You are on page 1of 43

COTILLION

Yamang Likas
- Ang kapaligirang pisikal na may
gamit sa tao. Kabilang sa mga ito
ang yamang-tubig, yamang-lupa,
yamang-mineral, yamang-gubat,
at yamang-tao.
Naniniwala ka ba na
ang tao ay binigyan ng
masaganang
kapaligiran?
Ang mga kabundukan, dagat,
hayop, halaman, at mineral ay
mga likas na yaman na siyang
pahunang nililinang ng tao
upang matugunan ang kaniyang
mga pangangailangan.
ANG MGA LIKAS
NA YAMAN NG
ASYA
HILAGANG ASYA
-May malawak na damuhan na mainam
pagpastulan ng mga alagang hayop ang
Hilagang Asya bagama’t dahil sa lamaig
ditto ay halos walang punong
nabubuhay.
-Ang mga torso mula sa Siberia ang
tanging yamang gubat sa rehiyong ito.
-Sa yamang pangisdaan,produktong
panluwas ng rehiyon ang caviar
(itlog) ng mga sturgeon, ang mga
malalaking isdang likas dito
- Tinatayang pinakamalaki sa mundo
ang deposito ng ginto sa Kyrgyztan.
- ang Tajikistan ay may tatlong uri ng ng
yamang mineral; ang metalikong
mineral tulad ng ginto, mineral na
panggatong tulad ng natural gas, at
industrial na mineral tulad ng
phosphate.
- Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas.
- Isa sa nangunguna ng produksiyon
ng ginto sa buong mundo ang
Uzbekistan.
- Sa mga lambak-ilog at sa mababang burol
ng mga bundok may produksiyon ng
pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng
trigo, palay at barley, gayundin bulak, gulay,
tabako, sugar beets, sibuyas, at mansanas.
- Pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka
at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana,
karne, at gatas.
TIMOG ASYA
- Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
tao sa mga bansan nabibilang sa Timog Asya.
- Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t
may mga patanim din ng trigo, jute, tubo, at mga
gulay.
- Pinakamahalagang likas na yaman sa India ay ang
lupa lalo’t higit ang mga kapatagan at lambak na
pinagyayaman ng mga ilog ng Indus, Ganges, at
Brahmaputra.
- Malaki rin ang reserba ng bakal at
Karbon ng bansang India.
- Ang mga kagubatan ng Nepal ay
matatagpuan sa mga gulod ng
bulubunduking Himalayas.
- Sa mga baybayaing dagat ng Pakista ay
matatagpuan ang mga gubat ng
bakawan.
- Malaki ang kapakinabangan ng Indian
Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos nit
ng iba’t-ibang yamang dagat.
YAMANG MINERAL
NG MGA BANSA SA
TIMOG ASYA
BANSA YAMANG MINERAL

AFGHANISTAN LANGIS, NATURAL GAS, TANSO, BAKAL,


LAPIS, LAZULI
BANGLADESH NATURAL GAS, BATONG APOG, LUWAD

BHUTAN BATONG APOG, DOLOMITE, KARBON

INDIA KARBON, BAUXITE, BAKAL, LANGIS, NAURAL


GAS, MANGANESE, CHROMITE, GYPSUM,
BATONG APOG, MICA

NEPAL BAKAL, TANSO, MICA

PAKISTAN KARBON, GYPSUM, BATONG APOG,


CHROMITE, BAKAL, ROCK SALT, SILICA SAND,
NATURAL GAS, LANGIS, ASIN

SRI LANKA GEMSTONE, GRAPHITE, LUWAD, ILMENITE,


BATONG APOG, MONAZITE, ASIN,
TITANIUM, ZIRCON
LAZULI
BANSA YAMANG MINERAL

CHINA BAKAL, ALUMINUM, TIN,


ANTIMONY, MAGNESIUM,
TUNSTEN,
MOLYBDENUM,MERCURY,
MANGANESE, TINGGA,
ZINC, TANSO, URANIUM,
FLIUORITE, MICA,
PHOSPAHATE ROCK,
QUARTZ, ASIN, SILICA,
TALC, KARBON, LANGIS,
NATURAL GAS
JAPAN NATURAL GAS, BAKAL, ZINC, TINGGA,
BAUXITE, KARBON

