You are on page 1of 14

MALAY

TomoXIII
1995-1996

SIKOLomvANG FILIPINO, SIKOLOmvANG


REBOLUSVONARVO *

E. San Juan Jr.

Sinasamantala ko ang pagkakataong ito na idinulot ng


organisasyong Sikolohiyang Filipino upang maisapraktika ang isang
prinsipyong batayan ng bagong agham 0 siyensyang oposisyonal sa
"Western episteme": ang paggamit ng wikang Filipino.
Napakahalaga nito sa pagbuo ng isang kamalayan 0 sensibilidad na
habang nanunuri sa sariling kaisipan ay nanunuri't nagbabago rin sa
kapaligiran. Ang diyalektikal na pagkakaugnay ng tao at lipunan ay
naisasakatuparan sa simbolikong aksyon ng wikang naghahatid ng
mensahe ng kalayaan at pagbabagong-buhay. Samakatwid, ang wika
ay di lamang kagamitan sa pag-iisip kundi sandata rin sa pagpapalaya
ng sarili't kapwa mula sa itinakdang pangangailangan ng kalikasan
at kasaysayan. Ang wikang katutubo ay sandata para sa pagbabago
ng ating lipunan, ng mga materyal na kundisyong yumari at patu)oy
na humuhubog sa ating diwa at buhay bilang isang bayang napailalim
sa kapangyarihan ng Espanya at Hilagang Amerika.
Malaki na ang pagsulong na nagawa ng Sikolohiyang Filipino
buhat nang ilunsad ni Enriquez ang "indigenization" ng disiplinang
ito sa kanyang sanaysay na Filipino Psychology in the Third World
(1977). Nais kong banggitin dito ang isang base ng "indigenous
national psychology" na idiniin ni Enriquez bukod sa "native lan-
guages, culture, and orientation": ang sikolohiya ng pagbabagong-
isip.
Sa palagay ko, ang isang sikolohiya na may hangaring maging
"sikolohiyang Filipino" ay proyektong may oryentasyong historikal:
walang identidad ang indibidwal kung walang bansang magbibigay

*Lektyur sa Yale University. 25 Abril 1993


128 E. SAN JUAN JR

nito. Sa ganitong perspektibo, ang unang adhikain nito upang mailuwal


ang isang makabayang kamalayan ay ang paghahanap ng isang
paradigmang makalilinaw ng landas tungo sa paglikha ng isang
bansang tunay na nagsasarili. isang bansa-sambayanan na ang
mananaig ay ang egemonya ng nakararaming mamamayan.
Kung walallg balallgkas ng pansariling pagpapasya, kung hiram
sa dayuhang nagsasamantala ang mga kaisipang uugit sa ating
pagsisikap na umunlad, walang pasubaling hindi tayo makakaahon
sa kinasadlakang karalitaar. at manapa'y lalong malulubog sa
kaburakan ng walang pagsulong. Tulad ng uring manggagawang
tutubos sa kanilang pagkabusabos sa bisa na rin ng kanilang
pinagbuklod Ila lakas at katalilluhan, gayundill ang isang lahi na kung
hindi magsisikap purgahill allg ulo at kusang kumilos ayon sa teoryang
angkop sa realidad, ay hindi maisasakatuparan ang radikal Ila
transpormasyon hindi lamang ng mga institusyon kundi gayundin ng
kamalayan at praktika ng bawat mamamayan. Alam na natin ang
nangyari sa mga bansa sa Aprika at sa Latin Amerika na nagkaroon
nga ng pormal na independensya Ilgullit ang relasyong sosyal ay
walang pinag-iba 0 kaya 'y mas masahol pa sapagkat ang Ileokolanyal
na sitwasyon ay sadyang binihisan ng magayumang ilusyon ng
p"agsasari Ii.
Bago sa lahat, nais kong igiit na ang pagsasaayos ng kaisipan
ay hindi gawaing may prayoridad-ang pinakaimportante ay ang
"property relations" at paghahanay ng lakas sa lipunan. Ang
indibidwal ay may identidad lamang sa loob ng mga ugnayan sa
lipunan. Sa praktika, allg isip at aksyon ay magkatugma't may
diyalektikal na kalakaran. Sa katunayan, sanhi ng pwersa ng
ideolohiyang makauri, may dibisyon ang isip at kilos ng tao. Bagamat
sa karanasan nagmumula ang maraming bagong institusyon 0 haka-
haka, dapat tayong umiwas sa makitid na empirisismo, tala na sa
dahilang tayo'y nalalambungan ng komoditi-petisismo at ang di-
maiiwasang reipikasyon ng buhay sa kapitalistang lipunan.
Reipikasyon: ibig sabihin nito, ang relasyon ng mga tao ay nagiging
relasyon ng mga komoditi, kwarta, 0 mga bagay na nagkakarooll ng
sariling buhay na hiwalay sa tao.
Ang pilosopiyang sumasaklaw sa kabuuan ng buhay natin ay
di lubusang mahuhugot sa pang-araw-araw na karanasan, dahil nga
sa reipikasyon at ideolohiya ng kapital. Ito ay bunga ng isang
teoretikal na praktika, isang masusing pagsusuri ng mga idea, kritika
ng hipotesis at paraan upang maintindihan natin ang mga internal na

You might also like