You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
Sangay ng Davao Occidental
Mariano Peralta National High School

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 8

Pangalan:______________________________Taon at
Pangkat:________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa ito sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang maaring magdulot ng pinakamatinding pinsala sa


ari-arian at imprastruktura?
A. digmaan
B. epidemya
C. kahirapan
D. pagkalugi
2. Anong imperyo sa Gitnang Silangan ang bumagsak pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Hapsburg
B. Hohenzollern
C. Ottoman
D. Romanov
3. Ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa sa Europe bago
nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Alyansa
B. pagkakaibigan
C. kapatiran
D. sanduguan
4. Saang kontinente nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Africa
B. Asia
C. Europe
D. North America
5. Sino ang nagpasikat ng katagang “Sa alinmang digmaan, walang panalo
lahat ay talo?”
A. Lloyd George
B. Woodrow Wilson
C. Neville Chamberlain
D. George Clemenceau
6. Ano-anong bansa ang bumubuo sa Triple Entente?
A. France, Italy, Russia
B. Russia, Germany, Italy
C. France, Great Britain, Russia
D. Germany, Austria-Hungary, Italy
7. Alin sa mga pinuno ang hindi kasama sa tinaguriang “The Big Four?”
A. David Lloyd George
B. Edward Grey
C. Woodrow Wilson
D. Vittorio Emmanuel Orlando
8. Anong kasulatan ang binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918
na naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikidigma?
A. Kasunduan sa Paris
B. Labing Apat na puntos
C. Liga ng mga Bansa
D. Lihim na pakikipag-ugnayan
9. Sino ang pangulo ng Pilipinas na itinalaga ng mga Hapones sa panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Jose P. Laurel
B. Manuel L Quezon
C. Ramon Magsaysay
D. Sergio Osmenia Sr.
10. Anong paraan ang ginamit ng mga Nazi nang lumusob sila sa Poland?
A. paggamit sa Maginot Line
B. paggamit ng taktikang blitzkrieg
C. paggamit ng estratehiyang trench warfare
D. paggamit ng weapons of mass destruction
11. Anong lahi ang nagtala ng pinakamaraming biktima sa panahon ng
Holocaust na ipinatupad ni Adolf Hitler?
A. Aryan
B. Gypsy
C. Jew
D. Slavs
12. Sino ang pinuno ng National Socialist German Workers’ Party o Nazi
Party?
A. Adolf Hilter
B. Benito Mussolini
C. Joseph Stalin
D. Vladimir Lenin
13. Sa anong labanan isinagawa ang pinakamalaking amphibious assault sa
panahong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Battle of Midway
B. Battle of Normandy
C. Battle of El’ Alamein
D. Battle of Great Britain
14. Anong uri ng nasyonalismo ang ipinamalas ng Japan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Agresibo
B. Makatuwiran
C. Mapagtanggol
D. Mayabang
15. Sinong heneral ang nangako sa mga Pilipino ng “I shall return?”
A. Arthur MacArthur
B. Douglag MacArthur
C. Dwight Eisenhower
D. Erwin Rommel
16. Anong ideolohiya ang isinulong ni Benito Mussolini ng Italy?
A. Communism
B. Democracy
C. Fascism
D. Socialism
17. Ano-anong bansa ang bumuo sa Axis Powers?
A. Germany, Italy, Japan
B. France, Germany, Japan
C. Great Britain, USSR, USA
D. France, Great Britain, USA
18. Sino-sinong lider ang tinaguriang kabilang sa “Big Three?”
A. Adolf Hitler, Benito Mussolini, Emperor Hirohito
B. Lloyd George, Vittorio Orlando, Woodrow Wilson
C. George Clemenceau, Joseph Stalin, Winston Churchill
D. Franklin Delano Roosevelt, Joseph Stalin, Winston Churchill
19. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. ASEAN
B. League of Nations
C. NATO
D. United Nations
20. Kailan naitatag ang United Nations o Samahan ng mga Bansang
Nagkakaisa?
A. Ika-24 ng Oktubre, 1945
B. Ika-25 ng Oktubre 1945
C. Ika-26 ng Oktubre, 1945
D. Ika-27 ng Oktubre, 1945
21. Ilang mga bansa ang nagtulong-tulong sa pagbalangkas ng United
Nations
Charter o Karta ng mga Bansang Nagkakaisa noong ika-26 ng Hunyo,
1945?
A. 50
B. 60
C. 70
D. 80
22. Sino ang naging unang-halal na Sekretaryo-Heneral ng mga Bansang
Nagkakaisa?
A. Franklin Roosevelt
B. Joseph Stalin
C. Trygve Lie
D. Winston Churchill
23. Saan naganap ang kumperensiya ng United States, Great Britain at Soviet
Union upang mapagkasunduan na pairalin at panatilihin ang kapayapaan
sa sandaling matalo ang Axis?
A. Dumbarton Oaks
B. Moscow
C. San Francisco
D. Yalta
24. Sa anong bansa namayani ang ideolohiyang sosyalismo?
A. China
B. Italy
C. Japan
D. Philippines
25. Alin sa mga sumusunod na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang
tumutukoy sa madaling paraan ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng
isang bansa sa pamamagitan ng pag-impluwensiya sa mga kalakaran ng
ibang estado?
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Militarism
D. nasyonalismo
26. Alin sa sumusunod na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang
tumutukoy sa pagpapahusay, pagpaparami ng armas, at pagpapalakas ng
