Paghuhusga Hamon Hindi Problema Kailangan mong tugunan ang mga tungkuling nakalatag sa iyong harapan. Wala kang magagawa kundi ikaw mismo ang humanap ng solusyon sa mga problemang ito.
“Inihanda ka ng mga nauna mong mga karanasan sa buhay
upang makagawa ng mapagmalay at mapanimbang na mga pagpapasiya.” Inaasahan nang mas makibahagi ka nang mas aktibo sa mundo. Ikaw na ang kailangang kumilos kung ibig mong magtagumpay sa buhay.
Nasa iyong kamay na ang pagpapasiya.Hindi problema ang
mga ito kundi mga tungkulin sa buhay na dapat tupadin. Isang hamon angna mabigyan ng kaukulang atensiyon at pananagutan ang mga ito. Hindi madali pero may paraan. Karuwagan at Takot Iba ang karuwagan sa takot. Natural ang matakot. Babala ito ng utak upang ingatan ang sarili. Ang mga babalang ito ay maaaring nagmula sa mga hindi kawili-wiling karanasan o sa mga kuwento at paalala ng ibang nakaranas na.
Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan
ng tiwala sa sarili o sa iba. Nahaharap sa bagong sitwasiyon kaya agad-agad na aatras na lamang at hindi man lang susubukan. Ano ang pagkakaiba ng taong umaayaw sa isang bagay dahil natatakot siya sa hamon o dahil talagang alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kaya ang hamon.
Ano-anong mga karansan ko o ng iba ang nagsasabi as aking huwag
ko na subukan pa ang kinakaharap kong bagay? Nasubukan ko na ba o (o ng iba) ito dati?, Anong nangyari? Anong pahamak ba ang maidudulot nito sa akino sa iba kung gagawin ko ang bagay na ito? May pakinabang ba akong makukuha rito? May madadagdag ba o mababawasan sa kahulugan ng buhay ko kapag ginawa ko ito? Saan nagmumula ang takot? Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga. Sa halip na tumingin sa liwanag ng mga dapat, tungkulin, prinsipyo, at pagpapahalaga, ang pagtutuunan ng pansin ay dilim ng sariling kahinaan.
Aminin ang takot at kumilos nang angkop.
Kahinahunan bilang Angkop Ang angkop gawin ay akuin ang tungkuling kailangan kong tumugon. Magmahinahon at saka tingnan ang sitwasiyon. Sa kahinahinan, matitimbang nang may linaw at obhetibong pagtingin ang iba’t-ibang salik ng sitwasiyon: ang pansariling kakayahan at limitasiyon, ang kalagayan ng kapaligiran, at ng lakas ng kahinaan ng mga kasama. Ang unang hakbang ay tumugon. Ang pangalawang hakbang ay ang pagsusuri sa kalidad ng itutugon: hindi labis, hindi hindi kulang Ang angkop ay ang pinakamahusay na magagawa sa isang sitwasiyon, ito ang sukdulan na maaring gawin ng tao, at ang paggawa ng sukdulan na ito ang pinakamabuting gawin.
Pag-aangkop ang tawag sa paglalapat ng mga kakailanganin
ng labas at ng maibibigay sa loob. Ang bungang-kilos nito ay ang angkop. Kahinahunan ang tawag sa saloobin na ayon sa angkop. Ang Angkop bilang Makatarungan Kawalang katarungan ang tawag sa pagkasirang dulot ng paggawa nang hindi ayon sa angkop. “tarong” – salitang Bisaya na tila salitang ugat ng katarungan. “Magtarong gyud ka!” – kasabihang nangangahulugang umayos, magmatino, magpakabuti. Ang pagiging makatarungan ay pagpanig sa kabutihan, paglagay sa ayos, at pagiging matino sa pag-iisip at pakikiugnay. Ang kawalang katarungan sa sarili ay hindi makatarungan sa iba. Angkop lagi ang maging makatarungan at kapag pinipili ang katarungan , nagiging angkop ang lahat. Kung ginagawa ang dapat, nangyayari ang sakto. Sa ganiyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa ng makatarungan ay ang angkop. Ang Kilos ng Pamimili Ang prudentia ay ang kilos ng pag-aangkop sa pamimili na hiniram sa wikang Latin at prudence as wikang Ingles. Nauunawaan ito sa Latin bilang isang uri ng pagtingin sa hinaharap (foresight).
Ang prudentia ay hindi lamang upang pangunahan ang mga
posibleng epekto ng pagpili, kundi isang pag-uunawa na may isang kuwento ang mga pangyayari sa kahapon at ngayon na siyang magiging bukas. Ang mga pagpili ay hindi lamang sa mga hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon at bukas – ang kuwento ng ating pagkatao.
Tinatawag na “ina” ng mga birtud ng katapangan,
kahinahunan, at katarungan ang prudentia sapagkat nilalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili. Dahil sumasapanahon, hinihingi nito na maging maingat sa paghusga at matino sa pagpapasiya. Gawin ang pagpili hindi para lamang sa isang ano, kundi dahil nais pagtibayin ang isang bakit. Nagagawa ang pagbuo sa maingat na paghuhusga ng sitwasiyon ayon sa pamantayang kailangan at dapat, ng panandalian at pangmatagalan, ng pansarili at panlahatan. Hindi mamimili sa dalawang dulo, hinahanap ang gitna sa maingat na paghuhusga. Karunungang Praktikal Tinawag ni Aristotle ang prudentia bilang phronesis o karunungang praktikal (practical wisdom). Aniya, ito ay isinasagawang karunungan. Ibig sabihin, iniaangkop ang natutuhan ng isip sa mga pang-araw-araw na gawain. Kailangang isali sa pagtitimbang ang kahandaan ng panahon, mga pangangailangan at kakayahan ng mga tao, at kalagayan ng paligid upang makagawa ng isang maingat na paghuhusga (prudentia). Ang pinakamahalagang sangkap ng phronesis ay ang aspekto ng pagiging mabunga. Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalilikha ito ng magagandang oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao. Paghusga at Pagpapasiya Ang maingat na paghuhusga ay paninimbang sa mga nakalatag na kondisyon ng sitwasyon at pag-aangkop ng mga prinsipyo ng kabutihan sa mga ito. Hindi hinuhusgahan ang pagiging tama o mali ng isang bagay batay sa mga prinsipyo ng mabuti o masama.
Ang maingat na paghuhusga ay kilos ng pagpapalitaw sa
mabuting nakatago sa sitwasyon at mga pinagpipilian. Pilit na inuunawa ang mga konteksto ng mga kaganapan. Ang pagpapasiya ay hindi simpleng pamimili sa pagitan ng mabuti o masama – laging mabuti ang dapat at kailangang piliin sa kahit na anong kalagayan. Ginagawa ito sa pagitan ng dalawang mabuti. Pagkatapos makita na may kabutihan na pinanggagalingan ang magkabilang panig, makapagpapasiya na nang mas obhektibo at nang may talino. “Mata ng Pag-ibig” (eyes of love) - ayon sa akda ni Bernard Haring, ay ang kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang sa perspektibo ng mga pagpipilian kundi sa perspektibo ng makabubuti. Sa ganitong paraan, higit na nakikita ang kabuuang kalagayan at ang ugnayan ng kahapon, ngayon, at bukas. Ang tao ay lumalapit sa talagang totoo at tama –ano ang kabuuang kuwento? Gamit ang mata ng pag-ibig, laging matapang, mahinahon, at makatarungan ang pagpapasiya.