You are on page 1of 9

PAARALAN USANT BAITANG/ANTAS II

GURO ANGINES T. CEZAR ASIGNATURA FILIPINO


PETSA/ORAS IKA-3 NG MARSO MARKAHAN Ikatlo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayang Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono,
Pagganap diin, bilis, antala at intonasyon.
C. Mga Kasanayan Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar.
sa Pagkatuto F2WG-IIc-d-4
II. NILALAMAN
Paksa Pang-uri
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. SANGGUNIAN Laptop, Smart TV
I. LAYUNIN
1.Mga pahina sa MELC G2 Q3
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina Sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina Sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan Mula
Sa Portal Ng
Learning Resource
B. Iba Pang Laptop, Projector, Powerpoint presentation, pictures, cartolina o manila paper
Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Gawain ng Guro Gawain ng Mag-
nakaraang aralin aaral
at/ o pagsisimula Magandang umaga mga bata. Kumusta kayong lahat? Magandang umaga
sa bagong aralin Bago tayo magsimula, tumayo ang lahat para sa rin po Gng.
panalangin. _______________.

Tumawag ng mag-aaral at pahulaan ang bagay na


ipapahawak sa kaniya habang nakapiring. Ilalarawan ito
ng mag-aaral. Opo, handa na
kami.

- mahaba
1. 3.
- isa
- malambot

2. -tatlo
- makapal
B. Paghahabi sa A. Paghawan ng Balakid
layunin ng aralin 1. Bahay-ampunan
Tirahan ng mga batang nangulila na sa kanilang mga
magulang.

2. Karangyaan
Isang taong mayaman at sagana sa pera at ari-arian.
3. Auto

Sasakyan

B. Pagganyak na tanong
1. Sino ang tinulungan ni Agnes?
2. Bakit kaya malapit sa puso ni Agnes ang mga bata sa
bahay-ampunan?

C. Pag-uugnay ng Guro: Ngayon ay magbabasa tayo ng maikling kuwento. 1. Bigkasin nang


mga halimbawa sa Pero bago natin ipagpatuloy, ano ang mga pamantayan malinaw ang mga
layunin ng bagong sa pagbabasa ng malakas? salita.
aralin 2. Bumasa ng
Pagbasa ng Kuwento katamtamang bilis.
3. Huminto ng
“Pagtulong sa Kapwa” bahagya kung may
kuwit.
Anak mayaman si Agnes ngunit hindi siya katulad 4. Tumigil kung may
ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung tuldok.
hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap 5. Unawain ang
sa buhay. binabasa.
Maging ang kaniyang ama na si Don Diego, at ang
ina niya na si Seńora Fatima ay lubos ang pasasalamat
sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba
ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga
mahirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Agnes ang mga
kaibigan niya na sina Bea at Ana na pumunta sa
malaking bahay-ampunan sa Calla-Nueva. Namimigay
sila ng magagandang laruan, masarap na pagkain at iba
pang mga regalo sa mga bata doon.
“Agnes, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?”
Tanong ni Bea, isa sa mga matalik na kaibigan ng
dalagita.
“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-
ampunan. Gusto ko ay nakikita silang masaya,”
paglalahad ni Agnes.”
“Sadyang mabait ka talaga Agnes.” Sambit naman
ni Ana.”
Masayang -masaya ang mga bata sa ampunan
noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Agnes ng mga
damit, may kulay pula, berde, bughaw at asul. Siyempre
hindi mawawala ang masasarap na pagkain na kanilang
hinanda, may sandwich, spaghetti, hotdog, prinitong
manok at salad. May mga bago rin silang laruan na
natanggap mula kay Agnes.
Habang sumasakay sa auto ang tatlong
magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Agnes ang tunay
na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-
ampunan sa Calla-Nueva.
“Alam niyo, gusto ko silang mapasaya dahil
talagang ibang-iba ang buhay natin kumpara sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo na kasama ang ating mga
pamilya. Sila, doon na bumuo ng pamilya dahil marami - Mga bata sa
sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko bahay-ampunan.
ang iba sa kanila, ramdam ko ang pangungulila nila sa - Dahil alam ni
kanilang mga magulang,” pagpapaliwanag ni Agnes. Agnes ang
Umuwing may ngiti sa kanilang mga labi ang tatlong kalungkutan na
magkakaibigan sapagkat natulungan at napasaya nila nadarama ng mga
ang mga bata sa bahay-ampunan. bata doon kaya nais
niya itong
Pagsagot sa Pagganyak na tanong at sa iba pang mapasaya.
katanungan.
- Bea at Ana
1. Sino ang tinulungan ni Agnes? - Pagkain, laruan,
damit
2. Bakit kaya malapit sa puso ni Agnes ang mga bata sa
bahay-ampunan? - Opo, tutularan ko
si Agnes dahil tama
ang ginawa niyang
pagtulong sa
3. Sino ang kasama ni Agnes pagpunta niya sa bahay- kapwa.
ampunan?
4. Ano-ano ang mga dala nina Agnes sa mga bata doon?

