You are on page 1of 3

FIL 103 PAGBASA SA TEKSTONG AGHAM-PANLIPUNAN: MGA GAWAIN/PAGSUSULIT

KRISTINE MAE B. MELCHOR

BSED-SOCIAL SUDIES

A. Pagsasanay

1. Ano ang paksang tinalakay sa teksto binasa? (5pts)

-Ang paksang tinalakay sa tekstong binasa ay tungkol sa Agham Panlipunan. Ang agham panlipunan ay
tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa institusyon, gawain ng lipunan at ugnayan ng isang tao
sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang agham panlipunan ay nasusuri sa pag-uugnay ng tao at ng
kapaligiran. Ito rin ay nababatay sa pag-aaral mula sa Antropolohiya, Arkeolohiya, Economiks, Pulitika,
Pamahalaan, Sikolohiya at Sosyolohiya.

2. Ilahad kung paano nabuo ang konklusyon na nakatoon ang pansin sa sosyolohiya sa buong lipunan
at hindi sa indibidwal o sa kalikasan ng tao. (10pts)

- Sa pamamagitan ng malawakang sarbey, ang kurso ay sumasaklaw sa sinauna, medyibal at modernong


panahon ng sibilisasyong kanluran. Hindi na lubos tinatanggap ang pananaw na ito sa modernong
panahon. Sa katunayan, ito ay tinalikuran na ng sosyolohiya. Ayon kay Alvin Gouldner ang pananaw ng
pansosyolohiya ay nakatuon sa kabuuan ng lipunan. Ang lipunan ay tinuturing na may identidad na iba
sa mga indibidwal. Sa ganitong pananaw, ang lipunan ay humuhubog sa paniniwala ng indibidwal sa
pamamagitan ng pamilya, simbahan, paaralan at pamahalaan.

3. Paghambingin ang kaisipan sa aspekto ng sikolohiya nina Adam Smith at Alfred Marshall, pawang
nag-aaral ng ekonomiya. (10pts)

- Ayon kay Smith, ang pagkamakasarili ng tao ay nagdudulot ng pangkalahatang pakinabang para sa
lipunan. Lumihis si Smith sa tradisyon ng kaisipan na kailangang itakwil ang pagkamakasarili kung nais ng
tao na maging mabuti. Samantala, Ayon naman kay Marshall, ang kilos ng tao sa pamilihan ay
mauunawaan kung siya ay itinuturing na homo economicus isang tao na nahahanap ng mas malaking
kasiyahan bilang mamimili o mas malaking gantimpala bilang tagagawa ng mga produkto. Sa katunayan
ay iginiit ni Joseph Schumpeter na ang ekonomikong pagsusuri ay hindi pangunahing aspekto ng
kaisipang kanluran noong panahong klasiko.

4. Ilahad ang paniniwala ni Karl Marx sa Laissez faire. Sumasang-ayon ka ba sa kanyang pananaw?
Bakit? (10 pts)

-Ayon sa paniniwala ni Karl Marx ang sistemang Laissez Faire ay mapagsamantala sa produkto ng
manggagawa. Itinuring niya na ang lahat ng halaga ay galing sa paggawa, na ang paggawa lamang ang
tunay na batayan ng kayamanan ng bayan. Ang pagwasak sa buong Sistema ng Laissez Faire o
kapitalismo ang tanging paraan upang, mawala ang pagsamantala ng tao sa kanyang kapwa tao. Sa
pamamagitan ng tunggalian ng mga uri. Lulupigin ng uring Proletaryo ang uring burgis upang itatag ang
isang lipunang pantay-pantay na walang mapagsamantalang uri. Oo, ako ay sumasang-ayon sa
paniniwala ni Karl Marx na wasakin ang sistemang Laissez Fair o kapitalismo sapagkat ito ang tanging
dahilan ng pang aapi sa kapwa tao at upang magkaroon ng pagkapantay pantay at maiwaksi ang mga
mapang abuso at hindi na muli pang makapang abuso pa ng kapwa tao.

5. Ano ang Kristiyanong pananaw na binanggit sa teksto? (5pts)

-Ang kristiyanong pananaw na binanggit sa teksto ay ang tunay na katarungan ay matatagpuan sa


kaharian ng Tagapagligtas. Ang kahariang ito ay hindi matatagpuan sa ibabaw ng lupa kundi sa
kalangitan. Walang makalupang bayan ang maaaring magdala sa tao sa pangakong buhay na walang
hanggan. Ang pagtalikod sa kanyang sariling enteres, at ang ganap na pagsasailalim sa utos ng Diyos ang
tanging daan tungo sa minimithing espiritwal ng buhay.

B. Karagdagang Gawain

Gawain 1: Itala ang mga terminolohiya o salitang teknikal na ginamit ng may akda sa teksto at itala rin
ang kahulugan. (5pts)

Homo economicus -ito ay isang tao na nahahanap ng mas malaking kasiyahan bilang mamimili o mas
malaking gantimpala bilang tagagawa ng mga produkto.

Merkantilismo- ito ay isang patakarang kumilala sa kapangyarihan ng estado na pamahalaan at


pakialaman ang kalakaran sa pamilihan.

Laissez Faire- ito ay paniniwala ng pagpapaubaya na pabayaan na lamang ang mga suliranin na humanap
ng sariling katugunan na hindi pinakikialaman ninuman.

Subsistence wage- ito ay tumutukoy kung saan ang mga manggagawa ay hindi binayaran ng sapat na
sahod batay sa kanilang produskyon at ang kanilang sahod ay nasa antas lamang.

Gawain 2: Suriin ang wikang ginamit sa teksto at bumuo ng sariling paninindigan kung nararapat
gamitin ang wikang Filipino sa disiplina ng agham panlipunan. (5pts)

-Ang wikang ginamit sa teksto ay ang wikang Filipino at ito ay nararapat na gamitin sa disiplina ng agham
panlipunan. Dahil ito ang nagsisilbing katotohanan na umiiral sa pang araw na gawain ng isang tao sa
isang lipunanKung kayat hindi dapat balewalain ang pag-aaral sa wikang Filipino dahil dito nababatay na
ang wika ay sumasalamin sa ating tradisyon kultura at paniniwalaKung kayat dapat lamang na
pahalagahan ang wikang pambansa.
Gawin 3: Itala ang impormasyong nakuha sa tektong binasa at magbigay ng reaksyon. (5pts)

-Ang agham panlipunan ay nagsusuri sa pag uugnay ng tao at ng kapaligiran. Ito ay nababatay sa pag
aaral mula sa antropolohiya,arkeolohiya, ekonomiks, pulitika, pamahalaan, sikolohiya, sosyolohiya.
Mahabang panahon ng pag babasa ang dapat na gawin sa araling ito. Maingat na pag babasa at pagkalap
ng impormasyon rin ay kinakailangan. Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at
mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao di lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang
kasapi ng mga asosasyon, grupo, at institusyon. Interesado ang sosyolohiya sa ating pag-uugali bilang
nilalang na marunong makisama, sa ganitong paraan sinasakop ng nagustuhang larangan sa sosyolohiya
mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa pagitan ng di magkakilalang indibiduwal sa daan hanggang
sa pag-aaral ng proseso ng pandaigdigang lipunan.

You might also like