You are on page 1of 6

PANGALAN: ___________________________ TAON at PANGKAT: __________________

Araling Panlipunan 9
QUIZ/GAWAIN

Gawain 2
Ihambing ang dalawang pangunahing aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Isulat lamang sa loob ng talahanayan ang iyong sagot.

SAMBAHAYAN BAHAY-KALAKAL

Gawain 3

Si Mang Jose...
Tukuyin kung anong modelo napabilang sa paikot na daloy ang mga ibinigay
na sitwasyon. Isulat lamang sa inyong sagutang papel ang sagot.

1. Si Mang Jose ay nag-aalaga ng mga paiitluging mga manok (layers)upang


matugunan niya ang pangangailangan sa pagkain ng kanyang pamilya.
2. Ipinagbili ni Mang Jose ang kanyang mga alagang baboy kay Mr.
Boktam. Si Mr. Boktam ay gumagawa ng mga produktong longganiza,
tocino at chicharon na mula sa karne ng baboy.
3. Si Mang Jose ay umaangkat ng mga palahiing mga kambing mula sa
India upang mapaunlad ang kanyang kambingan.
4. Si Mang Jose ay kasapi sa isang kooperatiba ng kanilang barangay.
Layunin ng kanilang kooperatiba na matulungan ang mga kasapitulad
ng pagkakaroon ng pag-iimpok at nagpapahiram ng pera sa mga
nangangailangang kasapi.
5. Si Mang Jose ay nagbabayad ng buwis sa kanyang pag-aaring lupain.
Siya ay nagbabayad ng Real Property Tax kada taon.
Gawain 4: Makisuri sa Aking Kapaligiran- 3-2-1 Tsart

A. Punan ng impormasyon ang hinihingi sa tsart.

Ano-ano ang nakikita Batay sa iyong sagot, Paano nakatutulong


mo sa iyong sa anong sektor ito ang mga sektor na ito
pamayanan na may napabilang? Bakit? sa takbo ng ekonomiya
kinalaman sa paikot ng iyong pamayanan?
na daloy ng
ekonomiya?
1. halimbawa: may  Sambahayan –ang  Nagkaroon ng
naglalako ng nagtitinda ay isangpinaibangpagkainsa
pandesal maykita sa umaga malibansa
tuwing umaga paglalako ng almusal na kanin
pandesal  Nagbabayad ngbuwis
 Bahay-kalakal- ang ang bakery sa
pandesal ay pamahalaan
gawang isang
bakery.
2.

3.

4.

5.
Gawain 5: KUMPLETUHIN MO AKO!

Isulat ang tamang salita sa bawat pahayag. Pumili lamang sa loob ng kahon.

1. Ang ___________________ ay isang modelo sa ekonomiks na nagpapakita


kung paano gumagalaw o dumadaloy ang salapi sa ekonomiya at ang
pagkaka-ugnay ng mga aktor nito.

2. Ang pangongolekta ng buwis at ang paggastos nito para sa mga proyekto


at iba pang gawain ay ang bahaging ginagampanan ng _____________ sa
ekonomiya.

3. Ang ____________ ay salaping kinokolekta ng pamahalaan upang


makalikom ng pondo.

4. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na ______________.

5. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na ___________.

6. Gumagamit ng salik ng produksiyon ang __________ upang gawing


produkto at serbisyo.

7. Sa _________________ kumukuha ang bahay-kalakal na pandagdag


puhunan para mapalaki at paunlad ang produksiyon nito.

8. Nagmumula ang mga salik ng produksiyon sa ________________ .

9. Ang ______________ ay pagbebenta ng produkto sa ibang bansa.

10. Ang ______________ ay ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa


ibang bansa.

Pamahalaan paikot na daloy export


public revenue pamilihang pinansyal sambahayan
buwis import bahay-kalakal
impok
QUIZ 1
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo sa sagutang papel.
1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Kita at gastusin ng pamalaan
C.Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
D. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
2. Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa. Alin sa mga sumusunod na modelo
ng pambasang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikatlong modelo
D. Unang Modelo
3. Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang
pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, alin sa sumusunod ang hindi
kabilang sa nararapat gawin upang mabuhay?
A. Bubuo ng sariling damit
B. Gagawa ng sariling bahay
C. Maghahanap ng pagkain
D. Subukang lumangoy upang makaalis
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng unang modelo ng pambansang
ekonomiya?
A. Hindi umaasa ang sambahayan sa bahay-kalakal.
B. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng
pagkonsumo
ng produkto.
C. Isinaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga
desisyon sa hinaharap.
D. Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal.
5. Ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Alin sa mga modelo ng
pambansang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Unang Modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo
6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ikalawang modelo ng
pambansang ekonomiya?
A. Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin
ng
sambahayan at bahay kalakal.
B. Ang sambahayan ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer.
C. Ang sambahayan ay may demand ngunit wala itong kakayahang lumikha ng
produkto.
D. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita
7. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon o
factor markets maliban sa:
A. kostumer
B. lupa
C. paggawa
D. pamilihan para sa kapital na produkto
8. Kilala ito bilang goods market o commodity markets. Alin sa sumusunod ito
tumukoy?
A. Pamilihan ng mga hilaw na sangkap
B. Pamilihan ng mga piling mamimili
C. Pamilihan ng mga pribadong tao
D. Pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity
9. Ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya- ang sambahayan at
bahay kalakal. Anong modelo ng ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikatlong modelo
D. Unang Modelo
10.Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang
lumilikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang
lumikha nito. Subalit bago makalikha ng produkto, ano ang unang dapat
isaalang-alang ng bahay-kalakal?
A. Kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon
B. Kailangan ng bahay-kalakal na maghanap ng mga manggagawa
C. Kailangan ng bahay-kalakal na gumawa ng isang desinyo ng produkto
D. Kailangan ng bahay-kalakal ng matalinong tagapamahala
11.Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ano pa ang nagiging
mahahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bahay-kalakal sa ikatlong modelo
ng pambansang ekonomiya?
A. Pag-iimpok at pamumuhunan
B. Pamimigay ng mga produkto sa mga tao
C. Pagkunsumo sa sarili nitong produkto
D. Pagbibinta ang mga produkto sa murang halaga
12.Ang mga sumusunod ay pamilihan sa ikatlong modelo maliban sa:
A. Pamilihan para sa commodity o tapos na produkto
B. Pamilihan para sa mahihirap na mamamayan
C. Pamilihan para sa pinansiyal na kapital
D. Pamilihan para sa salik na produksiyon
13.Sa ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya ay nag-iimpok ang mga
mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang
bahagi ng natanggap na kita. Anong tawag sa bahagi ng kitang ito na hindi
ginastos?
A. Deposit
B. Donation
C. Insurance
D. Savings
14.Alin ang hindi kabilang sa pamilihang pinansiyal?
A. Banko
B. Kooperatiba
C. Insurance Company
D. Sari-sari Store
15.Kung ang kabuuang kita ni Earl ay ₱25,000. 00 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay ₱21, 000. 00 magkano ang maaari nyang ilaan para sa
pag-iimpok?
A. ₱1, 000. 00
B. ₱2, 000. 00
C. ₱3, 000. 00
D. ₱4, 000. 00

You might also like