5. Kung ikaw si Agnes, gagawin mo rin ba ang pagtulong


sa iyong kapwa kagaya ng kaniyang ginaw? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng Basahin ang mga pariralang galing sa binasang teksto.


bagong konsepto
at paglalahad ng
bagong kasanayan anak mayaman magandang laruan
#1 mabuting loob masarap na pagkain
mahirap na tao sadyang mabait
malaking bahay-ampunan pula
berde bughaw
asul bagong laruan - Mga salitang
tatlong magkakaibigan naglalarawan.

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

Ang mayaman, mabuti, mahirap, malaki, berde, asul,


maganda, masarap, mabait, pula, bughaw, bago, at tatlo
ay mga salitang naglalarawan o tinatawag na Pang-uri.

Ano ang Pang-uri?


- Ito ay mga salitang nagsasabi o naglalarawan ng
katangian, kulay, dami o bilang, hugis, laki, amoy at lasa.
Inilalarawan ng mga ito ang mga pangngalan at mga
salitang pamalit sa pangngalan.
Halimbawa:
Katangian- mabait
Kulay- itim
Dami o bilang- lima
Hugis- bilog
Laki- maliit
Amoy- mabango
Lasa- maasim

Bilugan ang mga salitang Pang-uri sa bawat


pangungusap.

1. Kumain si Ben ng matamis na mangga.


2. Nais ni Lito na magkaroon ng itim na sasakyan.
3. Maunawain ang aming guro na si Bb. Reyes
4. Bumili kami ng dalawang sapatos kahapon.
5. Maamo ang alagang aso ni Cindy.
Tumawag ng mga bata na sasagot. Hayaan silang i-click
ang kanilang sagot sa laptop para malaman kung tama o - Ang mga mag-
mali ang kanilang kasagutan. aaral na matatawag
ng guro ay pupunta
Tukuyin kung PANG-URI sa bawat pangungusap. Piliin sa unahan at
ang tamang sagot. pipindutin ang
kanilang sagot
1. Masaya naming sinalubong ang Bagong Taon. gamit ang mouse.

masaya Bagong tao

2. Mabigat ang dala niyang bag.


bag mabigat

3. Ang aking ina ay masipag.


masipag ina

4. Mabilis na nagtago ang daga sa kaniyang lungga.


mabilis lungga

5. Malinis ang parke na aming napuntahan.

malinis parke

E. Pagtalakay ng Pangkatang Gawain


bagong konsepto Guro: Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang Sa pagsasagawa
at paglalahad ng gawain, ngunit bago iyan ano-ano ang mga dapat gawin ng pangkatang
bagong kasanayan kapag nagkakaroon ng pangkatang Gawain? gawain kailangang
#2 sundin ang mga
sumusunod:

 Makipagtulungan
sa mga miyembro.
 Maging
magalang sa
opinion ng iyong
miyembro.
 Tapusin ang
nakaatang na
gawain sa tamang
oras.
 Huwag
maingay
 Huwag
makipag-away sa
miyembro ng iyong
grupo.
 Huwag mag-
iiwan ng mga kalat
 Huwag
hahayaang isa lang
ang gumawa ng
inyong gawain
 Huwag
Paglalahad ng Rubrics para sa Pangkatang Gawain pakikialaman ang
ibang grupo.
- Ang mga mag-
Magbibigay ang guro ng isang maikling kuwento. Ang
aaral ay
bawat grupo ay bibigyan ng envelope na kung saan ay
magpapangkat
nandoon ang mga nakaatang na gawain na kailangan
pangkat at gagawa
nilang gawin. Mayroon lamang sampung minute para
ng nakaatang na
gawin ang pangkatang gawain.
gawain
Pangkat 1: Pangkat Dilaw

Panuto: Gumawa ng pangungusap batay sa Pang-uri na


nasa bawat bilang.

1. sampu -
2. mahaba -
3. mabangis -
4. malungkot -
5. malawak -

Pangkat 2: Pangkat Pula

Bilugan ang mga pag-uri sa pangungusap.


1. Napakaganda ng tanawin sa Tagaytay.
2. Binigyan ako ni lola ng matamis na mangga.
3. Gagamitin ko ang aking puting sapatos sa Linggo.
4. Marami akong alagang aso.
5. Binilhan ako ni nanay ng magandang manika.

Pangkat 3: Pangkat Bughaw


Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A sa
salitang naglalarawan nito sa Hanap B.

Mabilis na umalis ang


kuneho.

Masaya kong
ipinagdiwang ang aking
kaarawan kahapon.
Nakabili ako ng kulay asul
na bag kanina.

