You are on page 1of 7

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Bilang ng Modyul 8
Diskripyon ng Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba`t Ibang Larangan
Modyul
Bilang ng Oras APAT NA ORAS
Linggo 8
Petsa Oct.26-30,2020

Paksa:
1. Larangan ng Politika
Layunin:
1. Natatalakay ang mga taong may ambag sa politika.
2. Napapahalagan ang kanilang naging ambag sa lipunan.
3. Nakagawa ng isang diskurso/pagtalakay sa mga kilalang pilosopo.

Introduksyon

Kilala din ito sa tawag na teoryang political


(political theory) na kung saan ay pinag-aaralan nito ang
mga paksang may kaugnayan sa politika, kalayaan,
katarungan, pagmamay-ari, karapatan, batas, at ang
pagpapatupad sa batas ng mga kinauukulan. Tumutukoy
ito sa pangkalahatang pananaw o tiyak na etika,
paniniwala o ideolohiyang pampulitika.

TALAKAYAN

Mga Maimpluwensyang Pilosopo ng Politika


Ilan sa mga mga maimpluwensyang pilosopo sa larangan ng politika ay ang mga sumusunod:

1. Thonłas Aquinas. Binigyan niya ng sintesis o pag-uugnay ang mga turo ng Kristyano at mga turo
ng Peripatetic (Aristotelian) sa kanyang Treatise on Law na kung saan ay kanyang binigyang-diin
ang biyaya ng Maykapal na higit na mataas na pag-iisip ( higher-reason ) na makikita sa batas ng
tao sa pamamagitan ng banal na kabutihan ( divine-virtues ) binigyang daan ang asambleya ng
makatwirang pamamahala ( righteous government ).

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

2. Aristotle. Siya ay kilala sa kanyang teorya na ang tao ay mga hayop sa lipunan (social animals), at
ang polis (Sinaunang Syudad Estado ng Griyego) liral upang magdala ng kabutihan sa buhay na
angkop mga hayop. Ang kayang teoyang pampulitika ay nakabatay sa etika ng perfectionism
(Marx's).

3. Jeremy Bentham. Siya ang unang nag-isip na suriin ang hUStisyang panlipunan (social justice) sa
larangan ng pag-maximize sa pinagsama-sama o pangkalahatang benepisyo ng mamamayan.

4. Confucius. Siya ang unang nag-isip na iugnay ang etika sa larangan ng kaayusang pampulitika.

5. John Dewey. Kasama siya sa mga nagtatag ng pragmatism at nagsuri sa mahalagang papel na
ginagampanan ng edukasyon sa larangan ng demokratikong pamahalaan.

6. Friedrich Hayek. Kanyang naging argumento na ang sentral na pagpaplano ay hindi Sapat
(inefficient) sa kadahihnang ang mga kasapi ng sentral na pamahalaan ay hindi kayang tumbasan
ang kagustuhan o preferences ng mga kumukonsumo o manggagawa sa kasalukuyang kondisyon.
Naging argumento din nila na ang sentral na ekonomikong pagpaplano na mahalagang sangkap ng
sosyalismo ay maaaring magbunga ng isang ganap na estado na nagtataglay ng mapanganib na
kapangyarihan. Kanyang sinuportahan ang free market capitalism na kung saan ang estado ay may
pangunahing tungkulin na panatilihin ang batas (rule of law) at hayaan na umunlad o ma-develop
ang tuluyang kaayusan.

7. Thomas Hobbes. Siya ang itinuturing na unang nagbigay ng artikulasyon kung paanong ang
konsepto ng kasunduan sa lipunan (social contract) ay binigyan ng paliwanag o justification ang
kilos ng mga namumuno o rulers ay maiuugnay sa pagsilang ng soberenya (sovereignty).

8. Immanuel Kant. Naging argumento ni Kant na ang partisipasyon ng lipunan ng sibilyan (civil
society) ay isinagawa hindi para sa sariling kapakanan (Thomas Hobbes), kundi isang moral na
tungkulin. Siya ang unang makabagong pilosopo na ganap na nagsuri sa istruktura at kahulugan
ng obligasyon. Kanyang sinabi na ang internasyunal na samahan ay kailangan upang matamo ang
tinatawag na kapayapaan ng mundo.

9. John Locke. Inilarawan ni Locke katulad ni Hobbes ang teorya ng kasunduan sa lipunan (social
contract theory) batay sa pundamental na karapatan ng mga mamamayan sa estado ng kalikasan.
Subalit hindi katulad ng argumento ni Hobbes, kanyang naging argumento na ang pamahalaan ay
may limitadong kapangyarihan na bigyan ng proteksyon ang mga personal na pagmamay-

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

10. James Madison. Siya ay isang Amerikanong politiko na sumunod sa yapak ni Jefferson, ang a
"Ama ng Saligang Batas" at "Ama ng Bill of Rights" ng Estados Unidos. Pinaniniwalaan ni Madison
ang hiwalay na kapangyarihan o separation Of powers at nagmÜ ngkahi ng isang
komprehensibong set ng pagsisiyasat at balanse (checks and balances) na kailangan upang
maprotesyunan ang karapatan ng indibidwal mula sa tiranya ng nakararami (tyranny of the
majority).