mga sandatahang lakas ng mga bansa sa Europea?
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Militarism
D. nasyonalismo
27. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsisimula ng
Unang Digmaang Pandaigidg?
A. paglusob ng hukbong Germany sa Belgium
B. pagpalabas ng Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. pagwakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria-
Hungary, Russia at Turkey
D. pagpaslang sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na si
Archduke Francis Ferdinand
28. Aling pahayag ang hindi nagsasaad ng tamang hinuha tungkol sa epekto
ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Nasira ang mga ari-arian.
B. Napahinto nito ang gawaing pangkabuhayan.
C. Maraming tao ang mandarayuhan sa ibang bayan.
D. Tumaas ang bilang ng mga taong nasugatan at namatay.
29. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga mahalagang pangyayari sa
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. pagtatatag ng United Nations
B. pagkaroon ng diwang nasyonalismo
C. pagkatatag ng Allies at Central Powers
D. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
30. Ano ang mahihinuha kapag naantala ng digmaan ang aktibong kalakalan
sa buong mundo?
A. Mataas ang presyo ng mga bilihin.
B. Bababa ang presyo ng mga bilihin.
C. Mabilis na uunlad ang isang bansa
D. Maraming produkto ang mapagpilian.
31. Kung ikaw ay isang lider na nakaligtas sa Unang Digmaang Pandaigdig,
alin ang nararapat unang bigyang-pansin?
A. pagsali sa iba’t ibang pandaigdigang samahan
B. payagan ang lahat ng dayuhang mamumuhunan na papasok sa bansa
C. palawakin ang teritoryo upang madagdagan ang mga hilaw na
sangkap at mapabilis ang pag-unlad
D. pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya na nakatuon sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao
32. Alin sa sumusunod na pahayag ang halimbawa ng epekto sa ekonomiya
pagkatapos ng mga digmaan?
A. Paghina ng industrialisasyon at pananalapi
B. Pagiging malaya mula sa mga mananakop
C. Pagtatag ng mga samahang Liga ng mga Bansa
D. Paglakas ng Central Powers sa larangan ng pamamahala
33. Alin sa sumusunod na sangay ng mga Bansang Nagkakaisa ang siyang
nagbibigay ng mga payo ng advisory tungkol sa mga legal na katanungan
na isinumite dito sa pamamagitan ng mga awtorisadong internasyunal na
ahensya at nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga
bansa?
A. General Assembly
B. International Court of Justice
C. Security Council
D. Trusteeship Council
34. Paano naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagbubuo ng
mga alyansa?
A. Malagay sa panganib ang isang bansa
B. Lumakas ang kanilang sandatahang lakas
C. Pinahina nito ang sandatahang lakas ng isang bansa
D. Mas napalawak ang ugnayan ng mga bansa sa pakikipagkalakal
35. Bakit idineklara ni Pangulong Manuel L. Quezon na “Open City” ang
Manila?
A. maiwasan na tuluyang mawasak ang lungsod
B. mailigtas ang mga sundalong Pilipino sa Manila
C. mailikas ang mga mayayamang naninirahan sa Manila
D. matigil ang pagsakop ng mga sundalong Hapones sa lungsod
36. Bakit napilitang sumuko ang Japan sa Allied Powers?
A. pagkatalo ng Axis Powers
B. pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki
C. paggamit ng taktikang blitzkrieg ng Germany
D. pagkatalo ng mga Hapones sa Battle of Leyte Gulf
37. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga parusang ipapataw sa
Germany na nakapaloob sa Yalta Settlement pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. pagsasauli ng Polish Corridor sa Germany
B. pagbabayarin ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala
C. paghahatian ng France, Great Britain, USA at USSR ang Germany
D. pagpapa-iral ng demilitarization o pagbabawal na magtatag ng
sandatahang lakas
38. Bakit tinaguriang Day of Infamy ang Disyembre 7, 1941?
A. pagsalakay ng Japan sa Manchuria
B. pataksil na pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor
C. pagpatay ng mga Hapones sa mga Tsino sa Nanking
D. paglusob ng mga Hapones sa Manila kahit ito ay idineklarang “Open
City”
39. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit ikinagalit ng Germany ang mga
probisyon sa Kasunduan ng Versailles maliban sa
A. pagbayad ng Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
B. pinalitan ang lahat ng kolonya ng Germany bilang Mandated Territory
C. pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng mga delegado ng magkabilang
panig
D. paniniwala ng Germany sa labis na pang-aapi batay sa nakasaad na
mga probisyon ditto
40. Alin ang hindi kabilang sa lihim na kasunduan na nilagdaan ng mga
alyadong bansa maliban sa Great Britain at France pagkatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Pabagsakin ang imperyong Ottoman
B. Hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers.
C. Lubhang pahinain ang hukbong sandatahan ng Germany.
D. Pagbabayarin ang Germany ng malaking halaga bilang reparasyon sa
mga bansang napinsala.

You might also like