni
Liza.
I. Pagtataya ng Aralin I. (1-3) Bilugan ang titik ng tamang sagot. - Sasagutin ng mga mag-
aaral ang mga katanungan
1. Si Hannah ay maganda. batay sa kanilang
Ano ang pang-uri na ginamit sa pangungusap? natutunan sa aralin.
a. Hannah
b. maganda
c. wala

2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-uri?


a. Nagtatampo ako sa aking kapatid.
b. Mataas ang puno ng santol.
c. Saan ka pupunta inay?
3. _____ na ipinagdiwang ni Ben ang kaniyang kaarawan.
a. mataas
b. masaya
c. malusog

II. (4-6) Buuin ang mga pangungusap. Hanapin ang sagot sa kahon.

4. Ang aking ina ay _______.


5. _______ ang puno ng mangga.
6. _______ ang mga bata na naglalaro ng tagu-taguan.

masaya mabait mataas

III. (7-9) Ilarawan ang mga sumusunod.

7. Pasko - ______________________________________
8. Baguio - ______________________________________
9. Kaarawan - ______________________________________

IV- (10) Magbigay ng pangungusap tungkol sa larawan gamit ang pang-uri.

J. Karagdagang gawain Ilarawan ang mga sumusunod: - Ang gawaing ito ay


para sa takdang-aralin at 1. Nanay - ______________________________________ gagawin ng mga mag-
remediation 2. pusa - ______________________________________ aaral sa kanilang bahay.
3. kaarawan - ______________________________________
4. palengke - ______________________________________
5. mesa - ______________________________________

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyon sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by:

KLARISSE ANNE B. DELGADO

Teacher

Noted:

REY S. VILLAMOR

PRINCIPAL

You might also like