11. Karl Marx. Iniambag niya ang dimensyon ng kasaysayan upang maunawaan ang lipunan, kultura,
at ekonomiya. Siya ang bumuo ng konsepto ng ideolohiya sa kahalagahan ng paniniwala na siyang
humulma at kumontrol sa aksyon ng lipunan. Kanyang sinuri ang pundamental na kalikasan ng
klase ng mekanismo ng pamamahala at interaksyon sa lipunan. Malaki ang kanyang naging
impluwensya sa larangan ng polotika gamit ang kanyang teorya ng komunismo.

12. Plato. Isinulat ni Plato ang The Republic na kung saan ay kanyang inilahad ang kanyang pilosopiya
ng politika.

13. Adam Smith. Karaniwan na siya ang itinuturo na siyang nagtatag ng makabagong ekonomiya;
ipinaliwanag ang pagkakaroon ng benepisyong pang-ekonomiya mula sa sariling interes na gawi
(self-interested behavior) ng mga mga manggagawa at mangangalakal. Bagamat kanyang pinupuri
ang pagiging episyente ng industrial labor, siya ay nagpahayag din ng pagaalala sa epekto nito sa
mga manggagawa. Ang kanyang gawa hinggil sa moral sentiments ay siyang nagpaliwanag sa
tanikala ng lipunan o social bonds na nakapagpapaunlad sa mga gawaing pang-ekonomiya.

14. Thomas Jefferson. Isang politiko at teorist noong American Enlightenment. Pinalawig niya ang
pilosopo ni Thomas Phane sa pamamagitan ng Republicanism sa United States. Naging pamoso
siya sa kanyang Ü nited States Declaration of Independence.

15. Dr. Jose P. Rizal. Si Rizal ay isang ilustrado na may pananaw na ang sinakop na bansa katulad ng
Pilipinas ay hindi dapat na pagsamantalahan, sa halip ay nararapat itong paunlarin, gawing
sibilisado, turuan, at sanayin sa siyensya ng sariling pamamahala. Ang ilan sa mga basikong
reporma na kanyang ipinaglaban ay ang mga sumusunod: (a) Ang pagkakaroon ng kinatawan ng
Pilipinas sa Spanish Cortes at ang kalayaan sa pamamahayag (freedom of the press); (b)
reorganisasyon ng makinarya ng administrasyon; (c) pagkakaroon ng komprehensibong pag-aaral
at publikasyon ng resulta at pagpapahintulot sa mga Pilipino na magkaroon ng pantay na
karapatan sa mga Espanyol na mamahala sa gobyerno; (d) ang hustisya ang pundasyon ng lipunan
at pamahalaan.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Mga Gawain

Pagsusuri

Sagutin ang mga bagay na katanungan matapos basahin ang buong seleksyon.

Tatlong Mukha ng proklamasyon 1017


Ni: Mario H. Maranan
"Ibon mang litay layang lumipad, kulungin 1110 at umiiyak.
Bayan pa kayang sakdal dilag ang di magnasang makaalpas."

Tulad ng mga ibong malayang ikinakampay ang kanilang mga bagwis, nais ko
ring maging Malaya. Gagamitin ko sa pagkakataong ito ang wikang
pinagkakakilanlan ng ating lahi upang maipahayag ang aking diwa at saloobin
hinggil sa patuloy na pagsiil sa ating kalayaang makapagpahayag... sa pagpatay sa diwa ng demokrasya.
Sa patuloy na pagtaas ng bahagdan ng mga taong nawawalan ng pag-asa... pagtaas ng bilang ng
krimen... pagbagsak ng ekonomiya... sa pagkukubli ng totoong mukha ng kahirapan at kalapastanganang
pantao, nag-ugat at isinilang ang Proklamasyon 1017. Diumano'y pananggalang ng gobyerno sa banta ng
pang-aagaw ng kapangyarihan at tangkang pagpapabagsak ng pamahalaan totoong motibo ng kautusang
ito, subalit makikitang ang nilalaman nito ay mapanlinlang. Diumano'y seguridad ng nakararami ang
binabantayan subalit dama nating sa kapakanan lamang ito ng iilan.
Hindi ko nais na pagtuunan ng pansin ang isang usaping mahirap bigyan ng lunas sapagkat sa
labas lamang natin nakikita. suriin natin ang uod ng sugat upang dumating ang panahon na tuluyan nang
maghilom ang lahat ng hapdi nito.
` Matagal nang naghahari ang Proklá masyon 1017 sa pinakamaliit na yunit ng alinmang
institusyong pang-akadçmiko subalit maraming saksi at biktima ang nagmistulang pipi at bingi sa
paglalahad ng katotohanan. Sa apat na sulok ng silid ng bawat klase, makikita ang realidad na ang
dalubguro ang batas at walang : sinumang maaaring sumuway sa kanyang kautusan. Allg pagtatanong ng
Iliga Iltag-aaral ay itinuturing na gawa ng kaaway at ang pagbibigay ng opinyon ay isang gawaing
slibersibo. Ito ay nagbunga at patuloy na nanganganak ng isang lipunang animo ay bangkay na
pinaglalamayan ng mga mapang-abuso at sakim sa pansamantalang kapangyarihan. Lipunang tahimik at
walang pakialam sa I mga isyung dapat sana ay mabigyan ng agarang lunas upang maiwasan ang patuloy
na pagkaagnas nito. Lipunang hindi nag-iisip at walang ginagawa kundi ang magsunud-sunuran na
lamang. May mga ideolohiyang nakapanghihinayang na hindi naibahagi sa kapwa sapagkat minarapat na
sarilihin na lamang dahil itinuro 11g eskwelahan Ita huwag pumalag kung Itasasaktan... huwag lumaban
kung nilalapastangan.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Ang paniniil sa karapatang makapagpahayag sa panig ng mga magaaral ay hindi malayo sa


