You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO
Tantangan 1 District
UPPER TANTANGAN INTEGRATED SCHOOL
School ID: 501591
3rd QUARTER ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Pangalan:___________________________________________________________ Score:_________________
Baitang at Pangkat:_______________________ Petsa:_________________
I – Multiple Choice. Basahin ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot. Ilagay ang letra ng iyong sagot sa mga puwang bago ang
mga numero.
___1. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan?
A. pagkakaisa B. pagmamahal C. kapayapaan D. pagpapakumbaba
___2. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
___3. Pinagtatawanan at pinagkatuwaan ng barkada ni Marvin ang isang lalaki na may kakulangan sa pag-iisip na nasa lansangan.
Ang gawaing ito ay___________.
A. Mali, sapagakat hindi nila iginalang ang karapatan nito bilang tao.
B. Tama, sapagkat wala naman itong maayos na pag-iisip.
C. Mali, dahil ipinagbabawal ito ng batas.
D. Tama, dahil wala naman pakiaalam ang pamahalaan sa mga may kakulangan sa pag-iisip.
___4. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa sampung utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
___5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Anna Lisa sa kanyang kapwa?
A. Ang pagtulong niya sa kaibigan na nadapa. C. Ang maayos niyang pakikisama sa mga guro sa paaralan.
B. Ang paggalang niya sa mga kasama sa simbahan. D. Ang pagsunod niya sa utos ng magulang at nakakatanda.
___6. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito. A
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangan sundin ng mga tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
___7. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.
___8. Anong uri ng batas ang maituturing na panloob na aspekto ng katarungan?
A. batas sibil B. moral na batas C. legal na batas D. lahat ng nabanggit
___9. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan. C. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao. D. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao.
___10. Ang pangungurakot ng isang politiko ay sumasalamin ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pangungusap ay ________.
A. Mali, dahil minsan talagang nagkakamali ang tao
B. Mali, dahil natural lang na masilaw ang tao sa pera at kapangyarihan
C. Tama, dahil ito ay hindi nagdudulot ng kabutihan para sa lahat
D. Tama, sapagkat ito ay hindi pinahihintulutan ng batas ng tao
___11. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
C. Nagkakaroon ng “Feeding Program” ang paaralan para sa mga magaaral na kulang ng timbang.
D. Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
___12. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
C. Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga magulang na bumalik
ito sa pagaaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng
basketbol.
___13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa maliban sa _________.
A. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase. C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki. D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa.
___14. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Pakikisalamuha sa kapwa C. Pakikipagtulongan sa mga mayayaman at mga mahihirap
B. Paglilingkod sa karapatan ng naaapi D. Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan
___15. Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas. C. Sumunod sa tamang proseso
B. Patawarin ang humingi ng tawad D. Bigyan ng limos ang namamalimos
___16. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan? Base sa mga pagpipilian,
aling pahayag ang maaaring angkop na sagot?
I. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
II. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
III. Matataya ang mabisang paraan ng iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan
sa kapwa
IV. Mapa-unlad ang kaalaman tungo sa pagtupad ng katarungang panlipunan.
A. I&II B. II&III C. IV&II D. III&IV
___17. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang aksyon?
A. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aaral na hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
B. Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
C. Ang pagkulong sa mga nahuling kargador ng droga.
D. Ang pagsang-ayon sa maling pasya ng kaibigan
___18. Alin ang isang patunay na may tungkulin ang bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan?
A. Anuman ang mangyari sa iba ay may epekto sa ating lahat na kabilang sa lipunan.
B. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay nasasaad sa batas na umiiral sa lipunan.
C. Bilang isang mapanagutang indibiduwal, ang pagtulong sa kapwa ay tungkulin na hindi natin maitatanggi.
D. Sa anumang pagkakataon nararapat na tayo ay tumulong sa mga nangangailangan.
___19. Anong bahagi o sangay ng lipunan ang may pananagutan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan?
A. Simbahan B. Pamahalaan C. Pamilya D. Paaralan
___20. Ngayong panahon ng pandemya, maraming naging biktima ng sakit ng COVID-19 dulot sa hindi pagsunod sa health protocols.
Gayunpaman naging matatag ang samahan ng bawat isa sa pamilya at pamayanan. Naipadama ang pagmamalasakit at
paggalang sa bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipanatutupad ng DOH at AITF. Aling mga
pagpapahalaga ang naipamalas ng mga mamamayan sa sa lipunan sa nasabing sitwasyon?
A. Pagkakaisa, Katotohanan at Pagmamahal C. Paggalang sa Dignidad, Tiyaga at Bukod-Tangi
B. Pagmamahal, Sipag at Kapayapaan D. Pagkakaisa, Disiplina at Kapayapaan

II - Tama o Mali. A. Suriin ang pangungusap o parirala sa bawat aytem. Isulat ang salitang TAMA kung ito ay
pagpapatunay na Pagtugon sa Kapwa/Lipunan. At MALI kung ito ay hindi Pagtugon sa Kapwa/Lipunan. Isulat ang iyong
sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Pagboboluntaryo na tumulong sa pamayanan.
______2. Paggamit sa pondo ng barangay para sa pansariling interes.
______3. Pagsisinungaling sa guro ng iyong kaklase.
______4. Pagbibigay ng tamang pasweldo sa mga empleyado.
______5. Nagbibigay ng payo sa kaibigang nakagawa ng maling pasiya.
______6. Nagbebenta ng hindi sakto sa timbangan.
______7. Naglalaan ng panahon sa pakikinig sa isang kaibigan.
______8. Nangongopya sa kaklase tuwing may pagsusulit.
______9. Tumutulong sa guro sa pagtuturo ng remedial classes.
______10. Pagtikom ng bibig sa nakitang pananakit ng isang kamag-aral.
______11. Nabalitaan mo na positibo sa COVID-19 ang iyong kaibigan.
______12. Dahil sa pandemya, nagmukmok sa bahay ang iyong tatay dahilsa pagsasara ng kompanyang kanyang pinagtrabahoan.
______13. Lumundag sa tuwa si Gabriel ng malamang uuwi ang kanyang ina mulasa Amerika.
______14. Ikaw ay nagalit sa iyong matalik na kaibigan dahil narinig mongsinisiraan ka niya.
______15. Sa kabila ng sitwasyong kinakaharap ni Cassy siya ay nananatilingmatatag sa buhay.
______16. Hindi ka tinanggap sa isang organisasyon dahil mahirap ka lamang.
______17. Masaya si Ruben dahil nakapasa siya sa isang scholarship program.
______18. Walang magawa kundi umiyak na lamang si Kara dahil namatay ang kanyang alagang aso.
______19. Sinorpresa si Kimpoy ng kanyang mga kaibigan sa kanyang kaarawan.
______20. Nalungkot si Mitch dahil nalaman niyang may ibang pamilya pala ang kanyang ama.

III – Pagpapaliwanag/ Dugtungan. Basahin ng mabuti ang bawat pahayag at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa patlang. (10 puntos)
1. Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang katangiang: Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.
Ipaliwanag (5 puntos)
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Paano mo mapamamahalaan ang pagpapabukas-bukas ? (5 puntos)
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

 GOOD LUCK! 

You might also like