NORTH KOREA KARBON, BAKAL, TUNSTEN, MAGNESIUM,


GRAPHITE, GINTO, PILAK, TANSO, TINGGA,
ZINC, MOLYBDENUM

SOUTH KOREA KARBON, BAKAL, GRAHITE, ZINC, TUNSTEN,


TINGGA, TANSO, GINTO, PILAK,
MOLYBDENUM, BATONG APOG

TAIWAN GINTO, TANSO, KARBON, LANGIS, NATURAL


GAS, MARMOL
MOLYBDENUM
TIMOG ASYA
Sa mga bansa sa Timog Asya, tanging
ang India lamang ang biniyayaan ng
humigit kumulang na 54% ng lupa na
maaaring bungkalin.
Lupa ang intinuturing na
pinakamahalagang likas na yaman
nito.
Ang kapatagan ng Ganges ay isa sa
mga pinakamatabang rehiyon sa
India dahil sa alluvial soil.
Alluvial Soil – mataba at pinong
lupa na dineposito o tinambak sa
lambak at bukana ng ilog matapos
ang pagbaha o pag-apaw ng ilog.
Maliit lamang ang matabang
lupa sa Afghanistan,
Bangladesh, Maldives, Neal,
Pakistan, at Sri Lanka na
tanging 30% lamang ng
pangkalahatang lupa ang
binubungkal.
Sa matatabang lupa, nagtatanim ng
barley, mais, palay, trigo, oilseed, jute,
kape, patatas, kamote, bulak, kasuy, at
iba’t ibang sangkap na pampalasa tulad
ng chili, cinammon, pepper, at cloves.
Sinakop ng yamang gubat ng Nepal ang
humigit-kumulang 27% ng
pangkalahatang lupain.
Ang pangunahing tanim na
iniluluwas ng Nepal ay oil
seed, tubo, jute, tabako.
Sa Sri Lanka ay tsaa, goma,
at niyog.
TIMOG-SILANGANG
ASYA
- Nasa lupain ng Myanmar at Brunei ang
malawak na kagubatan.
- Matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy
River at Sittang River ang pinakamatabang lupa
sa Myanmar.
- Ang Cambodia naman ay sa paligid ng Mekong
River at Tonle Sap.
- Ang Pilipinas ay isa sa mga bnsang
nangunguna sa buong daigdig sa
produksiyon ng langis at kopra.
- Tanso ang pangunahing yamang mineral ng
Pilipinas.
- Sa yamang mineral, Malaki ang deposito ng
langis at natural gas sa Indonesia at ang
mahigit 80% ng langis sa Timog-Silangang
Asya ay nanggaling sa bansang Indonesia.
- Liquefied Gas din ang pangunahing mineral
ng Malaysia.
SILANGANG ASYA
Mayaman ang China at North
Korea sa mga depositong
mineral.
Nasa China, ang pinakamalaking
reserba ng antimony,
magnesium at tungsten sa
buong daigdig.
Ang reserbang karbon ng China
ay tinatayang 115 bilyong
metriko tonelada. Ito ay isa sa
mga pinakamalaki sa buong
daigdig.
Sakop ng China ang 7% ng lupa
sa buong mundo na maaaring
bungkalin.
Ang pinakamahalagang pananim nito
ay palay.
Nangunguna ang China sa buong
daigdig sa produksiyon ng palay.
Ilan sa mga pananim sa Silangang Asya
ay sugar beets, patataas, reolyo, mais,
soybean, bawang, red beans, at prutas
tulad ng ubas, peras, at peach.
KANLURANG ASYA
- sagana sa yamamng mineral partikular na sa langis at
petrolyo.
- Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong
daigdig ang Saudi Arabia.
- Malaki rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang
Iran, Iraq, United Arab Emirates, Kuwait, at Oman.
- Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may
natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc, magnesium,
and phosphate.
- Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga
Kanlurang Asya ng trigo at barley sa ma
oasis.
- Nangunguna naman ang Iraq sa
produksiyon ng dates.
- Dalandan naman ang sa bansang Israel.
- Paghahayupan ang karaniwang Gawain ng
mga naninirahan sa mga lugar na
bulubunduin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq,
Syria, Saudi Arabia, at Turkey
PAGBUBUOD
Maraming iba’t ibang likas na yaman ang mga
rehiyon sa Asya.
Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga
bansa sa Kanlurang Asya.
Mataba ang lupa sa mga lambak-ilog ng Asya kung
saan may sari-saring pananim.
May mga pangunahing produkto/likas na yaman
ang bawat rehiyon sa Asya.
Iniluluwas ng mga Asyano ang
kanilang ibang pananim sa
ibang bansa.
GAWAIN:
LIKAS NA YAMAN
CHALLENGE!
Panuto: Tukuyin ag uri ng yaman ng mga
may salungguhit na salita sa pahayag.
Maaaring isulat kung ito ay Yamang
Lupa, Yamang Tubig o Yamang Mineral.
1. Ang Ilog Mekong at Tonle Sap na
matatagpuan sa Cambodia.
2. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa
langis at petrolyo.
3. Agrikulturang produkto tulad ng
palay, trigo at jute ang
pangunahing pananim sa Timog
Asya.
4. Ang Hilagang Asya ay
nagluluwas ng caviar mula sa
mga Sturgeon.
5. Ang pangunahing industriya
ng Turkmenistan ay ang
Natural gas.
GAWAIN:
Panuto: Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1. Bakit dapat pahalagahan ang mga
likas na yaman ng Asya?
2. Paano ka tumutulong sa
pangangalaga ng mga likas na
yaman ng bansa?
Banlik

You might also like