You are on page 1of 9

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Bilang ng Modyul 9
Diskripyon ng Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba`t Ibang Larangan
Modyul
Bilang ng Oras APAT NA ORAS
Linggo 9
Petsa Nov.2-6,2020

Paksa:
1. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang
Pananaliksik.

Layunin:
1. Natutukoy ang mga Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat
sa Lipunang Pananaliksik.

2. Nakapagsusuri ng mahahalagang impormasyon at datos mula sa mga babasahing Filipino.


3. Nakagawa ng isang makabuluhang sariling teorya .

Introduksyon

Malaki ang papel na ginampanan ng midya sa buhay ng mga Pilipino at ng maraming tao saan man
panig ng mundo. Nagsisilbing daluyan ng komunikasyon na ang layunin ay magbigay ng
kaalaman,impormasyon,diskurso,libangan at marami pang iba

TALAKAYAN

NASYUNALISMO
Ito`y tumutukoy sa isang sistemang pampulitikal,panlipuan at pang-ekonomiya na inilalarawan ng
pagsusulong sa interes ng partikular na nasyon upang higit na makamtam ang layunin na makuha ang
mapanatili ang kanyang sariling soberanya o sariling pamahalaan.
Samakatwid, ang nasyunalismo ay naglalayong panatilihin ang kultura ng isang nasyon sa
pamamagitan ng pagmamalaki sa lahat ng natamo ng isang bansa, at may kaugnayan sa patriyotismo na
kinasasangkutan ng paniniwala na ang nasyon ay kailangang kontrolin ang gobyerno ng isang bansa at
ang mga pamamaraan ng produksyon (Nairn at James, 2005) at (James, 2006)

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Alinsunod sa kasaysayan, ang nasyunalismo ay isang modernong konsepto na nag-ugat mula pa


noong ikalabinwalong daantaon, ng idolohiya ng malapit na ugnayan ng tao sa kanyang pamilya, lokal na
kinauukulan, at sa lupang tinubuan (Kohn, 2018).
Sa perspektiba ng pulitika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang
pinagmulan at batayan ng nasyunalismo: primordialism (perrenialism); ethnosymbolism; modernism
(Smith, 2012).

Sinasabi ng primordialism(perennialism) na ang nasyunalismo ay isang likas na penomena na


kinahaharap ng bawat nasyon.

Ang ethnosymbolism ay isang paradigmang komplikado, nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan, at


ipinaliliwanag na ang nasyunalismo ay isang dinamiko, ebolusyonaryong penomena na kinasasangkutan
ng historikal na kahulugan, sa pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa kanyang
pambansang simbolo.

Ang pagtanggap sa pambansang pagkakakilanlan sa aspeto ng historikal na pag-unlad ay karaniwang


resulta ng pagtugon ng maimpluwensyang pangkat na di sang-ayon sa tradisyunal na pagkakakilanlan
dahil na rin sa hindi pagtugma ng nakatakdang antas panlipunan (defined social order) sa karanasan ng
mga kasapi nito, na nagreresulta ng isang sitwasyong pagkapoot na nais resolbahin ng mga mamamayan.
Ang karanasang ito ay nagbubunga ng isang lipunang binibigyan ng panibagong interpretasyon ang
kanilang pagkakakilanlan, pinananatili ang mga elemento o sangkap na katanggap-tanggap upang
makabuo ng isang lipunang nagkakaisa. Ang bungang ito ay maaaring resulta ng Inga usapin ng panloob
na istruktura o maaari rin naman ng pagtutol ng umiiral na pangkat sa ibang komunidad na nais silang
kontrolin.

Perspektiba ng Pulitika at Sosyolohiya

1. Primordialismo o Perennialism

Isang likas na penomena na kinakaharap ng bawat nasyun.

Hal.
Ethnic Conflict

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

2. Ethnosymbolism
Isang paradigmang komplikado,nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan at ipapaliwanag na ang
nasyunalismo ay isang dinamiko,ebolusyonaryong ponomena na kinasasangkutan ng histirikal na
kahulugan sa pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa kanyang pambansang simbolo.

