You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Ikatlong Markahan
Blg. 20
Petsa: Marso 13, 2023 Araw: Lunes
Oras: 8:40 – 9:20 Baitang/Pangkat: I-St. Therese

I. Layunin
Naisasaayos ang mga pagbabago ng paaralan sa simpleng graphic organizer
II. Paksang Aralin
A. Tema: Pagsasaayos sa mga pagbabago ng paaralan (Graphic Organizer)
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum 4
C. Konsepto: Maisasaayos ang mga pagbabago ng paaralan sa simpleng graphic
organizer
D. Mga Kagamitan: Plaskard, larawan at tsart
E. Integrasyon:
EsP, Science, Filipino Arts.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Napapanahong balita
2. Balik aral
Ano ang ginamit natin para maisaayos ang mga pagbabago sa ating paaralan?
3. Pagwawasto ng takdang aralin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino sa inyo ang mahilig mag – ayos ng mga gamit sa loob ng bag?
2. Paglalahad
Graphic Organizer Pagbabago sa Paaralan
Noon maliit Unti – unting
pa lamang lumaki ang
ang paaralan paaralan

Ngayon
malaki at
marami nang
mga gusali
ang ating
paaralan.

3. Pagtatalakay
Ano ang nasa tsart?
Ano ang masasabi sa organizer?
Nakatulong ba ang organizer para makita ang pagbabago sa paaralan?
4. Paglalahat
Para makita ang lahat ng pagbabago sa paaralan ay maaaring gamitin ang
graphic organizer.
5. Paglalapat
√ kung tama at × kung mali.
________1. Ang graphic organizer ay nakakatulong para maging maayos
ang impormasyon sa paaralan.
________2. Walang halaga ang graphic organizer.
________3. Hindi maganda ang graphic organizer.
6. Pagpapahalaga
Magiing maayos sa lahat ng bagay.
IV. Panghuling Pagtataya
Isaayos at gumawa ng isang graphic organizer batay sa mga pagbabago sa
paaralan.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng pagbabago sa dami ng paaralan.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Ikatlong Markahan
Blg. 21
Petsa: Marso 14, 2023 Araw: Martes
Oras: 8:40 – 9:20 Baitang/Pangkat: I-St. Therese
I. Layunin
Naihahambing ang mga pagbabago ng paaralan sa iba’t – ibang aspeto noon at
ngayon
II. Paksang Aralin
A. Tema: Paghahambing ng pagbabago ng paaralan noon at ngayon
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum 4
C. Konsepto: Naihahambing ang mga pagbabago ng paaralan sa iba’t – ibang aspeto
noon at ngayon
D. Mga Kagamitan: Plaskard, larawan at tsart
E. Integrasyon:
EsP, Science, Filipino Arts.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Napapanahong balita
2. Balik aral
Ano ang ginamit natin para maisaayos ang mga pagbabago sa ating paaralan?
3. Pagwawasto ng takdang aralin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapakita ng dalawang bagay na bago ar luma.
2. Paglalahad
Noon Ngayon

a. Maliit lamang ang paaralan Ngayon malaki na ang


paaralan
b. Kaunti lamang ang pumapasok sa paaralan Marami na ang pumapasok sa
Paaralan.
c. Ang mga tauhan ay kaunti pa lamang Marami na ang mga taong
nagtatrabaho sa paaralan
d. Gen. Santos, Ave Upper Bicutan Taguig Gen. Santos, Ave Upper
Bicutan Taguig
3. Pagtatalakay
Ano ang pagkakaiba ng nasa tsart?
Alin ang nabago?
Alin ang di nagbago?
4. Paglalahat
Napaghahambing ang mga pangyayari sa paaralan noon at ngayon.
5. Paglalapat
Pangkatang gawain/pamantayan
Pangkat I – Iguhit ang pagbabago ng paaralan noon at ngayon ayon sa
dami ng mga tauhan.
Pangkat II – Isulat ang lokasyon ng paaralan at tukuyin kung may nabago.
6. Pagpapahalaga
Ipagmalaki ang paaralan
IV. Panghuling Pagtataya
Iguhit ang paaralan ayon sa pisikal na anyo nito. Paghambingin ito.

Noon Ngayon

V. Takdang Aralin
Magdala ng lumang larawan ng paaralan noon at ngayon.Ipakit ito bukas
Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng pagbabago sa dami ng paaralan.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Ikatlong Markahan

Petsa: Marso 15, 2023 Araw: Miyerkules


Oras: 8:40 – 9:20 Baitang/Pangkat: I-St. Therese

I. Layunin
Naihahambing ang mga pagbabago ng paaralan sa iba’t – ibang aspeto noon at
ngayon
II. Paksang Aralin
F. A. Tema: Paghahambing ng pagbabago ng paaralan noon at ngayon
G. B. Sanggunian: K to 12 Curriculum 4
H. C. Konsepto: Naihahambing ang mga pagbabago ng paaralan sa iba’t – ibang
aspeto noon at ngayon
I. D. Mga Kagamitan: Plaskard, larawan at tsart
J. E. Integrasyon:
EsP, Science, Filipino Arts.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Napapanahong balita
2. Balik aral
Ano ang mga pagbabago sa ating paaralan?
3. Pagwawasto ng takdang aralin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang makikita sa loob na paaralan?
2. Paglalahad
Noon Ngayon

