You are on page 1of 2

Kabanata 17:

Ang Perya sa Quiapo


(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)
Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay
ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng
magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at
Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at
kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita.

May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan
sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang
lilok na anyong Prayle.

May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at
namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip
ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang
ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga
kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba. Pinagtawanan din nila
ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay
Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben
Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan
si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang..
Mga Tanong
1) Ano ang pamagat ng kabanata?
2) Mga tauhan sa kabanata?
3) Mga tauhan sa kabanata?
4) Mga Tauhan sa kabanata?
5) Mga Tauhan sa kabanata?

Mga Sagot
1) Ang Perya sa Quiapo
6) Mr.leeds
7) Ben Zayb
8) Paulita
9) Issagani

You might also like