3. Modernism
Ito`y nagmumungkahi na ang nasyunalismo ay dapat tingnan bilang pinakabagong penomenang
panlipunan na nangangailangan ng istrakturang sosyo-ekonomiko ng makabagaong lipunan.

Sosyo-ekonomiko
Isang karapatan ay ang pagkakaroon ng karapatan ng bawat tao na mabuhay at magkaroon ng
hanapbuhay upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Marxism
Isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri kung saan ay tinitingnan ang ugnayan ng klase ( class
relations) at tunggaliang panlipunan ( social conflict). ) gamit ang materyalistang interpretasyon ng
pagunlad ng kasaysayan (materialist interpretation of historical development) at ginagamitan din ng
diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social transformation. Ang Marxism ay nag-
ugat sa mga akda noong ikalabinsiyam na daantaon ng mga pilosopong German na Sina Karl Marx at
Friedrich Engels.

Ayon sa teoryang ito, ang tunggalian ng uri ay nagbuhat sa mga kapitalistang lipunan dahil sa mga
kontradiksyon sa pagitan ng materyal na interes ng siniil na proletariat--- o mga lahing manggagawa na
inalipin ng mga bourgeoisie upang lumikha ng mga pangangailangan at serbisyo---- at ng mga
bourgeoisie--mga makapangyarihan o mga nagmamay-ari ng produksyon at kumukuha ng kanilang
yaman sa pamamamagitan ng mga apropriyasyon o paglalaan ng mga kita (surplus product) buhat sa
mga proletariat.

Ang tunggalian ng uri na ito ay karaniwang ipinahahayag bilang pagaaklas ng pwersa ng manggagawa sa
lipunan (society's productive forces) laban sa ugnayan ng produksyon, bunga ng isang krisis sa isang
panahon habang ang mga bourgeoisie ay nakikipagbuno upang higit na patatagin ang kanilang
kapangyarihan laban sa mga manggagawang proletariat, kaugnay ng baryasyon ng antas ng kabatiran ng
mga uri o lahi. Ang krisis na ito ang pinagmulan ng rebolusyong proletarian at. sa bandang huli ay
nanguna sa pagtatatag ng sosyalismo--- isang sistemang sosyo-ekonomiko batay sa Pagmamay-aring
paniipunan (social ownership) ng pamamaraan ng produksyon, distribusyon batay sa kontribusyon ng
bawå t isa, at produksyong direktang inayos para magamit. Habang ang pwersa ng produksyon ay patuloy
na umuunlad, lipunan•, walang uri, walang estado, makataong lipunan batay sa pagmamay-ari sa ilalim
ng prinsipyo: "Mula sa bawat isa batay sa kanyang abilida•d, para sa bawat isa batay sa kanyang mga

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

pangangailangan"

Teorya ng Dependensya
Ito ang yaman ng estado ay nagmula sa silid ng mahihirap na ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghihirap
ng isa. Ang puso ng argumento ng teoryang ito ang paniniwala na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan
samantalang ang mayayaman naman ay pinagkalooban sa pamamagitan ng pagasasama-sama sa
mahihirap sa pamamalakad ng mundo,

Pantayong Pananaw
Mainam na himayin ang pinag-ugatan ng kombinasyon ng mga salitang bumubuo sa konsepto ng
pantayong panana(t' upang maiangkop ang teoryang ito sa isang espisipiko o tiyak na pag-aaral. Ang
salitang "pantayo" ay binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na "tayo" at unlaping "pan"
na ang konsepto ng "pangkami" na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na "kami" at
unlaping "pang" na ang kagyat na kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi kasama ang nakikinig nitO. Sa
kabilang dakO, ang kabiyak na salita ay tumutukoy sa perspektiba o anggulo.
Ayon kay Zeus (1997), Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa pagkaugnay-ugnay ng mga
katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang
kabuuang pangkalinangan--— kabuuang nababalot at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika.