3. Pagtatalakay
Ano ang pagbabago sa ating paaralan?
Ano ang mapapansin sa mga tauhan dito sa paaralan?
4. Paglalahat
Napaghahambing ang mga pangyayari sa paaralan noon at ngayon.
5. Paglalapat
Pangkatang gawain/pamantayan
Iguhit ang paaralan noon at ngayon.
6. Pagpapahalaga
Ipagmalaki ang paaralan
IV. Panghuling Pagtataya
√ kung tama × kung mali.
1. Walang nagbago sa pisikal na anyo noon at ngayon.
2. Malaki ang pinagbago mula noon at ngayon.
3. Naging maganda an gating paaralan.
4. Hindi pa rin dumami ang mga mag – aaral.
5. Marami na ang pumapasok sa paaralan.
V. Takdang Aralin
Paghambingin ang paaralan natin noon at nagyon?
Ano ang di nabago?
________________________________________________
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Ikatlong Markahan

Petsa: Marso 16, 2023 Araw: Huwebes


Oras: 8:40 – 9:20 Baitang/Pangkat: I-St. Therese

I. Layunin
Nakabubuo ng kwento ng paaralan

II. Paksang Aralin


A. Tema: Pagbuo ng kwento ng paaralan
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum 4
C. Konsepto: Nakabubuo ng kwento ng paaralan
D. Mga Kagamitan: Plaskard, larawan at tsart
E. Integrasyon:
EsP, Science, Filipino Arts.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Napapanahong balita
2. Balik aral
Mula noon hangganh ngayon ano ang pinagbago ng paaralan natin?
3. Pagwawasto ng takdang aralin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino dito ang may kaibigan sa ibang section?
2. Paglalahad
Buwan na ng Disyembre. Sumapit na ang pasko, nagdiwang ng
Christmas Party sa klase nina Ana at Mika. Sabik na sabik ang lahat.
Ang mga bata ay masasaya. Maraming palaro at mga regalo silang
natanggap. Sama – sama silang kumain ng masasarap na pagkain.
Matapos kumain ay nagbigayan sila ng regalo.
3. Pagtatalakay
Anong buwan nagdidiwang ng pasko?
Ano ang nangyari sa loob ng klase nina Ana?
Bakit sila nagdiwang ng pasko?
Saan nangyari ang Christmas party ni Ana at Mika?
4. Paglalahat
Nakapagkwento tungko sa paaralan.
5. Paglalapat
Pangkatang gawain/pamantayan
Bawat pangkat ay bubuo ng kwento ng paaralan.
6. Pagpapahalaga
Mahalin ang paaralan.

IV. Panghuling Pagtataya


Bawat bata ay bubuo ng kwento ng paaralan ayon sa sarili nilang karanasan.
Ikukuwento sa unahan ng klase.

V. Takdang Aralin
Maghanda ng isang kwento sa inyong paaralan bukas.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Ikatlong Markahan
Blg. 24

Petsa: Marso 17, 2023 Araw: Biyernes


Oras: 8:40 – 9:20 Baitang/Pangkat: I-St.
Therese

I. Layunin
Nakabubuo ng kwento ng paaralan

II. Paksang Aralin


A. Tema: Pagbuo ng kwento ng paaralan
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum 6
C. Konsepto: Nakabubuo ng kwento ng paaralan
D. Mga Kagamitan: Plaskard, larawan at tsart
E. Integrasyon:
EsP, Science, Filipino Arts.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Napapanahong balita
2. Balik aral
Ano ang naikwento ng iyong kaklase kahapon?
3. Pagwawasto ng takdang aralin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang inyong kwento na di malilimutan dito sa ating paaralan?
2. Paglalahad
Masaya si Kiko dahil kaarawan niya ngayon. Nagdiwang siya ng
kaarawan sa loob ng klase. Naghanda ang nanay at tatay niya ng masasarap
na pagkain. Ang mga kaklase niya ay binati siya ng maligayang kaarawan.
Masaya ang lahat dahil kaarawan ni Kiko.
3. Pagtatalakay
Sino ang may kaarawan?
Ano ang niluto ng nanay ni Kiko?
Ano ang sinabi ng mga kaklase ni Kiko sa kanya?
4. Paglalahat
Nakapagkwento tungko sa paaralan.
5. Paglalapat
Pangkatang gawain/pamantayan
Bawat pangkat ay bubuo ng kwento ng paaralan.
6. Pagpapahalaga
Mahalin ang paaralan.

IV. Panghuling Pagtataya


Itaas ang TAMA o MALI.
1. Masayang magkwento tungkol sa paaralan.
2. Mahiya kapag magkukwento.
3. Huwag na lang makuwento ng karansaan dito sa paaralan.
4. Ibahagi sa iba ang iyong nabuong kwento.
5. Magalit sa kaklase dahil nagkukwento siya sa iyo.

V. Takdang Aralin
Maghanda ng isang kwento sa inyong paaralan bukas.

You might also like