You are on page 1of 15

7

FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 3a: Kahulugan ng Salita


Batay sa Konteksto ng
Pangungusap

Konteksto ng
Pangungusap
7
FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 3a: Kahulugan ng Salita


Batay sa Konteksto ng
Pangungusap

INTRODUKSYON
Ang modyul na ito ay isinulat para suportahan ang K-12 Basic
Education Program upang masisigurong maabot ang iyong inaasahang
pamantayan bilang mag-aaral.
Layunin nitong matutugunan ang mahalagang kaalaman sa mga
pagtatayang susukat sa kaalaman, kasanayan, pang-unawa, at
pagsasagawa/pagbuo na lubhang mahalaga upang maging ganap at
makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at makapaghahanda sa
kanila sa mga hamon ng totoong buhay hindi lang ngayon kundi sa mga
darating pang panahon.
Ang mga sumusunod ay mga gawain/mga kailangang gampanan:

 Inaasahang Bunga ng Pagkatuto - Mailalatag ang bunga ng


pagkatuto na iyong inaasahan upang maabot ang katapusan
ng modyul.
 Subukin – Malalaman ang unang pagkatuto ng tanging aralin
na iyong makukuha.
 Pagtatalakay sa Aralin – Ito ay paghahanda sa iyo kasama
ang mahalagang kaalaman, mga alituntunin at saloobin na
makatulong sa iyo na maabot ang inaasahang bunga ng
pagkatuto.
 Mga Gawaing Pagkatuto – Ito’y mga paghahanda sa iyo
kasama ang pagsasagawa sa kaalaman at mga alituntunin
mo na nakuha mula sa aralin at ipagpapatuloy mo ang
pagpapahusay sa iyong mga kasanayan sa pag-abot sa mga
gawain.
 Tayahin – Ito’y pagsusuri sa kabuuang pang-unawa tungkol
sa modyul.

Kasama ang iba’t ibang mga gawain na inilalaan nitong modyul,


nawa’y makakukuha ka ng kagamitan at mahahamon ang pagpapaunlad ng
iyong mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip.

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa konteksto ng


pangungusap.

Subukin

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay


sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kakaiba ang
kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase.

a. malambing c. palaaway
b. malamig d. tahimik

2. Ang kanyang damit, kahit malinis ay halatang luma na at punong-puno


pa ng sulsi.

a. bago c. maganda
b. kupas d. magarbo

3. Sa sulok ng kaniyang mata’y masusulyapan niya ang mga masasarap


nitong baon.

a. maaamoy c. makikita
b. makakain d. matitikman

4. Ang panunukso sa kanya ay hindi nagtatapos sa kanyang mga damit.


Pinagtatawanan din ang kanyang baon na isang pirasong tinapay na
kadalasa’y walang palaman.

a. pagkakaibigan c. pagmamahal
b. paglalambing d. pangungutya

5. Ang nangyayaring ito ay batid ng kaniyang ina. Hinahaplos siya nito at


may pagmamahal na sasabihin sa kanya, “Bayaan mo sila, anak, huwag
mo silang pansinin.”

a. alam c. nasasaktan
b. nararamdaman d. natutuwa
6. Naglagos hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga tinuran ng
kanyang mga kaklase.

a. lumampas c. tumalab
b. tumagos d. tumama

7. Sa sobrang sakit na kanyang naramdaman ay parang tumigil sa pag-


inog ang kanyang mundong ginagalawan.

a. pag-ikot c. pagsikat
b. paglakad d. pag-usad

8. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase


na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang
pang-aasar.

a. gumanda c. tumingkad
b. tumindi d. tumigil

9. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang


mahirap na batang babae na laging luma, kupas at puno ng sulsi ang
damit.

a. pag-aaruga c. pagkasorpresa
b. pagkabigla d. pagsuporta

10. Nagpasya silang dalawin ang batang matagal nang lumiban sa klase.
Ang nakita nilang bahay ay sira-sira at giray-giray na sa kalumaan.

a. kumikislap c. nakatahirig
b. magarbo d. payak

11. Sila ay pinatuloy at sa isang sulok ay isang lumang papag at doon


nakaratay ang batang babaeng may sakit pala.

a. nakahiga c. nakatayo
b. nakamasid d. naka-upo

12. Sa kanilang pagdalaw ay mas napagtuunan nila ng pansin ang mga


papel na maayos na nakadikit sa dingding, sandaang damit na pawang
iginuhit lamang.

a. nailagay c. nakapaskil
b. naiguhit d. naisulat
Balikan

Bago tayo magpatuloy ay sagutin mo muna ang mga katanungan sa


nakaraang aralin.