Pantayong Pananaw
1. Pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian
2. Halagahin
3. Kaalaman
4. Karunungan
5. Hangarin
6. Kaugalian
7. Pag-aasal at Karanasan

Sikolohiyang Pilipino/Sikolohiya o Dalubisipan


Ito`y pag-aaral ng isip,diwa at asal.
Hal.Pag-aaral ng kamalayan ng tao at tungkulin na nakakaapekto sa kilos.
Ayon kay Enriquez,ang sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
etnisidad,lipunan at kultura ng tao.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino

1.Sikolohiya ng Pilipinas
Ito ay kinasasangkutan ng lahat ng mga sanggunian katulad ng mga pag-aaral,libro at sikolohiyang
makikita sa Pilipinas,ito man ay banyaga o maka-Pilipino

Mga Gawain

Pagsusuri

Sagutin ang mga bagay na katanungan matapos basahin ang buong seleksyon.

Tatlong Mukha ng proklamasyon 1017


Ni: Mario H. Maranan
"Ibon mang litay layang lumipad, kulungin 1110 at umiiyak.
Bayan pa kayang sakdal dilag ang di magnasang makaalpas."

Tulad ng mga ibong malayang ikinakampay ang kanilang mga bagwis, nais ko ring maging Malaya.
Gagamitin ko sa pagkakataong ito ang wikang pinagkakakilanlan ng ating lahi upang maipahayag ang
aking diwa at saloobin hinggil sa patuloy na pagsiil sa ating kalayaang makapagpahayag... sa pagpatay sa
diwa ng demokrasya.
Sa patuloy na pagtaas ng bahagdan ng mga taong nawawalan ng pag-asa... pagtaas ng bilang ng
krimen... pagbagsak ng ekonomiya... sa pagkukubli ng totoong mukha ng kahirapan at kalapastanganang
pantao, nag-ugat at isinilang ang Proklamasyon 1017. Diumano'y pananggalang ng gobyerno sa banta ng
pang-aagaw ng kapangyarihan at tangkang pagpapabagsak ng pamahalaan totoong motibo ng kautusang
ito, subalit makikitang ang nilalaman nito ay mapanlinlang. Diumano'y seguridad ng nakararami ang
binabantayan subalit dama nating sa kapakanan lamang ito ng iilan.
Hindi ko nais na pagtuunan ng pansin ang isang usaping mahirap bigyan ng lunas sapagkat sa
labas lamang natin nakikita. suriin natin ang uod ng sugat upang dumating ang panahon na tuluyan nang
maghilom ang lahat ng hapdi nito.
` Matagal nang naghahari ang Proklá masyon 1017 sa pinakamaliit na yunit ng alinmang
institusyong pang-akadçmiko subalit maraming saksi at biktima ang nagmistulang pipi at bingi sa
paglalahad ng katotohanan. Sa apat na sulok ng silid ng bawat klase, makikita ang realidad na ang
dalubguro ang batas at walang : sinumang maaaring sumuway sa kanyang kautusan. Allg pagtatanong ng