paniniil sa karapatan na nadarama ng ilang lahing manggagawa. Paniniil na ang pinagmulan ay inggit at
takot na mawalan ng kapangyarillan... paniniil na ang puno at dulo ay ang kawalan ng tiwala sa sariling
kakayahan kung kayat hinahanap ang kamalian ng iba upang mapunan : ang mga pansariling
pagkukulang... Hindi ko hinangad na magsilibing daan ang pitak na ito upang ako ay kamuhian at isumpa
ng mga taong inaasahang ako ay Iagi nilang kapanalig. Ang tanging hangad ko lamang ay ang idilat ng
bawat isa ang kani-kanilallg Inga Inata upang makita ang hinahanap na katotohanan. Hindi litasama ang
magtanong kung may nais kang malaman... hindi masama ang litag-ingay ktlltg Iltayroon kang nalalaman.
Nabubuhay ang karamihan sa takot na mawalan ng trabaho kapag nagsalita tulad ng lipunang natatakot
na makibaka dahil sa pangamba na isang araw ay magising na lamang silang isang basura. Ang tingin nila
sa pamahalaan ay Panginoon nagpaparusa sa mga makasalanan... Kasalanang ang hangad lamang naman
ay maipahayag kung ano ang kanilang mga sentimyento at saloobin.
Isang propagandang maituturing ang Proklamasyon 1017 upang sabihin na may bantang
panganib subalit ang katotohanang ito ay isang likhang isip na sila lamang ang may gawa. Itinuturing na
makakaliwa ang mga Satur Ocampo, Crispin Beltran, at Liza Masa ng ating lipunan. Itinuturing na rebelde
sapagkat matapang, kaaway sapagkat tapat at kriminal sapagkat nagmamahal sa mga kasamahan.

Hindi ko nais yurakan ang pamahalaan o saktan ang sinuman. Nais ko lamang na maging isang
Rizal sa panahong kasalukuyan na siyang gigising sa nahihimlay nating kamalayan.
Ang problemang malaki ay nasosolusyunan habang maliit pa ang apoy. Hindi maghihilom ang
sugat kung hindi gagamutin ang ugat nito. Simulan muna nating linisin ang ugat ng ating mga sugat upang
manatili tayong matatag sa gitna ng naghihikahos na bayan.
Isang panganib ang naghihintay... Kumilos tayo... puksain natin ang ating nakatatakot na ambisyon
at kasakiman sa ,kapangyarihan. Dito... maaaring ipagdalang-tao ang susunod na pinuno ng bansa... dito...
maaaring isilang ang panibagong lider ng sakim sa kapangyarihan... dito maaaring mag-ugat ang isang
taong mapanupil sa kalayaan. Hanggat nasa sinapupunan pa... Hanggat maliit ang sugat... Hanggat hindi
pa humahaba ang sungay... huwag nang hayaan pang isilang... huwag nang lalong paduguin ang
lumalaking sugat... Putulin na ang humahabang sungay... Gumising ka kaibigan... "Lingunin natin ang
kahapon, paghandaan ang ngayon para sa isang magandang bukas." Sa mga palad natin nakasalalay ang
pagbabagong matagal nang inaasam. Puksain ang Proklamasyon 1017.

Mga Gabay na Katanungan


1. Ano ang Proklamasyon 1017?

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

2. Ilarawan ang tatlong mukha ng Proklamasyon 1017 na tinalakay ng may akda sa seleksyong
binanggit.

3. lugnay ang paglalarawang ibinigay ng may-akda sa seleksyong binasa sa sariling pananaw sa


lipunang iyong ginagalawan.

4. Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa pagtalakay sa tatlong mukha ng tatlong mukha ng
Proklamasyon 1017?

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

5. Kung ikaw ang may-akda ng seleksyong binasa, paano mo ito bibigyan ng konklusyon?

Mga Sanggunian

Aklat na Sanggunian

Adaya,Jomar G.et al.( 2018) Filipino sa Iba`t Ibang Disiplina ( FILDIS ),Jimczyville Publications,Malabon
City.

Online Sources

https://www.academia.edu/35014892/
Pag_aaral_sa_Agham_Panlipunan_at_kasaysayan_may_kinalaman_sa_mga_isyu_sa_socio_cultural

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like