1. Ano ang tugmang-de-gulong?


2. Ano ang mga katangian nito?
3. Bakit mahalaga na matutunan natin ito?

Tuklasin

Sandaang Damit
ni: Fanny Garcia

May batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay


kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang imik. Madalas ay nagiisa
siya. Lagi siyang nasa sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Lagi siyang
nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro,
halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang
kaniyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase. Ipinakita at
ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang
kanilang damit na pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa
kaniyang damit. Ang kaniyang damit, kahit malinis ay halatang luma na,
palibhasa ay kupas na at punong-puno pa ng sulsi.
Kapag oras ng kainan at labasan ng kani-kanilang pagkain, halos ay
ayaw niyang ipakita ang kaniyang baon. Itinatago niya sa kaniyang
kandungan ang pagkain, pipiraso nang kaunti, tuloy subo sa bibig, mabilis
upang hindi malaman ng mga kaklase kung ano ang dalang pagkain. Sa
sulok ng kaniyang mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng
kaniyang mga kaklase gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at
mamahaling tsokolate.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagtatapos sa kaniyang mga
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y
magtatawanan kapag nakita nila na ang kaniyang baon ay isa lamang
pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman.
Kaya lumalayo siya sa kanila. Siya ay naging walang kibo at mapag-
isa.
Ang nangyayaring ito ay batid ng kaniyang ina. Pag-uwi sa bahay,
madalas siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase at siya’y
nagsusumbong sa ina. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong
hindi makakikibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at may
pagmamahal na sasabihin sa kaniya, “Bayaan mo sila, anak, huwag mo
silang pansinin. Hayaan mo, kapag nagkaroon ng trabaho ang iyong ama,
makapagbabaon ka na rin ng masasarap na pagkain. Maibibili rin kita ng
maraming damit.”

At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama ay hindi pa rin


nakakuha ng trabaho kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ang bata
naman ay unti-unting nakauunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan
niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan
niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi
nasiya nagsusumbong sa kaniyang ina.

Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase


na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-
aasar. Lumang damit. Di-masarap na pagkain. Mahirap. Pilit na ipinasok
nila sa kaniyang isip.
Hanggang nang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang
mahirap na batang babae na laging luma, kupas at puno ng sulsi ang
damit. Ang batang babae na ang laging baon ay tinapay na walang palaman.
Isa na naman iyong pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga
kaklase kung hindi ang tuksuhin siya.
“Alam ninyo,” sabi niya sa malakas at nagmamalaking tinig,”ako’y
may sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase. Hindi sila makapaniwala.
“Kung totoo iyan ay bakit lagi na lang luma ang isinusuot mo?”
Mabilis ang sagot niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang
damit, ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa amin para kami maniwala!”
iisang sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto
ninyo, sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung
ano ang kulay, kung may ribbon o may bulaklak.”
At nagsimula na nga siya sa kaniyang pagkukuwento. Paano ay
inilalarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang
sandaang damit. Tulad halimbawa ng damit na pamparti. Makintab na
rosas ang tela na maraming mumunting bulaklak, bolga ang manggas, may
tig-isang ribbon sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng
damit. O kaya ay ang kaniyang dilaw na pantulog na may burda. O ang
kaniyang putting pansimba na may malapad na sinturon at malaking bulsa.
Mula noon ay naging kaibigan na niya ang mga kaklase. Ngayon, siya
na ang laging nagsasalita at sila ang nakikinig. Lahat sila ay natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagiging mahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang
kaniyang pamamayat kahit na ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng
kanilang baong mansanas o sandwich.
Isang araw, hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng
may sandaang damit. Saka nang sumunod na araw at nang sumunod pang
araw. Pagkaraan ng isang linggong hindi pagpasok ay nag-alala ang
kaniyangmga kaklase at guro.
Nagpasya silang dalawin ang batang matagal nang absent sa klase.
Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila ay
pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na
salat sa marangyang kasangkapan. Sa isang sulok ay isang lumang papag
at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala.
Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunan
ng pansin kundi ang mga papel na maayos na nakadikit sa dingding sa may
tabi ng papag. Lumapit sila sa sulok at nakita nilang ang mga papel na
nakadikit sa dingding ay yaong mga drowing ng bawat isa sa sandaang
papel. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento.
Totoo at naroroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pamparti.
Naroroon din ang drowing ng kaniyang damit pantulog, ang kaniyang
pansimba, ang mga sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y
hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago at
iniingatan sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

******

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang kwento?
2. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong sa batang babae na tigilan na siya
ng panunukso ng mga kamag-aral.
3. Paano nagwakas ang maikling kuwento?

Suriin
Alam mo ba na…
ang mga salita ay may likas na kahulugan subalit ito ay
nagkakaroon din ng maraming kahulugan sapagkat ginagamit sa
pangungusap at naiuugnay sa iba pang salitang ginamit sa nasabing
pangungusap. Madaling makuha ang kahulugan ng isang salita batay sa
konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap.
Ang diwa ng pangungusap ang mahalaga sa paraang ito ng
pagpapakahulugan. Karaniwang nakaayon sa diwa o konteksto ng
pangungusap ang gamit ng mga salita.
Pagyamanin

Pansariling Gawain:

Panuto: Tukuyin at isulat sa kuwaderno ang kasingkahulugan ng salitang


nakadiin batay sa konteksto sa loob ng pangungusap . Gamitin ito sa
sariling pangungusap. (dalawang (2) puntos ang bawat bilang.)