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Iliga Iltag-aaral ay itinuturing na gawa ng kaaway at ang pagbibigay ng opinyon ay isang gawaing
slibersibo. Ito ay nagbunga at patuloy na nanganganak ng isang lipunang animo ay bangkay na
pinaglalamayan ng mga mapang-abuso at sakim sa pansamantalang kapangyarihan. Lipunang tahimik at
walang pakialam sa I mga isyung dapat sana ay mabigyan ng agarang lunas upang maiwasan ang patuloy
na pagkaagnas nito. Lipunang hindi nag-iisip at walang ginagawa kundi ang magsunud-sunuran na
lamang. May mga ideolohiyang nakapanghihinayang na hindi naibahagi sa kapwa sapagkat minarapat na
sarilihin na lamang dahil itinuro 11g eskwelahan Ita huwag pumalag kung Itasasaktan... huwag lumaban
kung nilalapastangan.
Ang paniniil sa karapatang makapagpahayag sa panig ng mga magaaral ay hindi malayo sa
paniniil sa karapatan na nadarama ng ilang lahing manggagawa. Paniniil na ang pinagmulan ay inggit at
takot na mawalan ng kapangyarillan... paniniil na ang puno at dulo ay ang kawalan ng tiwala sa sariling
kakayahan kung kayat hinahanap ang kamalian ng iba upang mapunan : ang mga pansariling
pagkukulang... Hindi ko hinangad na magsilibing daan ang pitak na ito upang ako ay kamuhian at isumpa
ng mga taong inaasahang ako ay Iagi nilang kapanalig. Ang tanging hangad ko lamang ay ang idilat ng
bawat isa ang kani-kanilallg Inga Inata upang makita ang hinahanap na katotohanan. Hindi litasama ang
magtanong kung may nais kang malaman... hindi masama ang litag-ingay ktlltg Iltayroon kang nalalaman.
Nabubuhay ang karamihan sa takot na mawalan ng trabaho kapag nagsalita tulad ng lipunang natatakot
na makibaka dahil sa pangamba na isang araw ay magising na lamang silang isang basura. Ang tingin nila
sa pamahalaan ay Panginoon nagpaparusa sa mga makasalanan... Kasalanang ang hangad lamang naman
ay maipahayag kung ano ang kanilang mga sentimyento at saloobin.
Isang propagandang maituturing ang Proklamasyon 1017 upang sabihin na may bantang
panganib subalit ang katotohanang ito ay isang likhang isip na sila lamang ang may gawa. Itinuturing na
makakaliwa ang mga Satur Ocampo, Crispin Beltran, at Liza Masa ng ating lipunan. Itinuturing na rebelde
sapagkat matapang, kaaway sapagkat tapat at kriminal sapagkat nagmamahal sa mga kasamahan.

Hindi ko nais yurakan ang pamahalaan o saktan ang sinuman. Nais ko lamang na maging isang
Rizal sa panahong kasalukuyan na siyang gigising sa nahihimlay nating kamalayan.
Ang problemang malaki ay nasosolusyunan habang maliit pa ang apoy. Hindi maghihilom ang
sugat kung hindi gagamutin ang ugat nito. Simulan muna nating linisin ang ugat ng ating mga sugat upang
manatili tayong matatag sa gitna ng naghihikahos na bayan.
Isang panganib ang naghihintay... Kumilos tayo... puksain natin ang ating nakatatakot na ambisyon
at kasakiman sa ,kapangyarihan. Dito... maaaring ipagdalang-tao ang susunod na pinuno ng bansa... dito...
maaaring isilang ang panibagong lider ng sakim sa kapangyarihan... dito maaaring mag-ugat ang isang
taong mapanupil sa kalayaan. Hanggat nasa sinapupunan pa... Hanggat maliit ang sugat... Hanggat hindi
pa humahaba ang sungay... huwag nang hayaan pang isilang... huwag nang lalong paduguin ang
lumalaking sugat... Putulin na ang humahabang sungay... Gumising ka kaibigan... "Lingunin natin ang
kahapon, paghandaan ang ngayon para sa isang magandang bukas." Sa mga palad natin nakasalalay ang
pagbabagong matagal nang inaasam. Puksain ang Proklamasyon 1017.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Mga Gabay na Katanungan


1. Ano ang Proklamasyon 1017?

2. Ilarawan ang tatlong mukha ng Proklamasyon 1017 na tinalakay ng may akda sa seleksyong
binanggit.

3. lugnay ang paglalarawang ibinigay ng may-akda sa seleksyong binasa sa sariling pananaw sa


lipunang iyong ginagalawan.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

4. Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa pagtalakay sa tatlong mukha ng tatlong mukha ng
Proklamasyon 1017?

5. Kung ikaw ang may-akda ng seleksyong binasa, paano mo ito bibigyan ng konklusyon?

Mga Sanggunian

Aklat na Sanggunian

Adaya,Jomar G.et al.( 2018) Filipino sa Iba`t Ibang Disiplina ( FILDIS ),Jimczyville Publications,Malabon
City.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Online Sources

https://www.academia.edu/35014892/
Pag_aaral_sa_Agham_Panlipunan_at_kasaysayan_may_kinalaman_sa_mga_isyu_sa_socio_cultural

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like