You are on page 1of 1

Fil – 102 Yy

Abdullah A. Sharief

Reflection paper sa movie na “Encanto”


Iikot ang kuwento ng Encanto sa pamilya Madrigal, isang pamilya kung saan ang bawat
miyembro nito ay mayroong pambihirang kapangyarihan maliban sa isa - si Mirabel. Buong buhay niya
ay nanatiling anino si Mirabel sa likod ng mga kapatid at pinsan nito dahil sa kawalan niya ng espesyal na
regalo.

Subalit sa kabila nito, si Mirabel ang unang makakapansin sa paparating na problema sa kanilang
pamilya. Dito na niya makikita ang oportunidad upang patunayan sa kaniyang pamilya na sa kabila ng
kawalan niya ng kapangyarihan ay kayang-kaya niyang protektahan ang mga mahal niya sa buhay. Sa
tulong ng isang propesiya mula sa hinaharap ay susubukan niyang pigilan ang naka-ambang panganib na
maaaring sumira sa paraisong sinimulan ng kaniyang pamilya.

Isa ang Encanto sa mga hyped movies para sa taong 2021. Hindi na ako magtataka kung bakit
dahil maliban sa pagkakaroon nito ng magandang soundtrack na mayroong Spanish influence ay
maganda rin ang naging animation nito na binigyang kulay ang malawak na kultura ng Colombia. Mula sa
mga karakter, ugali at maging mga maliliit na detalye tulad ng pananamit at pag-uugali ng mga tao ay
ibang-iba ito sa tipikal na pelikulang inihahain ng Disney.

Hindi man naiiba ang paraan ng storytelling nito kung saan ang bida ay bibigyan ng mahalagang
misyon upang iligtas ang mga mahal nito sa buhay, pero kung susuriin nating mabuti ay mayroon pang
mas malalim na kahulugan ang istorya nito. Ang Encanto ay sumasalamin sa karaniwang problema na
kinakaharap ng isang malaking pamilya na tiyak na ikaka-relate ng mga Pilipino dahil na rin sa pagiging
malapit natin sa ating pamilya, isang tradisyon na nakuha natin mula sa kultura ng Espanya.

Ang kapangyarihan ng bawat karakter ay tila ba isang metaphor na malimit nating makita o
nararanasan sa loob ng ating tahanan. Si Mirabel, ang anak na taken for granted dahil sa tila ba kawalan
nito ng talento, ang kaniyang kapatid naman na si Isabela ay inaasahang maging perpekto sa lahat ng
bagay dahil sa pagiging panganay nito, ang ikalawang kapatid na si Luisa na kinakailangang palaging
malakas at matapang. Bawat isa sa mga karakter, kung bibigyan natin ito ng kahulugan ay mayroong
kaniya-kaniyang kinakatawan sa isang pamilya na maaaring ika-relate ng sinumang manonood. Katulad
na lang ni Bruno, ang misunderstood black sheep ng pamilya o ni Abuela ang ulo ng pamilya na
kailangang palaging nasusunod.

Maganda ang tinatahak na direksyon ng Disney ngayon kung saan ay hindi na lang puro fairy tale
o tungkol sa pag-ibig ang kanilang inihahain kundi ay mas nag-focus na sila ngayon sa pagbibigay ng
mahahalagang aral sa buhay katulad ng Encanto na bibigyang diin kung gaano kahalaga ang pamilya,
pagpapatawad, pagtanggap sa kung anuman ang kakayahang meron tayo at ang pinakamahalaga sa
lahat, lahat tayo ay hindi perpekto.

You might also like