You are on page 1of 8

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


Activity Sheet No. 6.1
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency
or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission from
the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity

Sheet Writer/s: Mary Rose Bolves

Illustrator/s: Eldiardo E. de la Peña

Layout Artist/s: Antonio O. Rebutada

Schools Division Quality Assurance Team:


Claudia T. Villaran
Gethel A. De Guzman
Jona S. Demaraye
Marineth I. Villena
Division of Escalante City Management
Team: Clarissa G. Zamora, CESO
VI Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alma C. Sinining
Regional Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma,
Dr. Josilyn S. Solana,
Dr. Elena P. Gonzaga,
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Introductory Message

MABUHAY!

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-


samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Management Division. Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag- aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang


masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras.
Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning Facilitator:

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan, pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto nga bawat gawain.

3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL


 Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. (Week

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

3a/EsP9TT-IIc-6.1)

PANIMULA

Ang Mabuti
Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin
kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa
mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Ang tanungin ang tanong na “Mabuti
ba?” bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang
mabuti. Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo
at pagpapalago ng sarili at ng mga ugnayan.

Ang Tama: Iba sa Mabuti

Ngunit sapat nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang


mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira lamang? Mahirap
ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensyon para kilalaning mabuti ang gawain.

Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili.
Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon.
Halimbawa: Mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat ding tingnan ng doktor ang
kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa
bisa ng gamot na ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa isang tao
ayon sa sakit na mayroon siya. May ibang gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga
partikular na tao. May mga gamot na hindi epektibo sa ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng
generics. Ang pasyente na ang bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng
doktor. Tulad din sa Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay angkop sa
tao.

4
Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao

Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko
kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na
gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.

Lahat ng Batas: Para sa Tao

Dito nga nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao


(Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations).
Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil magandang
pakinggan na kunwari may dignidad ang tao! Talagang nakikita nila, mula sa iba’t ibang
mukha ng mga tao sa iba’t ibang sulok ng mundo, na mahalagang ingatan ang dignidad ng
tao. Naniniwala silang ang pag-unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa
pagkilala sa pantay na mga karapatan. Ang pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang mga
pagnanais nila ang siyang makapagpapatibay sa mithiing ito ng kaunlaran at kapayapaan.

Ang bawat estado rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang
pagkilala sa karapatang pantao. Ipinahayag nila sa kanilang konstitusyon ang mga karapatan
ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksiyon ang mga
karapatang ito. Ang mga batas naman na nililikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at
pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao.
Kaya may batas:

1. laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata dahil tao ang mga bata,
2. na magbibigay ng budget sa edukasyon dahil kailangang mahubog ang pag- iisip at
karakter ng mga tao,
3. na magtatalaga ng pinuno ng bayan (eleksiyon) dahil mahalaga ang boses ng lahat ng
tao sa pagpapatakbo ng kolektibong kasaysayan.
Ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.

Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao

Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli babalik tayo sa depinisyon ng mabuti –
sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito.

Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na
utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang
makita ang halaga ng tao.

Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot:
habang may nakatingin sa mabuti - nagtataka, nagtatanong - tiyak na hahakbang tayo
papalapit sa mabuti.

Ano ang pinakaunang hakbang? First do no harm.

5
MGA SANGGUNIAN

Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pp. 65 - 78


https://www.google.com/searchq=republic+act+para+sa+mga+bata&rlz=1C1
GGRV_enPH816PH816&oq=Republic+act+para+sa&aqs=chrome.0.0i457j0j6
9i57j0l5.34322j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/searchq=republic+act+para+sa+pagtatalaga+ng+mg
a+pinuno+ng+bayan&rlz=1C1GGRV_enPH816PH816&oq=republic+act+para
+sa+pagtatalaga+ng+mga+pinuno+ng+bayan+&aqs=chrome..69i57.174041j0
j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?rlz=1C1GGRV_enPH816PH816&ei=M7WgX
72sPJX8wAPYvZigCg&q=republic+act+6675+tagalog+version&oq=republic+a
ct+6675+tagalog&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMgUIIRCgATIFCCEQoAE6B
AgAEEc6BQgAEMkDOgIIADoGCAAQFhAeOgQIIRAVOgcIIRAKEKABUK23A
liw2QJgl8CaABwAngAgAHrB4gB3TGSAQ8wLjEuMi4zLjEuMy4yLjGYAQCgA
QGqAQdnd3Mtd2l6yAEIwAEB&sclient=psy-ab

MGA GAWAIN

A. Panuto: Basahin ang sumusunod:

1. Batayang Aklat sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 9, pp. 65-75.


2. Basahin ang mula 2 ,3 at 4 na link na nasa mga Sanggunian

B. Pagsasanay/Aktibidad

Gawain 1: MGA BATAS NA NAAAYON SA LIKAS NA BATAS MORAL


Panuto: 1. Tukuyin ang mga batas na naaayon sa Likas na Batas Moral.
2. Gamit ang graphic organizer sa ibaba, isulat ang mga batas na natukoy.
3. Maaaring dagdagan ang mga bilog.

6
Halimbawa: R.A. 7610 - Proteksyon laban sa Pang-aapi ng mga Bata.

Likas na Batas Moral

C. Mga Batayang Tanong


1. Ano ang basehan mo sa piniling batas?
2. Ano ang kahalagahan ng mga batas na ito sa tao?
3. Bakit ito ang napili mo?

1. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik


15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa ginamit na hindi wasto ang
pagbubuo hindi angkop mga salitang
at wasto ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag ang gaanong naipahayag
mensahe naipahayag nang mabisa
ng mabisa ang nilalaman
ang mensahe ng mensahe

REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?


_
_
_ _.

7
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like