Pansariling Pagtataya:

1. Lagi siyang nakadikit sa sulok. Nakaupo na’y tila ipinagkit.

2. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang ng halos
pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita.

3. Saglit niyang tiningnan ang mga kamag-aaral niya. Sa sulok ng kaniyang


mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kaniyang mga
kaklase gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling
tsokolate .

4. Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila
ay pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat
na salat sa marangyang kasangkapan.

5. Matindi ang pang-aapi sa kaniya ngunit tahimik lang siya.Sa kaniyang


pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase na siya ay
kanilang talutalunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
Isaisip

Maraming paraan upang malaman ang kahulugan ng isang salita at


isa na rito ang batay sa konteksto ng pangungusap. Ang diwa ng
pangungusap ang mahalaga sa paraang ito ng pagpapakahulugan.
Karaniwang nakaayon sa diwa o konteksto ng pangungusap ang gamit ng
mga salita.

Isagawa

Panuto: Basahin ang maikling tula. Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit at gamitin ito sa sariiling pangungusap. Gawin ito sa iyong
kuwaderno. (dalawang (2) puntos ang bawat bilang.)

Kalikasan-Saan Ka Patungo?
Anonymous

Nakita ng buwan itong pagkasira,


Mundong kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno- putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig- marumi, lutang ang basura.

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,


Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.

Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,


Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sabana,
Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi…naroon…mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,


Ginawa na ng tao na basurahan.

Tayahin
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay
sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Ang kanyang damit, kahit malinis ay halatang luma na at punong-puno
pa ng sulsi.

a. bago c. maganda
b. kupas d. magarbo

2. Sa sulok ng kaniyang mata’y masusulyapan niya ang mga masasarap


nitong baon.

a. maaamoy c. makikita
b. makakain d. matitikman

3. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang


kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase.

a. malambing c. palaaway
b. malamig d. tahimik

4. Ang panunukso sa kanya ay hindi nagtatapos sa kanyang mga damit.


Pinagtatawanan ang kanyang baon na isang pirasong tinapay na
kadalasa’y walang palaman.

a. pagkakaibigan c. pagmamahal
b. paglalambing d. pangungutya

5. Naglagos hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga tinuran ng


kanyang mga kaklase.

a. lumampas c. tumalab
b. tumagos d. tumama

6. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase


na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang
pang-aasar.

a. gumanda c. tumingkad
b. tumindi d. tumigil

7. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang


mahirap na batang babae na lagging luma, kupas at puno ng sulsi ang
damit.

a. pag-aaruga c. pagkasorpresa
b. pagkabigla d. pagsuporta

8. Sa sobrang sakit na kanyang naramdaman ay parang tumigil sa pag-


inog ang kanyang mundong ginagalawan.

a. pag-ikot c. pagsikat
b. paglakad d. pag-usad

9. Nagpasya silang dalawin ang batang matagal nang absent sa klase.


Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.

a. kumikislap c. nakatahirig
b. magarbo d. payak

10. Sila ay pinatuloy at sa isang sulok ay isang lumang papag at doon


nakaratay ang batang babaeng may sakit pala.

a. nakahiga c. nakatayo
b. nakamasid d. naka-upo

11. Sa kanilang pagdalaw ay mas napagtuunan nila ng pansin ang mga


papel na maayos na nakadikit sa dingding, sandaang damit na pawang
iginuhit lamang.

a. nailagay c. nakapaskil
b. naiguhit d. naisulat

12. Ang nangyayaring ito ay batid ng kaniyang ina. Hinahaplos siya nito at
may pagmamahal na sasabihin sa kanya, “Bayaan mo sila, anak, huwag
mo silang pansinin.”
a. alam c. nasasaktan
b. nararamdaman d. natutuwa
Susi sa Pagwawasto

Subukin 4. b
5. a
1. b 6. b
2. b 7. a
3. b
8. a 4. d
9. d 5. b
10.d 6. b
11.b 7. b
12.c 8. a
9. c
10. a
Balikan 11. c
Answer may vary
12. a
Tuklasin
Answer may vary

Pagyamanin:

Gawain 1.

1. nakadikit
2. pabulong
3. tiningnan
4. mahirap
5. matindi

Gawain 2.
Answer may vary

Isagawa
Answer may vary

Tayahin

1. b
2. c
3. d

Sanggunian
Baisa-Julian, Ailene G., Esguerra, Carmela H., Lontoc, Nestor S. Pinagyamang
Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2015
"Panitikang Relihiyonal." n.d. dlscrib.com. <https://dlscrib.com/download/panitikang-
rehiyonal-lm-filipino-7-_5b30e87ae2b6f50f738c3006_pdf>.
(Konteksto ng Pangungusap-mga halimbawa 2006)

http://www.philnews.ph (accessed August 14, 2020


http://www.scribd.com (accessed August 14, 2020
http://www.slideshare.net (accessed August 15, 2020
(pinterest n.d.)
http://www.pinterest.ph (accessed December 18, 2020)

You might also like