Naglalaro ang mga bata


sa malawak ang parke.

Si Joel ay mabait na
kapatid kay Mina.

F. Paglinang sa Tukuyin ang mga pang-uri sa pangungusap. Isulat ang


Kabihasaan sagot sa patlang.
(Tungo sa
Formative Test) _______1. Pagkagising sa umaga, nakasanayan na ni
Lorna ang mag-ehersisyo. Ginagamit niya ang paborito
niyang puting sapatos.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
Sa tingin mo, mahalaga ba ang pag-eehersisyo araw- - Opo, Sapagkat
araw? Bakit? nagpapalakas ito ng
ating katawan.

_______2. Binigyan ako ng mabait kong ninong ng


tatlong daan noong kaarawan ko.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Kung ikaw ay may sampung piso at binili mo ito
ng kendi na nagkakahalaga ng limang piso, ilan
nalang lahat ang natira mong pera? Paano mo
nakuha ang iyong sagot? - Mayroon nalang
akong natirang
______3. Masipag magturo ang aming guro sa Filipino na limang piso.
si Bb. Gomez. Binawas ko ang
Itanong ito matapos sagutin ng bata: sampung piso sa
- Sino ang community helper na tinutukoy sa limang piso upang
pangungusap? makuha ko ang
sagot.
______4. Si Aleng Nita ay pupunta ng palengke upang
bumili ng masarap na prutas at gulay.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Saan kabilang ang gulay at prutas sa tatlong
pangkat ng pagkain? - guro

______5. Masayang naglalaro ng tagu-taguan sa parke


ang magkakaibigan na sina Carlo, Jonas at Mario. May
lumapit na isang malaking bata na naghahanap ng away. - Glow foods
Tinulak si Carlo ng lalaki. Dahil ayaw niya ng away,
umiwas na lamang si Carlo at umalis kasama ng - Ang sitwasyon ay
kaniyang mga kaibigan. nagpapakita ng pag
Itanong ito matapos sagutin ng bata: “bully” kay Carlo ng
- Ano ang ipinapakita sa sitwasyon? Mabuti ba malaking lalaki.
ang ginawa ng malaking bata kay Carlo? Hindi ito
Bakit/Bakit hindi? magandang
gawain.

G. Paglalapat ng Maglaro Tayo! - Gagawin ng mga


aralin sa pang- mag-aaral ang
araw-araw na Guro: Mayroon akong sampung larawan. Bawat grupo ay gawain.
buhay ididikit ang larawan sa Hanay A na naglalalawan dito sa
Hanay B. Ang unang makatapos at tama ang gawa ang
siyang mananalo.

Hanay A Hanay B
tahimik na simbahan mabait na bata
malawak na parke maamong aso
masipag mag-turo masayang pasko
mapagmahal na pamilya mahabang buhok
pulang damit magandang babae

Guro: Ano ang inyong naramdaman habang naglalaro? - Masaya po kami


sa ginawang
gawain.

H. Paglalahat ng Ano ang Pang-uri? - Ito ay mga


Aralin Magbigay ng halimbawa at gamitin ito sa pangungusap. salitang nagsasabi
o naglalarawan ng
katangian, kulay,
dami o bilang,
hugis, laki, amoy at
lasa. Inilalarawan
ng mga ito ang mga
pangngalan at mga
salitang pamalit sa
pangngalan.
Halimbawa:
maganda, mahaba
1. Maganda ang
nabili niyang
sapatos.
2. Mahaba ang
buhok ni Liza.
I. Pagtataya ng I. (1-3) Bilugan ang titik ng tamang sagot. - Sasagutin ng mga
Aralin mag-aaral ang mga
1. Si Hannah ay maganda. katanungan batay
Ano ang pang-uri na ginamit sa pangungusap? sa kanilang
a. Hannah natutunan sa aralin.
b. maganda
c. wala

2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may


pang-uri?
a. Nagtatampo ako sa aking kapatid.
b. Mataas ang puno ng santol.
c. Saan ka pupunta inay?
II. (3-5) Buuin ang mga pangungusap. Hanapin ang sagot
sa kahon.
3. Ang aking ina ay _______.
4. _______ ang puno ng mangga.
5. _______ ang mga bata na naglalaro ng tagu-taguan.

masaya mabait mataas

J. Karagdagang Ilarawan ang mga sumusunod: - Ang gawaing ito


gawain para sa 1. Nanay - ay gagawin ng mga
takdang-aralin at mag-aaral sa
remediation ______________________________________ kanilang bahay.
2. pusa -
______________________________________
3. kaarawan -
______________________________________
4. palengke -
______________________________________
5. mesa -
______________________________________
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
solusyon sa tulong
ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre
na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Inihanda ni:

ANGINES T. CEZAR
Guro

You might also like